Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 22

Kim Vergel C.

Cudia

PE II PHILIPPINE GAMES

A Compilation of Tag, Relay and Mind Games

Mr. Vee Sandig

TAG GAMES Titulo: Sambunot Mga Kalahok: Dalawang grupo na binubuo ng limang miyembro Mga Kagamitan: Bunot Paraan: 1. Ang playing area ay binubuo ng dalawang base sa magkabilang dulo na depende sa dami ng mga manlalaro. Sa gitna ng playing area ay isang bunot na kailangang makuha ng mga manlalaro. 2. Ang kailangan lamang gawin ng mga manlalaro ay gawin ang kanilang makakaya upang makuha ang bunot at mailagay nila ito sa kanilang team base. 3. Maaari 4. ng magsimula kahit kalian at kahit sinong miyembro ng grupo. Ang kailangan lamang siguraduhin ay hindi ito makukuha ng kalabang grupo. 5. Ang bunot ay puwedeng pagpasahan sa mga kamiyembro hanggang mapunta sa base o kaya naman maaaring isang tao lamang ang tumakbo na hawak ang bunot patungo sa kanilang base. 6. Ang mga ibang miyembro ay maaaring mag-block sa kabilang grupo upang hindi makuha ang bunot. Maaari naming i-tag ng kalabang grupo ang may hawak ng bunot upang mapasakanila ang nasabing bagay. 7. Kung na-tag ang miyembro ay hindi na siya kasama sa laro. 8. Ang unang nakapagdala ng bunot patungo sa kanilang base ang mananalo. Mga Limitasyon: Hindi puwedeng magkumpol-kumpol ang mga miyembro sa isang lugar.

Kailangan ma-tag ng kalaban ang may hawak ng bunot sa anumang bahagi ng katawan maliban sa buhok.

Titulo: Agawang Sulok Mga Kalahok: Group A na binubuo ng limang miyembro, Group B na may pitong miyembro at Group C na may siyam na miyembro at isang taya Mga Kagamitan: Pangmarka sa mga posisyon ng miyembro sa Group A, B at C. Paraan: 1. Ang play area ay binubuo ng tatlong sulok, isang sulok bawat grupo. Ang isang sulok ay may puwang na katumbas ng bilang ng mga miyembro sa bawat grupo.
2. Kailangang magpalipat-lipat ang mga manlalaro sa mga puwang sa loob ng tatlong

minuto. Kahit saang puwang ay maaaring puntahan ng mga manlalaro. Halimbawa si Manlalaro 1 ay mula sa Grupo A, maaari niyang okupahan ang iniwang puwang ni Manlalaro 2 na mula sa Grupo C. 3. May isang taya sa gitna na siyang nagbabantay ng mga umaalis sa kanilang mga posisyon. Kapag umalis ang isang manlalaro sa kanyang puwang, maaaring kunin ng taya ang lugar ng umalis. 4. Ang natirang walang napuntahang puwang ang siyang bagong taya. Mga Limitasyon: Hindi puwedeng itaya ang mga manlalaro na nasa mga puwang. Maaari lamang tayain kung nasa mga lugar na walang puwang. Kailangang lumipat ang mga manlalaro sa loob ng tatlong minuto, kung hindi sila ang bagong taya. Titulo: Araw Lilim

Mga Kalahok: Sampu hanggang dalawampung tao Mga Kagamitan: Wala Paraan: 1. Maaari lamang laruin ito kung mayroong lilim at may ilaw. Kinakailangan ng tatlong taya. 2. Kinakailagan lamang gawin ng mga manlalaro ay ang manatili sa loob ng lilim. Ang mga wala sa lilim ay maaaring tayain.
3. Kailangang magpalit ng posisyon pagkalipas ng tatlong minuto.

4. Ang mga nataya ay magiging bagong tagataya at mananatili naming tagataya ang mga nauna. 5. Ang natirang hindi nataya ang siyang panalo. Mga Limitasyon: Kailangang nasa lilim ang mga manlalaro upang hindi mataya. Tatlong minuto lamang ang palugit upang makalipat ng posisyon ang mga manlalaro.

Titulo: Lawin at Sisiw Mga Kalahok: Sampu hanggang dalawampung miyembro Mga Kagamitan: Wala Paraan: 1. Pipili ang mga manlalaro ng isang lawin at ng isang inahin. Ang lawin ang siyang taya at ang inahin ang pinuno ng mga natirang manlalaro. Ang mga natira ay mga sisiw. 2. Magkakahawak sa baywang ang mga sisiw at nasa unahan ang inahin. 3. Darating ang lawin at kukuha ng isang sisiw. 4. Pipikit ang lawin ng limang segundo at tatakas ang napiling sisiw. 5. Pagkalipas ng limang segundo bubuksan ng lawin ang kanyang mga mata at hahabulin ang sisiw.

6. Kapag nahabol ng lawin ang sisiw, ang sisiw na ang bagong lawin ngunit kung nakadikit na ulit ang sisiw sa linya ng mga manok,uulit ang laro at pipili ng bagong sisiw ang lawin. Mga Limitasyon: Kailangang malayo ang napiling sisiw sa linya ng mga manok. Hindi puwedeng gumalaw ang linya ng mga manok.

Titulo: Presohan Mga Kalahok: Sampung manlalaro Mga Kagamitan: Lata at pamato

Paraan: 1. Ang preso ay ang taya. Binabantayan ng preso ang lata na anim na metro ang layo mula sa mga manlalaro. 2. Kailangang mapatumba ng mga manlalaro ang lata sa pamamagitan ng pagtatapon ng kanilang mga pamato. 3. Kung natumba ang lata, kailangan itong itayo muli ng preso. Sa panahong ito kailangang ng tiyempo ng mga manlalaro upang kunin ang kanilang mga pamato. 4. Ito rin ang panahon na puwedeng magtaya ang preso ngunit kailangan muna niyang itayo ang lata. 5. Sinuman ang hindi makakuha ng kanyang pamato o mataya ng preso, ang siyang magiging bagong preso. Mga Limitasyon: Kailangang makuha ng mga manlalaro ang kanilang mga pamato. Hindi puwedeng magtaya ang preso hanggang hindi niya naitataas ang lata.

Titulo: Tawanan Mga Kalahok: Sampung manlalaro Mga Kagamitan: Isang barya

Paraan: 1. Isang barya ang itatapon ng pinuno at kung ang lumabas ay cara, kailangang tumawa ng mga manlalaro. Kung cruz naman ang lumabas kailangang pigilan ang tawa ng mga manlalaro. 2. Habang hinahagis ang barya ay kailangang tumatawa ang mga manlalaro at maaaring ipagpatuloy o itigil ang pagtawa depende sa kinalabasan ng barya. 3. Maaaring napakasimple ng larong ito ngunit mayroong tendensiya ang mga manlalaro na tumawakapag hindi kinakailangan kung may nakita silang nagkamali. 4. Sinuman ang nagkamali ay maaalis na sa laro. Mga Limitasyon: Kailangan makita ng lahat ang barya. Kailangang makitakung sino ang tumatawa at hindi.

Titulo: Blindmans Bluff Mga Kalahok: Lima hanggang sampung manlalaro Mga Kagamitan: Panyo Paraan: 1. Isang taya ang pipiliin at tatakpan ang kanyang mga mata ng panyo. 2. Iikutin siya ng tatlong beses. 3. Habang naka-blindfold ay magtataya siya ng mga ibang manlalaro. 4. Ang mga manlalaro ay maaaring magpunta kahit saan, maaaring umilag, tumayo, asarin ang taya o manahimik. 5. Kapag nahawakan ng taya ang isang manlalaro, kailangan niyang mahulaan kung sino ang kanyang nahawakan. 6. Kung nahulaan niya, ang nataya ang bagong taya. Kung hindi naman, kailangan niya muling maghanap ng iba pa. Mga Limitasyon: Kailangan ay kakilala ng bawat manlalaro ang isat isa. Kailangang alalayin ang taya kung nanganganib na mahulog o mapahamak.

Titulo: Hen Pecked Mga Kalahok: Lima hanggang sampung manlalaro Mga Kagamitan: Basket at mga bola na iba-iba ang kulay Paraan: 1. Isang manlalaro ang pipiliin upang maging inahin. Lalabas ang inahin sa kuwarto. 2. Habang nakalabas ang inahin ay kukuha ng tig-iisang bola ang mga natira sa basket. Babalik ang inahin. 3. Hahatiin ang play area sa dalawang base. Ang base ng mga manlalaro at ang base ng inahin. 4. Magsasabi ng kulay ang inahin at kung sinong may taglay ng bola na may ganoong kulay ay kailangang i-shoot ang bola sa basket na nasa base ng inahin. Kung hindi naipasok ay kailangang kunin ng manlalaro ang bola sa base ng inahin. Maaaring magtaya ang inahin kung nakapasok ang isang manlalaro sa kanyang base. Kapag nahawakan siya ng inahin ay alis na siya sa laro. 5. Ang natirang manlalaro ang siyang panalo.

Mga Limitasyon: Kailangang nakaapak ang kahit isang paa ng manlalaro sa base ng inahin bago siya puwedeng mataya. Hindi puwedeng ipakuha sa iba ang bola ng ibang manlalaro. Titulo: British Bulldogs Mga Kalahok: Sampu hanggang labing anim na manlalaro Mga Kagamitan: Wala

Paraan: 1. May dalawang bulldogs ang pipiliin mula sa mga manlalaro. Ang ibang manlalaro ay pupunta sa kabilang dulo ng playing area na magsisilbing base nila. 2. Ang mga bulldog ay nasa gitna ng playing area. Ang goal ng larong ito ay pumunta ang mga manlalaro mula sa kanilang base patungo sa kabilang dulo ng playing area. 3. Sa kanilang pagtawid mula sa kanilang base ay kailangan ilagan ng mga manlalaro ang mga bulldog. Tatawid lamang ang mga manlalaro kapag sinabi na ng mga bulldog ang katagang British Bulldogs 1, 2, 3. 4. Magiging bulldog din ang mga manlalaro na nahawakan ng mga naunang bulldog sa kahit anong parte ng katawan. 5. Ang pinakahuling natira ay siyang panalo. Mga Limitasyon: Hindi puwedeng dumaan ang mga manlalaro sa hindi parte ng playing area. Kailangang hintayin ang sinyales ng mga bulldog bago tumawid. Titulo: Tail Tally Mga Kalahok: Dalawang grupo may parehong bilang ng mga manlalaro Mga Kagamitan: Tig-iisang tali bawat manlalaro

Paraan: 1. Ang bawat grupo ay may sariling pen o base na kung saan manggagaling ang mga manlalaro ng isang grupo.

2. Nakadikit sa bawat miyembro ang isang tali. Magtatakda ng limang minuto ang facilitator na kung saan puwedeng lumabas ang mga manlalaro mula sa kanilang pen. 3. Puwedeng lumabas ang mga miyembro sa loob ng kanilang pen sa loob ng limang minuto kahit kalian man nila naisin. Kung nakalabas na ang manlalaro ay kailangan niyang kumuha ng tali ng mga miyembro ng kalabang grupo na nasa labas ng kanilang pen. 4. Kung sakaling makuha ang tali ng manlalaro ay babalik siya sa pen at hindi puwedeng lumabas. 5. Maaaring ibigay ng kagrupo ang taling nakuha mula sa kabilang grupo sa mga manlalaro na nakuhanan ng tali. 6. Pagkatapos ng limang minuto ay bibilangin ang lahat ng taling taglay ng grupo. 7. Ang grupong may pinakamaraming tali ang siyang panalo. Mga Limitasyon: Kailangang makalabas ang lahat mula sa pen. Kailangang nasa loob na ng pen ang lahat ng mga manlalaro pagkatapos ng limang minuto. Hindi mabibilang ang mga tali ng mga kalahok na wala sa loob ng pen. RELAY GAMES Titulo: Blind Pouch Mga Kalahok: Dalawang grupo na may anim na manlalaro Mga Kagamitan: Panyo, mga balakid, isang kamatis Paraan: 1. Ang isang grupo ay may limang manlalaro na nakablindfold at isang pinuno na gagabay sa mga nakablindfold na manlalaro. 2. Ang unang manlalaro ay kukuha ng isang kamatis mula sa basket at ipapasa ito sa pangalawang manlalaro. Ngunit hindi alam ng unang manlalaro kung nasaan ang

pangalawa. Ang pinuno ang siyang magsasabi kung saan direksyon pupunta ang unang manlalaro upang makita ang pangalawa. Hindi puwedeng hawakan ng pinuno ang nakablindfold na manlalaro. Ang pinuno lamang ang puwedeng magsalita.
3. Sa pagitan ng bawat manlalaro ay may mga balakid na kailangang lampasan ng mga

manlalaro sa pamamaitan ng boses ng pinuno. Ipapasa ang kamatis sa susunod na manlalaro. 4. Ang pinakaunang grupo na makapasa sa huling miyembro ang siyang panalo. Mga Limitasyon:

Ang pinuno lamang ang puwedeng magsalita. Hindi puwedeng mag-usap ang mga nakablind fold. Hindi puwedeng hawakan ng pinuno ang mga miyembro.

Titulo: Loop Relay Mga Kalahok: Dalawang grupo na may parehong bilang ng manlalaro Mga Kagamitan: Mahaba at manipis na tali Paraan: 1. Kukunin ng pinakaunang manlalaro ang tali at ipapasok sa loob ng kanyang katawan mula sa ulo hanggang paa. Kailangang hawakan ng unang manlalaro ang dulo ng tali at huwag itong bibitawan hanggang makarating sa dulo. 2. Ang susunod na manlalaro naman ay ipapasok ang tali mula sa kanyang paa patungo sa kanyang ulo. Kailangang pag-ingatang huwag mabitawan ng unang manlalaro ang hawak sa dulo ng tali. 3. Ipapasok naman ng susunod ang tali sa kanyang ulo patungo sa paa at magpapatuloy ang sequence ng paraan ng pagpasok hanggang sa pinakadulo. 4. Ang pinakaunang makapasok at makapagpalabas ng tali ang siyang panalo ngunit kailangang hindi nawala sa kamay ng unang manlalaro ang dulo ng tali. Mga Limitasyon: Kailagang huwag bitawan ng unang manlalaro ang dulo ng lubid

Kailangang sundin ang sequence ng pagpasok at paglabas ng lubid.

Titulo: Kabakabayuhan Mga Kalahok: Dalawa o higit pang grupo ng binubuo ng higit sa anim na manlalaro. Kailangang magkapareho ang bilang ng dalawang grupo. Mga Kagamitan: Kawayan Paraan: 1. Magsisimula ang laro sa pamamagitan ng pagsakay ng tatlong manlalaro sa kawayan na parang nangangabayo. Kailangang hawakan ng dalawang kamay ang kawayan at ipitin sa dalawang hita. 2. Pupunta ang tatlong manlalaro patungo sa point A kung saan sasakay ang tatlo pang miyembro. 3. Gagawin ng anim na miyembro ang naunang ginawa at pupunta sa Point B kung saan sasakay na naman ang huling tatlong miyembro. 4. Ang unang makapunta sa point C ang siyang panalo. Mga Limitasyon: Kailangang mahaba ang kawayan upang magkasya ang mga manlalaro. Kailangang makinis ang kawayan upang maiwasan ang may masaktan.

Titulo: Memory Relay Mga Kalahok: Dalawang grupo na magkapareho ang bilang ng manlalaro Mga Kagamitan: Wala Paraan: 1. Nakalinya ang dalawang grupo. Isang metro ang layo ng bawat isa. 2. Magsisimula ang laro kapag binigay na sa unang manlalaro ang mga salitang ipapakabisado. 3. Ipapasa ng unang manlalaro ang natandaan sa susunod hanggang makaabot sa dulo.

4. Ang may pinakamaiksing oras at pinakamalapit na salita ang siyang panalo. Mga Limitasyon: Bawal bumalik ang mga manlalaro samga nauna sa kanila.

Titulo: Plastic Cup Relay Mga Kalahok: Walong manlalaro bawat grupo Mga Kagamitan: Plastic Cups Paraan: 1. Nakahanay ang dalawang grupo, sa tinakdang oras ay tatakbo ang unang manlalaro ng bawat grupo sa mesa. 2. Makikita ang mga plastic cup. Maglalagay ng apat na plastic cup ang unang manlalaro. Babalik siya sa inya. 3. Susundan siya ng pangalawa na ilalagay ang tatlong plastic cup sa itaas ng ginawa ng unang manlalaro. Babalik rin siya sa linya. 4. Ang ikatlong manlalaro ay maglalagay ng dalawa at ang ikaapat ay isa. Makakabuo ng tila kastilyo ang bawat grupo. 5. Gigibain ito ng ikalimang manlalaro at gagawin ulit ang ginawa ng unang manlalaro. Gagawa ulit ang ikalima hanggang ikawalong manlalaro ng kastilyo. 6. Ang unang matapos ang siyang panalo. Mga Limitasyon: Kung sakaling nahulog ang mga baso ay hindi na puwedeng bumalik ang mga manlalaro. Ang susunod sa linya ang siyang mag-aayos nito. Uulit ang mga manlalaro hanggang makabuo ng dalawang set ng kastilyo.

Hindi puwedeng tulungan ang mga kamiyembro.

Titulo: Leaders Call Mga Kalahok: Dalawang grupo na may parehong bilang ng manlalaro. Mga Kagamitan: Wala

Paraan: 1. Malalagay ng blind fold ang bawat miyembro. Bibigyan ng bilang ang bawat miyembro mula 1 hanggang sa pinakahuling numero. Paghihiwalayin ang bawat miyembro ng grupo at kailangang maiayos ng pinuno ang mga manlalahok ayon sa kanilang bilang. Nakablindfold rin ang pinuno. 2. Kailangang mahanap ng pinuno ang mga miyembro sa pamamagitan ng pagtawag sa mga numero ng mga kasama. Hindi puwedeng magsalita ang mga miyembro maliban sa kanilang mga numero. Ang pinuno naman ay may kakayahang magsalita ng kahit ano. 3. Ang unang makabuo sa kanilang grupo ayon sa tamang pagkakasunod ang siyang panalo. Mga Limitasyon: Ang puwede lamang sabihin ng mga miyembro ay ang kanilang mga numero.

Titulo: Japanese Dance Relay Mga Kalahok: Dalawang grupo na may parehong bilang ng miyembro Mga Kagamitan: Paper Plates Paraan: 1. Nakahanay ang bawat grupo at sa harap nila ay apat na mga paper plate.

2. Iipitin ng mga manlalaro ang paper plates sa kanilang leeg, kilikili at hita. Kailangan ay hindi mahulog ang mga ito habang naglalakad ang manlalaro. 3. Maglalakad ang manlalaro at babalik muli sa linya. Ipapasa ang mga paper plate sa susunod hanggang matapos ang pinakahuli 4. Ang pinakaunang matapos ay siyang panahlo. Mga Limitasyon: Kung sakaling nahulog ang mga papel ay kailangang bumalik ang manlalaro sa kanyang pila at ulitin muli. Titulo: Turtle Relay Mga Kalahok: Dalawang grupo na may parehong bilang ng miyembro Mga Kagamitan: Itlog at Baso Paraan: 1. Bawat manlalaro ay may dalang itlog. Ang goal ng larong ito ay gayahin ang mga pagong sa pagdala ng kanilang mga itlog. 2. Luluhod ang mga manlalaro at papagalawin ang mga itlog gamit ang kanilang mga ulo. Bawal gumamit ng kamay. 3. Kapag nasa dulo na ang manlalaro ay kailangan niyang ipasok ang itlog sa basong nakahilata. 4. Susunod ang iba pang mga kalahok sa grupo. 5. Ang pinakaunang matapos ay siyang panalo. Mga Limitasyon: Kapag nabasag ang itlog ay kailangan ulitin ng manlalaro mula simula.

Titulo: Cracker Whistle

Mga Kalahok: Dalawang grupo na may parehong bilang ng miyembro Mga Kagamitan: Mesa, Crackers Paraan: 1. Nakahanay ang dalawang grupo. Ang pinakaunang manlalaro ay pupunta sa mesa at kakainin ng buo ang isang cracker at magsisipol. 2. Babalik ang manlalaro sa kanyang hanay at mag-uumpisa na ang pangalawang manlalaro. 3. Gagawin ito ng lahat hanggang matapos 4. Ang pinakaunang natapos ang siyang mananalo.

Mga Limitasyon: Kailangang makasipol ang manlalaro bago makaalis Kailangang maisubo ng buo ang crackers

Titulo: Island Jumping Mga Kalahok: Dalawang grupo na may parehong bilang ng miyembro Mga Kagamitan: Cardboards, measuring cup, tubig, baso Paraan: 1. Dalawang grupo ang maglalaban. Sa playing area ay may mga cardboard na 120 hanggang 150 sentimetro ang layo sa isat isa. Matatapos ang linya ng cardboard sa isang measuring cup. 2. Pupuniin ng unang manlalaro ang kanyang baso ng tubig at pupunta sa measuring cup sa dulo. Magagawa lang niya ito sa pamamagitan ng paglundag sa mga cardboard hanggang makaabot sa measuring cup. 3. Ibubuhos ng manlalaro ang tubig sa measuring cup at babalik sa linya.

4. Ganito rin ang gagawin ng mga susunod hanggang sa pinakahuling manlalaro. 5. Ang grupo na may pinakamaiksing oras at pinakamaraming naipong tubig ang siyang panalo. Mga Limitasyon: Kung hindi nakalundag ang manlalaro sa cardboard ay madaragdagan ng limang Segundo ang oras ng grupo.

Mind Game Titulo: Guess What Mga Kalahok: Sampu hanggang dalawampu Mga Kagamitan: Papel na may nakasulat na tao, bagay, at iba pa. Paraan: 1. Isang taya ang bubunot ng papel sa bowl. Ang papel ay nagtataglay ng kahit anong bagay. 2. Sa loob ng papel ay may mga salita o kataga na naglalarawan sa bagay. 3. Ilalarawan ang bagay upang mahulaan ng iba ngunit hindi puwedeng gamitin ang mga katagang naglalarawan sa papel. 4. Matatapos ang laro kung nahulaan ito o kaya naman ay natapos ang oras na nakalaan na maaaring isang minuto hanggang dalawang minuto. Mga Limitasyon: 1.Hindi puwedeng magturo ng bagay. 2. Ilarawan lamang ito at hindi puwedeng sabihin ang mga salitang nakasulat sa papel.

Titulo: Bugtong Puzzle Mga Kalahok: Dalawang grupo na may parehong bilang ng miyembro Mga Kagamitan: Puzzle ng mga larawan Paraan: 1. Dalawang grupo ang magtutunggali. Magbibigay ng bugtong ang facilitator. 2. Kapag sinabing Go, ay bubuuin ang puzzle na nagtataglay ng tamang sagot na tumutukoy sa bugtong. 3. Ang grupo na unang makasagot at makabuo ng tamang puzzle ang siyang panalo.

Titulo: Charades Mga Kalahok: Kahit ilang kalahok Mga Kagamitan: Papel kung saan nakasulat ang mga salita Paraan: 1. Bubunot ang taya ng isang papel mula sa bowl. Kung anumang nabunot niya ay kailangan niyang ipahula sa mga iba gamit lamang ang galaw. 2. Kailangang mahula ng kahit isa sa mga manlalaro ang salita sa loob ng isa hanggang dalawang minuto. Mga Limitasyon: Bawal magsalita ang taya. Bawal magturo ang taya.

Titulo: Give Me

Mga Kalahok: Kahit ilang manlalaro Mga Kagamitan: Wala Paraan: 1. Magbibigay ng isang kategorya ang facilitator. Puwedeng tao, bagay, hayop, at lugar. 2. Magpapaikot ang mga manlalaro. Kapag sinabi na ang Go ay magsisimula nang magbigay ng salita ang mga manlalaro. 3. Mauuna ang katabi sa kanan ng facilitator. Kailangan niyang magsabi ng salita na kabilang sa kategoryang nasabi na nag-uumpisa sa letrang A. Ang susunod ay na manlalaro ay letrang B. Hanggang makaabot sa letrang Z. 4. Sino mang hindi makabigay ng salita sa loob ng limang segundo ay maaalis na. 5. Ang huling natira ang siyang panalo. Mga Limitasyon: Hindi puwedeng mag-pass ang manlalaro. Hindi puwedeng magturo ang mga katabi.

Titulo: Hang Man Mga Kalahok: Lima hanggang sampung manlalaro Mga Kagamitan: Blackboard at Tisa Paraan: 1. Magbibigay ng kategorya ang facilitator at mag-iisip ng isang salita o paririrala. Isususulat ng facilitator ang bilang ng mga letra. 2. Huhulaan ng mga manlalaro ang letra na kabilang sa salita o talata. 3. Kada mali ay babawasan ang tira na magagawa ng manlalaro. Kapag naubos na ang kanyang tira ay alis na siya sa laro.

4. Ang manlalaro na makakasagot ng buong salita o parirala ang siyang panalo. Mga Limitasyon: Hindi puwedeng sabihin ng facilitator na nabigay na ang letra maliban na lamang kung ang letra ay nasa salita. Titulo: Who Am I? Mga Kalahok: Lima hanggang pitong manlalaro Mga Kagamitan: Tape, papel at marker Paraan: 1. Maglalagay ang isat isa sa noo ng papel na nagtataglay ng salita. 2. Kailangang mahulaan ng mga manlalaro ang salita na nasa noo sa loob ng isa at kalahating minuto. 3. Maaaring magtanong ng kahit ano ang manlalaro hanggang mahulaan ang salita. 4. Tanging Oo at Hindi lamang ang puwedeng sabihin ng ibang manlalaro. 5. Matatapos ang laro kung nahulaan o natapos ang oras. Mga Limitasyon: Hindi puwedeng magsalita ang ibang manlalaro maliban sa OO at HINDI.

Titulo: Shaggydy Shaggydy Mga Kalahok: Sampu hanggang dalawampung manlalaro Mga Kagamitan: Wala Paraan: 1. Ang lahat ay nakabilog kasama ang facilitator. Mag-iisip ng isang kilos ang facilitator at gagayahin ito ng manlalaro na nasa kanan ng facilitator.

2. Habang ginagawa ng pinasahang manlalaro ang naunang ginawa ng facilitator ay kikilos ng panibago ang facilitator at gagayahin na naman siya ng nasa kanan niya. 3. Ipapasa ng manlalaro ang mga galaw sa kanyang kanan. 4. Magpapasahan ng galaw ang mga manlalaro hanggang dumami ng dumami ang mga galaw. 5. Sinumang nagkamali sa sequence o nakalimutan ang susunod na galaw ay alis na sa laro. 6. Ang natirang manlalaro ang siyang panalo. Mga Limitasyon: Hindi maaaring ituro ng katabi ang susunod na galaw

Titulo: Names, Place, Things Mga Kalahok: Tatlo hanggang limang tao Mga Kagamitan: Papel at panulat Paraan:
1. Hahatiin ng bawat manlalaro ang papel sa limang kolumn. Isa para sa Pangalan, isa para

sa Lugar, isa para sa Bagay, isa para sa Hayop at isa para sa Total. 2. Magbibigay ng letra ang isang manlalaro at magsusulat ng kahit anong bagay na may kinalaman sa apat na kategorya na nagsisimula sa ganoong letra. 3. Ang pinakaunang matapos ay magsasabi ng STOP at ang lahat ay titigil magsulat. 4. Kapag walang kapareho ang mga sinulat mo, magkakaroon ka ng sampung puntos. Kapag may kamukha naman ay limag puntos. Walang puntos para sa mga puwang. 5. Ang sinong may pinakamaraming puntos ang siyang panalo. Mga Limitasyon: Hindi puwedeng mangopya ang isang manlalaro.

Kailangang tumigil ang lahat kapag may nagsabi na ng stop.

Titulo: Remember Me? Mga Kalahok: Sampu hanggang dalawampung manlalaro Mga Kagamitan: Papel, panulat at mga retrato. Paraan: 1. Magpapakita ang facilitator ng isang larawang punong-puno ng mga bagay. 2. Titignan ito ng mga manlalaro sa loob ng limang minuto. 3. Pagkatapos ng limang minuto ay tatakpan ang retrato. 4. Magtatanong ang facilitator tungkol sa larawan. Halimbawa, kung anong kulay ng isang bagay o kung ano ang katabi ng isa. 5. Ang may pinakamaraming nasagot ang siyang tatanghaling panalo. Mga Limitasyon: Hindi puwedeng maglista sa papel ang mga manlalaro sa kanilang mga nakita

Titulo: Give Me a Word Mga Kalahok: Kahit ilan Mga Kagamitan: Papel at lapis Paraan: 1. Magbibigay ng isang mahabang salita ang facilitator. 2. Mula sa salitang ibinigay ay kailangang bumuo ng mga salita na hindi liliit sa apat na letra. 3. Bibigyan ng sampung minuto ang mga manlalaro.

4. Pagkatapos ng sampung minuto ay titignan ang mga nabuong salita. Kung sino ang may pinakamaraming nabuo ay siyang panalo. Mga Limitasyon: Hindi puwedeng bumuo ng gawa-gawang salita. Kailangang na kung anong wika ang binigay, ganoong salita rin na galing sa wikang nabanggit ang gagamitin.

You might also like