Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Chapter General Assembly Bilang simula ng aming pagiging Skolar ng Bayan, ang una naming pagtitipun-tipon ay ang Chapter

GA. Excited ako hindi lang dahil makikita ko uli ang aking mga klasmeyts kundi mararamdaman ko na rin ang pakiramdam ng pagiging college student. Kahit na nung una ay nakakapanibago ay mabilis naman kaming naka-adapt sa mga bagong lugar. Kung may natutunan ako sa unang assembly na ito, siguro marami pero ang pinakatumatak sa isip ko ay ang maging responsable lalo nat nasa kolehiyo na ako. Ngayon, hindi lang pag-aaral ang dapat kong abalahin. Meron din akong scholarship program na tumutulong sa akin sa tuition fees at acads. Ngayon, mag-isa na lang din ako. Sa Los Baos pa man din ako mag-aaral. Doon ko naisip na sarili ko na talaga ang masusunod at malaya na ako sa anumang gusto kong gawin. Pero, imbis na maging maligalig sa kalayaang binigay sa akin bilang isang college student, dapat gamitin ko ito sa tamang paraan. Hindi ibig sabihin na kapag malayo tayo sa mg utos ay puwede na natin itong di sundin. At huli sa lahat, napaisip ako sa sarili ko, sa Quezon city. Na dapat kong ibigay ang best ko lagi nang sa ganoon may maisukli man lamang ako sa tulong na binigay sa akin ng lungsod.

Batch 22 Team Building Masaya ang naging team building ng UP chapter. Doon, nakilala ko pa ang mga kapwa ko Iskolars na tinutulungan din ng scholarship na handog ng gobyerno. Kung hindi pa kami mag-teteam building, hindi pa kami magpapansinan sa Los Baos. Natutunan ko na makipagugnayan sa mga kapwa ko skolars dito sa event na ito. Akala ko dati ako lang ang kinakabahan sa kolehiyo. Maganda na nagmeet muna ang UP chapter. Dahil doon, nalaman ko ang nasa isip ng mga ibang papasok sa UP at kung ano ang dapat paghandaan bilang estudyante sa UP. Siguro, dahil na rin dito sa team building, hindi na kami mahihiya na makipagugnayan sa mga iba pang skolars tutal ay may pagkakaibigan na rin naman kaming nabuo. Natutunan ko rin kung gaano kahalaga ang pagkakaibigan. Kung hindi naman nangyari ang ganoong event ay di kami magpapansinan sa campus. Bukod pa roon, nakakatulong ang pagkakaibigan ng bawat skolars sa iba pang paraan. Sa event na ito, nagsimula akong maging aktibo, maging responsable at masunurin. Natutunan ko na importante pala ang team work sa isang grupo. Akala ko dati kayak o na mag-isa, hindi pala. Kaya maganda na may mga kaibigan na agad ako na mag-aaral din sa UP bago pa man magsimula ang klase.

Alay-lakad

Nung una, ayoko ko talaga sumama sa alay-lakad kasi marami akong dapat gawin. Pero di nagtagal, nasiyahan ako at nalaman kong tama ang nagging pasya kong sumali. Umagang-umaga, bibong-bibong nagsimula sa lakaran ang mga skolars, lalo na ang UP chapter na nauna sa paglalakad. Nakakapagod, pero sulit ang bawat hakbang dahil mas tumibay pa ang samahan namin at nagkaroon kami ng team work, kitang-kita iyon sa paglalakad naming noon. Mainit kaming sinalubong ng ibang tao. Masaya ako na kahit papaano ay nakatulong kami sa pagsali dito sa event na ito. Natutunan ko na kailangan talaga ng sakripisyo para magtagumpay. Sabi nga ng presidente ng chapter namin , si kuya Joshua Repomanta, may mga inaasikaso tayo sa ating schools pero meron din tayong responsibilidad sa ating scholarship. Nalaman ko na isang pamilya na rin pala ang SYDP. Na kailangan ko rin ito bigyan ng kahalagahan.

You might also like