Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Nilalaman:___________ Pagibibigkas:_________

CN:7

Pangalan: Gero Amor L. Cuaresma

Taon at Pangkat: 1-EPH

Ito ang game ko Ang larong basketbol sa Pilipinas ay hindi maikakailang kilala na ng lahat ng Pilipino. Wala o bibihira lamang ang hindi nakaaalam sa larong ito Ngunit sa karamihan ng mga Pilipino, mapalalaki man o mapapababae, marunong man o hindi, bata man o matanda, bukod sa alam nila ito, nilalaro rin ito. Marami na ring sikat na personalidad ang sumikat dahil sa paglalaro ng basketbol. Isa na rito si Robert Jawo Jaworski at Allan The Triggerman Caidic. Sa kasalukuyan, ang PBA o Philippine Basketball Association ay ang opisyal na ligang panbasketball sa Pilipinas. Ano nga ba ang basketbol? Paano ito nilalaro? Ito ang aking tatalakayin aking pagtatalumpati sa inyo ngayon. Ang basketbol ay ang larong ginagamitan ng bola na kung saan ito ay kailangang mapasok sa basket. Nilalaro ito sa pagitan ng dalawang kupunan at kung sinong may pinakamataas na iskor sa pagtatapos ng oras ang siyang magwawagi. Mayroong ibat-ibang istilo o uri ng tira sa basketbol. Ito ay ang jump shot, lay-up, hook shot o running shot at dunk. Mayroon rin ibat-ibang uri ng dribble ayon sa kahusayan ng manlalaro sa pag dribble ng bola. Ang point system naman nito ay kapag nasa loob ng kurba o perimeter, 2 points ang katumbas ng bawat tira. Kapag ito naman ay nasa labas, 3 points na ang katumbas nito. Kapag nasa free throw line naman, katumbas ay 1 point. May ibat-ibang uri rin ng foul na kailangang iwasan sa paglalaro. Ito ay ang pushing, reach in, charging, intentional at technical foul. Ang bawat manlalaro ay pinapayagan lamang hanggang anim na foul. Hindi ito simpleng laro dahil kinakailangan hindi lamang ng pisikal na abilidad pati rin ang mental na abilidad. Ang paglalaro ng basketbol ay hindi lamang basta-bastang pagtira ng bola. Ito ay nilalaro ng may kagalingan at abilidad. Ito man ay may maging pisikal, kasama iyon sa laro. Sabi nga nila, no pain, no gain, walang hindi magtatagumpay hanggat walang paghihirap sa bawat pagsubok. Ito ang basketbol, at ito ang game ko.

You might also like