Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Proposal

I. Pamagat:
Karaniwang Bisyo ng mga Mag-aaral ng NPCST, taong aral 2009 2010 : Isang Pagsusuri

II.

Layunin:
a. Estudyante / Mag-aaral Upang ipagbigay alam sa mga mag-aaral na hindi magdudulot ng kainaman ang pagkahilig sa ibat ibang bisyo, sapagkat itoy di nakakatulong sa ating pag-aaral at lihim itong sumisira sa sistema ng ating pangangatawan.

b. Magulang Upang ipagbigay alam sa mga magulang ang mga bisyong maaaring ginigawa ng kanilang mga anak ng sa gayon masubaybayan nila ang kanilang mga anak upang ilayo sa bagay na ito.

c. Lipunan Upang ipagbigay alam sa Lipunan ang masasamang bagay na nagiging bunga ng pagkalulong sa Bisyo ng mga kabataan ngayon.

III.

Haypotesis:
Hindi makakatulong sa mga mag-aaral ang mga karaniwang kinahihiligang bisyo sapagkat itoy nakasisira ng kanilang katawan gayundin ng kanilang pagaaral at sa pagkalulong ditoy buhay ang winawasak.

IV.

Metodo:
Sarbey Pananaliksik

V.

Suliranin sa Pagsusuri:
a. Ano ba ang bisyo? b. Ano ba ang karaniwang bisyo ng mga mag-aaral sa NPCST? c. Bakit ang ibang kabataan ngayon ay mas nahihilig sa bisyo? d. Ano-ano ang positibo at negatibong naidudulot ng bisyo sa: Mag-aaral Magulang Lipunan

e. Ano-ano ang maaaring maidulot ng bisyo sa ating: Kalusugan Kalikasan Pag-aaral

Kabanata I
I. Panimula:

Hindi na lingid sa ating kaalaman na madami na ngayong mga kabataan ang nalululong sa mga bisyo. Nakakatawa nga at sa loob ng gate ng mga Unibersidad dito sa Pilipinas, may mga nakalagay na bawal manigarilyo ngunit paglabas na paglabas ng gate ay makikita mo ang mga kabataan na nakapila sa labas. At ano ang ginagawa nila? Inuubos ang pera para sa usok na nilalanghap-langhap nila. samahangwalangbisyo.blogspot.com Noong 2003, nilagdaan ni President Arroyo ang Republic Act 9121 na nagbabawal sa pagbebenta ng sigarilyo sa mga menor-de-edad. Ayon sa batas, bawal magtinda ang anumang establishments, sari-sari stores at maski mga vendor ng kanilang sigarilyo sa mga kabataan o estudyante. Ayon sa RA 9121, ang sinumang mahuhuli at mapapatunayang lumabag sa pagbebenta ng sigarilyo ay makukulong ng 30 araw at pagmumultahin ng P5,000. Bukod sa pagkakabilanggo at pagmumulta, kakanselahin din ang business permit. www.philstar.com

Sa pangkasalukuyang panahon laganap na at wariy tanggap na ang pagkakaroon ng bisyo sa ating lipunan. Ngunit kung ating titingnan pabata ng pabata ang mga indibidwal na nalululong sa mga bagay na ito. Sa atin paaralan na lamang, hindi lingid sa atin ang mga gawaing gaya nito. Sa kadahilanang ito, kamiy nag-sagawa ng isang pagsusuring may paksang Karaniwang Bisyo ng mga Mag-aaral ng NPCST, taong aral 2009 2010upang tukuyin ang mga bisyong kinawiwilihan ng ating mga mag-aaral na kung saan nakadudulot ng hindi magandang epekto hindi lamang sa kanilang mga sarili kundi gayon din kani-kanilang pamilya, kanilang mga nakakasalamuha at sa lipunan.

II. Haypotesis: Hindi makakatulong sa mga mag-aaral ang mga karaniwang kinahihiligang bisyo sapagkat itoy nakasisira ng kanilang katawan gayundin ng kanilang pag-aaral at sa pagkalulong ditoy buhay ang winawasak.

III. Balangkas Konseptwal: Ang sumusunod na tsart ay nagpapaliwanag ng epekto ng Bisyo sa ating lipunan.

BISYO
(Alak, Sigarilyo, Drugs,DOTA)

NAKATATANDA

KABATAAN (NPCST)

MUSMOS

Masamang epekto: Pagkasira ng pag-aaral Pagkasira ng pangangatawan at pagiisip Pagkasira ng kinabukasan Dagdag polusyon Nagbubukas ng pinto sa pag-gamit ng ipinagbabawal na gamot

Rekomendasyon: Disiplina sa sarili Tamang paggabay at pagsubaybay ng mga magulang. Tamang pagdedesisyon at pagiging responsable sa sarili bilang indibidwal na nilikhang wangis ng Diyos. Iwasan ang mga bagay

Makikita sa tsart na ito ang epekto ng Bisyo sa bawat indibidwal sa lipunan. Makikitang hindi lamang mga nakatatanda ang nalululong sa bisyo gayon na din ang mga kabataan at maging ang mga musmos.

IV. Paglalahad ng Suliranin a. Ano ba ang bisyo? b. Ano ba ang karaniwang bisyo ng mga mag-aaral sa NPCST? c. Bakit ang ibang kabataan ngayon ay mas nahihilig sa bisyo? d. Ano-ano ang positibo at negatibong naidudulot ng bisyo sa: 1. Mag-aaral 2. Magulang 3. Lipunan e. Ano-ano ang maaaring maidulot ng bisyo sa ating: 1. Kalusugan 2. Kalikasan 3. Pag-aaral V. Kahalagahan ng Pag-aaral a. Ang paksang itoy makakatulong sa atin bilang bahagi ng ating lipunan sa pamamagitan ng masuring pagtingin sa ating mga sarili kung ano nga ba ang nagagawa ng bisyo sa atin, kung bakit tayoy sumusubok nito gayong wala naman itong mabuting maibubunga sa atin. Dagdag pa rito kamiy nagnanasa na buksan ang kaisipan ng ating mga mahal na kamag-aral na maging mabuting katiwala sa katawang ipinagkaloob sa atin ng Maykapal. Ika nga ng isang kasabihan Hindi lahat ng makinang ay maganda. Ang pagsusuring ito ay may paghihikayat sa ating mga kamag-aral sa NPCST na maging responsable sa kanilang kalusugan, kinabukasan at kanilang kapwa. VI. Saklaw at Limitasyon a. Ang kabilang sa aming pagsusuri ay mga mag-aaral lamang ng National Polytechnic College of Science and Technology, taong-aral 2009 2010. b. Ang aming paksa ay tatalakay lamang sa mga karaniwang bisyo ng mga mag-aaral. c. Hindi kabilang sa pagsusuri aming mga Staff, Faculty, at Board of Directors ng paaralan. VII. Katuturan ng mga salitang Ginamit a. NPCST National Polytechnic College of Science and Technology

Kabanata II
I. LokaL na Pag-aaral

Mga estudyanteng nagyoyosi ay parami nang parami


(Pilipino Star Ngayon) Updated June 07, 2008 12:00 AM

NAKAPANGANGAMBA ang report na apat na milyong estudyante (may edad 18 pababa) ang naninigarilyo. At lalong nakapangangambang malaman na dalawang milyong kabataan ang second hand smokers dahil naka-exposed sila sa masamang bisyo ng paninigarilyo. Walang kalaban-laban ang mga kabataang ito sa bisyong yosi. Unti-unti silang pinapatay. Sabi ng Department of Health, mas maraming kabataang lalaki ang smokers kaysa mga kababaihan. Tinatayang nasa 2.8 million ang lalaking smokers samantalang nasa 1.8 million naman ang mga kababaihan. Ayon pa sa DOH, napaka-mapanganib ng bis yong paninigarilyo lalo pa ang second hand smoke. Ang pagkakalanghap ng ibinubugang usok ng smokers ay magdudulot ng mga sakit kagaya ng sakit sa baga at respiratory system. May moral obligation daw ang mga magulang para masubaybayan ang mga anak at mailayo sa masamang bisyong ito. Hindi biro ang maging sugapa sa sigarilyo sapagkat mahirap nang makakawala o makabitaw sa bisyong ito. Noong 2003, nilagdaan ni President Arroyo ang Republic Act 9121 na nagbabawal sa pagbebenta ng sigarilyo sa mga menor-de-edad. Ayon sa batas, bawal magtinda ang anumang establishments, sari-sari stores at maski mga vendor ng kanilang sigarilyo sa mga kabataan o estudyante. Ayon sa RA 9121, ang sinumang mahuhuli at mapapatunayang lumabag sa pagbebenta ng sigarilyo ay makukulong ng 30 araw at pagmumultahin ng P5,000. Bukod sa pagkakabilanggo at pagmumulta, kakanselahin din ang business permit.

Editoryal www.philstar.com

You might also like