Mother Teresa

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Submitted By: Gladdelyn C. Piencenaves Submitted To: Mdm.

Rachel Alexcander

Septyembre 8, 2011

MOTHER TERESA

Si Agnes Gonxha Bojaxhiu na kilala sa pangalan na Mother Teresa ay ipinanganak sa Skopje, Macedonia noong August 26, 1910. Noong siya ay 12 taong gulang pa lamang malakas na ang panananalig niya sa Panginoon. Kung kayat nais niyang pumasok sa kumbento upang maipalaganap ang Pag-ibig ni Panginoon sa bawat tao. At nang siya ay dumating sa edad na 18, siya ay sumali sa Si sters of Loreto, isang komunidad ng Irish na gumagawa ng magandang misyon para sa India. Makalipas ang ilang buwan ng pagsasanay siya ay ipinadala sa India noong May 24, 1931. Noong 1931 hanggang 1948, siya ay nagtuturo sa St.Marys High School sa Calcutta. Ngunit nung siya ay nahihirapan na sa loob ng kumbento nais siyang masulyap kung anong meron sa labas ng kumbento at noong 1948 siya ay nakatanggap ng pahintulot galing sa kataas-taasan na maari siyang lumabas ng kumbento at tulungan na lamang niya ang mga mahihirap sa Calcutta. Bagamat wala man siyang pondo, siya ay dumipende sa Divine Providence at nag simula niyang magbukas ng paaralan para sa mga mahihirap na bata. Hindi nagtagal marami ang tumulong sa kanya at maraming donasyon ang dumating para sa kanya. Ito ang naging dahilan nang kanyang pagkakatagumpay. Noong October 7, 1950, si Mother Teresa ay nakatanggap ng pahintulot sa Holy See na siya ay magsagawa ng kanyang sariling Missionaries of Charity na ang pangunahing gawain ay mahalin at alagaan ang mga taong walang nagbabantay sa kanila. At nung 1965, ito ay naging International Religious Family na siyang pinagpasyahan ni Pope Paul VI.

Ang Society of Missionaries ay naipalagap sa buong mundo, kasama na ang Soviet Union and Eastern European countries. Sila ay tumutulong sa mga mahihirap lalo na sa Asia, Africa at Latin America at sila ay nagbibigay ng donasyon sa mga taong nasasalanta ng mga bagyo at ng ibat ibang kalamidad. Mayroon din silang mga bahay sa North America, Europe at Australia na kung saan inaaalagaan ang mga kabataan na nalululong sa druga, alcohol, walang mga bahay at iba pa. Ang Missionaries of Charity ay naging opisyal na International Association noong ika-29 ng Marso, 1969 sa buong mundo. At noong 1990 mayroong isang milyong trabahador sa maraming bansa. Nais ng mga trabahador na kasama sa Missionaries of Charity na sundan ang yapak ng pagiging relihiyoso ni Mother Teresa. Nakilala ang organisasyon ni Mother Teresa sa buong mundo at siya ay nakapagtanggap ng maraming parangal, kasama na ritp ang Peace Prize ni Pope John XXIII Peace Prize noong 1971 at ang Nehru Prize sa pagpapalaganap ng International Peace at Understanding (1972). Siya ay nakatanggap rin ng Balzan Prize noong 1979, ang Templeton at Magsaysay awards. Noong 1962, si Mother Teresa ay nakatanggap ng Philippines-based Ramon Magsaysay Award para sa International Understanding. Ang nilalaman nito ay the Board of Trustees recognizes her merciful cognizance of the abject poor of a foreign land, in whose service she has led a new congregation. Ngunit noong 1970s, si Mother Teresa ay naging international celebrity. Malaki ang kanyang kontribusyon sa documentary na Something Beautiful for God na ginawa ni Malcolm Muggeridge at mayroon siyang libro na tungkol rin kay Mother Teresa. Si Mother Teresa ay naging inspirasyon ng karamihan. At dahil doon maraming mga lugar ang ipinangalaan sa kanya katulad na lang ng mga simbahan, kalsada, museums at airport (Albanias International Airport). Noong 2009, mayroon siyang Mother Teresa Memorial House sa kanyang lugar ng Skopje na sa Republika ng Macedonia. Mayroon rin siyang unibersidad na tinatawag na Mother Teresa Women`s University. Kodaikanal, Tamil Nadu has been established in 1984 as a public university by Government of Tamil Nadu, India.

You might also like