Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Minsan naging biro ni Cory Aquino ang pagsasabing sa mga nakaraang dekada kilala siya bilang ang maybahay

ni Ninoy, ang martir sa panahon ng rehimeng Marcos at sa kasalakuyang henerasyon, bilang ang ina ni Kris Aquino. Ngunit nang mamatay ang dating Pangulo, naging sariwa sa lahat ang nakaraan. Nanumbalik ang diwa ng Edsa Revolution, naging sabik ang mga tao sa demokrasya. Dahil dito naging bukambibig ang pangalang Noynoy, ang kaisa-isang lalake sa limang anak nina Ninoy at Cory. Marami ang nag-udyok na siyay tumakbo bilang Pangulo sa paparating na eleksiyon. Ito namay nag-ani ng ibat ibang reaksiyon sa taumbayan. Ang ilan ay natuwa, ang ibay nagtaas ng kilay at ang ilan namay nagkibit balikat na lamang. Ngunit, noong ika-28 ng Nobyembre naging pinal at pormal na nga ang kandidatura ni Noynoy sa pagkaPresidente. Nagpasa siya ng Certificate of Candidacy kasama ang katambal na si Mar Roxas na tatakbo naman bilang Bise-Presidente. May K nga ba si Noynoy? Ano nga ba ang maipagmamalaki niya? True-blooded Atenean ika nga. Elementarya hanggang kolehiyo, dito sa Pamantasang Ateneo nag-aral si Noynoy. Nagtapos siya ng kursong AB Economics taong 1981. Bago naging Senador, tatlong termino rin siyang nagsilbi bilang kinatawan ng Ikalawang Distrito ng Tarlac mula 1998 hanggang 2007. Gamit ang kaalaman sa ekonomiks, isinulong niya sa kongreso ang mga batas na pumapabor sa mga Pilipinong manggagawa at mamimili. Ilan sa mga ito ay ang House Bill No. 4397 na nagpapaigting ng kapangyarihan ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya na magpatupad ng mga consumer laws, ang House Bill No. 4252 na nagpapataas ng kaukulang parusa sa mga employers na hindi sumusunod sa idinidikta ng batas na pagtaas ng sahod ng kanilang mga empleyado at ang House Bill No. 4251 na nagbibigay ng taunang insentibo sa pagiging produktibo ng mga manggagawa sa pribadong sektor. Maliban dito, naging Deputy Speaker siya sa Kongreso mula 2004 and 2006 at naging miyembro ng maraming House Committees. Sa taong 2008, sa 37 na tumakbo bilang Senador, ika-anim si Noynoy sa may pinakaraming natamong boto. Sa Senado, isinulong niya ang transparency sa pagbili ng mga kinakailangang produktong petrolyo para sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa pamamagitan ng isang public bidding. Sources: http://www.senate.gov.ph/senators/sen_bio/aquino_noynoy_bio.asp http://www.gmanews.tv/story/171863/the-son-also-rises-who-is-noynoy-aquino http://www.cnn.com/2009/WORLD/asiapcf/09/09/philippines.aquino.candidacy/inde x.html

You might also like