Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ekspreson Ng Mukha Ekspresyon ng Mukha Maraming mukha ang ekpresyon ng tao na nagsasabi na ikaw ay masaya, meron naman naglalarawan

na ikaw ay nalulungkot, nagagalit, nanggigil, nagugulat, natatakot, nahahabag. Ang ekpresyon ng tao ay salamin ng kung ano ba ang tunay mong saloobin, nararamdaman mo at iyong pinagdaraanan. May ekspresyon din na maari mong ikubli ang na gusto mong hindi na ipaalam o malaman ng taong nasa paligid mo dahil sa pagnanais tunay na nilalaman ng iyong puso upang pagtakpan o itago ang katotohanan, mga bagay mo ipalabas na ikaw ay masaya halimbawa, n gunit sa kaibuturan ng iyong puso ang nararamdaman mo ay pighati. Mababanaag natin sa ekspresyon ng tao ang kanyang damdaming nararanasan. Ang mga taong nagdadalamhati ay makikitang mong tumutulo ang luha at bakas ang lungkot. Ang taong masaya ay labas ang lahat ng ngipin sa pagngiti o pagtawa na animoy wala nang mata. Nararamdaman mo rin kasi sa ekspresyon ng tao ang damdaming nakapaloob dito kahit siyay nakangiti ngunit kung ang mata naman niyay kasing lamlam ng lampara, alam mo ang taong iyon ay may malaking suliranin. Nagkukubli ang tunay nating damdamin sa mga ekspresyon ng ating mukha kung kinakailangan. Ang pagpigil natin sa ating emosyon minsan ay nakakapagpabago ng ekspresyon ng ating mukha dahil sabi nga ang ating pagkatao ay may other side at iyon ang siyang lumalabas kapag gusto natin ikubli ang tunay nating saloobin.

You might also like