1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

1. TULDOK (.) Ang tuldok ay ginagamit na pananda: A. Sa katapusan ng pangungusap na paturol o pasalaysay at pautos. Hal.

Igalang natin ang Pambansang Awit. B. Sa pangalan at salitang dinaglat Hal. Si Gng. A.A. Jose ay mahusay magturo. Si Bb. Macarayan ang kanilang guro sa asignaturang Basic Christian Living C. Sa mga titik o tambilang na ginagawang pamilang sa bawat hati ng isang balangkas, talaan. Hal. A. 1. 2. PANANONG (?) Ginagamit ang pananong: A. Sa pangungusap na patanong. Hal. Ano ang pangalan mo? Sasama ka ba? B. Sa loob ng panaklong upang mapahiwatig ang pag-aalinlangan sa diwa ng pangungusap. Hal. Si Manuel Roxas ang ikalawang (?) pangulo ng Republika ng Pilipinas. 3. PADAMDAM (!) Ang bantas na pandamdam ay ginagamit sa hulihan ng isang kataga, parirala o pangungusap na nagsasaad ng matindi o masidhing damdamin. Hal. Mabuhay ang Pangulo! Uy! Ang ganda ng bago mong sapatos. Aray! Naapakan mo ang paa ko. 4. PAGGAMIT NG KUWIT (,) A. Sa paghihiwalay ng magkakasunod na salita at lipon ng mga salitang magkakauri. Hal. Kumain ka ng itlog, gulay at sariwang bungang-kahoy. Hal. Shana, saan ka nag-aaral ngayon? B. Sa hulihan ng bating panimula at bating pangwakas ng isang liham-pangkaibigan. Hal. Mahal kong Marie, Nagmamahal, Sa iyo kaibigang Jose, Tapat na sumasaiyo, C. Pagkatapos ng OO at HINDI. Hal. OO, uuwi ako ngayon sa probinsiya. HINDI, ayaw niyang sumama. D. Sa mga lipon ng salitang panuring o pamuno. Hal. Si Andres Bonifacio, ang ama ng Katipunan, ay isinilang sa Tondo. Si Pastor Arias, isang mahusay na tagapagtanggol, ay isang Manobo. E. Sa hulihan ng bilang sa petsa, o sa pagitan ng kalye at purok at ng bayan at lalalwigan sa pamuhatan ng isang liham.

Hal. Nobyembre 14, 2008 Project 8, Quezon City F. Sa paghihiwalay ng tunay na sinabi ng nagsasalita sa ibang bahagi ng pangungusap. Hal. Ayon kay Rizal, Ang hindi magmamahal sa sariling wika ay higit pa sa mabaho at malansang isda. 5. PAGGAMIT NG KUDLIT() Ginagamit na panghalili ang kudlit sa isang titik na kina-kaltas: Hal. Siyat ikaw ay may dalang pagkain. Akoy mamayang Filipino at may tungkulin mahalin at pangalagaan ang aking bayan.

You might also like