Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ANG ASO AT ANG LOBO Matalik na magkaibigan sina aso at Lobo.

Ngunit, nasira ang lahat ng ito dahil sa ginawa ni Lobo. Ninakaw niya ang mga pagkain ni Aso. At dahil doon nagalit si Aso sakanya at kinamumuhian na siya nito. Isang gabi, naghahanap ng pagkain si Lobo sapagkat gutom na gutom na ito. Sa kanyang paghahanap sa isang madilim at mapanganib na gubat ay nakakakita siya ng isang puno na hitik sa bunga. Dali-dali niya itong inakyat upang makakuha ng mga bunga. Nang nakarating siya sa pinakadulo ng puno, pumitas siya ng napakaraming prutas na halos lahat ay pitasin niya na. Dahan-dahang bumaba ang lobo, ngunit nasangit ang kanyang buntot na siyang naging hadlang sa kanyang pagbaba. Hindi niya maalis ang kanyang buntot kaya, kayat napilitan siyang tapunin nalamang ang kanyang mga napitas na bunga. Nakalipas na ang isang oras, ngunit hindi parin nakakababa ang Lobo. Saklolo! Tulong! Tulong ang sigaw ng nagmamakaawa na lobo. Nakita siya ng kanyang mga kaibigan na kapwa Lobo ngunit hindi siya tinulungan ng mga ito. Ngunit ng narinig ito ni Aso, dali-dali niya itong pinuntahan. Nakita niya na nahihirapan na ang kanyang dating kaibigan at naawa siya dito. Tinulungan niya ito sa pagbaba sa puno. Nang makababa ang Lobo at Aso, ay nalaman niyang si Aso pala ang tumulong sakanya. Nagpasalamat naman ito at nangakong di niya na uulitin ang ginawa niya kay Aso at simula ngayon ay mamimigay na raw ito at hindi na magiging madamot. Pinatawad naman ito ni Aso, dahil ay mukhang pinagsisihan naman nito ang ginawa niya kay Aso. Kayat muling nanumbalik ang pagkakaibigan ng dalawa, si Aso at si Lobo.
Kaya ang ral ng kwento ay; Ang iyong tunay na kaibigan lang ang hadlang tumulong saiyo sa oras ng problema.

You might also like