Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

SURING BASA 1) Pagkilala sa may Akda Isinulat ni Arceli Salayon ang "Ang kalupi" upang ipahiwatig sa mambabasa ang

kanyang nais o reaksyon sa isang pangyayari. Nais niyang ipamulat sa mga mambabasa ang kahulugan ng kanyang saloobin. 2) Uri ng Panitikan Ang maikling kwento ay isang anyo ng panitikan na nagsasalaysay nang tuloy-tuloy ng isang pangyayaring hango sa tunay na buhay. Ito'y may isa o ilang tauhan lamang, sumasaklaw ng maikling panahon, may isang kasukdulan at nag-iiwan ng kakintalan o impresyon sa isip ng mambabasa. Ang kasukdulan ang bahagi ng kwento na nagbibigay ng pinakamasidhi o pinakamataas na kapananabikan o interes sa mambabasa. Ang kakintalan o impresyon naman ang kaisipang naiiwan sa isipan ng mga mambabasa. Ito ay matatapos sa isang upuan lamang, maari itong magpakita ng iba't ibang damdamin at bumabase sa buhay ng isang tao, mayroon namang kathang isip lamang.Ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikan na ang mga pangyayari ay umiinog sa buhay na mga pangunahing tauhan. 3) Layunin ng may Akda Ang layunin ng Akda ay upang imulat ang mga mata ng mga mambabasa sa mga maaring kalabasan o kahantungan ng panghuhusga ng kapwa. 4) Tema o Paksa ng Akda "Huwag mong huhusgahan ang panlabas na kaanyuan kundi ang busilak na kalooban." 5) Mga Tauhan o karakter sa akda Aling Marta- pumunta sa palengke para mamili ng saangkap sa lulutuing sangkap dahil yun ang araw ng pagtatapos ng kanyang anak - pinag-bintangan niya ang bata - siya ang dahilan ng pagkamatay nito Bata- batang anak-mahirap - naka-bangga kay AlingMarta - Ang pinag-bintangan ni Aling Marta sa palengke

6) Tagpuan o Panahon bahay- tinitirhan ni Aling Marta palengke- doon niya nakabangga ang bata pulisya-doon sila iniwan ng pulis para mag-usap maaliwalas-ang panahon nung namamalengke si aling Marta 7) Nilalaman/Balangkas ng mga pangyayari Ang pangayayari ay nagpapahayag ng pananawa ng may akda. Ang mga pagkapit ng mga

pangayayari ay may kaisahan mula umpisa hanggang wakas. 8) Mga kaisipan/Ideyang taglay ng akda Ang Akda ay nagtataglay at nagpapahiwatig ng mga tiyak na sitwasyon o karanasan. And akda ay isang paniniwalang kumokontrol sa buhay. 9) Istilo ng Pagkakasulat ng Akda Ang istilo ng pagkakasulat ng akda ay binase sa isang sitwasyon ,pangyayari o karanasan sa buhay. Ito ay angkop sa antas ng pag-unawa ng mga mambabasa. 10) Buod "Ang Kalupi''

Isang maaliwalas na umaga nang naghahanda si Aling Marta para sa kanyang pamamalengke. Araw ngayon ng pagtatapos ng kanyang anak. Nais niyang makapaghanda ng masarap na putahe para sa tanghalian. Nasa palengke na si Aling Marta. Naririnig niya ang ingay mula sa labas habang iniisip ang mga bibilhing sangkap para sa lulutuing ulam. Nasa loob pa ang bilihan ng manok kaya pumasok siya sa loob. "Mag-iingat ka naman sa dinaraanan mo!" ang sabi ni Aling Marta "Pasensya na po." Sabi ng Bata. Ang bata ay nakapantalon ng maruming maong na sa kahabaan ay pinag-ilang lilis ang laylayan. Nakasuot ito ng libaging kamiseta, punit mula sa balikat hangang pusod, na ikinalitaw ng kanyang butuhan at maruming dibdib. Natiyak ni Aling Marta na ang bata ay anak-mahirap. "Pasensiya!" sabi ni Aling Marta. "Kung lahat ng kawalang-ingat mo ay pagpapasensiyahan nang pagpapasensiyahan ay makakapatay ka ng tao." Pagdaan niya sa bilihan ng mga tuyong paninda ay bumili na rin siya ng mantika. Nang mangyaring kukunin na niya ang kanyang pitaka wala na ito sa kanyang bulsa. "Bakit ho?" anito. "E ... e, nawawala ho ang aking pitaka," wala sa loob na sagot ni Aling Marta. "Ku, e, magkano ho naman ang laman?" ang tanong ng babae. "Ang tanda niyang laman ng kanyang kalupi ay pitumpong piso na siyang bigay na sahod ng kanyang asawa nang sinundang gabi, Sabado. Ngunit ewan ba niya kung bakit ang di pa ma'y nakikiramay nang tono ng nagtatanong ay nakapagpalaki ng kanyang loob upang sabihin, "E, sandaan at sampung piso." Nanatili siya sa pagkakatayo nang ilang saglit, wari'y tinakasan ng lakas, nag-iisip ng mga nakaraang pangyayari. Maya-maya ay parang kidlat na gumuhit sa kanyang alaala ang gusgusing batang kanyang nakabangga. Hinanap niya ito at nakita malapit sa tindahan ng kangkong. "Nakita rin kita!" ang sabi niyang humihingal. "Ikaw ang dumukot ng pitaka ko, ano? Huwag kang magkakaila!"

Tiyakin ang kanyang pagsasalita; ibig niyang sa pagkalito ng bata sa pag-iisip ng isasagot ay masukol niyang buung-buo. Ngunit ang bata ay mahinahong sumagot: "Ano hong pitaka?" ang sabi ng bata. "Wala ho akong kinukuhang pitaka sa ninyo." "Anong wala!" pasinghal na sabi ni Aling Marta. "Ikaw nga ang dumukot ng pitaka ko at wala nang iba. Kunwari pa'y binangga mo ako, ano, ha? Magaling, magaling ang sistema ninyong iyan. Kikita nga kayo rito sa palengke." Maya-maya ay may dumating na pulis at kinausap sila. Nagtanong ang pulis ng kaunting impormasyon tungkol sa bata. "Kung maari ay sumama kayo sa amin sa pulisya upang pag-usapan ang tungkol sa bagay na ito. Sumama ang dalawa sa pulisya.Nang makarating sila roon ay iniwan muna sila ng pulis. Hindi na nakapagtimpi si Aling Marta at hinablot ang bata. Sinaktan niya ito. "Kahit kapkapan niyo pa ako ay wala kayong makikita sa akin!" Sabi ng bata sabay takbo ng walang lingun-lingun kasabay nito ang harurot ng isang sasakyan na siya namang dahilan ng pagkaaksidente ng bata. "Kahit na kapkapan niyo pa ako. Wala kayong makikita sa akin" Ang Mga huling Salita na nasambit ng bata kasabay ng pagkawala nito. Namutla si Aling Marta. Tila sinisisi ang sarili sa mga pangyayari. Sa kabilang banda ay naisip niya ang asawa at anak na kanina pa ay naghihintay sa kanya. Inisip niya kung paano makapaguuwi ng ulam samantalang wala na siyang pera. Nangutang siya sa tindahan. Nang siya ay makauwi sinalubong siya ng kanyang asawa at anak. "Saan po kayo kumuha ng pambili, inay?" tanong ng anak" "Saan pa, e di sa pitaka." "Ngunit naiwan niyo ho ang inyong pitaka." Noon rin ay naalala ni Aling Marta ang mga katagang sinabi ng bata na kanyang pinagbintangan. "Kahit na kapkapan niyo pa ako. Wala kayong makikita sa akin."

Suring pelikula
I.Direksyon Ipinahahatid ni Mac Alejandre ang mensahe ng bawat eksena, ito ay pinaghandaang mabuti upang magandahan ang manonood at malaman nila ang kagandahan ng pelikula. Para malaman ng manonood kung paano nila ito pinaghirapan, pinili nila ang magagaling na artista para magampanan ito ng pelikulang "Let The Love Begin". Ang bawat eksena at sitwasyon na makikita ditto ay maiinlove ka at maiiyak. II.Istoryang pampelikula

Ang istorya ay sadyang makabuluhan at makatotohanan dahil tungkol ito sa pag-ibig ng dalaga at binata. Nakakabighani panoorin ang GMA sa ganitong klase ng pelikula. III.Pagganap Pia (Angel Locsin) - siya ay nagmula sa mayamang pamilya ngunit mahina ang kanyang ulo pagdating sa klase Erick (Richard Gutierrez) -siya ay mahirap at isang dyanitor. Siya rin ay magaling sa evening class Luigi (Mark Herras) -kaibigan ni erick Alex (Jennelyn Mercado) -kaibigan din ni erick Juno (Paolo Contis) -ang nagpapanggap na savior ni Pia IV.Sinematopograpiya Ang paggawa ng pelikula ay kailangang maging tiyak at malaman ang bawat anggulo ng kamera, ang bawat galaw ng artista ay kuhang-kuha at tamang-tama lang upang maisaayos ang pelikula ng ganoong kaganda. V.Direksyong pamproduksyon Tumutugma ang mga kagamitang ginamit sa istorya naangkop din ito sa manonood, ang ibang manonood ay mapanuri sa bawat sitwaston at eksena, dapat ang mga detalye ay maayos ang pagsasagawa nito para mas lalo nila malaman ang ikakaganda nito sa kanila at tangkilikin nila ito. VI.Editing Ang istorya ng isang pelikula ay umaabot sa dalawa't kalahating oras kung minsan may mga tagpong nasa palagay ng manonood ay din a dapat isama, may pagkakataon din na ang manonood ay nagtataka, yung dapat ipakita sa pelikula ay hindi pinapakita na nakakainip at mabagal ang istorya nito at hindi nila maunawaan at maintindihan, ang mga manonood ay mawawalan ng ganang manood. VII.Musical iskoring May musical na ginamit sa kwento bukod sa mga tunog o background music na angkop sa pelikula. Ang kaangkupan ng theme song ng pelikula ay siyang nagpaimbabaw sa temang hatid nito sa manonood. VIII.Paglalapat ng tunog

Napakalinaw ng kanilang mga dayalogo kaya mas lalo kong naiintindihan ng mabuti ang aking pinanood. Kaya ako at ang aking mga kasama ay nakibahagi sa pelikula na aming pinapanood IX.Buod Mayroong isang babae nagngangalang Pia (Angel Locsin) siya ay nagmula sa mayamang pamilya ngunit mahina ang kanyang ulo pagdating sa klase. At isang lalaki nagngangalang Erick (Richard Gutierrez) siya ay mahirap at isang dyanitor sa kanilang paaralan, pinagsabay niya ang pag-aaral at pagtatrabaho, sa umaga siya ay naglilinis sa umaga at sa gabi siya ay nag-aaral. Si Erick ang pinaka magaling sa evening class. Kaibigan ni Erick sina Luigi (Mark Herras) at Alex (Jennelyn Mercado). Si Erick ay may pagtingin kay Pia at kakilala niya ang mga kaibiganni Pia pero ayaw sa kanya dahil isa daw itong dyanitor. Lagi silang nagsusulatan at idinidikit lamang sa ilalim ng upuan ni Pia dahil ang upuan ni Erick at Pia ay iisa. Akala ni Pia ang savior niya ay si Juno (Paolo Contis). Si Alex ay may pagkalalaki dati ngunit nung nakagraduate sila sa high school at paglipas ng limang taon nagkaroon siya ng awards, si Luigi ay tumigil narin sa pambabae. At bumalik na si pia sa Pilipinas dahil nagpunta siya sa Amerika upang ipagamot ang kanyang ama. Nanligaw si Juno kay Pia at inakala talaga niya na ang savior niya since high school ay si Juno at sinagot niya ito, nalaman ni Erick ni Erick ang balita ipagtatapat niya na sana na siya ang tunay na savior ni Pia. Nagresign si Erick sa kompanya nina Pia at tinanggap niya ang scholarship na ibinigay sa kanya ng paaralan at papunta siya sa Amerika doon niya ipagpapatuloy ang kanyang pag-aaral sa college. Lumabas ang totoo na nagsinungaling si Juno at iniwan niya ito at nagpunta sa bahay ni Erick. Umalis na si Erick papunta sa airport ngunit ng dumating si Pia ay nalaman niya na mahal niya si Erick since high school pa. sinundan ni Pia, Alex at Luigi si Erick sa airport, hindi nila ito nakita at nawalan ng pag-asa si Pia. Ngunit hindi pala sumakay ng eroplano si Erick at ibinalik niya ang painting ni Pia paru-paro. Nagkatuluyan si Erick at Pia, Alex at Luigi. Doon nagtatapos ang kanilang pag-iibigan. WAKAS

You might also like