Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Jose Rizal Si Dr.

Jos Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda (Hunyo 19, 1861Disyembre 30, 1896) ay ang pampito sa labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at ng asawa nitong si Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Ipinanganak si Jos Rizal sa Calamba, Laguna. Sina Saturnina, Paciano, Narcissa, Olimpia, Lucia, Maria, Jose, Concepcion, Josefa, Trinidad at Soledad ang kanyang mga kapatid. Ang ina ni Rizal ay siyang kaniyang unang guro at nagturo sa kaniya ng abakada noong siya ay tatlong taon pa lamang. Noong siya naman ay tumuntong ng siyam na taon, pinadala siya sa Bian, Laguna upang mag-aral sa ilalim ng pamamatnubay ni Justiano Aquino Cruz. Ilang buwan ang nakalipas, pinayuhan niya ang magulang ni Rizal na pag-aralin siya sa Maynila. Ang Ateneo Municipal de Manila ang unang paaralan sa Maynila na kaniyang pinasukan noong ikadalawa ng Enero 1872. Ayon sa isang salin ng Noli me tangere ni Guzman atbp., sa kaniyang pananatili sa paaralang ito, natanggap niya ang lahat ng mga pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng aklat. Sa paaralan ding ito niya natanggap ang kaniyang Batsilyer sa Sining na may notang sobresalyente kalakip ang pinakamataas na karangalan. Nang sumunod na taon, siya ay kumuha ng Pilosopiya at Panitikan sa Pamantasan ng Santo Tomas. Sa Ateneo, kasabay niyang kinuha ang agham ng Pagsasaka. Pagkaraan, kinuha niya ang kursong panggagamot sa nasabing Pamantasan (Santo Tomas) pagkatapos mabatid na ang kaniyang ina ay tinubuan ng katarata. Noong Mayo 5, 1882, nang dahil sa hindi na niya matanggap ang tagibang at mapansuring pakikitungo ng mga paring Kastila sa mga katutubong mag-aaral, nagtungo siya sa Espanya. Doo'y pumasok siya sa Universidad Central de Madrid, kung saan, sa ikalawang taon ay natapos niya ang karerang Medisina, bilang "sobresaliente" (napakahusay). Nang sumunod na taon, nakamit niya ang titulo sa Pilosopiya-at-Titik. Naglakbay siya sa Pransya at nagpakadalubhasa sa paggamot ng sakit sa mata sa isang klinika roon. Pagkatapos ay tumungo siya sa Heidelberg, Alemanya, kung saan natamo pa ang isang titulo. Sa taon din ng kaniyang pagtatapos ng Medisina, siya ay nag-aral ng wikang Ingles, bilang karagdagan sa mga wikang kaniya nang nalalaman gaya ng Pranses. Isang dalubwika si Rizal na nakaaalam ng Arabe, Katalan, Tsino, Inggles, Pranses, Aleman, Griyego, Ebreo, Italyano, Hapon, Latin, Portuges, Ruso, Sanskrit, Espanyol, Tagalog, at iba pang mga katutubong wika ng Pilipinas.

Andres Bonifacio

Si Andres Bonifacio ay isinilang noong Nobyembre 30, 1863 sa maliit na dampa sa Tondo, Maynila. Ang kanyang mga magulang ay sina Santiago BonifacioatCatalina de Castro. Siya ay naulilala sa edad na 14 at nahinto sa pagaaral. Sa pagpapalawak ngkanyang mababang pinag-aralan, siya ay nagsariling sikap sa pagbabasa at pag-aaral. Ang ilan sa mga librong kanyang binabasa ay ang mga nobela ni Jose Rizal. Mga tungkol sa buhay ng mga president, ang Les Miserables ni Victor Hugo, ang Ruins of Palmyra at ang librong tungkol sa Rebolusyonng Fransiya. Ang mga librong ito ang nag-udyok sa kanya sa pagrerebelde at pag-oorganisa ng Katipunan. Ang organisasyon na ito ang ay mabilis na kumalat noong 1894. Sa paaaklas niya na handa na siyang mamuno sa isang mataumpay na rebolusyon noong Mayo 1896, tinipon niya ang 1,000 Katipuneros. Dahil sa kakulangan at makalumang sandata, sa pagod at gutom sila ay palaging nagagapi ng mga kalaban. Dahil dito isang pagpupulong ang ginanap sa sa Tejeros, Cavite.

Nagkaroon ng eleksyon at si Aguinaldoang nanalong presidente si Mariano Trias naman sa pagka bise presidente at si Bonifacio sa sa pagka-sekretaryo. Sa pagkadismaya niya, ginamit niya ang kanyang pag-supremo para mawalang bisa ang eleksyon. Lumipat siya sa Naic, Cvite at nagsimulang magtao ng sariling gobyerno. Sa pagkakataong ito, nagbantya si Heneral Camilo de Polavia na sasakupin ang Cavite kaya binigyan ni Aguinaldo ng bagong matataas na position sina Heneral pio del Pilar at Noriel para iwanan nila ang Kampo ni Bonifacio at makabalik sa kanilang mga tungkulin. Pagkaraa'y pinadakip niya si Bonifacio at nilitis sa kasong ayaw kilalanin ang bagong gobyerno, at sila at nahatulan ng kamatayan. Siya at pinaslang sa bundok ng Maragondon, Cavite noong Mayo 10, 1897.

Apolinario Mabini Si Apolinario Mabini y Maranan (Hulyo 23, 1864-Mayo 13, 1903), kilala bilang ang "Dakilang Paralitiko", ay isang Pilipino theoretician na nagsulat ng konstitusyon ng Unang Republika ng Pilipinas noong 1899-1901, at naglingkod bilang ang kauna-unahang punong ministro noong 1899. Ipinanganak siya sa Talaga, Tanauan, Batangas sa mahihirap na mga magulang, sina Inocencio Mabini at Dionisia Maranan. Siya ay natuto ng abakada mula sa kanyang ina at ang pagsulat ay sa kanyang ingkong natutuhan. Nag-aral siya sa mataas na paaralan at nagpatuloy sa Colegio de San Juan de Letran na kung saan natamo ang katibayan sa pagkaBachiller en Artes at naging propesor sa Latin. Sa Unibersidad ng Santo Tomas na man siya nakapagtapos ng pagkaabogado noong 1894. Samantalang nag-aral ng batas, sumapi siya sa La Liga Filipina ni Jose Rizal. Si Mabini ay nagkasakit noong 1896 ng "infantile paralysis" na lumumpo sa kanya. Ipinasundo siya ni Aguinaldo at sila'y nagkamabutihan. Siya'y lihim na ipinatawag ni Aguinaldo at hinirang siyang opisyal na tagapayo. Nang pasinayaan ni Aguinaldo ang Pamahalaang Republika inatasan niya si Mabini bilang kalihim panglabas (prime minister) at pangulo ng mga konseho. Sa panahong ito isinulat niya ang kanyang tanyag na akdang "Tunay na Dekalogo". Noong 1899, si Mabini ay nadakip ng mga Amerikano sa Nueva Ecija at ipinabilanggo. Kanyang isinulat noon ang "Pagbangon at Pagbagsak ng Himagsikang Filipino", "El Simil de Alejandro", at "El Libra". Noong ika-5 ng Enero, 1901, si Mabini ay ipinatapon sa Guam, ngunit kusa siyang nagbalik sa bansa noong Pebrero, 1903 kapalit ng panunumpa ng katapatan sa Estados Unidos. Siya ay nagkasakit ng kolera at namatay noong ika-13 ng Mayo, 1903 sa Nagtahan, Maynila.

Marcelo H. del Pilar Si Marcelo H. del Pilar ay isinilang sa Kupang , San Nicolas, Bulacan noong Agosto 30, 1850,. Siya ang pinabata o bunso sa mayaman na pamilya. Ang kanyang mga magulang ay sina Julian H. Marcelo na isang gobernadorcillo" at Blasa Gatmaitan. Siya ay nag-aral ng kolehiyosa paaralan ni Gng. Herminigilda Flores, pagkaraa'y lumipat siya sa San Jose College at kalaunan ay lumipat din siya sa Unibersidad ng Santo Tomas. Nagtapos siya ng abogasya noong 1890. Lumaki siyang isa sa mga dakilang propagandista kung saan inilaban niya ang kalayaan ng mga Pilipinas sa pamamagitan ng kanyang pluma o pagsusulat. Noong 1882, si del Pilar ay naging editor ng pahayagang "Diaryong Tagalog" kung saan kinontra niya ang ang pagpapalakad ng mga Kastila sa ating gobyerno at ang di magandang pagtrato sa mga mamamayang Pilipino. Gamit ang pangalan PLARIDEL, ang kanyang alyas sa panunulat, binatikos niya ang mga paring Espanyol sa pamamagitan ng kanyang articulong "Dasalan at Tuksuhan" at "Kalingat kayo." Ito ay palihim na dinadala sa Pilipinas sa lenguaheng Tagalog at binabasa ng mga rebolusyunista. Sa Espaa, pinalitan niya si Graciano Lopez Jaena bilang editor ng diyaryong "La Solidaridad," ang pinabibig ng mga

propagandistang nagtatrabaho para sa reporma ng mga Pilipino. Naputol ang matagal niyang paglilingkod noong siya ay nagkaroon ng mabigaty na karandaman. Siya ay dinapuan ng tuberkulosis at namatay noong Hunyo 4, 1896 sa Barcelona, Espaa na malayo sa kanyang mga pamilya.

Antonio Luna

Si Antonio Luna (Oktubre 29, 1866 - Hunyo 5, 1899) ang nakakabatang kapatid ni Juan Luna. Ipinanganak siya sa Maynila noong ika-29 ng Oktubre, 1866 sa Binondo, Maynila. Siya ang bunsong anak nina Joacquin Luna at Laureana Novicio. Nagtapos siya ng Bachiller en Artes sa Ateneo de Manila noong 1883 sa murang edad na 15. Kumuha rin siya ng kursong parmasyutika sa Unibersidad ng Santo Tomas at nakamit niya ang kanyang lisensya sa kursong ito sa Unibersidad de Barcelona. Natapos din siya sa pagkakadalubhasa sa parmasyutika sa Ghent, Belhika. Sa propesyon ay isa siyang parmasyotiko. Ang pagsusulat ang kanyang libangan. Iniakda niya ang El Nomatozario del Paerdismo na nalathala sa Madrid noong 1893. Ito ang kanyang pinakamalaking naiambag niya sa literaturang pang-medisina. Siya ang nagtatag ng La Independencia at nagpapadala rin siya ng mga lathalain sa ibang pahayagan. Sa simula pa'y isa siyang tagpagtaguyod ng paghingi ng reporma sa mapayapang pamamaraan. Dahil sa hinalang siya ay isa sa mga teroristang laban sa pamahalaan, dinakip siya ng mga maykapangyarihang Kastila, nilitis at ikinulong ng mga Kastila. Nang siya ay makalaya, nag-aral siya ng iba't ibang paraan ng pakikipaglaban sa Ghent. Pagbalik niya sa Pilipinas, sumapi siya sa rebolusyonaryong pamahalaan ni Emilio Aguinaldo. Hinirang siyang direktor ng digmaan at tagapamahalang heneral ng Hukbong Rebolusyonaryo. Siya ay ginawang kabahagi ng sandatahang lakas laban sa mga Amerikano. Bilang isang sundalo, si Antonio'y mahigpit magparusa. Sa panahon ng pakikipagdigmaan, pinagsumikapan niyang maipailalim sa isang disiplina ang mga tauhan sa Batalyon ng Kabite. Isa sa kanyang madugong pakikipaglaban ay naganap sa La Loma na kung saan ay napatay si Major Jose Torres Bugallon. Marami pang ibang pinuno ng kalaban ang nagapi ni Heneral Luna ngunit dumating ang isang pagkakataon na sila ay natalo at ito ay naganap sa Caloocan. Natagpuan ni Heneral Luna ang kanyang kamatayan noong ika-8 ng Hunyo, 1899 sa Cabanatuan sa lalawigan ng Nueva Ecija. Nagtungo siya roon sa pagtupad sa isang ipinalalagay na pagtawag ni Heneral Aguinaldo upang dumalo sa isang pulong.Habang nasa loob ng simbahan ng Cabanatuan, binaril siya ng mga sundalo ni Aguinaldo na inihingi niyang bigyan ng disiplina. Sa pagkamatay ni Antonio Luna nawalan ng isang dakilang kawal at pinuno ng rebolusyon ang Unang Republika ng Pilipinas.

Melchora Aquino

Ang isa sa mga pinakadakilang bayani sa kasaysayan ng Pilipinas ayt ipinanganak sa Banilad, Caloocan noong Enero 6, 1812. Siya si Melchora Aquino na kilala rin bilang si "Tangdang Sora" dahil sa matanda na siya noong sumiklab ang rebolusyon ng Pilipinas noong 1896. Hindi siya masyadong nakapag-aral ngunit nasa kanya ang mga katangian ng isang taong edukado. Hindi masyadong kilala ang kanyang mga magulang. Sabi ng iba na sila daw ay masipag ngunit mahirap lamang sa buhay. Si Tandang Sora amy may binabantayan na maliit na tindahan sa Balintawak noong idineklara ni Andres Bonifacio at iba pang mga Katipunero ang "Unang Sigaw ng Balintawak" na kung saan nagsimula ang Rebolusyon ng Pilipinas. Sa kanyang maliit na tindahan ginamot at pinakain ang mga nasugatang katipuneros at nagbigay ng lakas ng loob at mga payo bilang isang itinuring na ina. Dahil dito tinarian siyang "Ina ng Katipunan." Noong nalaman ng mga Kastila ang mga ginagawa ni Tandang Sora, siya ay inaresto at ipinatapon sa Isla ng Marianas. Nang mapalitan ng Americano ang pananakop sa Pilipinas noong 1898, si Tandang Sora, gaya ng ibang ipinatapon ay bumalik sa Pilipinas, mahina at may edad na. Pansamantala siyang tumira sa kanyang anak na si Saturnina. Si Tandang Sora ay namatay noong Marso 2, 1919 sa edad na 107.

Gregorio del Pilar

Si Gregorio del Pilar ay ang pinakabatang heneral na lumaban sa Digmaang Pilipino-Amerikano. Siya ay isinilang sa Bulakan, Bulakan noong Nobyembre 14, 1875 kina Fernando del Pilar at Felipa Sempio. Si del Pilar ay unang nag-aral kay Maestro Monico at pagkatapos ay nagpatuloy sa paaralan ng mananagalong na si Pedro Serrano Laktaw. Nag-aral siya sa Ateneo Municipal noong 1880 at tumira sa bahay ng kanyang tiyo na si Deodato Arellano kung saan sinasabing itinatag ang Katipunan. Sa murang isipan ni del Pilar natimo ang mapanganib na mensahero ng mga propagandista. Noong Marso 1896, nagtapos siya sa Ateneo sa kursong Bachiller en Artes, binalak niyang magturo subalit sumiklab ang Himagsikan. Sa murang gulang sumapi siya sa Katipunan. Naging pinuno ng maghihimagsik at sumanib siya sa tropa ni Col. Vicente Enriquez kung saan napalaban siya sa Kakaron de Sili at bunga ng maigting na pagtatanggol siya ay nahirang bilang tinyente sa gulang na 19. Ginawa siyang heneral ng isang brigada sa gulang na 22. Ang pagsalakay niya sa Paombong, Bulakan at Quingwa (ngayon ay Plaridel, Bulakan) ang nagpatanyag sa kanya. Napahanga niya si Aguinaldo at itinaas siya bilang tinyente kung saan pinalaya niya ang lalawigang ito. Nang mamatay si Hen. Antonio Luna si del Pilar ang humalili sa maliit na hukbo ni Aguinaldo. Nang tinugis sila ng mga Amerikano sa Pasong Tirad noong Disyembre 2, 1899, nagpaiwan siya upang abangan ang mga kaaway habang tumatakas si Aguinaldo. Napatay siya at ang kanyang mga tauhan sa pagtatanggol ng Pasong Tirad.

Emilio Aguinaldo Si Emilio Aguinaldo y Famy (Marso 22, 1869Pebrero 6, 1964) ay isang Pilipinong heneral, pulitiko at pinuno ng kalayaan. Isa siyang bayaning nakibaka para sa kasarinlan ng Pilipinas. Pinamunuan niya ang isang bigong pag-aalsa laban sa Espanya noong 1896. Makaraang magapi ng Estados Unidos ang Espanya noong 1898, ipinahayag niya ang

kalayaan ng Pilipinas at umupo bilang unang pangulo ng Pilipinas noong Hunyo 1899. Malakas ang kaniyang loob subalit nilarawang baguhan sapagkat naniwalang tatangkilin ng Estados Unidos ang kaniyang hangarin. Nang maging ganap at lantad ang mga hangarin ng Estados Unidos hinggil sa Pilipinas, muli niyang pinamunuan ang isang pag-aaklas mula 1899 hanggang 1901. Nadakip siya sa bandang huli ng mga Amerikano noong Marso 1901, makaraang makipaglaban sa loob ng dalawang taon. Nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos subalit nagsuot ng isang itim na bow tie hanggang sa tuluyang nakamit ng Pilipinas ang kalayaan noong 1946. Tumakbo siya bilang pangulo noong 1935 ngunit nagapi sa halalan ni Manuel Quezon. Sa mga huling panahon ng kaniyang buhay, nagsilbi siya sa Konseho ng Estado ng Pilipinas.

Emilio Jacinto

Si Emilio Jacinto ay isang rebolusyonaryong Pilipino noong panahon ng Himagsikan (1896) na naging isa sa mga magagaling na lider ng Katipunan. Ang kanyang katalinuhan ay napakinabangan noong panahon ng rebolusyon. Siya ang tinaguriang "Utak ng Katipunan". Siya ang nagsulat ng Kartilya ng Katipunan at nag-edit ng Kalayaan--ang dyaryo na ginamit ng Katipunan sa pagpapamahagi ng impormasyon. Siya ay isinilang noong Disyembre 15, 1875 sa Trozo, Maynila. Ang kanyang mga magulang ay sina Mariano Jacinto at Josefa Dizon. Solong itinaguyod ng ina ni Emilio bilang isang kumadrona ang buhay nila mula nang mamatay ang kanyang ama. Dahil sa kahirapan, si Emilio ay tumira sa kanyang tiyuhin. Si Emilio ay nag-aral sa Colegio de San Juan de Letran at kumuha ng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas subalit ito ay natigil nang siya ay sumapi sa Katipunan noong 1896. Sa edad na 19, siya ay naging isa sa mga pinuno ng Katipunan at naging tagapayo, kalihim at piskal ni Andres Bonifacio. Nang mamatay si Bonifacio, ipinagpatuloy ni Jacinto ang paglaban sa mga Kastila bagamat hindi siya sumali sa puwersa ni Emilio Aguinaldo. Sa isang sagupaan sa Majayjay, Laguna, si Jacinto ay lubhang nasugatan at binawian ng buhay sa sakit na malaria noong ika-16 ng Abril, 1899 sa edad na 23.

Francisco Balagtas Si Francisco Balagtas (Abril 2, 1788-Pebrero 20, 1862), Francisco Baltazar ang kanyang tunay na pangalan, ay tinuturing bilang isa sa mga magagaling na Pilipinong manunula. Florante at Laura ang kanyang pinakakilalang obra maestra. Isinilang sa isang maliit na bayan na nayon ng Panginay, bayan na Bigaa (Balagtas ngayon), sa lalawigan ng Bulacan noong Abril 2,1788. Bunso siya sa apat na anak nina Juan Baltazar, isang panday at Juana dela Cruz, isang maybahay.Labing-isang taon si Kiko o Kikong Balagtas (palayaw ni Francisco) nang iluwas sa Tondo, Maynila. Namasukan bilang utusan kay Donya Trining, isang mayaman at malayong kamag-anak. Kinatutuwaan siya ni Donya Trining dahil sa kasipagan at mabuting paglilingkod kaya pinag-aral siya saColegio de San Juan de Letran at Colegio de San Jose. Taong 1812 nang matapos siya sa pag-aaral ng Batas sa Canones, Gramatica Castilla, Gramatica Latin, Pisika, Doctrina Christiana, Humanidades, Teologia at Pilosopia. Naging guro niya si Padre Mariano Pilapil sa Filosopiya sa nasabing kolehiyo.Si Francisco Baltazar ay tinaguriang "Prince of Filipino Poets" at sinasabing "William Shakespeare of Filipino Poems"Natuto siyang sumulat at bumigkas ng tula kay Jose dela Cruz (Huseng Sisiw) na kinikilalang pinakabantog na makata sa Tondo. Si Jose dela Cruz ay isa ring nagsilbing hamon kay Kiko para higit na pagbutihin ang pagsulat ng tula. Anupa't kinalaunan ay higit na dinakila si Kiko sa larangan na panulaan.Taong 1835 nang manirahan si Kiko sa Pandakan. Dito niya nakilala si Maria Asuncion Rivera. Ang marilag na dalaga ang nagsilbing inspirasyon ng makata. Siya ang tinawag na "Selya" at tinaguriang MAR ni Balagtas sa kanyang tulang Florante at Laura.Naging karibal ni Kiko si Mariano Kapule sa pangingibig kay Maria Asuncion Rivera. Nagwagi si Nanong Capule dahil sa paggamit ng kapangyarihan at salapi. Naipakulong niya si Kiko

at sa loob ng piitan niya naisulat ang tulang pasalaysay na Florante at Laura.Nabilanggong muli si Kiko sa sumbong ng isang katulong na babae sa di umano'y pagputol ng buhok niya. Nakalaya siya noong 1860.Ipinagpatuloy niya ang pagsusulat ng mga komedya, awit at korido nang siya ay lumaya. Namayapa siya sa piling ng kanyang asawa at mga anak noong Pebrero 20, 1862 sa gulang na 74.

Diego Silang y Andaya Ipinanganak siya noong 16 Disyembre 1730 sa Aringay, La Union at supling nina Miguel Silang at Nicolasa Delos Santos. Maaga siyang naulila sa mga magulang kaya naman siya ay lumaki sa isang kumbento, at ang mga pari ang nagsilbi niyang mga magulang. Dahil sa isa siyang mabuting tao at mapagkakatiwalaan, naging tagapagbalita siya o mensahero ng mga pari, at nagdadala siya ng mga mensahe mula Vigan patungong Maynila. Dahil sa kanyang mga gawain, naging malimit ang pagpunta ni Diego Silang sa Maynila at dito, nakita niya ang tunay na kaganapan sa Pilipinas. Dito niya nakita ang masama at mapagsamantalang mga Kastila.

Gabriela Silang Ipinanganak siya noong 19 Marso 1731 sa Caniogan, Ilocos Sur. Ang kanyang ama ay isang Ilokanong magsasaka samantalang ang kanyang ina ay isang katulong na Itneg mula sa Piddig, Abra. Nang mamatay ang kanyang mga magulang, inampon siya ng isang mayamang negosyante, si Don Tomas Millan. Ang mayamang Don ang kanyang napangasawa. Matapos ang tatlong taon ng kanilang pagsasama, hindi sila biniyayaan ng anak at pagkalipas ng ilang taon ay namatay si Don Millan. Noong 1757, nakilala at pinakasalan ni Gabriela si Diego Silang. Naging kasakasama ni Diego si Gabriela sa mga gawain nilang patungkol sa himagsikan. Ngunit sa kasamaang-palad, isa sa mga kaibigan ni Diego ang nagtaksil sa kanya at pinaslang siya. Dahil dito, lalo pang isinulong ni Gabriela ang pakikipaglaban sa mga kastila. Pinangunahan niya ang mga Pilipinong rebelde para sa pakikipaglaban nila sa hustisya at kalayaan. Itinuloy nila ang pag-aalsa sa Ilocos at nilusob ang ilang garison upang makaipon ng sandata. Noong 10 Setyembre 1763, binalak ng grupo ni Gabriela na salakayin ang Vigan. Ngunit napaghandaan ng mga kastila ang kanilang pagdating. Umabot sa halos 6000 ang mga Espanyol samantalang 2000 lamang ang mga tauhan ni Gabriela. Nagapi ang marami sa mga kasamahan ni Gabriela. Kasama ang kanyang tiyo at ang pito pa niyang mga kasamahan, sila lamang ang nakaligtas at tumakas. Noong 20 Setyembre 1763, nadakip si Gabriela pati ang kanyang mga kasamang rebelde at pinugutan ng ulo sa Plaza ng Vigan, Ilocos Sur.

Juan Luna y Novicio

Si Juan Luna y Novicio ang nagpinta ng pamosong larawan Spolarium. Siya ay nakilala sa buong mundo sa pamamagitan ng kanyang pinsel gaya ng pagkakilala sa kanyang mga kaibigan sa pamamagitan ng pluma at espada. Siya ay ipinanganak noong Oktubre 23, 1857 sa Badoc, Ilocos Norte kina Joaquin Luna at Laureena Novicio sa Badoc, Ilocos Norte. Nag-aaral siya sa Ateneo de Manila. Ang pangarap niyang maging isang mandaragat ay natupad matapos siyang mag-aral at magtrabaho sa brako sa murang gulang na 16. Marami siyang napuntahang magandang lugar at iba't ibang tao ang kanyang nakasama. Bagamat napagtala siya bilang mandaragat huminto para lamang maipagpatuloy niya ang pag-aaral sa pagpinta. Pumasok siya Academio de Dibujo y Pintura sa Maynila noong 1876 sa kursong Bellas Artes. Ipinagpatuloy niya ang kursong ito sa Madrid,Espanya. Personal din siyang nagpaturo sa pagpinta kay Alejo Vera na siyang nagdala sa kanya sa bansang Roma, Italya upang magmasid. Pumunta siya sa Barcelona, Espanya noong 1877, doon siya naging propesyonal na pintor noong 1880 noong nipanalo niya ang ginuhit niyang The Death of Cleopatra. Nagwagi ito ng pangalawang karangalan sa Eksposisyon sa Madrid. Ito ay binili ng Gobyernong Kastila at ginawang permanenteng exhibit sa Museo Nacional de Pinturas, Salon de Pintures Modernas. Tumanyag ang pangalan ni Luna nang ginawaran ng gintong medalya ang kanyang Spolarium sa Exposicin Nacional de Bellas Artes sa Madrid noong 1884. Ito binili rin ng Diputacin Provincial de Barcelona sa halagang 20,000 pesetas noong 1886. Ang iba pa niyang nilikha ay ang Pacto de Sangre, Idilio, Espaa y Filipinas, Lavandera, Escena Mariquina, Batalla de Lepanto, at iba pa. Noong Oktubre, 1884, lumipat siya sa Paris kung saan niya ipinagpatulong ang pagpinta. Si Juan Luna ay nagpakasal kay Paz Pardo de Tavera noong 1886 at noong 1894 pagkalipas ng 17 taon napagkawalay sa Pilipinas ay siya ay bumalik. Siya ay napagsuspetsahan na isa sa mga kasangkot sa pagpapasimula ng rebolusyon kayat siya ay hinuli at ikinulong. Pinatawad siya ng Espanya noong Mayo 27, 1897. Sa taong 1898, si Luna ay itinalaga ni Heneral Aguinaldo na isang sugo sa Europa para ipresenta ang panig ng mga Pilipino sa usaping pagkapayapaan. Siya ay inatake sa puso at namatay noong Disyembre 7, 1899 sa Hong Kong Lapu-Lapu Si Lapu-Lapu (1491 1542) hade kan Maktan, sarong isla sa Bisaya, Filipinas na bantog bilang pinaka-enot na tinubo sa arkipelago na nagtumang sa pagkokolonya kan mga Kastila. Siya ngonyan an hinihiling na enot na Pilipinong heroe.

Naroromdoman si Lapu-Lapu sa pagsogpo' kan pagsasakyada kan mga Kastila sa saiyang islang kahadean asin iyo an ikinagadan kan Portuges na eksplorador na si Fernando de Magallanes sa ralaban na inaapod ngonyan na Sagupaan sa Maktan. Si Magellan enot nang napirit asin napaoyon an Hade kan Zubu (si Datu Humabon) na magpabonyag komo sarong Kristiyano asin magsumpa nin lealtad sa Espanya. Alagad si Lapu-Lapu nagngungutiil na gayo na magpasakop. Kaiba an dakulang pwersa, linusob na Magellan an Maktan kan Abril 27, 1521 kaidto alagad sinabat sinda kan hokbo ni Lapu-Lapu na nagbibilang labing sangribo duman sa baybayon. Makuri an ralaban alagad dai nakatabang an mga kanyon na Magellan ta dai makarani an saiyang mga bapor gibo kan magapoon sa harani sa kosa asin an paputok ninda dai makaabot sa kalaban. Nagpadara nin mga soldados siya ngane suroloon an mga kahaharongan pero ini logod an nagpalaad kan isog kan mga kabwan ni Lapu-Lapu asin daing takot dinaguso an mga Kastila na patos sa barote' na metal alagad tinuyong garodon asin tigbason kan mga tauhan ni Lapu-Lapu an mga tabay ta daing tahob. Sa paagi kaini dakul nagkagaradan sa mga Kastila, kaiba na si Magellan na pigsurorogan kan ini mapasungkab ta nalugad nin makuri sa walang tabay. Kan nahiling nindang daing herak na inutasan buhay an pamayo ninda, na sabi ni Antonio Pigafetta "saindang salming, ilaw, ranga asin tunay na giya.." an mga Kastila nagkurutipas na pabalik sa saindang mga sasakyan. Susog sa lumang orosipon digdi sa Sulu, si Lapu-Lapu sarong Muslim na datu. An banwang Bangsamoro, na iyo an tubong kadagaan kan mga Moslem sa habagatan kan Filipinas, kinokonsiderar siya sarong Muslim asin kabuhan kan etnikong grupo na Tausug Saro pang pangaran ni Lapu-Lapu, na natala ni Carlos Calao, sarong ika-17ng Siglo poeta na Kastilang Intsik sa saiyang rawitdawit "Que Dios Le Perdone" (Kastila,"Na an Diyos Patawaron Man Logod Siya) iyo an "Cali Pulacu". An 1898 na Pagpapahayag nin Katalingkasan kan Filipinas natomoyan si Lapu-Lapu komo "Hadeng Kalipulako kan Mactan"

Miguel Malvar Ipinanganak si Malvar noong ika-27 ng Setyembre, taong 1865 sa Santo Tomas, Batangas. Ang kanyang ama ay si Maximo Malvar, isang mayamang magsasaka ng palay at tubo, at ang kanyang ina ay si Tiburcia Carpio. Ang tagumpay ng kanyang ama sa pagsasaka ang nagdulot kay Malvar kasama ng kanyang mga kapatid na magkaroon ng edukasyon. Dahil sa edukasyong ito, umunlad din si Malvar, nakapag-asawa at nabiyayaan ng anak.

Padre Jacinto Zamora

Ang susunod na binitay ay si Jacinto Zamora, na ipinanganak noong 14 Agosto 1835 sa Pandacan. Iniugnay siya sa rebelyon sa Cavite noong 1872 dahil sa kanyang imbitasyon na may nakasaad na, Grand Reunion... our friends are

well provided with powder and ammunition. Ang mga pahayag na ito ay maaaring mangahulugan ng pagrerebelde, ngunit ito ay isa lamang paanyaya ni Zamora sa kanyang mga kaibigan na sila ay maglaro ng panguigui, isang kilalang laro sa baraha, at ang salitang powder and ammunition ay mga simbolo lamang na sila ay may sapat na salapi upang maglaro buong magdamag.

Padre Jose Burgos

Si Jose Burgos, ipinanganak noong 9 Pebrero sa Vigan, Ilocos Sur, ang huling binitay sa tatlong paring martir. Siya ang pinakanatatangi sa tatllong pari dahil sa siya ay nagtamo ng dalawang titulo sa pagkadoktor, isa sa teolohiya at isa pa sa canon law. Isa rin siyang prolipikong manunulat at konektado sa Manila Cathedral. Ang kanyang kamatayan ang pinakamadula sa lahat. Isa sa mga detalye ng kanyang kamatayan ay nang siya ay tumayo at sumigaw na, Wala akong ginawang anumang kasalanan!(But I haven't committed any crime!)

Mariano Gomez

pinanganak noong 2 Agosto 1799 sa Santa Cruz, Maynila, si Mariano Gomez ang nauna na binitay sa Bagumbayan at ang pinakamatanda sa tatlong martir. Siya ay nagtapos saUnibersidad ng Santo Tomas at nagsilbi bilang pari ng parokya sa Bacoor, Cavite. Itinatag niya rin ang pahayagan na La Verdad (The Truth) kung saan ipinapakita nito ang hindi magandang kondisyon ng bansa. Inilimbag din sa pahayagang ito ang mga liberal na artikulo ni Burgos. Ang kanyang pamosong huling mga salita ay, Let us go where the leaves never move without the will of God.

Julian Felipe

Si Julian Felipe ay kinikilala bilang may-katha ng Lupang Hinirang ang pambansang awit ng Pilipinas. Ipinanganak siya noong Enero 28, 1861sa Lungsod ng Cavite, Cavite at siya ang bunso sa labindalawang anak ng mahirap na mag-asawang sina Justo Felipe at Victoria Reyes. Si Julian ay nag-aral sa isang pampublikong paaralan sa Binondo, Maynila. Dito siya natutong tumugtog ng piyano at kinalaunan ay naging organista rin siya sa simbahan ng San Pedro. Bukod sa pagtugtog ng piyano ay nagkatha rin siya ng mga awiting gaya ng Mateti el Santesismo, Cintas y Flores at Amorita Danga. Nagkamit siya ng karangalang diploma bilang pagkilala sa kanyang kakayahan dahil sa mga awiting ito.

Pansamantalang isinantabi ni Julian ang musika nang siya ay sumanib sa kilusan ng kalayaan sa Kabite. Naaresto at nakulong siya noongHunyo 2, 1898 ngunit nakalaya rin naman. Kinuha siya ni Heneral Aguinaldo bilang isang piyanista at kompositor. Nang ihayag ang Unang Republika ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898 sa balkohahe ng bahay ni Heneral Aguinaldo sa Kawit, Kabite ay iwinagayway ang watawat ng Pilipinas kasabay ng pagtugtog ng martsang kinatha ni Julian Felipe. Dahil dito ay hinirang siya ni Heneral Aguinaldo bilang direktor ng Pambansang Banda ng Unang Republika ng Pilipinas. Sa larangan ng pulitika si Julian ay nanilbihan bilang konsehal ng lungsod ng Kabite, Kabite noong taong 1902. Siya ay binawian ng buhay noong Oktubre 2, 1941.

Graciano Lopez Jaena

Si Graciano Lopez Jaena ay tinatawag na Prinsipe ng Mananalumpating Tagalog. Kasama sina Jose Rizal at Marcelo H. del Pilar, binuo nila angtriumvirate ng Kilusang Propaganda. Ipinanganak siya noong 18 Disyembre 1856 sa Jaro, Iloilo at supling nina Placido Lopez ar Maria Jacob Jaena. Sa gulang na anim, sumailalim siya sa pagtuturo ni Padre Francisco Jayne ng Colegio Provincial ng Jaro.

You might also like