Adhd

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Tabachoy ang kalimitang tawag ng buong klase kay Timothy.

Sa kabila ng
kanyang malusog na pangangatawan ay kilala rin ito sa pagiging bully. Kadalasan ay nasa koridor, nangangantiaw ng ibang kaklase. Sa unang tingin ay aakalain ng sino man na ordinaryong bata lamang si Pow, ngunit hindi. Siya ay may ADHD Isang mental disorder na nakasentro sa kakayahang magpokus ng isang indibidwal. Binigyan-kahulugan ito ng American Psychiatric Association bilang; Two distinct but correlated dimensions of symptoms: those involving inattention and those involving hyper-activity-impulsivity.1 Gamit ang kahulugang naipresenta ng A.P.A., maaaring bigyan konklusyon na ang mga batang mayroong attention deficit ay nangangailangan ng wastong pagaaruga. Masakit man isipin ngunit ang mga itinutukoy nating special child ay hindi nakatatanggap ng angkop na edukasyon. Kadalasan pa, naihahalo sila sa mga klaseng may diin sa tradisyonal na pamamaraan ng pagtuturo. Kung kayat hindi nabibigyan ng espesyal na pagtrato ang mga ito. Dagdag pa, ang mga batang ADHD ay nakararanas ng pang-aapi mula sa mga kaklase, dahilan ng kanilang hindi wastong pagkilos; upang mapansin lamang ng mga nakatatanda. Kabilang na rito ang madalas na pagyakap at paghalik ni Pow sa kanyang mga guro. Kadalasan ay nahihirapan tayong mga guro dahil alam nating iba ang sistema ng edukasyon pag dating sa mga ganitong estudyante. Sadyang hindi angkop na isama ang mga tulad ni Pow sa mga regular na klase, kung kayat bumuo kaming mga guro niya ng sariling pamamaraan bilang pagtugon sa mga pangangailangan nito Ang dalumat ng KKK. 1. Komunikasyon Nararapat na malinaw at palagian ang pag-uusap ng mga guro at mga magulang. Nang sa gayon ay malayang nagpapalitan ng impormasyon ang dalawang panig. 2. Kaalaman Nararapat na may sapat na ideya ang mga guro ukol sa kalagayan ng kanilang estudyante. Itoy upang lubos na makapaghanda at maunawaan ang mga kahinaan at kalikasan ng bata. 3. Kaagapay Nararapat na magbigay inspirasyon ang guro sa kanyang estudyante. Iugnay ang mga paksa ng akademya hinggil sa hilig ng bata upang ganahan ito. Gamit ang sistemang ito, pinapalagay na mas n[m]abibigyan ng tamang pagtrato ang mga ADHD. Sa katunayan, si Timothy ay kasalukuyang nasa ika-pitong baytang na ng Elementarya. Maaaring sabihin na siya ay may angking talino, at upang lubos na lumago ay kinakailangan pa ang dagdag na mga hakbangin. Ayon kay Vincent Monastra, may-akda ng Unlocking the Potential of Patients with ADHD, ang mga sumusunod ay makatutulong:2
1

Bruce F. Pennington. Diagnosing Learning Disorders. New York City: The Guilford Press, 2009, 153. 2 Vincent Monastra. Unlocking the Potential of Patients with ADHD. Washington

1. Konsultasyon sa pagitan ng mga gurong pang Special Education at guro ng estudyanteng may ADHD. Itoy para sa pagpaplano ng mga istratehiyang gagamitin sa loob ng klase. 2. Ang pag-agapay ng gurong pang Special Education sa klase upang matulungan ang bata sa pag-intindi ng mga paksang talakay. 3. Pagkakaroon ng mababang bilang ng mga estudyante sa isang klase. 4. Partisipasyon sa ibat ibang uri ng therapy (speech, occupational at physical) na mag-iistimulate sa kaisipan ng bata. 5. Isahan o maramihang counseling na gagabay sa behavioral at emotional control.

D.C., 2008. p 164-165.

You might also like