Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Sulat ng Anak sa kanyang Magulang Ni Carlo Elijah M.

Sicat Para sa mga kaklase (II-Hooke) Inay, Itay, malaki na po ako Marunong po akong magisip at magsulat Iba na po ang panahon ngayon Magkaiba ang noon at ngayon Huwag niyo po kami diktahan sa kung ano ang gusto ninyo Alam ko pong sa ikabubuti naming ang mga payo ninyo Alam ko rin po na sa pagtanda ko ay kasabay ko rin po kayo Nagbabago ako, nagbabago rin po kayo Alam ko pong noong bata ako ay paboritong-paborito ninyo ako Ngunit sa aking pagtanda ay naging suwail ako Mahirap po ang pagbabago Kung anuman ang gusto niyo alam ko pong yoon ang mga nais ninyo noong bata pa kayo Masakit ang ikumpara Kahit po na gusto niyo kaming mas ipagbuti ang aming mga grado, Mahirap po sa amin iyon Mahirap pong abutin ang inyong mga ekspektasyon Kahit gamitin po naming ang lahat ng libro sa pag-aaral, Mahirap pa rin itong intindihin Hindi ito abot ng aking kakayahan Sa panahon ngayon mataas na ang kalidad ng edukasyon Mas mataas na po ang lebel ng high school ngayon kaysa noon Hindi niyo man alam naghihirap po ako sa pag-aaral Nagpapasalamat pa rin ako na nandiyan pa rin kayo Sana naman po na intindihin ninyo po kami Sana po maintindihan ninyo na magkaiba po kayo at ako Kung ano mang gusto niyo huwag ninyo sa amin ipilit lahat Wala naman po kaming isipan ng isang kompyuter Dahil tao po kami at may pagkakamali May puso at isipan din po kami May isip para magisip at puso para magmahal Mahirap na po ang buhay, sa bawat taon nagbabago po ang takbo ng mundo Alam ko pong gusto ninyo ako tulungan Masakit nga lang pag sinigawan ninyo ako Mahal ko po kayo kahit ano pa man ang nagawa niyo sa akin Magulang ko po kayo kahit anong gawin ko Kayo po ang gumawa sa akin at nagmulat sa akin ng mundo Nahihirapan ako sa dami ng gusto ninyo Minsan ay nasasagot ko na po kayo sa minsang sama ng loob Mahirap mang isipin ngunti mahal ko po kayo at anak ninyo pa rin ako Hindi ko man kayo makausap at sana maintindihan ninyo ako sa sulat na ito Hindi po kami makapagbabago ng may sama ng loob ngunit sa kagandahan ng pagmamahal ninyo sa akin -- inspired by children from the prophet

You might also like