Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

TRECE MARTIRES CITY NATIONAL HIGH SCHOOL TRECE MARTIRES CITY

NOLI ME TANGERE (ISANG PAGSUSURING PANTANGHALAN)

BILANG PROYEKTONG PANTANGHALAN SA ASIGNATURANG FILIPINO

PARA KAY: GINANG MARIBETH RIETA GURO-FILIPINO III IPINASA NI: MARK DANIELLE G. VIDAR T.P. 2011-2012

I.DIREKSYON Ipinahatid ng direktor na si Anne Villegas ang mensahe nito sa kawili wiling paraan. Ginawa niya itong di nakababagot at nilagyan ng kakatwang bahagi. Inlahad din ito sa karaniwang salita lamang kaya madali itong maintindihan. Malinaw rin ang dayalogo at makatotohanan ang bawat eksenang pinakikita. II.Istoryang Pantanghalan Sa tema nitong pag ibig at buhay ni Rizal at Ibarra ay naipahayag sa madulang paraan tulad sa bahaging pagapapakilala ni Ibarra sa mga kaibigan at iba pang bahagi. Katulad ng ibang kwento ay may suliranin ito at ito ay ang pag aaway ni Damaso at Ibarra. At sa kasukdulan ay ang muntik nang mapatay ni Ibarra si Padre Damaso. Sa kakalasan ay umiwas na siya sa mga tao na dati niyang kilala at nagbago siya, sa wakas ay umalingawngaw ang pagputok ng baril at di tiyak ang nangyari kay Ibarra Naging malinaw ang pagkakalahad ng kwento dahil namayani ang mga karaniwang salita a madali itong naintindihan. Makatotohanan ang istorya nito dahil tunay na nangyari ito at walang halong piksyon. May saysay din ang kwento nito at may mensahe na nais iparating. III.Pagganap Si Crisostomo Ibarra ay ginampanan ni Chubi del Rosario ay may romantiko at mapagmahal sa bayan. Si Maria Clara na ginampanan ni Aifah Medina ay isang mapagmahal na nobya o kasintahan na tulad din naman ni Leonor na kanya ring ginampanan. Si Jose Rizal ay ginampanan ni Josan Rodrigo ay mapagmahal sa bayan at romantiko ring karakter. Si Elias ay ginampanan ni Algee Maniago na may ugaling mapahalaga sa utang na loob at tapat na kaibigan. Si Padre Damaso na ginampanan ni Sonny Alcantara ay may malupit at masamang paguugali. Si Basilio na ginampanan ni JM Reyes ay may mapagmahal at maalalahaning karakter. Si Sisa ay ginampanan ni Sara Argones ay mapagmahal na ina at may sirang ulo sa labis na pighati at pasakit na dinaanan. Bawat artista ay may mahusay na pagganap sa bawat karakter nilang ginampanan puno sila ng emosyon at walang alinlangan sa pagganap.

Meron mga kalisifikasyon sa bawat karakter isa narito ang Protagonista tulad nila Crisostomo Ibarra na nagbago ang pananaw kaya siyay tauhang bilog, si Rizal ay nanatling naniwala sa reporma at kapangyarihan ng pluma at nobela kaya siya y nasa katauhang lapad, Si Maria Clara ay nanatili ang pagmamahal kay Ibarra kaya siya s nasa kategoryang lapad din at si Elias naman ay medyo nagbago ang pananaw kay Ibarra nang matuklasan na ninuno ni Ibarra ang nanira sa kanyang lolo kaya siya ay nasa karakter na bilog. Sa mga Antagonista ay nariyan si Padre Damaso na masama hanggan sa huli kaya siya ay nasa karakter na lapad. IV.DISENYONG PAMPRODUKSYON Ang set ng dula ay makatotohanan at wariy naibalik sa panahon ng kastila. Ang kanilang mga kasuotan at set ay nagbalik sa akin sa dating panahon. Ang ginamait nilang set ay medaling buoin dahil sa alternatibong maaring gamitin. V.EDITING Naging kawili wili ang dula ngunit medyo nagkaroon ng ilang mga kalabisan at di na dapat isama. Kabilang na rito ang ilan sa pagpapatawa ni Pilosopo Tasyo at dahil dito ay hindi na ito nakatutuwa. Kasama rin ang pagsayaw ni Sisa at iba pang tauhan. Naging maayos ang dula may kahabaan lamang ito. VI.MUSIKAL ISKORING Naging malaki ang naidagdag ng musika tulad ng mas pagpaparomantiko ng bawat tagpo at katulad din sa maaksyong bahagi ay mas lalong nakapagpanabik sa mga manunuod. VII.PAGLALAPAT NG TUNOG Tama lamang ang paglalapat ng tunog at sakto sa bawat eksena.Hindi ito nakasira sa mga dayalogo VIII.MENSAHE Gustong ipabatid ni Rizal na naghihirap na ang mga Filipino.

IX.BUOD Muntik na niyang mapatay si Damaso Nagpunta sila kay Damaso Kumunsulta sya kay Pilosopo Tasyo. Niligtas niya si elias. Nagpasiya syang ituloy ang nasimulan ng ama. Nagpunta siya kay Maria. Nagbalik si Ibarra at naglibot. Nagputukan ang baril at Matiyak ang nang yari sa kanya. Nagtago sya Nag iba sya

IBARRA,MARIA,ELIAS,DAMASO

You might also like