Tirador: Rebyu Sa Pelikulang Selda (The Inmate)

You might also like

Download as rtf, pdf, or txt
Download as rtf, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Mercado, Gian Cedric L.

BAMC-BC-2A

LIT 213 Special Project

Tirador: Rebyu sa Pelikulang Selda (The Inmate)


DISCLAIMER: Ang may akda ng pelikulang ito ay adik sa sikat na American TV series na Prison Break, bukod pa roon ay paborito niya ang director na si Paolo Villaluna sapagkat ito ang direktor ng paborito niyang documentary TV show na Storyline. Paborito naman niya ang kantang Nandito Ako na ginagamit din bilang musical score sa Storyline. Tapos, paborito din niyang episode ng Maalaala Mo Kaya yung pinagbidahan ni Sid Lucero. At maniwala man kayo o hindi, crush na crush niya si Ara Mina. Gayunpaman, ang rebyung ito ay buong pagmamalaking isinulat ng walang pagbabalimbing o bias. Pramis.

Sa kulungan, may mga kwento ng mga presong namamatay. Minsan hihiga na lang, namamatay. Ikaw ba? Naramdaman mo na bang sobrang sakit ng damdamin mo, na hindi mo na kaya gusto mo na lang humiga at mamatay?

Ang feature-length independent film na Selda ay pelikulang tungkol kay Rommel (Sid Lucero) na bagong salta (bagong sardinas) sa isang kulungan dahil sa aksidenteng pagkamatay ng isang bata. Inilahad sa kwento ang mga isyu sa loob ng kulungan, maging ang mga usaping personal na hinaharap ng mga presong gaya niya tulad ng pagkakawalay sa kanyang nobya (Ara Mina) at hindi inaasahang pagkahulog sa kapwa niya presong si Esteban (Emilio Garcia) dahil sa mabuting pakikitungo nito. Marahil ay sasabihin lamang ng iba na isa nanaman itong pink film o independent film na naglalaman ng mga eksenang pang miyembro ng third sex. Ngunit ang katangiang ito ng pelikula ay maayos na naipwesto sa paraang hindi magiging bastos at aayon lamang dahil sa isyung ganito sa bilangguan. Hindi ko gaanong naibigan ang unang bahagi ng pelikula kung saan ipinakita ang dahilan ng pagkakakulong ni Esteban. Madumi ang direksyon at editing nito. May bahagi pa ngang tila camera conscious ang isang extra. Sinira din ng mala-strawberry juice na fake blood ang isang dapat ay makapagdamdaming eksena. Gayunpaman ay nang dumako na sa bilangguan ang eksena ay walang tigil na nitong pinabilib ako. Epektibo ang pagsisiwalat nito ng buhay sa kulungan. Ipinakita ang mga kahindik-hindik na sitwasyon sa loob tulad ng rape, gang, patayan, sakitan, gutom, sakit sa balat at panghihiya. Matalino ang script, siniguradong balbal ang wika at maipakikilala ang mga salitang preso tulad ng tirador (mamamatay-tao), toka (krimen na ginawa sa labas), bastonero (taga disiplina) at marami pang iba. Naaayon at sakto rin ang paghahalo ng komedya sa pelikula tulad ng sa eksenang Sino ang pumutol sa dila ni Bubuy!? at ganoon na rin ang sangkap nitong mga maiinit at maromansang eksena. May mga anggulo mang hindi na gaanong kailangan, masining at maganda sa mata ang presentasyon ng pelikula. Akma lamang ang mga papuring natanggap ng mga direktor nitong sina Paolo Villaluna at Ellen Ramos na Best Director (2008 Gawad Urian Awards, 2008 PMPC Star Awards).

Kaibig-ibig din ang paglapat ng musika sa Selda. Karamahan sa mga ito ay espesyal pang isinulat ng direktor para sa pelikula kayat siguradong akma ito sa kwento. May bigat sa puso ang pagkaka-awit ni Veena Ramirez sa mga nasabing awitin. Nanalo ng Best Song Award ang kantang Nandito Ako. Ang bida nitong si Sid Lucero ay karapatdapat lamang sa mga awards na kanyang natanggap sa pagganap dito, ilan rito ay Best Actor (2008 Gawad Urian Awards, 49th Thessaloniki International Film Festival, 2008 Gawad Tanglaw Awards). Tiyak mong mararamdaman ang sidhi ng kanyang galit, lungkot, takot, awa sa sarili, at maging ang libido. Hindi naman ako nakuntento sa pag-arte ng isa pang bida na si Emilio Garcia. Marahil mayroon ngang mga role at artistang kinakailangang gumamit ng paraan na tinatawag na underacting. Ngunit sa tingin ko ay hindi ito sumang-ayon sa pelikula. Gayunpaman, nanalo pa rin si Garcia ng Best Actor (49 th Thessaloniki International Film Festival), at Best Supporting Actor (2008 Gawad Urian Awards, 2008 PMPC Star Awards, 2008 Gawad Tanglaw Awards). Isa pang artista ang hindi ko mapapalampas na bigyan ng maikling komento. Astig at maangas na maangas na nilaro ni Michael de Mesa ang papel niya bilang warden. Nabigyan niya ng hustisya ang script na bastos at punong-puno ng mura. Nagawa niya itong maging kagulat-gulat, nakakatakot at nakakatuwa. Hindi ko malilimutan ang mga linya niyang: Huwag kang luluhod, isang luhod mo lang, isang dosenang burat ang papasok sa bibig mo. at Ang pakialam ko lang ay ang p*tang-in*ng presong ito! Lubos man ang papuri ko sa nasabing pelikula, hindi ko gaanong natipuhan ang pangalawang kwento nito kung saan ang tagpo ay sa isang bukid na kabaliktaran ng sa preso. Oo ngat may kaukulang simbolismo ito ( dalawang lugar na may limitasyon o pagkakakulong), ngunit biglang naging mapurol ang kwento at direksyon. Naging nakasasawa at nakakaantok. Lalo na ang eksenang pagpatay, na bukod sa hindi kapani-paniwalang paraan ay sinirang muli ng mala-strawberry juice na pekeng dugo. Hindi rin akma ang pagsulpot ng mga multo. Gayunpaman ay aaminin kong kinilabutan pa rin naman ako sa biglang pangyayaring iyon. At naibigay pa din naman ng mahusay ang panghuling mensahe. Hindi man perpekto, sa kabuuan ay nagustuhan ko ang masining na pelikulang ito sa lahat ng aspeto. Ngunit mas naibigan ko pa sana kung mas itinuon na lang ang pansin sa selda at hindi sa bukid na kapwa ay binigyan ng tig-isang oras sa lente. Humakot pa ito ng mga parangal tulad ng: 2008 PMPC Star Awards (Best Picture, Best Cinematography, Best Production Design), 2008 Gawad Tanglaw Awards (Best Editing), 2008 Gawad Urian Awards (Best Director, Best Cinematography, Best Production Design), at nailahok sa mga international competition tulad ng: Montreal 2008 Festival de Films Monde, at 49th Thessaloniki International Film Festival.

You might also like