Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

John Noel M.

Viaa MPS 10 X4-A Prosang parang tula (Mohinder Suresh) DNA Deoxyribonucleic acid ang materyal na nagbibigay kabuuan at katangian sa bawat nilalang. Ito ang tanging nasa isip niya ngayon. Katawan niyay nanginginig at namamawis habang tinititigan ang blankong pahina ng bluebook. Ibinaling niya na lang ang tinigin sa pisara, ngunit tanging nakita ay malaking 15 minutes left. Tumingin siya sa questionnaire, bagay na kasing komplikado rin yata ng DNA ang nakita. What is the surface integral of the vector field in ?, ayaw niya nang basahin. Nagrireplicate ang DNA sa pamamagitan ng semi-konserbatibong pamamaraan. Saulong-saulo niya ang bagay na ito. Tumingin siya ulit sa pisara, 10 minutes left ang tangi niyang nakita. Kanyang naisip kung sagot ng katabi ay pwede rin bang ireplicate. Pero, Math ito, at di lang True, False, A, B, C, o D, ang sagot dito. Kung mangungopya siya, tila mahaba-habang kopyahan ang magaganap. Kayang magreplicate ng DNA sa loob ng sandaling panahon lamang. Dahil sa pag-aaral niya ng MBB 110 kagabi, kaya niya pa ngang ibigay ang eksaktong haba ng pagri-replicate ng DNA sa isang tao. Tumingin siya ulit sa pisara, 5 minutes left ang nakalagay. Pulang tisa pa nga ang ginamit sa pagsulat nito. Wala na siyang magawa. Tumingin siya ng palihim sa bluebook ng katabi at inumpisahang i-replicate ang mahabang solusyon nito sa tanong. Ang DNA ay binubuo ng dalawang hibla na magkaugnay at bumubuo ng isang malahagdang hugis-helix na kompormasyon. Tandang-tanda niya ang hitsura ng DNA. Pilit niya ring tinandaan ang sagot ng katabi. Habang nangungopya, dinikit niya ang hintuturo at hinlalato, na parang dalawang hibla ng DNA, umaasang walang sinumang makahuli sa ginagawa. May ilang bahagi ng DNA na hindi nagagamit upang magbigay katangian sa isang nilalang. Ito ang kanyang naisip pagkatapos kopyahin ang pagkahabahabang solusyon ng katabi. Kasabay rin nito, ang pagsabi ng guro ng Time is up. Submit your bluebooks to the front. Ipinasa niya ang bluebook na may ilang bahagi na galing sa kaklase. Tahimik siyang lumabas ng silid.

You might also like