Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Villanueva, Shaira Mae F.

2011-19516

HIST 1 V2-6R TRAVEL JOURNAL

Sa Aking Paglalakbay sa Makasaysayang Isla ng Corregidor [Hindi kinaya ng memory card ng aking kamera ang napakaraming magagandang tanawin sa Isla ng Corregidor ]. Bukod sa kagandahan ng mga tanawin, mahalaga pa rin na balikan ang kasaysayan ng ilang mga istruktura na saksi o di kaya naman ay simbolo ng mga kabayanihang naganap noon, dahil ang mga pangyayari noon sa ating bansa ang humubog sa kung ano na ang Pilipinas ngayon. Sa lahat ng pinuntahan namin ay sa mga lugar na ito ako naaliw, humanga at namangha ..

Ang larawang ito ay ang Mile-Long Barracks. Sinasabing itinayo ito na hurricane-proof. Nagsilbi itong tirahan ng mga Amerikanong opisyal at ilang mga tauhan, at sinasabi ding narito ang opisina ni Hen. Douglas McArthur. Sa totoo lang, ang sukat nito ay wala pa talagang isang milya . Ito ay may sukat na 1,520ft. at kilala bilang pinakamahabang military barracks sa buong mundo.

Ito naman ay ang Cine Corregidor na makikita sa kaliwang bungad ng Pacific War Memorial. (Akalain mong may sinehan na din pala sila doon noon?). Itinayo ang sinehan na ito bago pa ang digmaan upang magkaroon ng libangan ang mga militar at mga pamilya nila.

Ang Pacific War Memorial itinayo upang magbigay karangalan magsilbing alaala sa mga Pilipino Amerikanong sundalo na nakipaglaban Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

ay at at sa

..at ang nasa litrato ay ang Pacific War Memorial Dome, ang pangunahing istruktura sa Pacific War Memorial. May pabilog na parang altar sa loob nito na may nakasulat na: Sleep, my sons, your duty done, for Freedoms light has come; sleep in the silent depths of the sea, or in your bed of hallowed sod, until you hear at dawn the low, clear reveille of God. Tuwing umaga, ang sinag ng araw ay pumapasok sa altar mula sa malaking butas na bilog nito sa dingding. Ang pabilog na altar ng dome ang sumisimbolo sa kanilang tagumpay.

[ Ito yun.. Parang spotlight no? :D ]

Sa likod ng dome ay makikita ang Eternal Flame of Freedom, isang malaking istruktura na gawa sa steel. Sinisimbolo nito ang nag-aapoy na kalayaan sa habang panahon. Inaalala nito ang mga sakripisyo, mga pangarap at ang paglaban ng Estados

Unidos at Pilipinas upang makamit ang kalayaan para sa mga susunod na henerasyon. Ito din ay nagpapaalala na ang lahat ng mamamayan ay lalaban na may pagkakaisa upang protektahan ang kalayaan ng bansa. Mula dito ay matatanaw ang makapigil-hiningang tanawin ng Manila Bay, ang peninsula ng Bataan at ang dalampasigan ng Cavite.

[ Syempre may kuha din ako dito.. Ang ganda ng view no?]

South Dock. Ito ang pinakapaborito ko at ang pinakamakapigil-hiningang tanawin para sa akin. Napakaganda ng dagat at ulap, at mula rito ay matatanaw ang ilang mga pulo na malapit sa isla. Ito ang dating daungan ng mga U.S. Navy. Sa ngayon, ito ay daungan nan g mga yate at mga sasakyan ng Philippine Navy. Isa rin itong alternatibong daungan kapag malakas ang hangin at mahirap para sa mga sasakyang pandagat na dumaong sa North dock. Ang iba ay pumupunta rin dito upang mangisda. Mayroon ding mga cottages o picnic sheds malapit dito. Ang dagat na ito ay paborito rin ng mga turista na nangongolekta ng bloodstones, kung tawagin nila, bilang souvenir. Tinawag ang mga ito na bloodstones dahil ang mga batong ito ay may tila mga dugong disenyo. Pinaniniwalaan na ang mga batong ito ay natalsikan ng mga dugo ng mga sundalong Pilipino, Amerikano at Hapon na namatay sa Corregidor sa pakikidigma.

..pero ayon sa mga geologist, bunga lamang ito ng isang kemikal na reaksyon ng tubig dagat sa uri ng mga bato na matatagpuan dito.

Paalis na kami sa South Dock nang makita ko ito. Napakaganda! Isang makulay na kalapati ang naligaw at tila nag-pose pa talaga upang makuhanan ko ng litrato. Mas lalo ko tuloy nadama ang kapayapaan dahil sinisimbolo nito iyon, kahit hindi siya kulay puti.

Marami pa akong mga litratong nakuha sa Corregidor, mga establisyamento, kanyon, mga kagamitan sa pakikipaglabanngunit nagbigay lamang yoon sa akin ng mga malulungkot na alaala sa mga pagsubok na naganap sa Pilipinas noon. Sa kabila nito, mahalaga pa rin na alamin ang mga pangyayari noon at malaya natin itong tanggapin dahil bahagi pa rin ito ng ating kasaysayan na humubog sa ating bansa. Nagpapaalala din sa atin ang islang ito sa mga kabayanihang ginawa ng ating mga kapwa-Pilipino na ibinuwis ang kanilang buhay at nakipaglaban upang makamit ang kalayaan na tinatamasa natin ngayon. Sa pag-alam at pag-aaral ng kasaysayan ng ating bansa ay lalo nating minamahal ang ating bayang Pilipinas. __________________________________________________________________________________________________________________

[ Oha? Oha? (pinakana-enjoy ko talaga yung dagat ^___^)] Mula pa man noon ay gustong gusto ko na ang tanawin ng karagatan (kahit hindi ako marunong lumangoy).Kapag kasi nasa dagat ako, parang sobrang payapa ng mundo ko, tahimik, at ang mga problema ay tila inaalon palayo ng dagat. Kadalasan, sa dalampasigan ako nagmumunimuni at nakakalikha ng mga tula, akda at kanta. Malamang ay Pilipino talaga ako dahil malapit ako sa tubig ^^,

You might also like