Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang pakikipanayam kay Mr.

Nestor Tria (Seaman)

Miss Regudo: Bakit mo napili ang pigiging seaman o mandaragat?

Sir Tria: masarap ang maging seaman, makakapaglakbay sa ibat-ibang lugar sa mundo at
marami kang makakasalamuhang iba’t-ibang lahi at higit sa lahat malaki ang sweldo

Miss Regudo: Saan ka nagtapos ng larangang napili mo?

Sir Tria: T.I.P. Cubao taong 1991

Miss Regudo: Anong taon ka unang sumakay ng barko at una mong nagging
trabaho?

Sir Tria: Sumakay ako taong 1993, ang trabaho ko nagging missmand at waiter

Miss Regudo: Ano ang naging karanasan mo at pinagdaanan mo sa pagiging


seaman?

Sir Tria: Nandoon yung kaba, kasi nasa gitna ka ng laot at walang kasiguraduhan ang buhay
mo

Miss Regudo:Nakakaramdam ka ba ng pangungulila sa pamilya mo? Ano ang


ginawa mo para mawala ang nadamara mong pangungulila o para malibang ang
sarili mo?

Sir Tria: Oo naman lahat naman ng nalalayo sa pamilya mangungulila diba,ang ginawa ko
para malibang nakikipagkwentuhan ako sa mga kasamahan ko,nagbabasabasa,at di ko
nakakalimutang magdasal.

Miss Regudo:Ano-ano naman ang mga magagandang mga karanasan ang


naranasan mo sa pagsakay sa barko?

Sir Tria: Madami naroon young pakikisalamuha mo sa ibat-ibang lahi,kultura,nakakarating sa


magagandang bansa,natikman ko na ang ibat-ibang klase ng mga pagkain(japan.italy,)at
marami pang iba.

Miss Regudo: Saan ang pinaka base ninyo? At saan ka na ngayon nakatuka o
trabaho mo sa barko?

Sir Tria: Sa japan ang pinaka base naming,ako ang nag mamaintain ng engine ng makina.

Miss Regudo: Sa ngayon, nakamit muna ba ang minimithi mo sa buhay?

Sir Tria: Sa ngayon di pa ako kuntentong masyado. Kasi, ang mga seaman pag nakasakay
lang mapera. Magiging kuntento lang siguro ang isang seaman pag may sarili ng negosyo na
sya.

Miss Regudo: Wala ka bang nadamang pagsisisi sa larangang napili mo? May
hinanahangad ka pa bang iba?
Sir Tria: Wala na man akong nadamang pagsisisi,bakit ako magsisisi malaki ang
sweldo,nakakarating sa ibat-ibang bansa,ang hangad ko na lang ay magkaroon ng sariling
pamilya.

Miss Regudo: Ano naman ang maipapayo mo sa aming mag- aaral nabago pa
lamang aabutin ang mga pangarap?

Sir Tria: Ang maipapayo ko sa mga mag-aaral,mag-aral kayong mabuti,magsumikap at pilitin


ninyong abutin ang inyong mga pangarap,dahil yan ang magiging susi ninyo sa tagumpay at
patungo sa ikakaunlad ninyo.

You might also like