Professional Documents
Culture Documents
Documenttula
Documenttula
Sa unang taon ay naninibago pa Sabi nga nila nasa period of adjustment pa Dumami ang kakilala at naging kaibigan Di akalaing ganito ang kahihinatnan
Maraming bagay ang hindi makaklimutan Ang walang humpay na barahan Walang kupas na buraotan At ang paghahapit kapag pasahan
Di makalimutan walang hanggang tawanan Walang tigil na daldalan Kay sarap balikan ang panahong masaya Taong nilagi talagang maligaya
Salamat mahal kong mga kaibigan Sa mga tulong na ipinagkaloob mo Sa bawat problema na ating nalagpasan Salamat at hindi ka nawala sa piling ko
Salamat sa aming mga magulang Na walang sawa na kami'y inalagaan Kahit kami ay minsan nagkukulang Walang pakealam basta't kami maginhawahan
Salamat sa ating Panginoon Na siyang nagbigay ng talino't gabay Sa mga magulang na kanyang ibinigay Pangako hanggang wakas ito'y pahahalagahan
Paalam sa aming mga guro Na walang sawa saamin ay nag turo Paalam din sa eskuwelahan Na palagi naming babalik balikan
Sana sa ating paglisan Hindi matapos ang pag kakaibigan Apat na taong pinagsamahan Sana'y di mabago magpakailanman
Ngayon kami'y lilisan na Kay hirap sabihing "Paalam na" Mananatili masasayang alaala Hindi kalilimutan mga paalala