Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Kasaysayan ng Timog Asya Pagkatapos ng Panahong Neolitiko hanggang Dinastiyang Mughal

Timeline ng mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng subkontinenteng India.

Kabihasnang Indus, 3000-1500 BC

Paggamit ng selyo at maraming simbulo sa pagsusulat. Mga teorya ng pagbagsak ng kabihasnang Indus: (1) Suliraning ekolohikal/sa kalikasan (2) Pagputok ng bulkan/lindol/baha (3) Pananakop ng mga Aryan.

Lokasyon ng kabihasnan Mohenjodaro at Harappa- mahahalagang lungsod sa kabihasnang Indus Mga Drabidyano ang pinaniniwalaang luminang ng kabihasnang ito. Maayos na pagpaplano ng imprastraktura at lungsod. Epektibo ang pamahalaan. Maraming naipatayong paaralan, templo, imbakan ng pagkain at iba pang pampublikong istarktura. Kalinangan sa matematika at surveying. Politeistiko. Sumasamba sa mga banal na hayop tulad ng baka, atbp.

Indus Valley Civilization Isa sa pinakamagandang bagay na maipagmamalaki sa sibilisasyong ito ay ang mahusay na pagpaplano ng mga siyudad na hindi gaanong nakita sa iba pang sumibol na kabihasnan. Sa aspetong iyon, makikita ang mataas na antas ng karunungan ng mga sinaunang tao kabilang sa

Kalinangang Hinduismo, 1500-550 BC


I. Matandang Vediko Nagsimula ito sa pagpasok ng mga Aryan, IndoEuropeong pangkat, sa Timog Asya. Naging dahilan ito ng paglipat ng mga Drabidyano sa bahaging timog ng India. Paglaganap ng politeistikong relihiyong Vedismo na nakabatay sa mga nakasulat sa Veda (karunungan).

Nahati ang lipunan sa mga varna (class) batay sa sistemang kasta (Caste system). (1) Brahmin-mga pari (2) Kshatriya-mga mandirigma (3) Vaishyas-mangangalakal at magsasaka (4) Shudra-mga alipin Nagkaron ng ganitong sistema dahil sa paniniwalang Aryano, at takot ng kontaminasyon.

Trimurti Banal na sangkatlo ng Hinduismo. Brahma: Tagapalikha Vishnu: Tagapagpanatili Shiva: Tagasira

Pagpasok ng mga Bagong Relihiyon, 550-184 BC


Veda Nakasulat sa Sanskrit, may apat na koleksyon ng Veda: ang Rig Veda, Sama Veda, Yahur Veda at Atharva Veda. Pangunahing laman ng Rig Veda ay ang mga papuri sa mga diyos tulad nila Indra, Agni, Soma, Varunas at marami pang iba. Kasama ito sa batayang kasulatan ng Hinduismo. Mga paniniwalang at tradisyong Aryano: (1) Apat na yugto ng buhay: pagaaral/pagdidisiplina, pag-aasawa, pagtatrabaho/paglilingkod, pagtigil sa makamundong pagnanasa. (2) Tradisyong patrilineal (3) Paniniwala sa kauluwa, mataas na porma ng dasal at ang konspeto ng dualismo. II. Bagong Vediko Umusbong ang iba pang Veda maliban sa Rig Veda. Pagsibol ng mga ritwal ng pagsasakripisyo, salamangka at panggagayuma. Ang pagkakasulat ng Upanishads na nagtataglay ng 6 na batayan ng pilosopiyang Hindu Ang pag-usbong ng epikong patula na Mahabharata (tungkol sa paligsahan ng dalawang angkan) at Ramayana (tungkol sa isang prinsipe, Rama). Paniniwalang nilinaw sa panahong ito: karma, reinkarnasyon, samsara (siklo ng walang katapusang buhay), moksha (pagtakas sa samsara), dharma, artha at kama (tatlong tunguhin ng tao).

Katulad ng Hinduismo, tinaggap ng mga sumusunod na relihiyon ang konsepto tulad ng samsara at karma. Kasama sa mga layunin nito ay ang tanggalin ang kasta sa lipunan at ang pagsamba sa maraming diyos sa pamamagitan ng maranyang ritwal. Jainismo Sentro ng paniniwalang ito ang konsepto ng kaluluwa -- paggalang at pagkakapantay-pantay ng mga kaluluwa. Pinakilala ito ni Vardhamana Mahavira Buddhismo Nakaugat sa mga meditasyon tungkol sa kahirapan sa buhay. Pagtingin sa malalim na kahulugan ng buhay. Pinakilala ni Siddharta Gautama *kasama sa iba pang naipakilalang relihiyon sa panahong ito ay ang Saivismo at Vaisnavismo.

Sistemang Imperyal sa India, 312 BC-550 AD


Nakapasok sa India ang imperyong Persyano ang imperyong Achaemenid. Pati na ri ang Imperyo ni Alexander the Great, sinakop nito ang kolonya sa lambak ng Indus at sya naman itong nilisan na nagbigay daan sa pagtatatag ng Imperyong Maurya.

Imperyong Maurya Chandragupta Maurya: ang nagtatag ng imperyong Maurya Naging epekitbo ang pamamahala na naglunsad sa maraming imprastraktura at kaayusan sa imperyo.

Pinag-isa ang karamihan sa lugar sa hilagang India Tinaguriang Ginintuang Panahon ng India dahil sa pag-usbong sa mga larangan ng agham, sining at pilosopiya. Pinaniniwalaang nagmula ang mga Gupta sa Bengal Mahigpit na sistema ng pagbubuwis at sentralisado ang pamahalaan. Namulaklak ang panitikang Sanskrit. Mga namahala sa imperyo: (1) Chandra Gupta (2) Samudragupta (3) Chandra Gupta II (4) Kumaragupta II (5) Skandagupta

Imperyong Maurya Napasailalim sa panahong ito ang pinakamalawak na saklaw ng lupain na umabot halos sa buong subkontinenetng India. Pinakamalawak sa lahat ng naging imperyo sa makalumang panahon. Asoka: apo ni Chandragupta Maurya na syang pinakadakilang pinuno ng imperyo. Matapos ang isang labanan na nagdulot ng maraming kamatayan, niyakap nito ang Buddhismo at nagpatupad ng iwas-karahasang mga programa. Nagpadala ng mga misyonerong Buddhista sa karatig lugar ng India. Humina ang imperyong Maurya sa pagkamatay ni Asoka. Napalitan ang imperyong ito ng mga maliliit na imperyo tulad ng dinastiyang Sunga at Shaka. Kaguluhang Pulitikal sa India Dulot ito ng mga pangunahing salik: (1)walang sentralisadong pamahalaan. (2) pag-usbong ng kaharian sa Timog India. (3) pamumulaklak ng panitikang Drabidyano *kasabay nito ang paglakas ng Buddhismo ang paglaganap nito sa mga karatig na lugar ng India. Dinastiyang Gupta

Matematika Sa imperyong ito nagkaroon ng maraming rebolusyon sa matematika tulad ng pagpapakilala sa konsepto ng zero, infinity, trigonometry, at ang pinakmahalaga sa lahat ay ang Arabic Numerals (0-9).

Islamisasyon sa India, 712-1526 AD


Unang Pagtatangka Kalagayang heograpikal ang nagging dahilan kung bait nahirapan ang mga Muslim noong una na lusubin ang India. Nagkaroon ng jihad (banal na digmaan) sa pamumuno ni Mahmud ng Ghaznivlaban sa mga Hindu ang Kalipatong Abassid Labanan ng Elepante (Hindu) at Kabayo (Muslim) na naging dahilan ng pagpasok ng Muslim sa India. Sultanato ng Delhi Itinatag ni Qutubuddin Aybak noong 1206 Mga dinastiya ng namuno sa India sa panahong ito: (1) Slave/Mamluk naging sentro ng sultanato ang Delhi. (2) Khilji pinalawak ang sakop ng sultanato hanggang Timog India at Bengal. (3) Tughlaq- Naglipat ng kabisera sa Dacca (Bangladesh) (4) Sayyid- naniwala sa descendants of the prophets

(5) Lodhis- pinakahuling dinatiya.

Delhi Sultanate Ilan sa mga namuno sa sultanatong ito ay mga babae. Ang pinakamahalagang naiambag nito sa subkontinente ay ang pagtanggol nito sa mga pananakop ng mga Mongol mula sa Gitnang Asya.

Dinastiyang Mughal, 1525-1739 AD

Mughal Empire Sa imperyong ito umusbong ang maraming bagay na kinikilala ngayon sa buong mundo tulad ng relihiyong Sikhismo, ang Taj Mahal, ang konsepto ng religious tolerance at ang pagkakapantay pantay ng lahat sa harap ng batas.

Sintesis
Ang kabihasnan na nalinang sa India noong pagkatapos ng panahong Neolitiko ay nagbigay sa mundo ng dalawa sa pinakadakilang relihiyon sa mundo. Ang Hinduismo ay naging, hindi lamang isang pananampalatayang Indian, kundi, pati na rin paraan ng buhay, ang nagdidikta ng kinakaiin, at sa pag-aasawa, halimbawa. Ang Buddhismo naman, sa kabilang banda ang sumalungat sa ilan sa paniniwala ng Hinduismo. Nilalayon sa Buddhismo ang pagkakaroon ng dispilinadong pamumuhay upang makamit ang kapayapaan pati na rin ang pag-angat sa kahirapan ng buhay. Ang paniniwala sa hindi marahas na gawi ng buhay ay syang nag-impluwensya sa mga pinuno n gating panahon para sa kapayapaan at karapatan ng bawat tao. Ang pananampalataya ding ito ang nagbigay ng inspirasyon sa pag-usbong nang mataas na uri ng sining at arkitektura. Naging lunduyan din ang Timog Asya sa paglinang ng ibat ibang uri ng disiplina tulad ng matematika, agham at pilosopiya.

Dinastiyang Mughal Itinatag ni Babur, inapo ni Genghis Khan matapos ang Labanan sa Panipat. Nagtapos ang Delhi Sultanate. Sinundan ito ng anak niyang si Humayun na nahirapang magapi ang mga pananalakay ng ibang maliliit na imperyo. Sumunod na namuno si Akbar the Great, na nagpalawak ng imperyo sa hilaga ng India. Ilan sa mga nagawa ni Akbar ay ang mga sumusunod: (1) Pagkakapantay pantay ng lahat (2) Pagbaba ng buwis (3) Religious tolerance (4) Pakikipag-ugnayan sa mga Rajput (mga Hindu sa hilagang kanlurang India) (5) Uganayan ng Hindu at Islam (pag-usbong ng Sikhismo) Shah Jahan- napatayo n maraming imprastraktura at ilan na dito ay ang Taj Mahal at ang Pearl Mosque. Aurangzeb- mabisang nagapi ang mga pag-aalsa ng mga Afghans at mga Rajputs, pinatupad ang diskriminasyon sa Hindu at Sikhs), pinagbawal ang alak Bumagsak ang imperyo kay Nadu Shah ng Persya.

You might also like