RC Notes

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

KABANATA 11 HONGKONG AT MACAO A. Biyahe Patungo sa Hongkong 1.

Peberero 3, 1888 - sumakay si rizal ng barkong Zafiro patungo ng Hongkong at nakarating sa Amoy, China noong Pebrero 7,1888. 2. Hndi lumabas si Rizal ng Amoy bunga ng tatlong dahilan: a. hindi mabuti ang kanyang pakiramdam b. umuulan noon ng malakas c. narinig niya na ang lunsod ay marumi. 1. Victoria Hotel - dito nanuluyan si Rizal sa pagdating sa Hongkong 2. Jose Sainz de Varanda - isang opisyal na Espanyol na sumusubaybay o nagmamanman kay Rizal sa Hongkong. 3. Nakatagpo ni Rizal sa Hongkong ang mga Pilipinong takas mula sa Marianas na hinuli ng mga Espanyol noong 1872. 4. Nakatagpo ni Rizal sa Hongkong si Jose Basa isang abogadong tumakas sa Marianas aat biktima ng terorismo ng Espanya ng 1872. A. Pagbisita sa Macao 1. Kiu Kiang - ang barkong sinakyan ni Rizal at Basa patungo sa Macao noong Pebrero 18, 1888 at nakita niya dito si Jose Sainz de Varanda na sumusunod sa kanya. 2. Don Juan Francisco Lecaros - Pilipino na nakapag-asawa ng Portugess at sa kanyang bahay si Rizal ay nanuluyan habang sila ay nasa Macao. A. Karanasan sa Hongkong 1. Naobserbahan ni Rizal ang mga sumusunod sa Hongkong; a. Maingay na pagdiriwang ng Bagong Taon ng Pebrero 11- 13, 1888. b. Ang kaibahan ng tanghalan ng mga Tsino at paraan ng pagganap at paglalarawan ng mg galaw ng mga tauhan. c. Ang masaganang piging kung saan ang mga panauhin ay inaanihan ng labis na pagkain. d. Ang mga Dominikano ang pinakamayamang ordeng pangrelihiyon sa Hongkong dahilan sa pag-aari ng maraming mga bahay paupahan, at malaking halagang salapi na nakadeposito sa mga bangko na tumutubo ng malaking interes. A. Paglisan sa Hongkong 1. Pebrero 22, 1888 - nilisan ni Rizal ang

Hongkong sakay ng barkong Oceanic na pag-aari ng mga Amerikano at kanyang patutunguhan ay ang bansang Hapon. KABANATA 12 SI RIZAL SA HAPON A. Ang Pagdating sa Hapon 1. Pebrero 28, 1888 - duamting si Rizal sa Yokohama at tumigil sa Grand Hotel. 2. Mula sa Yokohama nagtungo si Rizal sa Tokyo na siyang punong lunsod ng nasabing bansa. A. Si Rizal sa Tokyo 1. Juan Perez Caballero - opisyal ng Espanya sa Tokyo na bumisita kaay Rizal sa hotel at inanyayahan si Rizal na manirahan sa gusali ng legasyon. 2. Tumira si Rizal sa legasyon ng Espanya sa tokyo dahilan sa mga sumusunod: a. Makatitipid siya ng malaki kung sa legasyon maninirahan b. Wala naman siyang itinatago sa mga Espanyol 1. Sa kaniyang paninirahan sa legasyon ay naging matalik niyang kaibigan si Juan Perez Caballero at kanyang sinabi na ang diplomat ay isang bata, matalino, at mahusay na manunulat. 2. Sa unang araw ni Rizal sa Tokyo ay napahiya si Rizal sa dahilan na napagkamalan na isang Hapon na hindi marunong magsalita ng nihongo. 3. Napilitan si Rizal na mag-aral ng wikang nihongo at natutunan niya ito sa loob ng ilang araw lamang. 4. Pinag-aralan din ni Rizal ang kabuki, sining, musika, at jujitsu. 5. Nakatagpo ni Rizal sa Tokyo ang mga musikerong Pilipino. A. Ang Impresyon ni Rizal sa bansang Hapon 1. Ang impresyon ni Rizal sa bansang Hapon a. Ang kagandahan ng bansa b. Kalinisan, pagiging magalang, at kasipagan ng mga Hapon c. Magandang kasuutan at kasimplehan ng mga Haponesa d. Kakaunti ang magnanakaw sa Tokyo e. Halos walang pulubing makikita sa lansangan A. Si O-Sei-San 1. Seiko Usui - ang babaing inibig ni Rizal noong siya ay nasa bansang Hapon at mas kilala siya sa katawagang ibinigay ni Rizal na O-Sei-San.

2. Nakita ni Rizal si O-Sei-San sa labas ng legasyon ng Espanya sa Tokyo na kung saan malapit ang tinitirhan ni O-Sei-San. 3. Inabangan ni Rizal sa kanyang pagdaan sa harapan ng legasyon at siya ay ipinakilala ng hardinero ng legasyon kay O-Sei-San na isang manggagamot na mula sa Maynila at panauhin ng legasyon. Sumagot si O-Sei-San sa salitang Pranses at Ingles. 4. Buhat noon ay araw-araw nagkakatagpo si Rizal at O-Sei-San at nakasama ni Rizal sa pamamasyal sa mga magagandang lugar ng lunsod ng Tokyo. 5. Napamahal si Rizal kay O-Sei-San dahilan ang una ay bigo kay Leonor Rivera at biktima ng kawalan ng katarungan. 6. Si O-Sei-San ay anak ng isang samurai 23 at walang karanasan sa pag-ibig. Ang magkatulad nilang interes sa sining ang nagbigay daan sa kanilang pag-ibig. 7. Nakita ni Rizal kay O-Sei-Sanang kaniyang ideal na babaing iibigin. Si O-Sei-San ay maganda, mapanghalina, mahinhin at matalino. 8. Naibigan ni O-Sei-San si Rizal dahilan sa maginoo, magalang at pagkakaroon ng maraming kaalaman. 9. Tinulungan ni O-Sei-San si Rizal sa maraming paraan ng higit sa isang katipan. Si O-Sei-San ay nagsilbing kasama ni Rizal sa pamamasyal, interpreter at tagapagturo. 10. Ang kagandahan ni O-Sei-San ay halos bumihag kay Rizal na manirahan sa Hapon at tanggapin ang magandang hanapbuhay na inaalok ng legasyon ng Espanya sa Tokyo. 11. Pinili ni Rizal ang paglilingkod sa bayan kaysa sa pakasalan si O-Sei-San . 12. Naging tapat si O-Sei-San kay Jose Rizal nagasawa lamang ito noong 1897 pagkatapos na bitayin si Rizal. Napangasawa ni O -Sei-San si Alfred Charlton na isang Ingles na isang guro ng kemistriya sa Tokyo. A. Pag-alis sa Hapon 1. Abril 13, 1888 - petsa ng umalis si Rizal sa Yokohama patungo ng Amerika sakay ng barkong Belgic. 2. Sa kanyang paglalakbay sa Pasipiko ay nakatagpo ni Rizal sa barko ang mag-asawang Reinaldo Turner at Emma Jacson. Itinanong ng kanilang anak kung kilala niya si Richal na sumulat ng Noli Me Tangere . Sinabi niya sa mga bata na siya si Rizal. 3. Techo Suhiro - isang Hapon na nakasabay ni Rizal sa barko. Siya ay mamamahayag, nobelista,

at tagapagtanggol ng karapatang pantao sa Hapon. a. Magkatulad si rizal at Techo sa dahilan sa silang dalawa ay pinaalis sa kanilang mga bansa ng isang mapagmalupit na pamahalaan.

10. Mula sa New York si Rizal ay sumakay ng barkong City of Rome na nagdala sa kanya patungo ng London. 11. Mga Impresyon ni Rizal sa Amerika Mabuting Impresyon

2. Pansamantalang nanirahan si Rizal sa bahay ni Antonio Ma. Regidor na isang takas na Pilipino sa Marianas noong 1872 at nagtatrabaho bilang abogado sa London. 3. Nakahanap ng isang bahay na matitirahan si Rizal sa London at may address na 37 Chalcot Crescent, Primrose Hill. 4. Ang may-ari ng nasabing bahay paupahan ay ang pamilyang Beckett na isang organista ng Katedral ng St. Paul. 5. Ang bahay ng mga Beckett ay nasa magandang lokasyon, malapit sa British Museum. 6. British Museum - ang pambansang aklatan ng England na nagtataglay ng napakarami at mga dikaraniwang mga aklat. Dito ginugol ni Rizal ang kanyang maraming araw sa London sa pamamagitan ng pagsasaliksik sa nabanggit na aklatan. A. Mga Balita sa Mula sa Pilipinas 1. Masamang Balita a. pag-uusig sa mga makabayang Pilipino na lumagda sa Manipestong laban sa mga Prayle na iniharap ni Doroteo Cortes. Ang manipesto ay nilagdaan ng 800 na Pilipino at isinulat ni Marcelo H. del Pilar na humihiling sa pagpapaalis ng mga prayle sa Pilipinas. b. pag-uusig laban sa mga kasama sa lupa sa Calamba, kabilang dito ang pamilya ni Rizal dahilan sa kanilang ginawang petisyon para sa repormang agraryo. c. Malubhang paninira nina Senador Salamanca at Vida sa Cortes ng Espanya laban sa Noli Me Tangere , gayundin ng mga manunulat na sina Wenceslao Retana at Pablo Feced sa mga pahayagang Espanyol. d. Ang bayaw ni Rizal na si Manuel Hidalgo ay ipinatapon ni Gobernador Weyler ng walang anumang ginanap na paglilitis. e. Dinakip ng mga Espanyol si Laureano Viado na kaibigan ni Rizal sa Maynila dahilan sa nahulihan ng mga Espanyol ng sipi ng Noli Me Tangere sa kanyang bahay. 1. Magandang Balita a. abalitaan ni Rizal ang ginawang pagtatanggol ni Padre Vicente Garcia sa nobelang Noli Me Tangere laban sa pagbabatikos ng mga prayle. A. Ang Anotasyon ng Sucesos ni Morga 1. Sucesos de las Islas Filipinas - isang aklat na sinulat ni Morga noong 1609 ukol sa mga kaganapan sa Pilipinas.

b. Kapwa sila mga lalaki ng kapayapaan na gumamit ng lakas ng panulat sa pagtuligsa sa kabuktutan na nagaganap sa kanilang bansa. c. Nagtungo sila sa ibang bansa upang doon ipagpatuloy ang kanilang pakikipaglaban para sa karapatan ng kanilang mga kababayan. d. Kapwa sila mayroong misyon na palayain ang kanilang bansa sa mga mapaniil na pinuno ng pamahalaan. KABANATA 13 SI RIZAL SA ESTADOS UNIDOS A. Ang Paglalakbay sa Amerika 1. Abril 28, 1888 - dumating ang barkong Belgic sa daungan ng lunsod ng San Francisco. 2. Hindi pinayagan ang mga pasahero na makababa ng barko at sila ay kinuwarentenas dahilan sa takot ng mga Amerikano na ang mga ito ay mayroong sakit na kolera. 3. Nabigla si Rizal sa dahilang noong panahong iyon ay walang epidemya ng kolera sa Malayong Silangan at ang konsul ng Estados Unidos sa Hapon ay nagbigay ng patunay na walang epidemya ng nasabing sakit sa Hapon. 4. Nalaman ni Rizal na ang dahilan ng kuwarentenas ay upang hind makapasok agad ang mga manggagawang Tsino sa Estados Unidos na ayaw ng mga Amerikanong manggagawa. Pag pumasok ang mga manggagawang Tsino ay matatalo ang nakaupong presidente ng Amerika sa nalalapit na eleksiyon. 5. Kahit na may kuwarentenas ay pinayagan ng mga Amerikano na makapasok ang 700 bales ng sutla na mula sa Tsina na hindi man lamang pinapausukan ng gamot. 6. Nakaalis si Rizal at mga biyahero mula sa primara klaseng kabina mula sa kuwarentenas pagkatapos ng isang linggo. Ang mga Hapon at Tsino ay ikinulong pa ng mas mahabang panahon. 7. Tumuloy si Rizal sa Palace Hotel sa kanyang panahon ng pananatili sa San Francisco. 8. Mula sa San Francisco ay tinawid ni Rizal ang kalawakan ng Estados Unidos hanggang sa lunsod ng New York. 9. Narating ni Rizal ang New York noong Mayo 3, 1888 at kaniyang sinabi na ang lunsod ay isang napakalaking bayan.

a. ang kaunlaran ng Estados Unidos ay makikita sa kanyang malalaking lunsod, malawak ang bukid, at lumalagong mga industriya at abalang mga pabrika. b. Ang pagiging masigasig ng mga mamamayang Amerikano. c. Ang likas na kagandahan ng bansa. d. Ang mataas na antas na pamumuhay ng tao. e. Ang magandang pagkakataon para sa mga dayuhang manggagawa. Masamang Impresyon a. Ang kawalan ng pagkakapantay ng mga lahi. Ang Amerika ay isang magandang bayan para sa mga puti at hindi sa mga taong may kulay ang balat. KABANATA 14 SI RIZAL SA LONDON A. Mga Dahilan ng Pagtira sa London 1. Mapahusay ang kanyang kaalaman sa wikang Ingles 2. Pag-aralan at iwasto ang aklat na Sucesos de las Islas Filipinas na isinulat ni Morga. 3. Ligtas ang London sa kanyang pakikipaglaban sa kalupitan ng mga dayuhan sa Pilipinas. A. Pagtawid sa Atlantiko 1. Sakay ng barkong City of Rome si Rizal ang nagsilbing interpreter ng mga pasahero bunga ng kanyang kaalaman sa maraming wika. 2. Pianahanga ni Rizal ang kanyang mga kapwa pasahero sa kahusayan niya sa paglalaro ng yoyo. 3. Nakipagtalakayan sa mga mamamahayag na Amerikano ukol sa suliranin ng sangkatauhan. napansin ni Rizal ang kahinaan ng mga ito sa kaalaman sa geopolitics. 4. Dumating si Rizal sa Liverpool, England noong Mayo 24, 1888 at nagpalipas ng gabi sa Hotel Adelphi. A. Ang Buhay ni Rizal sa London 1. Dumating si Rizal sa London ng Mayo 25, 1888.

2. Binasa din ni Rizal ang mga aklat na sinulat nina Chirino, Colin, Argensola, at Plasencia ukol sa mga dating kaugalian ng mga Pilipino sa unang bahagi ng pananakop ng mga Espanyol sa bansa. 3. Sa kanyang sulat ay sinabi niyang mahusay ang aklat ni Morga dahilan sa wala siyang kababawan at kayabangan na tulad ng sa mga prayle, simple ngunit ang kanyang mensahe aynasa pagitan ng bawat hanay ng mga salita. 4. Sa loob ng sampung buwan ay naging abala si Rizal sa kanyang pagsasaliksik pangkasaysayan sa London. 5. Dahilan sa labis na kaabalahan ay kanyang tinanggihan si Mariano Ponce sa alok nito na maging patnugot ng isangh pahayagan na sasagot sa mga paninira ng mga Espanyol laban sa mga Pilipino. 6. Habang naninirahan sa London, si Rizal ay gumawa ng saglit na pagbisita sa Paris upang basahin ang ilang mga babasahing materyal sa Bibliotheque Nationale o pambansang aklatan ng Pransiya. 7. Binisita din panandali ni Rizal ang Madrid at Barcelona upang alamin sa mga Pilipino ang kanilang ginagawang pagkilos para sa reporma sa Pilipinas. Sa unang pagkakataon ay nakita ni Rizal si Marcelo H. del Pilar at Mariano Ponce, ang dalawang higante ng kilusang propaganda. 8. Nagbalik si Rizal sa London noong Disyembre 24, 1888 at nagdaos ng Pasko at Bagong Taon sa tahanan ng mga Beckett .Nagpadala si Rizal ng regalo kay Blumentritt at Dr. Czepelak. A. Ang Aktibong Pakikilahok sa Kilusang Propaganda 1. Itinatag ng mga Pilipino sa Barcelona ang isang makabayang samahan na tinawag na Asosacion La Solidaridad na pinasinayaan noong Disyembre 31, 1884. 2. Sa pamamagitan ng nagkakaisang boto, si Rizal ay nahalal na Pangulong Pandangal ng Asociacion La solidaridad bilang pagkilala sa kanyang pamumuno sa lahat ng mga makabayang Pilipino sa Europa. 3. Nagpadala si Rizal ng isang liham sa Asociacion La Solidaridad na nagpapasalamat sa kanilang pagtitiwala at pagpapayo sa ikapagtatgumpay ng samahan. 4. Noong Pebrero 15, 1889 itinatag ni Graciano Lopez Jaena sa Barcelona ang pahayagang makabayan na amy pamagat na La Solidaridad na lumalabas tuwing ikalawa at huling linggo ng buwan at nagsilbing pahayagan ng kilusang propaganda. 5. Mga layunin ng Pahayagang La Solidaridad

a. Isulong ang isang mapayapang pagbabagong politikal at panlipunan sa Pilipinas b. Ipakita sa mga mambabasa ang kalunus-lunos na kalagayan ng Pilipinas upang malapatan ng lunas ng pamahalaang Espanya. c. Labanan ang mga paring Espanyol sa Pilipinas na noon ay siyang kumokontrol ng pamahalaan. d. Isulong ang kaisipang liberal at kaunlaran. e. Isulong ang makatuwirang karapatan ng mga Pilipino para sa buhay, demokrasya, at kaligayahan. 6. Pinayuhan ni Rizal ang mga miyembro ng pahayagang La Solidaridad na maging makatotohanan at tapat sa kanilang mga isusulat upang igalang ng mga mababasa ang kanilang opinyon. Sinabi din ni Rizal na huwag gayahin ang mga mamahayag na binabayaran ng mga prayle na gumagamit ng pandaraya at mga bulgar na salita. 7. Los Agricultores Filipino - ang unang artikulo na isinulat ni Rizal para sa pahayagang La Solidaridad at nalathala noong Marso 25, 1889. Sa nasabing artikulo ay kanyang sinabi na ang dahilan ng pagiging paurong ng mga magsasakang Pilipino ay ang napakaraming balakid sa kanyang pagsulong tulad ng mga mahihigpit na pinuno, mga magnanakaw, sakunang mula sa kalikasan, sapilitang paggawa, at marami pang mga salik na hindi magbibigay daan sa pagunlad ng kabuhayan ng mga magsasaka at ng sining ng agrikultura sa bansa. A. Mga Sinulat ni Rizal sa London 1. La Vision del Fray Rodriguez - isang satirikong polyeto na sinulat nni Rizal laban kay Padre Jose Rodriguez at kanyang ginamit na pangalan dito ay Dimas Alang, nalathala sa Barcelona. Dito ay labis na tinuya ni Rizal si Padre Rodriguez sa labis nitong katangahan. 2. Sa polyetong La Vision del Fray Rodriguez ay naipakita ni Rizal ang kanyang (a) mataas na kaalaman sa relihiyon at (b) kahusayan sa panunudyo. 3. Liham sa mga Kadalagahan ng Malolos - isang sulat na ipinadala ni Rizal sa mga dalaga ng Malolos na noon ay humiling sa pamahalaan na pagkalooban sila ng pagkakataon na mag-aral ng wikang Espanyol kahit ito ay laban sa kagustuhan ng prayle paroko ng Malolos, Bulacan.

4. Ang nilalaman ng Liham sa Mga Kadalagahan ng Malolos ay ang mga sumusunod na pagpapayo ni Rizal sa mga kababaihan: a. Ang mga inang Pilipina ay dapat magturo sa kanilang mga anak ng pag-ibig sa Diyos, bayan at sa sangkatauhan. b. Dapat na ang mga inang Pilipina makatulad ng mga ina sa Sparta na nasisiyahan na makita ang kanilang mga anak na lumalaban para sa kalayaan ng bayan. c. Dapat ingatan ng mga kababaihan sa Pilipinas ang kanilang karangalan at dignidad. d. Dapat sikapin ng mga kababaihang Pilipina na maging edukado, maliban pa sa pagpapanatili ng kanyang mga likas na katangian. e. ang pananampalataya ay hindi lamang ang mahabang dasal, pagsuot ng mga krusipiho at kagamitang pang-relihiyon sa katawan, kundi bagkus ang pamumuhay ng tunay na Kristiyano na may mabuting moral at kaugalian. 1. Sumulat din si Rizal ng dalawang artikulo sa Trubner's Record isang pahayagang Ingles sa London na may pamagat na Specimens of Tagal Folklore at Two Eastern Fables. A. Ang Romansa kay Gertrude Beckett 1. Gertrude Beckett - anak na babae ng kanyang kasero sa London at tinawag niya ito sa palayaw na Getie. Naging malapit ang dalawa, dahilan sa tinutulungan ng dalaga si Rizal sa kanyang mga gawain tulad ng paghahalo ng pintura sa kanyang pagpipinta at paghahanda ng clay para sa kaniyang iskultura. Tinawag ni Getie si Rizal sa palayaw na Petie. 2. Ngunit bago pa man mabuo ang isang pagibig, si Rizal ay lumayo kay Gertrude Beckett dahilan sa kanyang mas mahalagang misyon sa buhay. 3. Bago umalis si Rizal sa London, kanyang tinapos ang apat na gawang lilok na may pamagat na : a. Promotheus Bound b. Triumph of Death Over Life c. Triumph of Science Over Death d. Ang ulo ng magkapatid na dalagang Beckett 1. Marso 19, 1889 - nagpaalam si Rizal sa pamilyang Beckett at nilisan ang London patungo ng Paris.

KABANATA 15 IKALAWANG PAGTIGIL SA PARIS PARA SA PANDAIGDIG NA EKSPOSISYON NG 1889 A. Pagtungo sa Paris 1. Pumunta si Rizal sa Paris dahilan sa gaganapin noon ang Pandaigdig na Eksposisyon na darayuhin ng libu-libong mga tao mula sa iba't ibang panig ng mundo. 2. Dahilan sa karamihan ng tao, si Rizal ay nahirapan na makahanap ng lugar na matitirahan at naging napakamahal pa ng kabayaran sa mga paupahang kuwarto. 3. Pansamantalang tumira si Rizal sa kanyang kaibigang si Valentin Ventura sa 45 Rue Maubuege at dito ay kanyang inayos ang kanyang anotasyon ng aklat na Sucesos de las Filipinas na sinulat ni Morga. 4. Nagpalipat-lipat ng tirahan si Rizal hanggang makakita siya ng isang maliit na silid at nakasama niya dito ang dalawang Pilipino na sina Capitan Justo Trinidad na dating gobernadorcillo ng Santa Ana at Jose Albert na isang batang magaaral mula sa Maynila. A. Buhay ni Rizal sa Paris 1. Sa kabila ng kasiyahan sa Paris naging abala pa rin si Rizal sa pagbabasa ng mga aklat sa Bibliotheque Nationale upang tingnan ang mga datos para sa kaniyang anotasyon ng Sucesos Las Islas de Filipinas ni Morga. 2. Sa mga malalayang oras si Rizal ay dumadalaw sa bahay ng mga pamilyang Pilipino na sina Pardo de Tavera, Ventura, Luna, at Bousted. Naging kaibigan niya ang tatlong magkapatid na Pardo de Tavera, na ang ama ay isa sa mga biktima ng kalupitan ng mga Espanyol noong 1872. 3. Naging ninong si Rizal ni Maria de la Paz Luna na pangalawang anak nina Juan Luna at Luz Pardo de Tavera. 4. Naging malimit si Rizal sa pagdalaw sa pamilyang Bousted. 5. Isa sa umakit kay Rizal sa Eksposisyon ng Paris ay ang Eiffel Tower na may taas na 984 talampakan. 6. Dumalo si Rizal at ang kanyang mga kaibigan sa pagbubukas ng Eksposisyong Paris na pinangasiwaan ng Pangulo ng Pransiya na si Sadi Carnot. 7. Isa sa mga bahagi ng kasaysayan sa Pariss ay ang pagkakaroon ng eksposisyon sa mga likhang sining na sinalihan ni Juan Luna, Felix Resureccion-Hidalgo, at Felix Pardo de Tavera. Lumahok din si Rizal sa pamamagitan ng

pagsasali ng kanyang gawang iskultura, napasali ang kanyang likha ngunit hindi nagtamo ng gantimpala. 8. Itinayo ni Rizal sa Paris ang Samahang Kidlat na binubuo ng kanyang mga kababayang Pilipino. Ang samahan ay panandalian lamang at naglalayon na paglalapitin ang mga Pilipino sa Paris upang higit silang masiyahan sa panonood ng eksposisyon. 9. Itinatag ni Rizal ang samahang Los Indios Bravos at pinalitan nito ang Samahang Kidlat . Nangako ang mga kasapi nito ng pagsisikap sa katalinuhan at pagpapalakas katawan upang magtamo ng paghanga ng dayuhan. 10. Samantalang nasa Paris itinatag ni Rizal ang isang lihim na samahan na nakilala lamang sa panitik na R.D.L.M. at sinasapantaha na ang kahulugan ay Redencion de los Malayos (Ang Pagpapalaya sa Malayo) . Ang samahang ito ay nanatili pa ring isang palaisipan sa mga nag-aaral ng Rizal. A. Ang Paglalathala ng Sucesos de las Islas Filipinas 1. Isa sa pinakamahalagang nagawa ni rizal habang siya ay nasa Paris ng 1889 ay ang pagpapalimbag ng kanyang anotasyon ng aklat ni Morga na Sucesos de las Islas Filipinas na inilathala ng Garnier Freres. 2. Isinulat ni Blumentritt ang Paunang Salita para sa Sucesos de las Islas Filipinas at inihandog ni Rizal ang aklat para sa inang bayan. 3. Isinulat ni Rizal ang anotasyon ng Sucesos de las Islas Filipinas sa layunin na ipakita sa mga Pilipino ang pagkakaroon natin ng mataas na kabihasnan bago pa man dumating ang mga Espanyol. 4. Nakatanggap si Rizal ng maraming paghanga mula sa kanyang mga kaibigan dahilan sa kanyang paglalathala ng anotasyon sa Sucesos de las Islas Filipinas ni Morga. A. Si Rizal bilang Mananalaysay 1. Si Rizal ay masasabing mahusay na mananalaysay dahilan sa mga sumusunod na salik: a. Ang kanyang pagsasaliksik sa dalawang dakilang aklatan ng mundo - British Museum (London) at Bibliotheque Nastionale (Paris) ay nakapagpalawak ng kanyang kaalamang pangkasaysayan. b. Ang kanyang ginawang anotasyon ng Sucesos de las Islas Filipinas ay kakikitahan ng malawak na kaalaman ni Rizal sa histograpiya - ang pagaaral ng pagsulat ng kasaysayan. c. Ang kaalaman ni Rizal sa maraming wika ay nakatulong sa kanya upang mabasa ang

maraming dokumentong historikal sa kanyang orihinal na anyo. d. Nabasa niya si Pigadicta sa wikang Italyano: Marsden, Raffles, Lord Stanley, at Wallace sa wikang Ingles; Blumentritt, Jagor, at Virchow sa wikang Aleman; M. Jacquet, J. Mallat, at A. Marche sa wikang Pranses; at sina T. H. Pardo de Tavera, Pedro Paterno, Miguel Morayta, at Pi y Margall sa wikang Espanyol. e. Ang kaalaman ni Rizal sa kasaysayan ay hindi lamang ukol sa Pilipinas kundi sa kasaysayan ng kolonisasyon ng mga Europeo sa Asya. 1. Maliban sa anotasyon ng Sucesos de las Islas Filipinas naghanda rin si Rizal ng malathalang artikulong historikal na gaya ng mga sumusunod: a. Ma- yi b. Tawalisi of Ibn Batuta c. Filipinas dentro de Cien Anos d. Sobre la Indolencia de los Filipinos e. La Politica Colonial de Filipinas f. Manila en el mes de Diciembre, 1872 g. Historia de la Familia Rizal de Calamba h. Los Pueblos del Archipielago Indico 1. Filipinas dentro de Cien Anos - sa artikulong ito ay hinulaan ni Rizaal ang pagtatapos ng kolonyalismo ng Espanya sa Pilipinas sa pagtatapos ng ika 19 daantaon. 2. Sobre la Indolencia de los Filipinos - tinalakay ni Rizal ang kadahilanan ng katamaran at pagiging mabagal na pag-unlad ng mga Pilipino sa mga sumusunod na salik. a. Ang Pag-aalsa ng mga Pilipino at panloob na kaguluhan kasunod ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas. b. Ang mga digmaan ng Espanya laban sa mga Portuges, Olandes, Ingles, at iba pang mga kalaban na dito ay naglingkod ang mga Pilipino bilang mga kawal ng hukbong Espanyol. c. Ang pananlakay ng mga Muslim ng Mindanao sa mga baybaying bayan ng Pilipinas. d. Ang sapilitang paggawa ng libu-libong mga Pilipino na naging dahilan upang mapabayaan ang pagsasaka, komersiyo at industriya sa Pilipinas. e. Ang kawalan ng pagsisikap ng mga Pilipino ng magtrabaho ng higit dahilan sa hindi naman nila ganap na napakanibangan ang bunga ng kanilang paghihirap. f. Ang pagpapabaya ng pamahalaan

saagrikultura, komersiyo at industriya. g. Ang masamang halimbawa na ipinapakita ng mga Espanyol ukol sa mga gawaing manwal. h. Ang pagtuturo ng mga prayle na "mas madaling makapasok sa langit ang mga mahihirap" at dahil dito ay ninais ng mga Pilipino ang kahirapan sa layunin ng madaliang pagpasok sa langit sa pagsapit ng kamatayan. i. Ang sistema ng edukasyong Espanyol ay hindi nakapagsulong ng pangkabuhayang kaalaman. Ang edukasyon ay depresibo, brutal, at hindi makatao. A. Iba pang Mga Ginawa sa Paris 1. Binalak ni Rizal na itayo ang samahan ng mga Filipinolohista sa Paris ngunit hindi ito naisakatuparan. 2. Ipananukala ni Rizal ang pagtatayo ng isang makabagong kolehiyo ng mga Pilipino sa Hongkong na ang layunin ay magsanay at magturo ng mga anak ng mga mabubuting pamilyang Pilipino. 3. Nagdaos ng kapaskuhan si Rizal sa Paris at pagkatapos ng Bagong Taon ay saglit na dumalaw sa London upang tingnan ang katumpakan ng kanyang anotasyon Sucesos de las Islas Filipinas at dalawin si Gertrude Beckett. 4. Mga Dahilan ni Rizal sa Pag-alis sa Paris a. Ang napakamahal na halaga ng bilihin dahilan sa karamihan ng mga taong dumalo sa Pandaigdig na Eksposisyon sa paris. b. Ang masayang kapaligiran ng Paris ay umaagaw ng kanyang atensiyon sa mga gawaing pampanitikan. Ang pangangailangan niya na isulat ang El Filibusterismo . KABANATA 16 - SI RIZAL SA BRUSSELS A. Ang Buhay ni Rizal sa Brussels 1. Umalis si Rizal patungo ng lunsod ng Brussels (1890) kasama ni Jose Albert at nanuluyan sa isang kainamang bahay paupahan sa 38 Rue Philippe Champagne na pinangasiwaan ng magkapatid na babaeng Jacoby na sina Suzanne at Marie. 2. Sa Brussels ay sinimulang sulatin ni Rizal ang nobelang El Filibusterimo at nagsusulat din siya ng mga ipinadadalang artikulo para sa La Solidaridad . 3. Ginugugol din niya ang kanyang mga libreng sandali sa pagpapalakas ng katawan sa gymnasium at sa pagsasanay sa pagbaril at iskrima. 4. Naging kasama ni Rizal sa kuwarto si Jose Alejandrino napansin niya ang labis na katipiran

ni Rizal sa pamamagitan ng pagkain sa bahay at pagluluto nila ng pansit. 5. Mga Artikulong ni Rizal sa La Solidaridad ng siya ay nasa Brussels. a. A la Defensa - isang sagot sa mapanirang artikulo ni Patricio Escosura. b. La Verdad Para Todos - isang pagtatanggol sa mga katutubong pinuno sa Pilipinas sa mga pamumuna ng mga Espanyol na ang Pilipino ay mangmang at tanga. c. Vicente Barrantes Teatro Tagalog - ipinakita ni Rizal ang kamangmangan ni Vicente Barrantes sa tanghalang sining ng mga Tagalog. d. Una Profanacion - isang artikulo na tumutuligsa sa mga prayle sa pagkakait nito ng isang Kristiyanong libing para sa kaniyang bayaw na si Mariano Herbosa. e. Verdades Nueva - sinagot ni Rizal ang akusasyon ni Vicente Belloc na ang pagbibigay ng reporma sa Pilipinas ay makakasira sa katiwasayan ng pamahalaang Espanyol sa Pilipinas. f. Crueldad - sa artikulong ito ay ipinagtanggol ni Rizal si Blumentritt laban sa paninira ng mga kaaway nito. g. Diferencias - kaniyang sinagot ang isang artikulo na nanunudyo sa mga Pilipinong humihingi ng Reporma. h. Inconsequencias - ipinagtanggol niya si Antonio Luna laban sa ginawang paninira ni Mir Deas. i. Llanto y Risas - mapait na pagpuna ni Rizal laban sa mababang pagtingin ng mga bayarang mamahayag ng prayle sa mga kayumangging Pilipino. j. Ingratitudes - isang artikulo na sumasagot sa sinabi ni Gobernador Weyler sa mga tagaCalamba na huwag magpalinlang sa mga walang kabuluhang pangako ng kanilang mga walang utang na loob na anak (isa na dito si Rizal). 1. Binigyan din ni Rizal ng pansin ang ortograpiya ng wikang Tagalog sa pamamgitan ng paggamit ng k at w at ituwid ang Hispanikong pagsulat tulad ng arao at salacot. Dahilan dito ay sinulat ni Rizal ang kanyang artikulo Sobre La Nueva Ortografia de la Lengua de Tagala na kanyang inilathala sa La Solidaridad. 2. Dito isinalin ni Rizal ang akda ni Schiller na William Tell mula sa Aleman sa wikang Tagalog. 3. Nabalitaan ni Rizal kina Juan Luna at Valentin Ventura na ang mga Pilipino sa Madrid ay nagugumon sa sugal. Sinulatan ni Rizal ang mga Pilipino sa Madrid at sinaway nila ang mga ito sa

kanilang pagkakagumon sa sugal. Nagalit ang ilang mga Pilipino kay Rizal at tinawag nila itong Papa imbes na Pepe na kanyang tunay na palayaw. 4. Sa Brussel ay nakatanggap si Rizal ng masamang balita. a. Ang sumasamang kalagayan ng mga magsasaka sa Calamba. b. Nagharap ng demanda ang mga Dominicano para alisin ang lupang kanilang pinapaupahan kay Don Francisco Mercado - Rizal. c. Ipinatapon si Paciano at kanyang mga bayaw na si Manuel Hidalgo ay muling ipinatapon sa Bohol. d. Nararamdaman ni Rizal ang kanyang nalalapit na kamatayan. 1. Dahilan sa pag-uusig na nadarama ng kanyang pamilya si Rizal ay nagbalak ng umuwi, sa dahilang hindi siya maaring manatili na nagsusulat lamang habang ang kanyang mga magulang at mga kapatid ay nagdaranas ng lupit ng mga paring Espanyol. Ang kanyang balaking umuwi ay sinalunga ni Graciano Lopez- Jaena at gayundin ng kanyang mga kaibigang sina Basa, Blumentritt, at Mariano Ponce. 2. Nagbago lamang ang isipan ni Rizal nang matanggap niya ang sulat ni Paciano na nagsasabing natalo sila sa kaso at ito ay kanilang iaapela sa korte supremo sa Madrid at dito si Rizal ay nagtungo para tingnan ang kanyang magagawa sa kaso. 3. Nagkaroon ng romansa si Rizal kay Petite Sussane Jacoby - ang pamangkin ng kanyang mga kasera. KABANATA 17 - MGA KABIGUAN SA MADRID A. Kabiguan sa Katarungan 1. Sa pagdating ni Rizal sa Madrid ay agad niyang hiningi ang tulong Asociacion Hispano-Filipina at mga pahayagang liberal sa Madrid tulad ng La Justicia, El Globo, La Republica, at El Resumen upang matulungan siya sa paghingi ng katarungan sa kanyang pamilya at kababayan sa Calamba. 2. Sa paghingi ni Rizal ng katarungan para sa kanyang pamilya ay tumayo si Marcelo H. del Pilar bilang abogado kanilang idinulog ang kanilang protesta laban sa kawalang katarungan ni gobernador heneral Valeriano Weyler at ng mga paring Dominikano. 3. Ang kanilang pakikinayam kay Ministro Fabie ng Ministerio ng Katarungan ay nawalan ng kabuluhan. Ang patakaran ng Espanya ay ang "sarahan ang tainga, buksan ang pitaka, at magkibit-balikat na lamang."

4. Natanggap ni Rizal ang masamang balita na natanggap na nila ang kautusan ng pagpapaalis sa mga taga-Calamba mula sa hacienda ng mga paring Dominikano. 5. Ang mga kaibigan Espanyol ni Rizal ay walang magawa kundi ang magbigay lamang ng pananalita ng pakikiramay. Samantala ipinanukala ni Blumentritt na makipagkita si Rizal sa Reyna Maria Cristina upang ilapit ang kanyang mga suliranin, ngunit sinabi ni Rizal na siya ay walang kakilala o salapi na makapagsasama sa kaniya sa Reyna. A. Iba pang mga Kabiguan sa Madrid 1. Habang bigo si Rizal sa paghingi ng katarungan para sa kanyang mga magulang ay namatay naman ang kanyang matalik na kaibigan at kasama sa kilusang propaganda na si Jose Maria Panganiban. 2. Nang malasing si Antonio Luna ay hinamon niya si Rizal ng duwelo dahilan sa karibalan sa babae. Nang matanggal ang kalasingan ay naayos ang hidwaan. 3. Hinamon ni Rizal si Wenceslao Retana ng duwelo. Si Retana ay isang mamamahayag na binabayaran ng mga prayle upang manira sa mga makabayang Pilipino sa Europa sa isa niyang artikulo ay sinabi nito na kaya pinaalis ang pamilya ni Rizal sa Calamba ay dahilan sa hindi pagbabayad ng utang. Hiningi ni Rizal ang paumanhin ni Retana o ang duwelo. Hindi ito natuloy nang humingi ng tawad si Retana at hindi na sumulat ng anumang mapanirang puri si Retana laban sa mga Pilipino. Isang kabalintunaan na si Retana ang kauna-unahang sumulat ng aklat pangbiograpiya ni Rizal na may pamagat na Vidas y Escritos de Dr. Jose Rizal . 4. Ang Pagpapakasal ni Leonor Rivera. a. Habang nanonood sina Rizal at ang kanyang mga kasama sa tanghalang Apolo sa Madrid ay nawala ang kanyang locket na angtataglay ng larawan ni Leonor Rivera. b. Nakatanggap si Rizal ng sulat mula kay Leonor Rivera na nagpapabatid ng nalalapit na kasal niya sa isang inhinyerong Ingles na si Henry Kipping na labis na ikinalungkot ni Rizal. c. Ang labis na pagdaramdam ni Rizal sa tinamong kabiguan ay naisulat niya kay Blumentritt na "pipiliin ni Leonor ang pangalang Kipping dahilan sa ito ay malaya at ang Rizal ay isang alipin." d. Sa sagot ni Blumentritt ay huli kanyang sinabi na "hindi maunawaan ng kanyang asawa (Rosa) na ang isang babaeng pinarangalan ng pag-ibig ni Rizal ay iiwan siya (Rizal)." e. Sa isa pang sulat na ipinadala ni Blumentritt

sinabi niyang si Leonor ay "tulad ng isang bata, naipinagpalit ang diamante sa isang karaniwang bato." 1. Karibalang Rizal at del Pilar a. Sa pagtatapos ng 1890, nagsimulang makilala si del Pilar sa Madrid dahilan sa kanyang pagsulat sa La Solidaridad .Sa kabilang dako, ang lideratura ni Rizal ay sa aspekto ng ideyalismo na hindi ganap na maunawaan at matularan ng kanyang mga kasamahan. b. Maging sa editoryal ng La Solidaridad ay nagkakaroon na ng pagkakaiba sa paniniwala at patakaran sina Rizal at del Pilar. c. Upang magawan ng paraan na huwag lumala ang karibalan ay nagka-isa ang mga Pilipino sa Madrid na may bilang na 90 ay nagkaisang magsagawa ng isang pag-uusapan na kanilang gaganapin sa Enero 1, 1891. d. Pinag-usapan dito na ang editoryal ng La Solidaridad ay mapasailalim sa samahan ng mga Pilipino, ito ay tinutulan ni del Pilar. Napagusapan na magkakaroon ng isang halalan na dito ang makapagtatamo ng 2/3 na boto ang mananalo. e. Nagsagawa ng halalan ang mga Pilipino sa Madrid noong unang linggo ng Pebrero 1891 at nahati ang mga Pilipino sa dalawang kampo -Rizalista at Pilarista .Sa unang araw ng halalan ay si Rizal ang nanalo ngunit hindi natamo ang 2/3 na kinakailangang boto at sa ikalwang araw ay nagkaroon uli ng halalan ay ganito pa rin ang resulta. f. Sa ikatlong araw ay hinakayat ni Mariano Ponce na bumoto na ang karamihan kay Rizal at natamo ni Rizal ang kinakailangang 2/3 na boto na naghalal sa kanya bilang pinuno ng samahan. g. Pagkatapos ng pagwawagi ni Rizal ay hindi niya tinaggap ang kanyang posisyon, sa dahilang ayaw niyang maging pinuno ng hati-hating samahan. 1. Umalis si Rizal sa Madrid na nag-iwan ng maikling sulat ng pagpapasalamat sa mga kababayan niyang naghalal sa kanya at nagtungo sa Biarritz. KABANATA 18 - BAKASYON NI RIZAL SA BIARRITZ A. Mga Ginawa ni Rizal sa Biarritz 1. Sa pag-alis ni Rizal sa Madrid ay nagtungo si rizal sa Biarritz at nagbakasyon sa bahay ni Senor Eduardo Bousted sa Villa Eliada. 2. Naging malapit si Rizal sa mga anak na dalaga ni Senor Bousted na sina Adelina at Nellie. 3. Ang Bearritz ay isang magandang bakasyunan

at nakita rito ni Rizal ang mga turista mula sa iba't ibang panig ng mundo. Ang kagandahan ng pook ang nagpalimot kay rizal sa kanyang mga kasawian sa Madrid. 4. Nagkaroon ng namuong pag-ibig sa pagitan nina Rizal at Nellie Bousted. Naakit si Rizal kay Nellie sa dahilan sa katalinuhan, mahinahon, at mataas na moral ng dalaga. Ipinagtapat ni Rizal sa kanyang mga kaibigan na nagkaroon siya ng pagnanais na pakasalan si Nellie Bousted. 5. Tinukso na siya ni Marcelo H. del Pilar na palitan ang pamagat ng kanyang nobela na Noli ng Neli. Si Antonio Luna na minsan ay kanyang naging karibal kay Nellie ay hinikayat si Rizal na pakasalan na si Nellie. 6. Natapos ang pag-iibigang Rizal at Nellie dahilan sa hindi nahikayat si Rizal na magpakasal sa dalaga dahilan sa mga sumusunod: a. Ayaw ni rizal maging Protestante b. Ayaw ng ina ni Nellie kay Rizal na maging manugang dahilan si Rizal ay mahirap na "doktor na walang pasyente, manunulat na walang pera" at isang repormista na inuusig ng mga prayle at opisyal ng pamahalaan sa sariling bayan. 1. Naghiwalay sina Rizal at Nellie bilang mabuting magkaibigan. 2. Tinapos ni Rizal ang nobelang El Filibusterismo ilang araw bago siya umalis sa Biarritz patungo ng Paris. 3. Sa Paris ay kanyang sinulatan si Jose Basa at sinabing nagnanais siyang manirahan sa Hongkong at dito nagtrabaho bilang doktor. 4. Nagbalik si Rizal sa Brussels at muli niyang binisita ang mga Jacoby lalo na si Petite Sussane Jacoby. 5. Nagpahinga si Rizal sa mga gawain ng Kilusang Propaganda upang maharap niya ang pagpapalimbag ng kanyang ikalawang nobela - El Fililbusterismo . Mula sa Brussels ay kanyang ipinaalam sa Kilusang Propaganda na itigil na ang pagpapadala ng kanyang sustentong P 50 bawat buwan. 6. Tinigilan na rin ni Rizal ang pagpapadala ng mga artikulo sa pahayagang La Solidaridad sa kabila ng pakiusap ng kanyang mga kaibigan . Napansin din ni Marcelo H. del Pilar ang panlalamig ng kilusang propaganda sa pananahimik ni Rizal at dahilan dito ay napilitang sumulat si del Pilar na nakikiusap kay Rizal na muling magsulat sa pahayagan.

KABANATA 19 - ANG PAGPAPALIMBAG NG EL FILIBUSTERISMO SA BELGIUM Ang Bahay ni Rizal sa Ghent 1. Mula sa Brussels si Rizal ay nagtungo sa Ghent na isang lunsod pamantyasan ng Belgium. 2. Mula pa sa Calamba ay sinimulan na ni Rizal ang nobelang El Filibusterismo at natapos ang huling kabanata sa Biarritz. 3. Naninirahan si Rizal sa Ghent dahilan sa mga sumusunod: a. Mura ang halaga ng pagpapalimbag sa Ghent b. Makaligtas sa pang-aakit ni Petite Sussane Jacoby 1. Sa lunsod ng Ghent ay nakatagpo ni Rizal ang dalawang Pilipino na estudyante ng inhinyera sa Unibersidad ng Ghent na sina Jose Alejandrino at Edilberto Evangelista. 2. Nanirahan si Rizal sa isang mumurahing bahay paupahan at nakasama niya si Jose Alejandrino na nakapuna ng kanyang labis na katipiran. 3. Sa pagdating ni Rizal sa Ghent ay naghanap siya ng pinakamurang bahay palimbagan para sa kanyang nobelang El Filibusterismo at kanyang natagpuan ang palimbagang F. MEYER-VAN LOO PRESS sa daang Viaanderen na handang maglathala ng nobela sa pamamagitan ng pagbabayad ng hulugan. Isisnanla ni Rizal ang kanyang mga alahas upang maging paunang bayad sa palimbagan. 4. Habang nasa palimbagan si Rizal ay naubusan siya ng pera at ang pagpapalimbag sa El Filibusterismo ay napahinto sa kalagitnaan. 5. Sa ganitong kagipitan ay halos kanyang itapon ang manuskrito ng El Filibusterimo sa apoy. 6. Nang malaman ni Ventura ang kagipitan ni Rizal, mula sa Paris ay kanyang pinadalhan si Rizal ng salapi para maituloy ang pagpapalimbag. 7. Noong Setyembre 18, 1891 ay lumabas ng palimbagan ang El Filibusterismo at kanyang ipinadala ang dalawang kopya sa Hongkong kina Jose Basa at Sixto Lopez. Pinadalahan din niya ang kanyang mga kaibigang sina Blumentritt, Ponce, Lopez-Jaena, T.H. Pardo de Tavera, Antonio Luna at Juan Luna. Pinagkaloob ni Rizal kay ValentinVentura ang orihinal na manuskrito ng El Filibusterismo. 8. Inilathala ng sipian ng El Filibusterismo sa pahayagang El Nuevo Regimen sa kanyang isyu ng Oktibre 1891. 9. Inihandog ni Rizal ang El Filibusterismo sa alaala ng GOMBURZA .

10. Ipinagkumpara ang Noli at Fili. a. Ang Noli ay isang romantikong nobela na gawa ng puso, damdamin, sariwa, makulay at may taglay na tuwa. Ang Fili ay isang nobelang politikal gawa ng ulo, isip, naglalaman ng pait, pagkamuhi, sakit, karahasan, at pagdurusa. b. Ang orihinal na kagustuhan ni Rizal ay gawing mas mahaba ang Fili kaysa sa Noli ngunit dahilan sa kakulangan sa salapi ay naging maikli ang Fili (38 kabanata) kung ikukumpara sa Noli (64 kabanata). c. Para kay Wenceslao Retana mas mahusay ang Noli. d. Para kay Marcelo H. del Pilar mas mahusay ang Fili. 1. Sumulat si Rizal kay Blumentritt na nagsasabi ng kanyang balak na gumawa ng ikatlong nobela. Ito ay hindi na masyadong ukol sa politika kundi sa etika. 2. Sa kanyang paglalakbay patungong Hongkong ay kanyang sinimulang sulatin ang ikatlong nobela. KABANATA 20 - PANGGAGAMOT NI RIZAL SA HONGKONG A. Mga Dahilan ng Paglipat sa Hongkong 1. Kawalan ng kasiyahan sa Europa dahilan sa pagkakaiba ng paniniwala niya kay del Pilar at sa ilang mga Pilipino sa Europa. 2. Upang mas higit siyang maging malapit sa Pilipinas. 3. Para kupkupin ang kanyang pamilya. A. Pamamaalam sa Europa 1. Nagpaalam ng maayos si Rizal kay del Pilar sa paglalayon na mapanatili ang kaisahan ng mga Pilipino sa Europa. 2. Mula sa Merseilles sumakay ng barkong Melbourne patungo ng Hongkong, kasama ng kanyang bagahe ang 600 na kopya ng El Filibusterismo. 3. Nakatagpo ni Rizal sa barko bilang mga pasahero ang mga babaeng Aleman na nangmamaliit sa kanya sa usapan na hihiya ni Rizal sa pamamagitan ng maginoong pamamaraan. A. Hongkong 1. Dumating si Rizal sa Hongkong ng Nobeyembre 20, 1891 at sinalubong ng mga kaibigan at dito ay nanirahan sa 5 D' Aguilar Street No. 2 Rednaxola Terrace. Sa nasabi ding tirahan si Rizal ay nagbukas ng isang klinika.

2. Bago magpasko ng 1891 dumating sa Hongkong ang kanyang ama at bayaw na si Silvestre Ubaldo. Sumunod na rin ang kanyang ina, Lucia, Josefa, at Trinidad. 3. Nakasama na muli ni Rizal ang kanyang pamilya sa kapaskuhan sa ibang bansa. A. Panggagamot sa Hongkong 1. Ginamit na rin ni Rizal ang kanyang propesyon bilang isang manggagamot upang masuportahan niya ang kanyang pamilya. Sa tulong ni Dr, Lorenzo Marquez na kanayang kaibigan. Inilapit niya kay Rizal ang kanyang mga pasyenteng may sakit sa mata. 2. Nakilala si Rizal sa Hongkong sa kanyang kahusayan at ang mga pasyente niya ay mga British, Tsino, Portuges, at Amerikano. 3. Matagumpay niyang inoperahan ang kanyang ina sa Hongkong. 4. Maraming bumati kay Rizal sa kanyang panggagamot. A. Ang Proyektong Borneo 1. Binalak ni Rizal na magtayo ng isang kolonya sa Borneo na bubuuin ng mga walang lupang Pilipino mula sa ating bansa . 2. Nagpunta siya sa Sandacan at kinausap ang mga pinunong British at nagtagumpay siya na mapagkalooban ang kanyang proyekto ng 50,000 hektaryang lupa, na malapit sa daungan, at mahusay na pamahalaan upang magamit sa loob ng 999 na taon ng walang bayad. 3. Ipinaalam ni Rizal ang kanyang proyekto sa mga Pilipino sa Europa na nagpakita ng pagnanais na ito ay maisakatuparan. 4. Sinulatan ni Rizal si Gobernador Heneral Despujol ukol sa kanyang Proyektong Borneo ngunit hindi ito sinagot. Sa ikalawang sulat ni Rizal ay hindi pa rin sinagot ngunit ipinarating sa kanya sa konsul ng Espanya sa Hongkong ang pagtutol dito. A. Mga Sinulat sa Hongkong 1. Ang mga Karapatan ng Tao - isang pagsasalin ni Rizal ng proklamasyon ng Rebolusyong Pranses ng 1789. 2. A la Nacion Espanola - isang artikulo na umaapela sa Espanya na ituwid ang kamaliang nagawa sa mga magsasaka ng Calamba. 3. Sa Mga Kababayan - isang artikulo na nagpapaliwanag sa sitwasyong agraryo sa Calamba. 4. Una Revisita a la Victoria Gaol - artikulo ukol sa kanyang pagbisita sa kulungan ng Hongkong

kumpara sa malupit na kulungan sa Pilipinas. 5. The Hongkong Telegraph- isang pahayagan kung saan si rizal ay nagpapadala ng mga artikulo. 6. Ang pinakamahalagang isinulat ni rizal sa Hongkong ay ang saligang Batas ng La liga Filipina. A. Ang Pagpapasiya na Magbalik sa Maynila 1. Ang mga dahilan na magbalik sa Maynila. a. Kausapin si Gob. Hen. Despujol ukol sa Proyektong Borneo b. Itatag ang La Liga Filipina sa Maynila

ilang araw ay sinalakay ng mga kawal Espanyol. 5. Sa mga sumunod na araw ay muling nakipagkita si Rizal kay Despujol. A. Pagtatayo ng La Liga Filipina 1. Hulyo 3, itinatag ni Rizal ang La Liga Filipina sa bahay ni Doroteo Ongjungco sa Kalye Ylaya, tondo Maynila. 2. Ang pagpupulong ay dinaluhan ng mga sumusunod: a. Pedro Serano Laktaw b. Domingo Franco c. Jose Ramos

2. Dala ni Rizal ang sulat ni Padre Pablo Pastells na superior ng mga Jesuita para kay Padre Antonio Obach ang paring Jesuita sa Dapitan. Ang sulat ay naglalaman ng mga kondisyon upang si Rizal ay makatira sa kumbento. 3. Pansamantalang nanirahan si Rizal sa kuwartel na pinamumunuan ni Kapitan Carcinero na kanyang naging kaibigan. 4. Setyembre 21, 1891 - nakatanggap sina Rizal, Carcinero at isang Espanyol ng Dipolog ang gantimpala na ang kanilang ticket bilang 9736 ay nanalo ng ikalawang gantimpalang P20,000. Ang naging hati ni Rizal ay P6,200. Ibinigay niya ang P2,000 sa kanyang ama at P200 kay Jose Ma. Basa sa Hongkong at ang natira ay kaniyang ginamit sa pagbili ng lupa sa Talisay na isang kilometro ang layo sa bayan ng Dapitan. 5. Ngkaroon ng isang mahabang sulatan sina Rizal at Pastells ukol sa usapin ng relihiyon na naglalaman ng mga paniniwalang pangrelihiyon ni Rizal. a. Ginagamit ng mga prayle ang relihiyon sa pansariling kapakinabangan. b. Ang sariling pagpapasiya ay biyaya ng Diyos sa lahat ng tao. 1. Hindi nagtagumpay si Pastell na maibalik si Rizal para sa simbahan. 2. Hinamon ni Rizal ang isang Pranses na si Mr. Juan Lardet ng duwelo dahilan sa pagbebenta kay Rizal ng mga kahoy na mababa ang kwalidad. 3. Inilipat ni Padre Pastells si Padre Francisco Sanchez sa Dapitan upang muling akitin si Rizal na magbalik sa simbahan. Ngunit hindi rin ito nagtagumpay. 4. Nakatanggap na rin si Rizal ng mga panauhin sa Dapitan at nakasama niya ang kanyang mga kapamilya at nagpatayo na ng bahay sa Talisay. 5. Nagpadala ang mga prayle ng isang tao na may alyas na Pablo Mercado (Florencio Namanan) upang isangkot si Rizal sa mas malaking kaso. 6. Nagtrabaho si Rizal sa Dapitan bilang isang manggagamot. Ang kanyang mga pasyente ay mga mahihirap na hindi makabayad at mga mayayaman na nagbabayad ng malaki sa kanyang paglilingkod. Nang tumira ang kanyang ina sa Dapitan sa loob ng isa at kalahating taon, ginamot din ito ni Rizal. Nakilala ang kahusayan ni Rizal sa panggagamot kahit na siya ay nasa Dapitan, sinasadya sya ng mga pasyente mula sa iba't ibang panig ng daigdig. Naging interes din ni Rizal ang mga lokal at halamang gamot. 7. Itinayo ni Rizal ang isang sistema ng patubig sa Dapitan upang magkaroon ng malinis na tubig sa bawat bahay ng Dapitan.

c. Patunayan kay Eduardo de Lete na ito ay mali sa kanyang paniniwala na matapang si Rizal dahilan sa siya ay malayo sa mga Espanyol. 1. Tinutulan ng mga kamag-anak ni Rizal ang kanyang nais na pagbabalik sa Maynila dahilan sa itoo ay mangangahulugan lamang ng kamatayan. 2. Ginawa ni Rizal ang mga sumusunod na sulat bago umalis ng Hongkong na iningatan ni Dr. Marquez na bubuksan lamang kung siya ay mamamatay . a. sulat sa kanyang mga magulang at mga kapatid b. Sulat sa sambayanang Pilipino

d. Ambrosio Salvador e. Bonifacio Arevalo f. Agustin de la Rosa g. Moises Salvador h. Luis Villareal i. Faustino Villaruel j. Mariano Crisostomo k. Numeriano Adriatico l. Estanislao Legaspi

c. Sulat sa Gobernador Heneral Despujol m. Teodoro Plata 1. Nagbalik si Rizal kasama ni Lucia sa Maynila. Kasabay naman ng pag-uwi ng Rizal ay pagsasampa naman ng kanyang mga kaaway ng kaso. KABANATA 21 - ANG PAGBABALIK AT PAGTATAG NG LA LIGA A. Ang Ikalawang Pagbabalik 1. Hunyo 26, 1892 - nagbalik si Rizal sa Maynila kasama ng kanyang kapatid na si Lucia at tumigil sa Hotel de Oriente. 2. Sa hapon ng nasabing araw nagtungo si Rizal sa Malacanang upang makipagkita sa gobernador heneral ngunit pinabalik siya ng gabi at nakausap si Despujol. 3. Binisita niya ang kanyang kapatid na si Narcisa at si Neneng. 4. Kinabukasan, sumakay si Rizal ng tren at dinalaw ang kanyang mga kaibigan sa Malolos, Bulacan; San Fernando, Pampanga; Tarlac, Tarlac; at Bacolor, Pampanga. Ang kanyang mga paglalakbay ay sinusundan ng mga Espanyol at mga bahay na kanyang binisita pagkatapos ng n. Andres Bonifacio o. Juan Zulueta A. Pag-aresto at Pagpapatapon 1. Noong Hulyo 6, 1892 - sa isang pakikipag-usap ni Rizal kay Despujol ay inaresto siya sa dahilan sa bintang na pagdadala ng mga polyetong kontra-simbahan. 2. Ipinakulong si Rizal at mahigpit na pinababantayan sa Fort Santiago. 3. Sumunod na araw inilabas ang kautusan na ipatapon si Rizal sa Dapitan. 4. Dinala si Rizal sa Dapitan sa pamamagitan ng barkong Cebu. KABANATA 22 - TAPON SA DAPITAN A. Ang Buhay ng Isang Tapon 1. Hulyo 15, 1892 - nakarating si Rizal sa Dapitan at ipinagkaloob kay Kapitan Ricardo Carnicero ang komandante ng hukbong Espanyol sa lugar.

8. Mga Proyektong Pangkomunidad sa Dapitan: a. Paglilinis ng mga latian upang mawala ang malaria b. Paglalagay ng pailaw sa lansangan ng Dapitan c. Pagpapaganda ng liwasan at ang paglalagay ng mapa ng Mindanao sa plasa. 1. Ang malaking panahon ni Rizal ay ginamit din niya sa pagtuturo ng mga kabataan sa Dapitan. Tinuruan niya ang mga ito ng mga aralin sa wika, heograpiya, kasaysayan, matematika, gawaing industriyal at iba pa. Ang oras ay mula alas 2:00 hanggang 4:00 ng hapon. 2. Mga ambag ni Rizal sa Agham sa Dapitan a. Pinasok ni Rizal ang mga kagubatan at baybay dagat ng Dapitan para sa paghahanap ng mga specimen upang ipadala niya sa mga museo ng Europa. b. Nakapag-ipon siya ng 346 na uri ng mga kabibi. c. Natagpuan niya ang species ng Draco rizali Apogonia rizali at Rhacophorus rizali. 1. Ang pag-aaral ng mga wika ay ipinagpatuloy ni Rizal sa Dapitan. Sa panahong ito ay natutunan niya ang wikang Bisaya, Subuanin, at Malayo. 2. Ang kahusayan sa larangan ng sining ay makikita pa rin kay Rizal sa panahon ng pagkakatapon niya sa Dapitan. Gumuguhit siya ng mga bagay na nakaakit sa kanya at nililok niya ang (1) Paghihiganti ng Ina: (2) ang ulo ni Padre Guericco; (3) estatwa ng isang babaeng tagaDapitan. 3. Ginamit din ni Rizal ang kanyang panahon sa Dapitan bilang isang magsasaka. Umabot ng 70 hektarya ang lupang kanyang pag-aari na tinaniman niya ng abaka, niyog, punong kahoy, tubo , mais, kape, at cocoa. Ginamit din ni Rizal ang modernong pagsasaka sa pamamagitan ng pag-aangkat sa Estados Unidos ng mga makabagong makinarya. 4. Ang pagnenegosyo ay isa sa mga naging gawain ni Rizal sa Dapitan. Nakipagsosyo siya kay Ramon Carreon , mangangalakal na taga-Dapitan sa negosyo ng pangingisda, koprahan at abaka. Itinayo din ni Rizal ang kooperatiba ng mga magasasaka sa Dapitan upang mabawasan ang monopolyo ng mga Tsino sa lugar. 5. Naging malikhain si Rizal sa Dapitan sa pamamagitan ng paglikha ng mga sumusunod; a. sulpukan - isang pagsindi ng sigarilyo na gawa sa kahoy b. makina sa paggawa ng bricks

1. Si Josephine Bracken. a. Namatay si Leonor Rivera noong Agosto 28, 1893 dahilan sa panganganak. b. Dumating si Josephine Bracken (edad 17) sa Dapitan upang samahan ang kanyang amaamahan na si George Tauffer upang mapagamot kay Rizal. Dala nila ang isang tarheta ni Julio Llorente. c. Nagmahalan sina Rizal at Josephine at nagbalak na magpakasal ngunit ayaw silang ikasal ni Padre Obach ng walang permiso ng arsobispo ng Cebu. d. Umalis si Tauffer sa Maynila at naiwan si Josephine sa Dapitan upang makisama kay Rizal. e. Sa unang bahagi ng 1896, nakunan si Josephine sa kanilang anak ni Rizal. 1. Dumating sa Dapitan noong Hunyo 1896 si Dr. Pio Valenzuela upang ipaalam kay Rizal ang ukol sa Katipunan. Hinikayat ni Valnzuela ang pamumuno ni Rizal sa Katipunan na tinaggihan naman niya. 2. Nagboluntaryo si Rizal upang maglingkod sa hukbong Espanyol bilang isang seruhano sa Cuba. Ang kanyang kahilingan ay tinugon naman ni Gob. Hen. Ramon Blanco na sumagot sa kanyang sulat noong Hulyo 1896 na nagsasabi ng pagsang-ayon sa kanyang plano. 3. Nilisan ni Rizal noong Hunyo 31, 1896 sakay ng barkong Espana kasama nina Josephine, Narcisa, at pamangking si Angelica. KABANATA 23 - HULING PAGLALAKBAY SA LABAS NG BANSA 1. Mula Dapitan patungo ng Maynila a. Nagdaan ang barkong Espana sa Dumaguete at binisita dito ni Rizal ang isa niyang kaibigan na si Herrero Regidor na hukom ng lalawigan. Inoperahan niya sa mata ang isang kapitan ng guardia civil. b. Dumaan sa Cebu at inoperahan niya ang magasawang Mateo na kanyang nakilala sa Madrid. c. Dumaan ng Iloilo para mamili at nagdaan sa Capiz ang barko. 1. Sa pagdating ni Rizal sa Maynila ay nakaalis na ang barkong Isla de Luzon na sasakyan sana niya patungo ng Espanya. Napilitang tumigil si Rizal sa barkong Castilla sa loob halos ng isang buwan bilang panauhin ni Enrique Estalon, ang kapitan ng barko. 2. Habang nasa barko si Rizal ay sumiklab ang himagsikang Pilipino laban sa mga Espanyol. Nalaman ni Rizal ang pagsiklab ng himagsikan sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga pahayagan

sa barko. 3. Sa petsang Agosto 30, 1896 natanggap ni Rizal ang isang sukat ni Blanco na nag-eendorso sa kanya sa Ministro ng Digma. 4. Inilipat si Rizal ng Setyembre 2, 1896 sa barkong Isla de Panay na maglalayag na patungong Barcelona. 5. Ang barkong Isla de Panay ay dumaan ng Singapore, pansamantalang bumaba si Rizal sa Singapore at pinayuhan siya ni Don Manuel Camus na isang Pilipinong naninirahan na samantalahin na ang pagkakataon upang makatakas. Hindi ito sinunod ni Rizal. 6. Habang si Rizal ay naglalakbay patungo ng Espanya ay lihim na nagpapadala ng telegrama si Blanco sa Ministerio ng Digmaan na si Rizal ang utak ng himagsikan. 7. Sa Suez Canal ay narinig ni Rizal ang balita ukol sa pagbitay sa mga Pilipinong naghihinalang kasangkot sa himagsikan. 8. Setyembre 28, 1896 - narinig ni Rizal ang balibalitang siya ay aarestuhin pagdating sa Barcelona. 9. Setyembre 30, 1896 - ipinaalam kay Rizal ni Kapitan Alemany ang kautusan na siya (Rizal) ay idedetine sa loob ng kanyang kabina hanggang hindi nakakabalik sa Maynila. 11. Oktubre 3, 1896 - nakarating ang barkong Isla de Panay sa Barcelona at ipinadala sa Munjuich Castle na noon ay pinamumunuan ni General Eulogio Despujol . Oktubre 6, 1896 - inilabas si Rizal ng kulungan para ibalik sa Maynila sakay ng barkong Colon. KABANATA 24 - HULING PAGBABALIK AT PAGLILITIS A. Ang Huling Pagbabalik 1. Sa Barkong Colon si Rizal ay binigyan ng isang kabuna at nasa ilalim ng mahigpit na pagbabantay. 2. Nalaman niya sa isang opisyal na siya ang sinisisi ng mga Espanyol ukol sa nagaganap na madugong himagsikan sa Pilipinas. 3. Kinumpiska ng mga Espanyol ang talaarawan ni Rizal. 4. Sa pagdating ng barkong Colon sa Singapore ay sinikap ni Dr. Antonio Regidor at Sixto Lopez sa pamamagitan ng isang abogadong Ingles na si Attorney Fort na bigyan si Rizal ng habeas corpus ngunit hindi ito naipagkaloob sa dahilang ang barkong Colon ay nasa ilalim ng bandila ng Espanya. 5. Nobyembre 3, 1896 - Nakarating ang barkong

Colon sa Maynila at tahimik na inilipat si Rizal sa Fort Santiago. Sa panahong ito ang mga Espanyol ay nangangalap na ng ebidensiya laban kay Rizal. Pinahirapan ng mga Espanyol ang maraming mga Pilipino para isabit si Rizal sa nagaganap na himagsikan. 6. Nagkaroon ng isang Preliminary investigation sa kaso ni Rizal na pinamumunuan ni Colonel Francisco Olive . Si Rizal ay sumailaliam sa limang araw ng mahigpit na imbestigasyon. 7. Pinili ni Rizal ang pangalan ni Tinyente Luis Taviel de Andrade bilang abogado sa gaganaping paglilitis sa kanya. 8. Nagsimula ang paglilitis kay Rizal noong Disyembre 26, 1896 at sa nasabi ding araw ay nagpasiya ang hukuman na bitayin si Rizal sa pamamagitan ng pagbaril. 9. Noong Disyembre 28, 1896 nilagdaan ni Gobernador Heneral Camilo Polaviela ang kautusan ng pagbaril kay Jose Rizal. KABANATA 25 - ANG KAGITINGAN SA BAGUMBAYAN A. Ang mga Huling Oras ni Rizal 1. Sa ganap na ika -6:00 ng umaga ay binasa ni Kapitan Rafael Dominguez ang kapasiyahan na siya ay bitayin, sa Bagumbayan sa Disyembre 30, 1896 sa ganap na ika- 7 ng umaga. 2. Alas 7:00 ng umaga - Tinanggap niyang bisita sina Padre Miguel Saderra Matta (Rector ng Ateneo) at Padre Luis Viza, isang Jesuitang Guro. 3. Alas 8:00 ng umaga - Pumalit kay Padre Viza si Padre Antonio Rosell, inimbitahan siya ni Rizal na mag-almusal. Pagkatapos na mag-almusal dumating si Tinyente Luis Taviel de Andrade at nagpasalamat si Rizal dito sa ginawang pagtatanggol niya. 4. Alas 9:00 ng umaga - Dumating si Padre Federico Faura at sinabi ni Rizal na tama ang sinabi ng pare na mapuputulan siya ng ulo sa pagsulat ng Noli Me Tangere . 5. Alas 10:00 ng umaga - Dumating si Padre Villaclara (guro ni Rizal sa Ateneo) at Padre Vicente Balaguer (kura paroko ng Dapitan). Dumating si Santiago Mataix at kinapanayam si Rizal para sa pahayagang El Heraldo de Madrid. 6. Alas-12:00 ng tanghali - naiwan si Rizal na nagiisa sa kanyang silid para magtanghalian. Pagkatapos nito ay ipinagpatuloy niya ang kanyang pagsusulat. Natapos na niya ang Mi Ultimo Adios at itatago na lamang sa lutuang alcohol at ginawa na rin ni Rizal ang kanyang huling sulat kay Ferdinand Blumentritt. 7. Alas 3:00 ng hapon ay nagbalik si Padre Balaguer sa Fort Santiago at kinukulit si Rizal na

gumawa ng isang retraksiyon sa kanyang isinulat na laban sa simbahang Katoliko. 8. Alas 4:00 ng hapon - dumating ang ina ni Rizal sa Fort Santiago. Lumuhod dito si Rizal at hinalikan ang kanyang ina. Sumunod si Trinidad at dito ay ibinigay niya ang lutuang alcohol na naglalaman ng Mi Ultimi Adios . 9. Sa pag-alis ng mga magulang at kapatid ni Rizal ay nagbalik pa rin ang mga Jesuita sa pangungulit kay Rizal na gumawa ng retraksiyon. 10. Alas 6:00 ng gabi - Patuloy pa rin sa pangungulit ang mga Jesuita at mga prayle na gumawa na si Rizal ng isang retraksiyon. 11. Alas 8:00 ng gabi - nagsagawa si Rizal ng kanyang huling hapunan sinabi niya kay kapitan Dominguez na pinatatawad na niya ang lahat ng kanyang mga kaaway . 12. Alas 10:00- ipinadala ng Arsobispo Nozaleda ang isang kopya ng retraksiyon na pipirmahan ni Rizal ngunit ito ay tinaggihan ni Rizal. Dahilan sa hindi napapirma si Rizal sa retraksiyon, ang paring Jesuita ay hinuwad ang lagda nui Rizal at pagkamatay ni Rizal ay sinabi nila na si Rizal ay lumagda ng isang retraksiyon. 13. Alas 3:00 ng umaga- sinasabi ng mga paring Jesuita na si Rizal ay nakinig ng misa at tumaggap ng komunyon. Ngunit ito ay walang basehan. 14. Alas 5:30- kinain ni Rizal ang kanyang huling almusal pagkatapos ay sinulat niya ang dalawang sulat para sa kanyang kasambahay at sa kapatid na si Paciano. 15. Sa nabanggit din na oras ay dumating si Josephine Bracken at ipinagkaloob ni Rizal ang isang aklat ni Kempis na may pamagat na Imitacion de Cristo .Sa nasabing aklat inilagay ni Rizal ang isang sulat na To my dear and unhappy wife, Josephine December 30, 1896. Jose Rizal. 16. Alas 6:00 ng umaga - habang naghahanda para sa martsa sa Bagumbayan, inihanda ni Rizal ang kanyng huling sulat para sa kanyang ama at ina. 17. Alas 6:30 - nagsimulang umalis ang martsa mula saa Fort Santiago patungo ng Bagumbayan. Apat na sundalong Espanyol na nakabaril at bayoneta ang nasa harapan, sa likuran si Rizal na mahinahong naglalakad kasabay ni Tinyente Luis Taviel de Andrade sa isang tabi at si Padre March at Villaclara sa kabila. Sa likuran ng maraming mga sundalong Espanyol na nasasandatahan. Sa panabi ng martsa ay ang hanay ng mga taong nanonood. 18. Sa pagdating ni Rizal sa Bagumbayan mas maraming bilang ng mga tao ang naghihintay upang saksihan ang gagawing pagbitay kay Rizal. 19. Nagpaalam si Rizal kay Luis Taviel de Andrade

. Pinulsuhan siya ni Dr. Castillo isang manggagamot ng hukbong Espanyol at humanga sa normal na tibok ng pulso nito. 20. Alas 7:00 ng umaga - binaril si Rizal sa Bagumbayan. 21. Pagkatapos ng barilin ng firing squad isang opisyal ng hukbo ang lumapit sa kanyang katawan at binaril na malapitan sa puso. Upang tiyakin na patay na ito. 22. Pagkatapos ng pagbitay, ang bangkay ni Rizal ay inilibing sa sementeryo ng Paco.

You might also like