You are on page 1of 2

“Some texts are born literary,

some achieve literariness,


and some have literariness thrust upon them.”

Dalawang mahahalagang punto ang inihayag ni Terry Eagleton sa kanyang akdang “What
is Literature”: Una, na ang literatura ay maaaring bigyang-kahulugan gamit ang iba’t
ibang pamantayan--- ito’y maaaring maging instrumento upang baguhin at palakasin
ang ordinaryong wika (Literature is ideology); Ikalawa, na ang literatura ay isang di-
pragmatikong diskurso at walang praktikal na kapakinabangan subalit dapat gamitin
bilang tagapagtukoy ng mga pangkalahatang estado ng mga bagay-bagay kaya nga’t
relatibo ang pagpapakahulugan kung ang isang akda ay pampanitikan o hindi (there is no
essence of literature whatsoever).

UNANG PUNTO

Fact o Fiction? = Literature?


Ang literatura raw ay hindi dapat bigyang saysay gamit ang paraan ng klasipikasyong
nakasanayan. Hindi nangangahulugang isang akdang fiction o mula sa imahinasyon lamang
ang mga akdang literatura kahit pa nga gumagamit ito ng wikang hindi karaniwan. Hindi rin
maituturing na purong katotohanan o tunay na repleksyon ng kasaysayan ang ibang akda
samantalang ang iba’y hindi. Ang pagiging factual ng isang naisulat ay maaring itinuturing
ngang fact sa isang sibilisasyon subalit hindi naman kinikilala sa labas nito. Halimbawa, ang
mga alamat (at/o mito) ng mga Griyego at ang mga kasulatang mula sa Bibliya (banal na
aklat ng mga Kristiano) at Koran (banal na aklat ng mga Muslim) ay itinuturing na
repleksyon ng tunay na mga pangyayari ng mga taong naniniwala sa mga ito. Ang “Origin of
Species” ng siyentipikong si Charles Darwin ay maaring ituring na fact o fiction depende sa
pinanggagalingan ng nagbibigay-katuturan. Samakatuwid, naka-base sa kultura (culture) at
panahon (time period) ang epekto at pagtingin sa bawat akdang literatura.

Mayamang Imahinasyon = Literatura?


Kadalasan, awtomatikong inihahanay ang mga imaginative writing bilang akdang literatura.
Sa puntong ito, pansining ang mga comic books, computer game stories at maging ang mga
pocketbooks (i.e. Harlequin Romances) ay hindi itinuturing na literatura. Ang mga nabanggit
ay malinaw na mga akdang imahinatibo subalit hindi literatura. Mapapansin ding karamihan
sa mga akdang itinuturing na literature ay mga naisulat na tipong parang mga aklat ng
kasaysayan (i.e. Claredon’s History of the Rebellion) at mga aklat ng pilosopiya (mga akda
nina Mill, Ruskin, Newman). Maraming facts sa nobela, at maraming kasulatan ang naka-
base sa historical events.

Unique/Different Language Use = Literature?


Ang paraan raw kung paanong ginamit ang wika ang siyang mas nararapat pagbatayan upang
maisaklasipika kung ang isang akda ay maituturing na literatura o hindi. Sapagkat malinaw
na ang literatura ay gumagamit ng di-pangkaraniwang paraan ng pagkakasulat (i.e. sa
tradisyunal na panitikan--- makalumang mga salita, may sukat at tugma, romantik, may
moral na implikasyon, didaktiko), yaong mga akdang may kakaibang paggamit ng mga salita
ay maituturing nang akdang panitikan. Ang problema ay ito: mayroon ring unordinary
language ang iba’t ibang larangan. Maging ang ating mga salitang-kalye ay maituturing na
malalim at kakaiba. Malinaw na ito’y hindi literatura. Relatibo din ang kahulugan ng isang
salita, depende sa kung saan ito nagmumula o kung sino ang nagsasalita. Ang isang salita’y
maaaring ‘malalim’ sa iba subalit wala namang katuturan sa iba. Ang isang akda ay
itinuturing ring literatura depende sa konteksto kung paano ito binabasa. (Ang “Og Uhog” ni
Christine Bellen, bagaman isang akdang pambata, ay itinuturing na panitikan ng mga
akademikong institusyon dahilan sa konsteksto ng pagkakasulat dito.)

IKALAWANG PUNTO

Literature is self-referential
Malinaw namang na-establish na ang mga akdang pampanitikan ay may ‘kakaibang’ wika. Sa
kontekstong ito, mapapansing ang literatura’y may sariling paraan ng paggamit sa mga salita.
(Di ba nga’t malinaw ang pagkakaiba sa pagitan ng panitikang tradisyunal ay panitikang
moderno?) Sinasadyang gumamit ng naiibang istilo upang idiin ang nais ipahiwatig sa
akdang literatura.

How to read is not parallel to how it was written (or how it was intended to be read)
Sapagka’t may kani-kaniyang opinion at background ang bawat mambabasa, natural na
magkaroon ng iba’t ibang pakahulugan ang bawat isa sa kanyang binasa. Hindi magagawang
idikta ng sumulat kung paanong dapat magbasa (o maintindihan ang isinulat) upang maging
uniporme ang kalalabasan ng pagpapakahulugan ng bawat isang makababasa. Ang mga tula,
maikling kwento, pabula, alamat, nobela, atbp. ay walang kasiguruhang magiging gayon nga
sa paglipas ng panahon. Halimbawa, ang mga required readings sa kolehiyo (i.e. yung mga
tula at maikling kwento sa “Hulagpos”) ay malinaw na itinuturing na akdang pampanitikan
sapagkat sila’y itinakda ng unibersidad. Subalit, malinaw ring ang ilan sa mga babasahing
ito’y maaring hindi isinulat ng mga may-akda nito upang gawing basahing pang-akademiko.

Literature vs. Literary


Ang mga salitang “literature” at “literary” ay subjective--- ibig sabihin, ang mga akdang
pampanitikan ngayon ay maaaring hindi ituring na pampanitikan sa hinaharap. Ang mga
isinulat halimbawa ni Shakespeare ay maaaring mawalan ng halaga sa hinaharap. Anumang
paniniwalang ang panitikan ay may malinaw na klasipikasyon ay walang katotohanan.

Sa huli, sa intelektwal na kapasidad ng nagbabasa babalik ang katuturan ng isang akdang


pampanitikan. Anumang husay, lalim o kagalingan ng naisulat ay mawawalan ng saysay
kung ang nagbabasa nama’y walang kakayahang maintindihan ang nilalaman ng binasa.
Sapagkat ang literatura’y naka-base sa kung paano ito binasa at bibigyang kahulugan ng
taong nag-iisip at nagbabasa.

Mga Sanggunian:
 Barry Laga, (Mesa State College) What is Literature? A refusal to define or limit: A paraphrase,
summary and adaptation of Terry Eagleton’s Introduction to Literary Theory
 Mga Akda sa Hulagpos
 Terry Eagleton, What is Literature?

You might also like