Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 10

KILUSAN SA PAGBANGON NG PAMBANSANG DIGNIDAD

Sa Kabila ng pagmamalaki ng kasalukuyang gobyernong arroyo na bumabangon na


ang ekonomiya ng bansa..tila kabilagtaran naman nito ang aktwal na nararanasan at
paniwala ng karaniwang mamamayang Pilipino. Sa pag unawa ng mamamayan na
hindi naman lubos na nauunawaan ang mga teknikal na terminong Gross Domestic
Product mas matimbang ang mga sumusunod na kadahilanan upang panawan sya ng
pagasa na may naghihintay pang maaliwalas na bukas sa pamilyang Pilipino.. Ang
kakulangan ng opurtunidad ng trabaho o empleyo sa kanayunan at atrasadong
kalagayan ng sector ng agrikultura na pangunahing inaasahan sa produksyon ng
pagkain,.ang sunod sunod na pagtaas ng presyo ng langis na kawing kawing ang
pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin,ang mataas na singil sa tubig, kuryente
at komunikasyon., ang pananatili ng napakalaking porsyento ng lakas paggawa na
walang pirmihang trabaho, ang hindi maipatupad na living wage para sa mga
empleyado sa pribado man o sa gobyerno at ang talamak na graft and corruption sa
lahat ng antas at ahensya ng gobyerno na ang epekto ay kakulangan sa serbisyong
sosyal gaya ng pangkalusugan ,edukasyon ,pabahay makabuluhang inprastraktura at
teknolohiya na aagapay sa modernong pangangailangan ng lokal na namumuhunan sa
sektor ng manupaktura.

Kung may ilang bahagi man ng middle class ang medyo umaangat at nakatikim ng
kaunting kaginhawaan ngayon at nagdaang dekada , alam nating lahat na walang
dapat ipagpasalamat sa umiiral na gobyernong patakaran o pag unlad na
ipinagyayabang ng pangulo ang may kinalaman dito. Dahil ang tunay na dahilan nito o
kapalit ng kaunting ginhawa na kanilang tinatamasa ay ang pagkayod na parang
kalabaw sa ibayong dagat para may magastos ang pamilya at mapag aral ang mga
anak dito sa Pilipinas. Ngunit kung magpapatuloy din ang kasalukuyang pag sadsad ng
palitan ng piso sa dolyar ilang panahon lang maging ang pagiging kayod kalabaw sa
ibayong dagat ay hindi na din sasapat.

Mas ka .lunos-lunos ang buhay ng halos 4 sa sampung pamilyang Pilipino na ang


pangunahing publema sa ngayon ay saan kukunin ang mismong kakanin sa isang
buong maghapon. Kung nuong dati ay pagdadamayan at pagtutulungan ng mga
magkakamag anak at magkakapit-bahay ang sagot para mairaos ang buhay ,mas uso
na sa ngayon ang pagka kanya kanyang diskarte o kanya kanyang raket para mabuhay.

Isang pisikal na kalagayan na magbibigay katwiran sa pagguho ng moralidad, pag gawa


ng iligal ,paggawa ng panlalamang sa kapwa at paglaganap ng anti sosyal na gawain
at paglobo ng kriminalidad. Dahil ang matibay ang sikmura at madiskarte ang sya
lamang may karapatang mabuhay.

Ang tunay na larawang nakapinta sa lipunang Pilipino ay ang katotohanang napaka


layo na ng agwat ng pamumuhay ng iilang mayayamang pamilya ng bansa kumpara sa
malaking porsyento o halos 80 porsyento ng populasyon ng mamamayan ,Sa kabilang
banda ay ang malawak na mamamayang nabubuhay ng mas mababa sa disenteng
kalagayan at ang napakaliit na porsyento na nagtatamasa naman ng maluhong
pamumuhay. Sa isang banda ay ang naglalakihan at naggagandahang village kung
saan nakatayo ang mansion ng mayayayaman ang naggagandahang golf
course,resorts,hotels ,condo at exclusive clubhouse , sa kabilang banda ay mga
komunidad at barrio na maging kuryente at supply ng malinis at ligtas na tubig ay wala.
Mga hapag kainan na umaapaw sa masasarap at masusustansyang pagkain na
nasisira lang at itinatapon ng halos hindi naman ginagalaw at sa kabilang banda ay
hapag kainan na masuwerte kung mahainan ng tatlong beses isang araw ng mga
pagkaing pinalutang sa sabaw para mag mukhang marami at mapagkasya.

Ito ang ating bayan at mamamayan, 22 taon makalipas ang Pag-aalsang Pebrero na
nagpatalsik sa Diktadurang Marcos at nag balik daw ng demokratikong karapatan ng
mamamayan. Walang naipundar o naiwan man lang kundi ang mga magagandang
litrato , sulatin kwento at monumento na nag papa-alala na minsan sa yugto ng ating
kasaysayan ay nagkaisa, kumilos, lumaban at nangarap ang taumbayan na kailangang
mag kaisa ang mamamayan para baguhin at tutulan ang isang mandarambong , sakim
at mapanupil na elitistang pag hahari na kumakalinga sa isang sistemang panlipunan
na walang hustisya sosyal at priprangkisa ang laganap na kahirapan nang
sambayanan.

Matapos patalsikin ang Diktador, mistulang salamangka lang at bulong ng mahika ang
panawagang People power at demokrasya na ipinagtayaan ng buhay at kinabukasan
ng mamamayan. Bagamat may ilang pagbabago sa saligang batas at pagbibigay
importansya sa karapatang sibil hindi naman tinugunan ang pagbabalangkas ng mga
kongkretong hakbangin upang pawiin ang mga tunay na dahilan ng mga publemang
nabanggit. Naging sunudsunuran pa din ang mga pumalit na gobyerno sa
pagpapatupad ng iskema sa pagbababayad ng utang panlabas batay sa dikta ng mga
dayuhang nagpautang at hindi isina alang alang ang higpit ng pagangailangan para
matugunan ang pinansyang pantustos sa mga kinakailangang programang pambayan.
Ang repormang agraryo sa kanayunan ay hindi ipinatupad sa tunguhing imodernisa ang
agrikultura bagkus maging ang pamamahagi ng lupa sa bawat magsasakang pamilya
sa pagpapatupad ng CARP ay hindi naman naging tugon sa pag unlad ng kabuhayan
ng sector ng magsasaka. Ang syensya at teknolohiya ay hindi napagtuunan ng pansin
upang tumahak sa tunguhin ng pagunlad at industryalisasyon na lilikha sana ng mga
bagong trabaho at opurtunidad ..Ang edukasyon ay nanatiling mababa ang kalidad
kung saan malaking salik dito ang napaka babang sahod ng mga guro,kulang kulang na
pasilidad at gamit sa pampublikong mga paaralan at ang pagliit ng pondo ng mga
unibersidad na pinatatakbo ng gubyerno. Halos 80 porsyento ng pang tersaryong
edukasyon ay ipinaubaya pa rin sa pribadong sector na pinapatakbo naman bilang
negosyo at hindi pa bilang mahalagang salik sa pagsasaayos nang kinabukasan nang
bayan. Ang mga patakaran at batas sa sector ng negosyo at paggawa ay hindi
tumutugon sa pangunahing hiling ng manggagawa na protektahan ang kabuhayan,
karapatan, kaseguruhan sa trabaho at kapakanan ng sector.Kaysa palawagin pa sana
ang mga ito mas pinakipot pa ng mga binuong batas paggawa ang puwang na
makapag bibigay sana ng proteksyon sa mga manggagawa. Ang
kontraktwalisasyon,assumption of jurisdiction,regional tripartite at wage boards ay ilan
lang sa mga batas na isinakatuparan ng wala man lang pag sasa alang alang kung
pumapayag at makabubuti sa mga manggagawa at empleyado ang mga ito.Idagdag
pa ang usad pagong na mga kaso at kurap na mga labor arbiter sa NLRC na inutil sa
pagbibigay nang hinahanap na katarungan nang mga manggagawa laban sa pang aapi
at labis na pagsasamantala sa kanila nang mga nag mamay ari nang kapital. Maging
ang mga local na namumuhunan o malilit na entrepreneur ay hindi din nabigyan ng
sapat na ayuda at proteksyon laban sa hindi patas na pribelehiyo na tinatanggap ng
mga malalaking dayuhang kumpanya at negosyo na pag aari o kontrolado ng mga
maiimpluwensyang pamilya sa gubyerno.

Sa pangkalahatang patakaran at polisiya na tinahak ng mga sumunod na gubyernong


naluklok matapos patalsikin ang Diktadura ni Marcos, masasabi nating ipinagkakait pa
din ang demokratikong partisipasyon ng mamamayan sa pagbubuo ng mga batas at
patakaran, pag-aalam sa mga publema , paghahanap ng kasagutan at
pagiimplementa ng prayoridad na mga programa ng bayan. Sa antas ng
pinakamababang yunit ng gobyerno mula sa Barangay , Distrito , Munisipal, Lungsod
Probinsya, rehiyon at nasyunal na antas. Hindi sinuhayan ng sapat na suportang moral
, pinansyal at teknikal ang pagbubuo at pagbibigay importansya sa mahalagang papel
ng mga organisasyon at samahan ng mamamayan upang maging epektibo itong
kaagapay ng gobyerno sa pagpapatupad ng programa ng pamahalaan para sa
mamamayan. Maging ang mga repormang electoral ay hindi naman tumugon sa
publema ng pulitika ng bansa kung saan ang pag gamit ng guns goon at gold ay syang
epektibong formula pa rin upang makasungkit ng isang halal na pusisyon sa gobyerno.
At dahil nga ang halal na pusisyon sa gubyerno ay pinupuhunanan tulad din ng isang
negosyo, prayoridad ng mga nahalal na lider ang bawiin ang ginastos, mag impok at
magpayaman at magpalawak ng impluwensya at proteksyon sa mga malalaking
negosyo at mayayamang pamilya na tumatayong kandidato o pinansyer. Sa ganitong
kalakaran ang pangungurakot sa kabang yaman ng bansa at pagsasabatas ng mga
patakaran at programa ng pamahalaan sa lahat ng antas ay malabo ngang bibigyan ng
prayoridad at ireresolba ang publema ng bayan.

Ilang eleksyon at EDSA man ang magdaan ibat ibang mukha man ang mahalal na
pulitiko ng bayan kung ang pagpili ng mga namumuno sa ating bansa ay nahahalal
dahil sa impluwensya ng pera, kapangyarihan, pandaraya , panlilinlang at basbas ng
mga maiimpluwensyang pamilya , negosyo at interest groups, walang pag asa na
hihintayin ang bayan.

Dahil ang paghahalal ng mga tapat at sinserong lider ng bayan ay magaganap lamang
kung ang mamamayan ay may masusing papel na ginagampanan sa pagbubuo
pagsubaybay at paggampan sa programa , proyekto,patakaran at batas na isinasagawa
ng kanilang mga halal na lider. Ito ay Isang panlipunang responsibilidad ng bawat
mamayan na aakuin lamang nya kung buo ang kanyang kumpyansa sa mga hinalal
niyang lider at may sapat na puwang na inilaan sa kanyang partisipasyon ang umiiral na
kaayusang pulitikal .

Sa kasalukuyang kaayusang pulitikal, ang mga Barangay Development Councils , City


Development Council , Provincial Development Councils ,Regional Development
Councils,National Development Councils , na nagbibigay representasyon daw sa sector
ng mamamayan hinggil sa mga mahahalagang programa . batas at polisiya ay
pormalidad lamang at kadalasan pa ay ini aapoint ng Kapitan ng Barangay, Mayor ,
Governor at Pangulo ng bansa. Ang mga personahe ,indibidwal o grupo na nakapaloob
dito ay mistulang stamp pad lamang ang silbi sa pagbubuo ng mga programa at
patakaran sa bawat antas ng pamamahalang pulitikal .Mga pormasyong nagpapakita
daw na kalahok ang mamamayan ngunit sa aktwal ay hanggang sa papel lang at hindi
naman sinserong pinagtutuunan ng pansin ng gobyerno sa anumang antas. Idagdag
pa ang limitadong upuan sa lehislatura ng mababang kapulungan sa kongreso na
kumakatawan sa sektoral party list na mambabatas at ang 17 taon na pagkakabinbin ng
Implementing Rules and Regulations ( IRR) sa kongreso na magbibigay katuparan sa
sektoral na representasyon ng 3 sektor na kakatawan sa mamamayan sa lehislatibong
sangay ( legislative councils ) ng mga local na pamahalaan.

Hindi na kataka taka kung sa kabila ng matinding kahirapan, korupsyon sa gubyerno,


paglala ng kriminalidad , pagbaba ng moralidad ,pagkasira ng kalikasan , pagyurak sa
soberenya ng bansa at pagbabangayan ng mga pulitiko ng administrasyon at
oposisyon ay nananatiling walang pakialam ang mayorya ng mamamayan . Dalawa
ang mayor na dahilan dito. Una ay hindi naman siya talaga binigyan ng papel sa
pagbuo ng mga patakaran programa at batas na may kinalaman sa pang araw araw na
takbo ng kanyang buhay . Ikalawa, wala ng kumpyansa ang mamamayan sa kanyang
mga hinalal na lider na syang magreresolba sa kanyang lugmok na kalagayan. Malinaw
na sa kanya na mismong ang kanyang mga hinalal , ang mga batas at patakarang
pinapasa at ipinaiiral maging ang relasyong panlipunan ay hindi nya na inaasahang
mag sasalba sa kanya. Bagkus ito ay umiiral at binalangkas para lalu pang pakiputin
ang kanyang karapatang makilahok sa pamamahala at mismong ang natitira nyang
boses na kapangyarihan sa balota ay kinapon pa ng umiiral na sistemang elektoral.

Sa pananaw ng ordinaryong mamamayan ito talaga ang lipunang Pilipino at kahit ano
pa ang kanyang gawin at pagmamaka awa ay hindi sya kailanman pakikinggan at
dadamayan nito. Kung kayat sa kanyang payak na kamalayan mabuti pa na sariling
kaligtasan nalang ang pagka- abalahan. Sariling kaligtasan na mas mahalaga kaysa
maging isang responsible at huwarang ama o ina sa kanyang mga anak , kaysa
maging isang masipag at tapat na manggagawa , empleyado o kawani ng gobyerno
na may pagtatangi at may malasakit sa kanyang trabaho o propesyon , kaysa isang
responsableng miembro ng kanyang komunidad na may pagpapahalaga sa
pakikipagkapwa-tao at pagdamay sa kanyang ka-lugar ,kaysa maging isang
responsableng botante na hindi ibinibenta ang boto para pumili ng mga tapat at
sinserong lider ng bayan dahil pare-pareho din namang bulok at magnanakaw sa kaban
ng bayan ang pagpipilian . Kumain at mabuhay ito ang pinaka mahalaga para sa kanya
isang natural na gawi ng isang pangkaraniwang hayop na hindi alam o wala sa
bokabularyo ang salitang dignidad. Gumawa man sya ng labas sa itinatakda ng
moralidad gaya ng panloloko ng kapwa,pagpapabaya , pagnanakaw, pandaraya,
pagsisinungaling at pagiging manhid sa pagdurusa ng kanyang kapwa, ano ang
kaibahan nya sa kanyang , lider barangay , may ari ng kumpanyang kanyang
pinapasukan , mayor , kongresman , senador , at pangulo ng bansa ? wala maliban sa
ginagawa nya ang mga ito para mabuhay at maitawid ang pamilya sa gutom.
Samantalang ang mga pulitiko , matataas na kawani ng gobyerno,mayayaman at
makapangyarihan sa lipunan ay ginagawa ito dahil sa kasakiman sa kapangyarihan at
kayamanan at walang kasiyahang pagtatampisaw sa luho na syang trademark ng lahat
na nabubulok na lipunan. Ito ang lipunang walang dignidad , ang lipunang ang mali ay
nagiging tama at ang baluktot ay pilit ginagawang tuwid para sa pagpapanatili ng
iilang nagtatamasa ng kasaganahan at kapanatagan.

Masangsang na ang amoy ng kabulukan ng lipunan, maging ang pagtatakip ng ilong ,


mata , tainga at pagiging manhid ay hindi na uubra. Ang sambayanang pilipino ay
mistulang naninirahan sa bundok ng basura na lahat tayo ay nag ambag ng kanya
kanyang kabulukan.Kung mananalamin lamang tayong lahat at susuriin ang ating
budhi wala ni isa sa atin ang hindi kinapitan ng masangsang na amoy dala ng
kabulukan ng kasalukuyang sistema ng lipunan. Sa ganitong kalagayan takot din
tayong magdamayan at makipagyakapan sa isat isa.Takot din tayong tumaliwas sa
agos ng kabulukan sa pangambang malunod tayo sa gutom at pagtawanan lang tayo
at kutyain ng ating mga kaibigan at katrabaho.Takot tayong sa paggawa ng tama at
matuwid ay walang makakain , matitirhan , maisusuot ang ating pamilya, hindi mapapa
aral ang ating mga anak , hindi ma promote sa trabaho at ituring na hindi marunong
makisama o makibagay sa umiiral na kalakaran.Ngunit walang mangyayari kung ang
bawat isa sa atin ay hindi magsisikap na hubarin at labahan ang mabahong
kasuotan,linisin ang ating kanya kanyang bahay , bakuran,opisina , barangay ,
munisipyo , lungsod at bansa.

Sa halip na pag papalit lang ng mga lider tuwing eleksyon o pag asa sa milagro ng
bagong edsa o kudeta ang ating aasahan ay lilikha na tayo ng mga kongkretong
pagbabago na magsisimula sa ating sarili patungo sa ating , pamilya,kaanak
,kaibigan,katrabaho.Lilikha na tayo ng mga pagbabago sa ating bahay, komunidad,
pabrika , opisina ,organisasyon at samahang kinaaaniban, siyudad , probinsya at
bansa. Sa lahat ng sulok at aktibidad ng lipunan ay titiyakin na nating may malinaw
tayong kaka paloobang sirkulo, samahan o organisasyon o grupo na kinapapalooban
na may mga particular na hakbangin at adhikaing naglalayong ibangon ang ating
kahirapan ibangon ang ating dignidad at kumpyansa sa sarili at magtiwala sa
pagdadamayan para alamin ang ating mga suliranin at sama-sama na isakatuparan
ang mga ninanais nating reporma sa abot ng kakayanan ng grupong ating
kinabibilangan. Ang kalinisan ng kalooban ng bawat isa, ang pagmamahal natin sa
ating pamilya ,ang matibay na pananalig sa makatarungang dios ang pakikipag
kapwa tao at marubdob na pagmamahal sa bayan alang alang sa kinabukasan ng
susunod na salinlahing Pilipino ang pinaka mabisa nating gagamiting sandata.
Imamaksimisa natin sa pamamagitan ng ating mga kinatawang organisasyon o
samahang binuo ang kasalukuyang demokratikong espasyo sa lahat ng antas ng
organo ng pampulitikang pamamahala ng gobyerno at hindi mangingiming tawirin ang
mga restriksyon nito sa layuning palawigin pa ang espasyo para magkaroon at kilalanin
ang boses ng sambayanang seryosong baguhin ang laganap na kabulukan nang
lipunan .Tayong naghahangad nang kaginhawaan , kapayapaan at nagpapahalaga sa
ating dangal ang tanging aasahan para ditto. Sabay sabay nating ibabangon ang
dignidad ng lahing Pilipino upang tratuhing tayo ay mga mararangal na tao at hindi
lahing busabos sa buong mundo.

Note: Organizational features including objectives and specific demands from


community level to national level is being finalized through workshops and consultations
with prominent personalities, groups and organizations involve in the mass movement ,
religious groups, political and various civic organizations.

Ang Pambansang Layunin ng Kilusan

1. Kamtin ang living wage bilang batayan ng minimum na pasahod sa pribado man
o gobyerno sa layuning kamtin ang dignidad sa paggawa at mabuhay ang
pamilyang Pilipino sa disenteng kalagayan.
2. Pagbibigay ng malaking papel sa karapatan ng mamamayan na lumahok at
Makibahagi sa pagbabalangkas ng mga batas , programa at proyekto ng bayan
sa lahat ng antas ng pampulitikang pamamahala .

3. Masusing imbestigahan ang tunay na halaga ng mga dayuhang utang at kilalanin


lamang ang utang na talagang ginugol sa mga programang pambayan.
4. Magbalangkas ng sektoral na programang tunay na kumakatawan sa kalagayan
at suliranin ng bawat sector sa tunguhing progresyonat pagbubuklod.
5. Seryosong ipatupad ang probisyon ng konstitusyon ng bansa na nagbibigay
proteksyon sa soberenya at pantay na patakaran at relasyong panlabas .
6. Pagbibigay ng ayuda at proteksyon sa mga local na entrepreneur laluna ang
nasa sector ng manupaktura laban sa daluyong ng globalisasyon at di pantay na
kompetisyon sa mga dayuhang namumuhunan sa layuning protektahan ang
sector at palaguin ang opurtunidad sa pagkakaroon ng dagdag na trabaho.

7. Seryosong pagaaral sa kasalukuyang atrasadong kalagayan ng agrikultura at


pagtahak sa direksyon ng pagmomodernisa nito sa pamamagitan ng pagbubuo
ng mga kooperatiba kung saan ang gubyerno, pribadong korporasyon,dayuhang
namumuhunan at grupo O KOOPERATIBA ng magsasaka ay pareparehong
stakeholders.

8. Pagpapatibay ng sistema ng hudikatura kung saan seryosong isasabuhay ang


saligang prinsipyo ng walang sino man ang nakatataas sa batas,yaong salat sa
yaman ay dapat sapat sa proteksyon ng batas at ang nabalam na hustisya ay
hustisyang ipinagkait.

9. Pag babago ng kasalukuyang sistemang electoral at pulitika ng bansa sa


tunguhing multi party system na nakabatay sa malinaw na prinsipyo ng
pamamahala at programa at hindi pa sa balangkas ng popularidad ng mga
indibidwal na kandidato.

10. Masusing pagrebisa sa umiiral na kapangyarihan at autonomiya ng mga local


na pamahalaan sa tunguhing nabibigyan proteksyon at pantay na
kapangyarihan ang lehislatibong sangay kung saan naroon ang partisipasyon ng
mga organisasyon, samahan at sector ng taumbayan upang tiyaking walang pag
abuso na magaganap sa ehekutibong saray na namumuno.

11. Pag rerebisa sa sistema ng pagbubuwis at distribusyon ng yaman ng bansa


gayundin ang pagbabago sa kalakaran ng distribusyon ng IRA kung saan ang
mga mauunlad ng siyudad at bayan ay di hamak na malaki ang nakukuhang
pondo kaysa maliliit na bayan na ang resulta ay ang mga maunlad ay mas
potensyal pang umunlad at ang atrasado o hindi maunlad ay kapos sa ayuda o
opurtunidad sa pag asenso.

12. Pag rebisa sa umiiral na Banking system kung saan napakalimitado ang
interbensyon ng gobyerno para magtakda ng restriksyon sa nagaganap na
monopolyo sa pinansya.

13 Pagpawi sa sakit ng korupsyon sa pamamagitan ng pagpasa ng mas mahigpit


na batas sa mga lumalabag dito at pagbubuo ng mga sistema kung saan ay
may aktibong papel na gagampanan ang mga organisasyon ng mamamayan
sa assessment at collection of government fees ,accounting, procurement
system at inspection and deliveries ng goods and services.

14 Pagrebisa sa umiiral na batas sa serbisyong sibil sa layuning matiyak ang


kwalipikasyon ng mga kawani sa anumang antas at malimita ang bilang ng
mga pusisyong ini aapoint at itigl na ang kalakaran na iniaapoint ang mga
personahe ng walang pamantayang kwalipikasyon.

15Reresolbahin ang patuloy na pagsadsad ng kalidad ng pampublikong edukasyon


na isa sa mayor na dahilan ay ang mababang pasahod sa mga guro.
Lumalabas sa mga pagaaral na ang kurso ng pagtuturo sa primarya at
sekondaryong antas ay hindi na kaaya ayang propesyong pinipili ng mga
pinakamahuhusay at matatalinong kabataan sa kanyang henerasyon sa
kadahilanang hindi ito isang promising career . Pagtutuunan din ang kakulangan
ng sapat na kagamitan at pasilidad para dito at iaako ang mas malaking
responsibilidad sa mga local na pamahalaan. Sa tersaryong edukasyon
pararamihin ang mga state universities na ang tunguhin ay ispesyalisasyon sa ibat
ibang sangay ng displina at hihikayatin ang kolaborasyon ng mga malalaking
kumpanya upang tumaya sa mga eksperimento at pananaliksik na sila ang popondo
at makikinabang .

16 Pasisiglahin ang kampanya sa wastong nutrisyon ,hygiene ,kalusugan at


alternatibang medisina kasama na ang pagtitiyak ng murang gamot sa antas
komunidad at titiyaking ang bawat local na pamahalaan ay may nakalaang pondo
para ipatupad ang paglalaan ng libre o subsidyo sa gastusing hospitalisayon ng mga
mahihirap na pamilya gaya nang ginagawa na sa Makati at Marikina.

17Paglalaan ng programang pabahay sa mga mahihirap na pamilya na


ikinukunsidera ang pangkabuhayang aspeto . At paghikayat sa mga pribadong
malalaking kumpanya na ikonsidera ang paglalaan ng programang pabahay sa
kanilang empleyado bilang dagdag na benipisyo para sa kanila .

18Seryosong pananaliksik sa alternatibong pagkukunan ng enerhiya particular yaong


mga likas na naririyan na tulad ng coco diesel, geothermal , biogas methane fuel ,
hydrothermal , solar , nukleyar at iba pa.

19. Pagkakaroon ng safety nets na naglalayong protektahan ang sector ng


manupaktura at agrikultura sa daluyong ng globalisasyon particular ang paglalagay ng
taripa sa mga produktong may kakayanan naman tayong likhain.

20. Pasisiglahin ang sining at kultura,na magbibigay ng inspirasyon sa mamayan upang


lalupang pagyamanin ang sariling kultura , pagmamahal sa kapwa at pagmamalasakit
sa bayan.

21Pagtrato sa pantay na karapatan ng pag iral ng sariling kultura , pulitika ,


ekonomiya at tradisyon ng mga kapatid nating muslim at katutubo sa pag bubuo ng
mga batas , patakaran na may kinalaman sa takbo ng kanilang buhay

22 . Pagpawi sa lahat ng uri ng diskriminasyon sa kababaihan at miembro ng third


sex at pagbibigay ng sapat na proteksyon laban sa pangaabuso sa kanilang
katauhan.

23. Reoryentasyon sa institusyon ng pulisya at militar upang tiyakin na ito ay


mangangalaga at pro protekta sa soberenya ng bansa, sa integridad nang mga
demokratikong institusyon ng pamamahala sa gubyerno at mga batayang karapatan ng
mamamayan laban sa pang aabuso

24. Pagdadagdag sa kurikulum ng edukasyon na nagtuturo ng wastong pangangalaga


sa ating mga likas na yaman at kahalagahan ng kalikasan sa buhay ng bawat tao at
susunod na henerasyon. Titiyaking may sapat na representasyon ang mamamayan sa
pagbuo ng mga batas at regulasyong mahusay na napapangalagaan ang mga ito at
mahigpit na pag papataw ng parusa sa sinumang tao, organisasyon o kumpanya na
makagagawa ng mga pagsira o hindi wastong pag utilisa ng kalikasan at likas na
yaman.

25. Pagsasabatas ng mandatory community service ( maaring pag-aralan ang


kumbersyon ng professional tax ) sa lahat ng propesyunal upang tugunan ang
dalawang mahalagang layunin na ang una ay ang pagtataas ng kalidad ng serbisyong
pampubliko at ikalawa ay upang pahigpitin ang ugnayang pang komunidad o
pamayanan ng mamamayan( damayan ) sa bawat local na pamahalaan.

Panata sa Dios,Sarili sa kapwa at sa Bayan ng isang kasapi sa Kilusan

1. Salat man sa yaman, dunong at katanyagan kung puno naman ng


pagpapakatao at pagmamahal hahamakin ang lahat ng pagsubok at kahirapan.
2. Butil man ng kanin pag iyong pinaghirapan animoy maningning na palamuting
perlas ng karagatan .Samantalang ang baul ng yaman na inumit sa kapwa man
o sa bayan bitbit moy sariling kabaong hila-hila kahit saan.
3. Haligi man o ilaw kapwa mahalaga sa lamig ng gabi ay kumakalinga anumang
pagkukulang ng isa ay dapat punan ng kabila, tahanang kanlungan ng pag
asang mutya.
4. Saan man masuong kung bitbit ay liwanag ang lahat ng naliligaw lilingon at
lilingap tungkulin mong dumamay magtanong at mangusap kaibigan baka naman
pareho din ang hanap.
5. Ang buhay na ginugol sa pagpapasarap ay bigong pangarap ng salinlahing
walang pagtitika at sikap
6. Ang mabuting gawa ay bukal sa kalooban walang hinihintay na kapalit o
pinagkakautangan. Kung pagtulong sa kapwa ay trinatong puhunan asahan
mong tubo may bahid na ng kasamaan
7. Ang butong itinanim sa bayang kinalakhan ay syang bungang kakanin ng paslit
mong iniingatan
8. Makamandag mang ahas sa damuhan hindi nanunuklaw kung hindi natatapakan
Subalit kung paggamit ng dahas sa una pa ay tinuran ito ay kahangalan at hindi
para sa katarungan.
9.Matatayog na pangarap puspusang pagsisikap kung pansarili lang laan
ingatan may mababasag.
10. May buhay man o wala sa mundoy gawa ng may likha tungkulin mong
Kalingain at pagyamanin huwag na huwag isalaula.
11. Dami o bilang di sapat na panangga kung salat sa katotohanan hustisyat
katuwiran bulag na paniniwala.
12. Pagka ganid sa yaman, luho at kapangyarihan mga uod na kumakakain sa
dignidad mot katauhan.
13. Araw sa umagay sisikat sa dapit hapoy lulubog gaya ng mga adhikait pangarap
may takdang panahon din ng pag inog.

You might also like