Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Katipunan

Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya


Ang Kataas-taasang, KagaIang-gaIang Katipunan ng

mg

Anak ng

Bayan ay mas kilala


bilang Katipunan o KKK. Isa itonng lihim na samahan na itinatag noon sa Pilipinas ni Andres
Bonifacio na may layuning palayain ang bansa sa pananakop ng Espanyol.
Itinatatag ang Katipunan matapos mahuli ang mga pangunahing miyembro ng La Liga Filipina na
itinatag ni Dr. Jose Rizal. Ang La Liga na binubuo ng mga middle class na intelektual ay nagtataguyod
ng mapayapang reporma. Miyembro rin si Bonifacio ng La Liga noon. Ang paghahadlang ng rehimeng
Espanyol sa La Liga ang nagpatunay sa kanya na walang saysay ang mapayapang reporma sa ilalim
ng pamamahala ng Espanyol.
Noong una, naitago nina Bonifacio ang Katipunan sa paningin ng mga Espanyol. Ngunit natuklasan ng
mga Espanyol ang Katipunan nang dahil kay Teodoro Patio, isang manunulat ng pahayagan na
Diario de Manila. Miyembro si Patio ng Katipunan, at ibinunyag niya ang tunkol dito sa kapatid niyang
si Honoria. Sinabi naman ni Honoria ang lihim sa isang madre na si Sor Teresa. Hinikayat ni Sor
Teresa si Teodoro na ikumpisal ang tungkol sa samahan kay Padre Mariano Gil. Nakipag-ugnayan si
Padre Gil sa mga awtoridad at noong Agosto 19, 1896 nilusob ng mga Espanyol ang palimbagan ng
Diario de Manila.
Ang armadong pakikibaka ng Katipunan ay nagsimula noong Agosto 1896, pagkatapos matuklasan ng
mga awtoridad ang Katipunan. Sinisi ng mga Espanyol si Rizal sa paghihimagsik dahil itinuturing ng
Katipunan si Rizal bilang pangulong pandangal. Dahil dito, hinatulan si Rizal ng kamatayan sa
pamamagitan ng pagbaril noong Disyembre 30, 1896. Gayon pa man, nagdagdag ng alab sa
rebolusyon ang pagiging martir ni Rizal. Sinisigaw pa nga ng mga Katipunero ang Mabuhay si Dr. Jose
Rizal! sa pakikidigma.

[baguhin]Pagsapi sa Katipunan

Ang artikulong ito ay nangangailangan nang maayos na salin. Nobyembre 2009
Ang mga bagong kasapi ay nagkakaroon ng inisasyon kung saan tatlo sila na magkasabay sa ritwal
(upang wala silang kilala na higit sa dalawa pang kasapi). Dinadala sila sa isang kwarto na may itim na
kurtina. Nakalagay sa pasukan ang:
Kung mayroon kang lakas at tatag, magpatuloy ka. Kung pag-uusyoso lamang ang sadya mo rito,
humayo ka na. Kung hindi mo kayang pigilin ang iyong sarili, umalis ka na. Hindi maaaring buksan ang
pinto ng Pinakamataas na Samahan ng mga Anak ng Taom Bayan o Tambay para sa iyo
Sa loob ay dadalhin sila sa mesa na may bungo at bolo. Doon, binabatikos nila ang pamahalaang
Espanyol at nangangakong labanan ang kanilang opresyon. Kasunod ay nilalagdaan nila ang isang
papel na naglalaman ng mga katanungan gamit ang sariling dugo.
Napagkasunduan nilang hiikayatin ang iba pang kasapi sa pamamagitan ng sistemang trianggulo,
kung saan ang orihinal na kasapi ay magpapasok ng dalawa pang kasaping hindi magkakilala.
Halimbawa ay ang orihinal na kasapi ay si A siya ay magpapasok.ito sina B at C. Si A ay parehong
kilala ni B at C ngunit hindi kilala ni B at C ang isa't isa. Napagkasunduan din sa pagpupulong ang
pagbabayad ng real fuerte na nagkakahalga ng dalawampu't limang sentimo bilang pabayad sa
pagsapi at buwanang bayad na tinawag na medio real na nagkakahalaga ng labindalawang sentimo.
Subalit ang sistemang ito ay hindi naging mabisa kaya't pinayagan ang mga Katipunerong magpasok
ng kahit ilang miyembro.
[baguhin]Mga Natatanging Miyembro
1) Andres Bonifacio- si Andres Bonifacio ang nagtatag ng Katipunan na siyang nag udyok sa mga
tambay (Tao'm Bayan) na labanan ang kasamaan ng Espanya.Siya ang "Supremo ng Katipunan" at
ang naging pangatlong pinuno ng samahan. Lumalagda siya sa mga kasulatan gamit ang panulat na
Maypagasa.
2) Emilio Jacinto- siya ang "utak ng Katipunan". Siya ang nagsulat ng mga aral ng Katipunan na
tinatawag na kartilya. Sumusulat siya gamit ang panulat na Pingkian.
3) Deodato Arellano- naging unang pinuno ng Katipunan.
4) Roman Basa- naging pangalawang pinuno ng Katipunan.
5) Gregoria de Jesus- pangalawang asawa ni Andres Bonifacio na naging tagapag - ingat ng mga
mahahalagang dokumento at kilala bilang Lakambini.
[baguhin]Mga kawing panlabas

You might also like