FILIPINO

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

HOLY CROSS HIGHSHCOOL PHILPS BUKIDNON IN HOC SIGNO VINCES BY THIS SIGN YOU SHALL CONQUER IN GODS MERCY,

WE SERVE WITH JOY!!!

MGA BAYANING PILIPINA


Ipinasa ni:Kearl Apple Osabel Ipinasa kay:Bb. Lovella Lahayon Ipinasa noong:Enero 16,2011

Corazon Cojuangco Aquino (pangulo-presidente) Si Corazon Aquino ay isa pang halimbawa ng katapangan ng mga babae sa Pilipinas. Naging Panggulo ng Pilipinas siya noong 1986, sa katapusan ng EDSA 'revolution' at ang alis ng Ferdinand Marcos. Masamang Panggulo si Marcos at linabanan ng mga Pilipino siya. Matapang si Corazon Aquino at malakas siya sa itong laban. Pinatay ng mga kasama ni Marcos ang asawa ni Corazon Aquino, si Benino Aquino, ang dating pinuno ng laban. Naging pinuno si Corazon sa katapusan ng kamatayan ni Benino Aquino. Habang naging Panggulo si Corazon Aquino, marami siyang nakitang laban. Pero, matapang at malakas siya. Naging magiling na Panggulo siya.

Vilma Espn--bayani ng rebolusyong Cubano

Nagpupugay ang rebolusyonaryong kilusan sa Pilipinas kay Kasamang Vilma Espn, isang magiting at katangi-tanging upisyal ng Cuba na namatay noong Hunyo 8, 2007 sa edad na 77. Kagawad siya ng Komite Sentral at Politburo ng Communist Party of Cuba. Myembro rin siya ng Konseho ng Estado at presidente ng mga komisyon hinggil sa kababaihan at kabataan. Si Vilma Espn ay asawa ng bise-presidente ng Cuba na si Raul Castro. Siya ang nagsilbing "Unang Ginang" ng Cuba pagkamatay ng kaisang-dibdib ni Fidel Castro.

Akay ng kanyang hilig sa kawang-gawang bayan ang nasa niyang itaguyod ang katayuan ng mga babae sa Pilipinas. Walang boto ang mga Pilipina nuon, kaya walang kalagayan sa politica ng bayan. Kahit abala sa maraming tungkulin, masugid na sumali si Pepa sa kalampag ng mga babaing nais magka-karapatan bumoto sa halalan (suffragettes). Kinilala ang galing at sigasig niya nang nahalal na kalihim (secretary) ng Pangkalahatang Sanggunian ng Kababaihan (General Council of

Women). Sabay sa mga babae sa America, nagtagumpay ang kalampag nuong Deciembre 7, 1933 nang pairalin ang Batas (Act) 112 na nagbigay ng boto sa mga Pilipina. Kinilala rin ang pagsilbi ni Pepa sa Boy Scouts of the Philippines nang ipadala siya nito sa America uli nuong 1933 rin upang pag-aralan ang pagiging Girl Scout. Binuo niya ang Girl Scouts of the Philippines pagbalik sa Pilipinas nuong 1937 at, matapos ng walang puknat niyang amuki, itinanghal na pambansang samahan (national organization) ang GSP nuong 1940 nang lagdaan ni Pangulong Manuel L. Quezon ang Batas (Commonwealth Act) 542. Hindi kinaligtaan ni Pepa ang kawang-gawang bayan (social work). Itinatag niya ang Boys Town upang maging tahanan ng mga batang lalaking palaboy sa Manila. Sinikap din niya ang pagtatag ng mga paaralang pang-musmos (free nursery schools) na walang bayad, may pakain pang sabaw (sopa, soup) at gatas (leche, milk). Nilakad din niyang malinis at mapagbuti ang kalagayan sa mga liblib na barrio sa lalawigan, at sa mga kulungan. Kumalampag din siya na masugpo ang mga sugal ( ugar, gambling) at iba pang mga bisyo (vicios, vices), at matatag ang mga paaralang pang-matanda (adult education) sa mga lalawigan. Sa kabila ng daming gawain, nagka-panahon si Pepa na pakasal kay Antonio Escoda at nagka-anak sila ng dalawa - sina Maria Teresa at Antonio Junior. Suminag ang pagka-makabayan (patriotism) ni Pepa nuong panahon ng Hapon (World War 2). Paglusob ng mga Hapon, siya at ang asawang si Antonio ay sumapi sa Volunteer Social Aid Committee at tumulong sa mga sundalong Pilipino at Amerkano. Isa siya sa mga tumulong sa mga bihag (prisoners) na pinahirapan ng Hapon nuong Bataan Death March. Pagkatapos, kasama rin silang nagpuslit ng gamot, pagkain at damit sa mga sundalong ibilanggo sa Camp ODonnel at sa mga Amerkano at iba pang dayuhan (foreigners) na ikinulong ng mga Hapon sa University of Santo Tomas sa Manila, at sa prisoner of war camp sa Los Baos, Laguna. Itinago nila ang mga babae at mga

mag-aral (estudiantes, students) na tumakas o naipit ng bakbakan sa Manila, hanggang nakabalik ang mga ito sa kanilang mga lalawigan. Nahuli ng mga Hapon ang asawa niyang si Antonio nuong Junio 1944 at ikinulong sa Fort Santiago. Pagkaraan ng 2 buwan, nuong Agosto 27, binihag din si Pepa ng mga Hapon at ikinulong din duon. Pinahirapan at siniyasat siya subalit nanatiling tahimik at matatag. Dahil walang naiparatang, inalok siyang lumabas at lumaya nuong Deciembre 1944 - 2 buwan matapos bumalik ang mga Amerkano at talunin ang mga Hapon sa Leyte. Tumanggi si Pepa at piniling manatiling kapiling ng kanyang asawa. Hindi nagtagal, nuong Enero 1945, lumusong ang hukbong Amerkano sa Lingayen, Pangasinan, sa Batangas at sa Bicol, upang palayain muli ang Luzon mula sa mga Hapon. Nagkagulo sa Manila at huling nakita si Pepa nuong Enero 6, 1945, bihag pa rin ng mga Hapon sa Far Eastern University. Paniwala ngayon na hindi nagtagal pagkatapos nuon, dinala siya at binitay ng mga Hapon sa Chinese Cemetery. Pinararangalan ngayon sa Pilipinas si Pepa Josefa Llanes Escoda dahil sa kanyang mga nagawa. Hinirang ang kanyang pangalan sa isang lansangan at sa isang gusali (edificio, building), at nagtayo ng isang monumento bilang alaala sa kanyang pagka-bayani. Inilarawan din siya sa 1,000 piso kasama ng 2 pang bayaning binitay din ng mga Hapon, sina Jose Abad Santos at Vicente Lim.

Espiridonia Bonifacio
Mula Wikifilipino Jump to: galugad , hanapin

Si Espiridonia Bonifacio (14 Disyembre 1875 26 Mayo 1956) ay isang Katipunera na asawa ni Teodoro Plata. Siya ang nakababatang kapatid nila Ciriaco at Procopio na mga anak ni Andres Bonifacio. Si Espiridonia lihim na kumukuha ng mga armas ng mga Espanyol, na kaniyang itinatago sa pamamagitan ng kaniyang malaking saya.

Hilaria del Rosario Aguinaldo


Mula Wikifilipino Jump to: galugad , hanapin

Si Hilaria del Rosario Aguinaldo (1877-March 6, 1921) ay ang unang asawa ni Heneral Emilio Aguinaldo. Siya ang tinaguriang pinakaunang "First Lady" ng Pilipinas at ang unang "Honorary President" ng Philippine Red Cross. Noong taong 1899, itinatag nya ang "Hijas dela Revolucion" na kinalaunan ay nakilala sa pangalang "Asociacion de la Cruz Roja" na naging Philippine Red Cross. Sinoportahan nya ang rebolusyong laban sa mga Amerikano sa pamamagitan ng pag-aalaga sa mga sugatang sundalo at pangangalap ng mga gamot at mga kagamitan na ginamit ng mga sundalong Pilipino. Siya ay nadakip ng puwersang Amerikano noong 1900.

Agueda Esteban
Mula Wikifilipino Jump to: galugad , hanapin

Si Agueda Esteban (9 Pebrero 1868 1944) ay isang babaeng katipunero, na siyang tagabili ng bala at pulbura sa Maynila. Dinadala niya ito sa kaniyang asawa na noon ay nasa Cavite.

Nazaria Lagos
Mula Wikifilipino Jump to: galugad , hanapin

Si Nazaria Lagos (28 Agosto 1851 1945), na tinaguriang Florence Nightingale ngPanay bagaman mabuway ang gayong tumbasan, ay naging pinuno ng Red Cross sa Visayas. Siya ang unang nars at direktor ng ospital ng mga rebolusyonaryo noong panahon ng digmaan, at kumalinga sa mga dukha. Si Lagos ay isnilang sa Dueas, Iloilo.

Matea Rodriguez
Mula Wikifilipino Jump to: galugad , hanapin

Si Matea Rodriguez (24 Pebrero 1835 22 Enero 1918) ay isang mayamang Filipino. Ibinahagi niya ang kaniyang damit, pagkain, at kayamanan sa mga tauhan ni Hen. Maximo Hizon ng Pampanga

You might also like