Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Opening Statement DBP 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 SENATOR

TG GUINGONA Opening Statement DBP PROBE October 7, 2011 Magandang umaga po sa inyong lahat. Maraming salamat sa pagpunta ninyo dito sa Senado. Sa umagang ito, sisimulan natin ang isang mahalagang imbestigasyon at pag-aaral sa isang issue na sangkot ang pera ng taumbayan. A few months ago, nabalitaan ng publiko ang pagpapakamatay ng isang abogado ng isang bangko. Ayon sa balita, nag-suicide umano ang abogado dahil sa pressure sa kanya kaugnay ng usapin tungkol sa malaking perang inutang ng mga kilalang personalidad mula sa bangkong pinaglilingkuran niya. Ang sinisimulan po natin sa umagang ito ay hindi isang police investigation. Hindi natin layunin na pangunahan ang Philippine National Police sa pagresolba ng misteryo ng diumanoy pagpapakamatay ni Attorney Benjamin Pinpin. Pero responsibilidad ng Senado na tingnan ang pinag-ugatan ng misteryong ito ang na-ulat na mahigit kalahating bilyong pisong pondo ng Development Bank of the Philippines o DBP na ipinahiram at ginamit ng mga personalidad na diumano ay malakas sa dating administrasyon. Ang malaking pondo na ito ng DBP ay sangkot ngayon sa malaking away ng mga kilalang malalaking negosyante sa ating bansa. At ang bagong pamunuan ng bangkong ito ay nag-file na ng complaint laban sa ilan sa kanila. Ang sentro ng reklamo ay ito ang pagkakautang ng malaking halagang ito ay sa paraan daw ng isang behest loan. Tatlong bagay ang gustong alamin ng ating Senado sa usaping ito. Una, nalagay ba sa peligro ang pera ng taumbayan na ipinahiram ng DBP sa mga taong sangkot sa usaping ito? Pangalawa, sino ang naglagay sa peligro sa pera ng taumbayan na ginagamit ng DBP at paano nila ginawa ito ? Pangatlo, meron bang mga nilabag na batas; meron bang mga nilabag na processes and procedures; at meron bang pagkukulang sa batas kaya nalagay sa peligro ang pera ng taumbayan na ginagamit ng DBP? Importanteng masagot natin ang mga tanong na ito. Importante ang mga sagot dito sa mga ordinaryong Pilipino. Page 1 of 2

Opening Statement DBP 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 60 61 62 63 64 65 66 67 Ito ang dahilan: hindi ba kaya merong Development Bank of the Philippines ay para tulungang ma-develop o umasenso ang mga magsasaka at maliliit na negosyante? Hindi bat iyan ang dahilan kung bakit naglabas ng pera ang gobyerno noong araw pa galing sa pera ng bayan para magtatag ng isang Development Bank of the Philippines? Ilang beses na in the past na nalagay sa alanganin ang DBP dahil sa mga tinatawag na behest loans. Ang masaklap dito, ang mga beneficiaries ng mga behest loans ay hindi naman ordinaryong Pilipino. Hindi naman maliit na negosyante. Ang sangkot, palaging mga dambuhala sa larangan ng negosyo at industriya sa Pilipinas. Tungkulin ng mga mambabatas natin na tiyakin na hindi na magpapatuloy ay ganitong uri ng pagsasamantala sa pera ng DBP na dapat ang maliliit na Pilipino ang nakikinabang. Sa umagang ito, we are honored by the presence of the following guests and resource persons. [Enumerate] -o0o-

Page 2 of 2

You might also like