Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

HINDI DAPAT (Pagpapakilala) Hindi dapat na palaging totoo ang ihahayag Pagkat ito magkaminsan sa iyo'y magpapahamak Kababayang

nakikinig, isang maligayang oras Gonie Mejia po lamang, pag-utusan nyo't tutupad. HINDI DAPAT (Unang Tindig) Paalala ko po muna sa matabil na kalaban Huwag naman sanang lalabis sa pasaring at paratang Kung di man dapat magsabing totoo paminsan-minsan Kahulugang ako na po ay may buntot at may sungay. Isa ditong halimbawa, kung ikaw ay nasasaktan Nanganganib mabilanggo ng dahil sa kasalanan Abugadong manananggol, pag inamin, katotohanan Kaydali ng iyong pagpasok sa madilim na piitan. HINDI DAPAT (Ikalawang Tindig) May anak ka na lalaki, nagtatago halimbawa Hinahanap ng kaaway, sa buhay niya'y nagbabanta Kung kanilang tatanungin ang anak mo'y nahan kaya Ang ikaw ay magkaila, hindi mo ba magagawa? Hindi ko itinatatwang magsinungaling ay labag Sa banal na kautusan na sadya pong nahahayag Ngunit may pagkakataon na di ka makakaiwas Lalo na nga kung ang sanhi, may nais kang ipangilag.

HINDI DAPAT (Ikatlong Tindig) Ibabalik ko pong muli ang laban sa katinuan Kapintasan nga ba kayang magkaila minsan-minsan? Sakali bang makabuti ang totoo'y pahindian Masasabi pa rin kayang ito'y isang kamalian?

Katulad sa nainterbyung aplikanteng mag-a-abroad Kasinungalinga'y ginawa para lamang makalusot Nagpunyagi sa dahilang nais nyang maitaguyod Pag-aaral ng kapatid na tungkuling sinasakop. Dapat ka ba na matuwa? Ang sa aki'y katanungan! HINDI DAPAT Minsan ay aking sinabi sa paralumang kalaban Na siya ay ubod ganda at pang-Miss World ang katawan Kung ako lang ay nagsabi ng pawang katotohanan Maaaring noon din po ang mukha ko ay nasampal! HINDI DAPAT Kayo na ang nakarinig iyang totoo magkaminsan Ay mahirap na tanggapin, mabigat sa kalooban Sadya ngang nakabubuting magsinungaling magkaminsan Higit na nga kung hangad ko'y mahalin ng kaibigan. HINDI DAPAT Mayroong pagkakataong dapat kang magsinungaling Kung ito'y nakabubuti sa sarili at kapwa din.

You might also like