Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 108

Panimulang Balarila:

Palatuntunang Minimalismo
Mga Aralin sa Balangkas ng Mga Wikang Pilipino

Resty Cena
Universidad ng Pilipinas-Diliman
2006

1
1. Balarila

2
Layunin ng mga Aralin
Gamitin ang palatuntunang minimalismo
 (a) sa pagtuklas at pag-unawa ng mga
balangkas ng mga wikang Pilipino at
 (b) sa pag-unawa ng mga katangian ng
wika ng tao “human language”.

3
Balarila: Isang Pananaw
 “... the generative grammarian's belief that
grammar is an autonomous mental faculty and that
it is governed by mental processes operating on
mental representations of different kinds of symbols
that apply only within this faculty.” (Wikipedia)
Ihambing:
 The cognitive linguist's point of view: “Grammar is
not an autonomous mental faculty with processes
of its own, but that it is intertwined with all other
cognitive processes and structures. The basic claim
here is that grammar is conceptualization.”
(Wikipedia)

4
Balarila: Isang Pananaw … 2
Pansinin:
 Ang balarila ay isang isip-kapangyarihan

“mental faculty”
 May sariling-tindig “autonomous”; hindi

umaasa sa ibang isip-kapangyarihan


 May mga pamamaraan at sangkap na lapat
lang sa balarila, at hindi makikita sa ibang isip-
kapangyarihan

5
Layunin ng Kabanata
 Bakasin ang pag-iisip sa likod ng panukala na
ang balarila ay isang isip-kapangyarihan.
 Unawaain ang mga kaarian ng balarila ng mga
wika ng tao
 Alamin ang paraan ng pagsusuri na gagamitin
sa pagtuklas ng mga balangkas ng mga wikang
Pilipino.

6
Kakayanang Pangwika “linguistic
competence”
Ano ang alam natin tungkol sa likas na tagapagsalita
"native speaker"?
 Ang likas na tagapagsalita ng isang wika ay may
kakayanang pangbalarila o pangwika "linguistic
competence"
 Mayroon siyang kaalamang di-lantad “tacit
knowledge” ng balarila -- alam niyang bumuo at
umuntindi ng mga parirala at pangungusap sa
kaniyang wika
 Wala siyang kaalamang lantad “explicit knowledge”
ng balarila Hindi niya masasagot nang husto ang
tanong na tulad ng “Paano mo naiintindihan ang
pangungusap na ...”, o “Paano bumubuo ng tanong
na pasalansang “negative question”?”

7
Kakayanang Pangwika “linguistic
competence” … 2
Kakayanang Pangwika
 Ang kakayanang pangwika ay ang

isinaloob/isinaisip na kaalaman ng wika


“internalized knowledge of language” ng likas
na tagapagsalita

8
Kakayanang Pangwika “linguistic
competence” … 3
 Ang Kakayanan ay tumutukoy sa isang
pulutong ng isinaisip “internalized” na
patakarang pangwika, kaya:
2. ang balarila ay isang bagay ng isip “mental
object”
3. ang pag-aaral ng balarila ng wika ay sakop ng
disiplinang “cognition”
4. ang pinag-aaralan ay ang mga kaarian ng
isinaloob na sistemang pangwika “internal
linguistic system (I-language)”

9
Ang Pag-aaralan
Ulitin natin:
Ang pag-aaralan natin ay ang kakayanang
pangwika o isinaloob na kaalaman ng wika ng
mga likas na tagapagsalita ng mga wikang
Pilipino.

10
Kaalaman ng Balarila
Alam ng likas na tagapagsalita:
 Kung walang balangkas ang isang lipon ng mga
salita
*Mataas ng Ben sige
 May balangkas, pero walang kawawaan
*Natutulog nang nangangalit ang walang kulay na
luntiang pag-iisip.
 May balangkas, naiintindihan, pero hindi pa rin
tinatanggap:
(a) *Ng sundalo, tinulungan ang matanda.
(b) *Ng pansit, nagluto si Manong Ben.
(c) *Aling libro ang sinuri niya nang hindi binabasa
ang libro?
11
Kaalaman ng Balarila … 2
 Halos magkakapareho ng ibig sabihin:
(1)(a) Talagang gusto ni Ben na uminom ng basi.
(b) Gusto ni Ben na talagang uminom ng basi.
(c) Gustong talaga ni Ben na uminom ng basi.
(2)(a) Lutuin mo na ang isda.
(b) Iluto mo na ang isda.
 May mahigit sa isang kahulugan:
(a) Nahulog si Ben sa balkonahe.
(b) Binaril ng guwardiya ang magnanakaw nang
pumasok sa bangko.

12
Kaalaman ng Balarila … 3
Naiintindihan kahit may sangkap na kinaltas:
Uminom si Ben ng basi, at si Dan, ng lambanog.
Tinikman ni Ben ang basi bago ipinamudmod.
Naiintindihan kahit may sangkap na lumipat ng
lugar:
Kinausap ni Ben si Kim na ibinalita ni Dan na
hinahanap ng pulis.

13
Kaganapang Pangwika “linguistic
performance”
 Ang kaganapang pangwika ay ang sinasabi o
naiintindihan ng likas na tagapagsalita sa isang
situwasiyon o gamit ng wika
 Maaring mahiwalay sa Kakayanan ang Kaganapan
ayon sa situwasiyon, ibig sabihin, may mga kamalian
ang pagsasalita o pag-iintindi dala ng pansamantalang
ka-imperpektuhan ng usapan o kapansanan ng
nagsasalita, halimbawa, ang nagsasalita ay inaantok,
lasing, walang-ingat sa pagsasalita, may laman ang
bibig, o may pasak ang tainga, o gumagawa ng isang
deliberate speech-act of infelicity

14
 Hindi ganap na mapag-aaralan ang
Kaganapan kung walang matatag na
kaalaman ng Kakayanan.
 Psycholinguistics ang disiplinang
sumusuri sa mga sikolohiyang proseso
ng gamit ng wika.

15
Implikasiyon ng Kakayanan at Kaganapang
Pangwika sa Pag-aaral ng Balarila
 Ang ipaliliwanag ng balarila ay ang kakayanan
ng isang likas na tagapagsalita, hindi ang
paggamit ng wika sa isang situwasiyon.
 Para magkaugnay-ugnay ang mga paliwanag,

kailangang ang balarila ay tumayo sa isang


sapat na modelo o tiyoriya ng balarila
Palatuntunang Minimalismo, isang uri ng
balarilang heneratibo, ang gagamitin nating
gabay sa pag-aaral ng balangkas ng mga
wikang Pilipino.

16
Balarilang Heneratibo
 “A generative grammar is a set of rules that
recursively "specify" or "generate" the well-
formed expressions of a natural language.”
[Wikipedia]
 Halimbawa ng paikot na tuntunin “recursive
rule”
Paikot na depinisiyon ng “ninuno”
(a) Ang mga magulang (parents) ng isang tao ay
kaniyang mga ninuno (base case).
(b) Ang mga magulang ng mga ninuno ng isang tao
ay kaniya ring mga ninuno (recursion step)
17
Balarilang Heneratibo
Paikot na depinisiyon ng S (Sinimplihan at may
kakulangan)

Mga sagisag ng bokabulariyo: S, VP, NP, det, N, V


Mga tuntunin:
(a) S -> VP NP
(b) NP -> det N
(c) VP -> V (S) (Nakapaloob ang S sa sangkap ng S
na VP )
(d) det -> ang, ng
(e) N -> sundalo, pastor, basi
(f) V -> ibinalita, umalis, gumawa, uminom
18
Balarilang Heneratibo
Halimbawa: Likhain natin ang S na “Ibinalita na
gumawa ang sundalo ng basi” (Kalimutan natin
ang na)
Tuntunin (a): VP NP
Tuntunin (b): VP det N
Tuntunin (c): V S det N
Tuntunin (a): V VP NP det N
Tuntunin (b): V VP det N det N
Tuntunin (c): V V det N det N
Tuntunin (d,e,f) Ibinalita na gumawa ang sundalo ng
basi

19
Balarilang Heneratibo
Maii-generate by the ng balarila sa itaas ang:

(a) Ibinalita na bumili ang sundalo ng basi


(b) Ibinalita na uminom ang pastor ng lambanog
(c) Ibinalita na umalis ang basi ng pastor

 Pag-usapan
Ano ang kainaman ng isang paikot na sistema
“recursive system”, in particular, bilang isang
sistema sa paglikha ng mga pangungusap ng
isang wika?

20
Katibayan
 Saan kukuha ng katibayan tungkol sa mga
kaangkinan “properties” ng Kakayanan?
(Alalahaning ang balarila ay isang "mental
object".)
 Hindi matatanong nang diretso ang
tagapagsalita: “Paano ka bumubuo at
umiintindi ng pangungusap sa iyong wika?”

21
 Isa lang ang pagbubuhatan ng katabiyan:
hinuha “intuition” ng likas na tagapagsalita
 Hinuha tungkol sa kabarilaaan “grammaticality”
ng mga pangungusap.
 Hinuha tungkol sa kahulugan ng mga
pangungusap.

22
Hinuha tungkol sa Kabalarilaan
 Husgahan ang kabalarilaan ng mga
pangunguasap sa listahan.
2. Pagsususulatin ni Ben ang liham.
3. Pagpupupunitin ni Ben ang liham
4. Naramdaman ni Ana si Ben na iniinom ang basi.
5. Naramdaman ni Ana ang basi na iniinom ni Ben.

23
Hinuha Tungkol sa Kahulugan
Sino ang umalis?
(a) Tinulungan ni Ben si Alma bago umalis.
(b) Tumulong si Ben kay Alma bago umalis.
(c) Ipinakilala ni Ben si Alma kay Boni bago umalis.
(d) Nagpahatid si Ben kay Alma kay Boni bago umalis.
(e) Pinatawag ni Ben si Boni kay Alma bago umalis.

24
Hinuha Tungkol sa Kahulugan … 2
May pagkakaiba?
Nolasco (2006)
(a) Naglangoy si Ben sa ilog.
(b) Lumangoy si Ben sa ilog.

(a) Naupo si Ben.


(b) Umupo si Ben

25
Kasapatan ng isang Balarila
Paano huhusgahan ang kasapatan ng isang
balarila?
 Ang isang balarila ay sapat ang paglalarawan

“descriptively adequate” kung tamang


mahuhusgahan nito ang kabarilaan ng
anomang kawing ng mga salita sa wika batay
sa mga tuntunin ng balarila

26
 Halimbawang ang balarila ng Golagat ay may
tuntuning:
Kahigpitang Pangsimuno
Lahat ng pangungusap ay may simuno.
 Tanggapin natin na ang pariralang "ang/si N"
ay simuno. Sapat ba ang balarilang Golagat?
1. Uminom si Ben ng basi.
2. *Uminom ng basi.
3. Kaiinom ni Ben ng basi.

27
Kasapatan ng isang Balarila … 2
 Uminom si Ben ng basi.
 *Uminom ng basi.
 Kaiinom ni Ben ng basi.
 Tama ang pangungusap (1), at hinuhusgahan
ito na tama ng balarila ng Golagat.
 Mali ang pangungusap (2), at hinuhusgahan
ito na mali ng Golagat.
 Tama ang pangungusap (3), pero huhusgahan
ito na mali ng balarila ng Golagat.
 Paano babaguhin ang balarila ng Golagat?

28
Kasapatan ng isang Balarila … 3
 Ang punto: ang pagiging tama o mali ng isang
pangungusap ay huhusgahan (o ipaliliwanag)
ng isang balarila ayon sa tuntunin at
pamamaraan ng tiyoriya ng balarila na batayan
ng nasabing balarila.
 Anong pagsusulit ang kailangan maipasa ng
isang pangungusap para masabing tama ang
buong pangungusap?

29
Pagsusuring Gramatika
"Grammatical Analysis"
 Nakita natin na ang mga datos sa pagsusuri ng
balarila bilang isang bagay-isip "mental object"
ay mga hinuha “intuition” ng likas na
tagapagsalita tungkol sa kabarilaan at
kahulugan ng mga pangungusap.

Mga Hakbang sa Pagsusuri.


(Inilaladlad natin ang mga hakbang para sa
baguhan. Bihirang sundin ng mga eksperto
ang mga hakbang na tatalakayin ayon sa
ipinakikitang mga hakbang..)

30
Pagsusuring Gramatika … 2
 Magsimula sa isang napansing anomaliya. (O
sa isang generalization na nakakaduda.)
2. Uminom ang sundalo ng basi
3. Ang sundalo, uminom ng basi
4. *Ng basi, uminom ang sundalo. (Patient ang “ng
basi”)
 (Bakit puwedeng ilipat sa unahan ang Aktor
(ang sundalo) pero hindi puweding ilipat sa
unahan ang Patient (ng basi)?

31
Pagsusuring Gramatika … 2
 Baka naman dahil sa simuno ang aktor kaya
nailipat ito. Subukan nating gawing simuno
ang Patient.
2. Ininom ng sundalo ang basi.
3. Ang basi, ininom ni Ben.
 Ok, puwedeng ilipat ang Patient na basi kung
simuno. At hindi na puwedeng ilipat ang Aktor
na sundalo dahil hindi ito simuno.

*Ng sundalo, ininom ang basi.

32
Pagsusuring Gramatika … 3
 Mangalap pa ng mga data.

3. Ininom ng sundalo ang basi sa binyagan kahapon.


4. Kahapon, ininom ng sundalo ang basi sa binyagan.
5. Sa binyagan, ininom ng sundalo ang basi kahapon.

 Opps! Hindi simuno ang “kahapon” at hindi rin


simuno ang “binyagan” pero naililipat. Hindi
simuno ang mahalaga.

33
Pagsusuring Gramatika … 4
 Baka ang role, Aktor o Patient, ang batayan ng
kondisyon. Hindi rin ang role ang mahalaga,
dahil sa naililipat ang Aktor (2) Patient (5), at
ang time (7) at place (8) phrases
(2) Ang sundalo, uminom ng basi
(5) Ang basi, ininom ni Ben
(8) Kahapon, ininom ng sundalo ang basi sa
binyagan
(9) Sa binyagan, ininom ng sundalo ang basi
kahapon

34
Pagsusuring Gramatika … 5
 Pansinin ang dalawang paglilipat na hindi
tinatanggap:

3. *Ng basi, uminom ang sundalo.


 *Ng sundalo, ininom ang basi.

 Aha, tila ang hindi maililipat sa unahan ay ang


pangngalang tinutukoy ng *ng.

35
Pagsusuring Gramatika … 6
 Bumuo ng (pansamantalang) tuntunin.
Tawagin nating
Topicalization Constraint (unang pagsasaad)
Hindi maililipat sa unahan ng pangungusap ang
pangngalang pariralang nagsisimula sa “ng”.

36
Pagsusuring Gramatika … 7
 Maghanap ng mga kontra-halimbawa.
(a) Dumating si Ben, nang magkasakit ang tatang.
(b) Nang magkasakit ang Tatang, dumating si Ben.
 Kontra-halimbawa ba ito? Hindi, nang is a
clause introducer, not a genitive marker. Ang
(b) sa ibaba, kontra-halimbawa ba?
(a) Magpapadala ako ng damit, pero hindi ako
magpapadala ng pera.
(b) Damit magpapadala ako, pero pera, hindi (Vida
de Guzman)

37
Pagsusuring Gramatika … 8
 Maari. Ang [damit] sa (b) ay generic at non-
specific, samantalang ang [damit] sa (a) ay
generic at specific (is this a correct description
of the difference?). Ok, sabihin na nating hindi
kontra-halimbawa ang (b).
 Napansin ba na iyong mga sangkap na naililipat
sa unahan ay kabilang sa tinatawag na
panlabas na argumento ng pandiwa? Ang
panloob na argumento naman ay hindi
naililipat.

38
Panloob at Panlabas na Argumento
ng Pandiwa
panloob na argumento

Bumili ng basi kahapon sa tindahan si Ben

panlabas na argumento

para kay Anna dahil sa birthday niya.

Ulo ng parirala

39
Pagsusuring Gramatika … 9
 At pinuhin pa ang kahigpitan.

Topicalization Constraint (ikalawang


pagsasaad)
Hindi maililipat sa unahan ng pangungusap ang
panloob na argumento ng pandiwa.

40
Pagsusuring Gramatika … 10
 Sa ngayon, limitado ang pagsasaad ng
kahigpitan sa argumento ng pandiwa lang.
Maari kayang lapat rin ang kahigpitan sa iba
pang kategoriya? Ipinakikita ng mga
halimbawa sa ibaba na nag-a-apply din ang
kahigpitan sa pangngalan.

ang litrato kay Ben => ang kay Ben na litrato


ang litrato sa binyagan => ang sa binyagang litrato
ang litrato ni Ben => *ang ni Ben na litrato

41
Pagsusuring Gramatika … 11
 Sinasakop din ng panghihigpit ang pariralang
pang-uri.
Sabik sa anak si Ben => Sa anak sabik si Ben
Magalang kay Dan si Ben => Kay Dan magalang si
Ben.
Mas tuso kaysa kay Dan si Ben => ?Kaysa kay Dan
mas tuso si Ben.
 Walang halimbawang nagpapakitang sakop ng
tuntunin ang pang-abay.

42
Pagsusuring Gramatika … 12
 Bigyan natin ng lapat na pangalan ang
kahigpitan.
Kahigpitan sa paglipat ng argumento (ikatlong
pagsasaad)
Hindi maaring pangunahan ng panloob na
argumento ang ulo.

43
ulo

*Ng basi, uminom.


*Ng sundalo, ininom
*ang ni Ben na litrato

panloob na argumento

44
Pagsusuring Gramatika … 13
 Bago purihin ang ating sarili, tanungin muna
kung ang kahigpitan ay indipendiyente nga at
kailangang bigyan ng sariling paghahayag. O
baka naman ipinahahayag na ito ng isang mas
malawak na kahigpitan. Kung gayon, hindi
kailangang bigyan ng sariling pagsasaad ang
kahigpitan.

45
 Prinsipiyo at Parametro “Principles and
Parameters”
May mga prinsipiyo ng balarila na panglahatan,
bahagi ng panglahatang balarila “universal
grammar”. At sapagkat panglahatan, hindi
kailangang ipahayag sa balarila ng bawat wika.
 Panglahatang prinsipiyo tungkol sa “lugar ng
ulo ng parirala”:
Ang ulo ng parirala sa isang wika ay nasa
unahan o nasa hulihan ng mga argumento.

46
Pagsusuring Gramatika … 14

 Ang parametrong “lugar ng ulo sa parirala” ay


may dalawang posibleng halaga: una o huli. Ito
ay itinatakda sa bawat wika ng likas na
nagsasalita batay sa mga datos na naririnig
niya.
 Halaga ng parametrong lugar ng ulo sa
Tagalog: Una.

47
Pagsusuring Gramatika … 16
 Bahagi ang “lugar ng ulo ng parirala” sa
panglahatang balarila “universal grammar” at
hindi kailagang ipahayag sa balarila ng bawat
wika. Kailangan lang na bigyan ito ng “halaga”.
 Kung ang kahigpitan ay panglahatan, dapat na
magtrabaho rin ito sa ibang wika. Patunayan o
pabulaanan ang prediksiyon sa Ilokano,
Sebuwano, Kapampangan.

48
Dalubwika
 Ang deskriptibong dalubwika “descriptive
linguist” ay sumusulat ng balarila ng wika. Ang
balarila ng isang wika ay naglalarawan ng
pagbuo at pag-unawa ng mga salita, parirala at
pangungusap sa nasabing wika.
 Ang tiyoretikong dalubwikha “theoretical
linguist” ay bumubuo ng tiyoriya ng balarila.
Ang isang tiyoriya ng balarila ay nagsasaad ng
mga katangian ng mga posible at di-posibling
balarila ng mga wika ng tao.

49
Tiyoriya ng Balaria
 Tiyoriya ng Balarila (TngB)
... isang bugkos ng mga tuntunin tungkol sa
katangian ng posible at di-posibling balarila ng
mga wika ng tao
Halimbawa ng isang tuntunin:
Kahigpitan ng Pulo “Island Constraint” (Ross
1967)
Walang sangkap na makapupuslit mula sa
isang pulo.

50
Kahigpitan ng Pulo “Island
Constraint”
 Halimbawa ng isang pulo: magkatugmang
balangkas “coordinate structure”
Uminom ng basi [ang sundalo at ang karpintero]
(a) [Ang sundalo at ang karpintero] ay uminom ng
basi.
(b) *Ang karpintero ay uminom ng basi [ang
sundalo at].
 Pansinin na sa (b), hinaharang ang tangkang
ipuslit ang “ang karpintero” mula sa pulong
[ang sundalo at ang karpintero].
 Tanong: Why can't you move something out of an island? The
issue may not be that you can't move something out of an
island, but that there is nowhere to put it.
51
wh-pulo “wh-question island”
 Ang isang nakapaloob na pangungusap
“embedded sentence” na pinangungunahan ng
isang wh-salita (ano, sino, alin, ilan, kailan,
saan, bakit) ay isang pulo.
 Ang mga salitang nasa loob ng panaklong sa
halimbawa sa ibaba ay isang pulo:
[Aling putahe na niluto ni Ben sa pugon] ang
nasarapan ka?
 Maaring lumipat ng lugar ang isang sangkap sa
loob ng pulo. Halimbawa, ang sa pugon ay
umuna kaysa sa pandiwa, gaya ng ipinapakita
sa (a):
(a) [Aling putahe na sa pugon niluto ni Ben] ang
nasarapan ka?
52
wh-pulo “wh-question island” …
2
 Pero nang luksuhan nito ang panaklong,
masama ang pangungusap na lumabas:
(b) *Sa pugon [aling putahe na niluto ni Ben] ang
nasarapan ka? .
 Ang isang tiyoriya ng balarila ay kailangang
may tuntuning nagbabawal ng paglabas ng
anumang balangkas mula sa isang pulong
balangkas.

53
Adjunct Island
 An adjunct island is a type of island formed
from an adjunct clause. Wh-movement is not
possible out of an adjunct clause. Adjunct
clauses include clauses introduced by because,
if, and when, as well as relative clauses. Some
examples include:

Umuwi ka [dahil gusto mong gawin ang ano]?


*Ang ano umuwi ka dahil gusto mong gawin?
Gusto ni Alex ang babae [na suot ang ano]?
*Ang ano ang gusto ni Alex ang babae na suot?

54
Kasapatan ng Isang Tiyoriya ng
Balarila
Kasapatan ng Isang Tiyoriya ng Balarila
Sapat “adequate” ang isang TngB kung may
mga kaangkinang:
1. Kamunduhan “universality”
2. Kabatiran “learnability”
3. Kasagaran ng kahigpitan “maximally
restrictive”
4. Kasapatan ng paliwanag “explanatory
adequacy”

55
Kamunduhan “Universality”
 Ang isang TngB ay kailangang magbigay ng
sapat na mga kasangkapan “descriptive
apparatus” para ilarawan ang balarila ng kahit
anong wika ng tao.
 Nagbibigay ng isang listahan ng mga
panlahatang kaangkinan “universal properties”
ng mga balarila ng mga wika ng tao.
 Ang ultimate na adhika ng lingguwistika ay
bumuo ng isang tiyoriya ng panlahatang
balarila “universal grammar” (UG).

56
Kasapatan ng Paliwanag
“explanatory adequacy”
 Kailangang ipaliwanag ng isang TngB ang mga
katangian ng UG: Bakit ang mga balarila ng
wika ng tao ay may katangiang tinataglay nito?
 Bakit hindi makalalabas ang anomang sangkap
mula sa isang pulo?
 Bakit hindi makalilipat sa unahan ang isang
panloob na argumento?
 atbp

57
Kasagaran ng Kahigpitan ng Tiyoriya ng
Balarila “Maximally Restrictive”
 Ang kagamitan “descriptive apparatus” na
ipinauubaya ng TngB/UG ay kailangang hindi
napakamakapangyarihan para magamit din sa
paglalarawan hindi lang ng mga wika ng tao
kundi pati ibang paraan ng pag-uusap.
 Ibang paraan ng pag-uusap: tail-wagging
dance performed by bees to communicate the
location of food; artipisiyal na lengguwahe
tulad ng Prolog, Lisp
 Ang isang mahigpit na tiyoriya na angkop lang
sa mga wika ng tao ay makapagpapakita ng
“essence” ng mga wika ng tao. 58
Katutuhan “Learnability”
 Sa idad na 18 buwan, ang mga bata ay
nakabubuo ng balangkas na binubuo ng 2
salita
 Sa idad na 30 buwan, nakabubuo na sila ng
mga pangungusap ng may masalimuot na
balangkas.
 Kaya:
Ang UG ay kailangang maghain ng mga balarila
na matutuhan ng mga bata sa loob ng isang
maikling panahon.

59
 Corollary:
Ang mga kagamitang tiyoretikal at deskriptibo
ay kailangang pinakakakaunti, at ang
mabubuong balarila ay kailangang pinakapayak
para mapagaan ang pasanin ng pag-aaral at
maisagad ang kabatiran ng mga wika ng tao.

60
Kabilisan ng Pagtamo ng Wika “Language
Acquisition”
 Obserbasiyon:
 Sa idad na 12 buwan, ang lengguwahe ng bata ay
isa-isang salita; walang ebidensiya ng balangkas.
 Sa idad na 18 buwan, may balangkas na,
halimbawa, may impleksiyon: “doggies,” “going”, at
may simpleng pangungusap na binubuo ng 2 o 3
salita: “Want Teddy,” “Eating cookie,” “Dolly go
bed.”
 Pagkatapos, biglang yabong ng balarila at sa idad
na 30 buwan, natutuhan na ng mga bata ang
karamihan sa mga impleksiyon at ubod “core” ng
balangkas
 Naobserbahan din ito sa mga batang nagsasalita ng
ibang wika.

61
Research Topic
 The Development of Syntactic Structures among
Tagalog Children
 At what age do they show knowledge of grammatical
structures: earlier or later than the observed norm?
 Particularly interesting in light of the issue of
ergativity in Philippine languages and the observed
primacy of the patient as subject choice: do verbs get
inflected for the agent focus first or the patient focus
 Which affixation is shown first: aspect, focus, mode?
 Is the verb focus inflection in agreement with the role
of the lone noun? If they make mistakes, what is the
direction of the errors?
 Or does focus inflection show only at the 3-word
stage?
62
Research Topic … 2
 At the intransitive level, do they show three argument
utterances?
 When do they show transitivity?
 How do they indicate semantic roles? When do they
learn the noun markings ang, ng, sa?

63
Research Topic …3
 Lillo-Martin, Diane, Stephen Crain. 1999. An
Introduction to Linguistic Theory and Language
Acquisition. Blackwell.
 Crain, Stephen, Rosalind Thornton.
Investigations in Universal Grammar: A Guide
to Experiments on the Acquisition of Syntax
and Semantics
 Guasti, Maria Teresa. Language Acquisition:
The Growth of Grammar. Bradford.
Lillo-Martin, Diane. Second Language
Acquisition and Universal Grammar. Cambridge

64
Pagtamo ng Wika … 2
 Ano ang pinakasentral na bagay na kailangang
ipaliwanag ng isang tiyoriya ng pagtamo ng
wika?
Ang uniformity ng anyo at ang bilis “rapidity”
(pagkatapos naumpisahan na) ng pagtamo ng
balarila ng mga bata

 It is as if the child, after probing and testing,


settled on a choice and says, “Ok, so that’s
how you want me to talk.”

65
Paliwanag sa “uniformity and rapidity of
acquisition phenomena”
 Katutubong Haka “The Innateness Hypothesis”
Ang pagtamo ng wika ay itinatakda ng isang
nasa utak na kapangyarihang pangwika na
kaloob ng biology, na nagbibigay sa mga bata
ng isang algoritmong dala ng gene sa pagbuo
ng balarila, ayon sa kanilang karanasang
pangwika.
 Experience of L => Language Faculty =>
Grammar of L
 An outstanding insight or a leap of faith? A 'principled' leap of
faith?

66
Tungo sa Katutubong Haka
Obserbasiyon
 Kahit na malaki ang pagkakaiba ng karanasang
pangwika at ang mga datos ay masasama
“poverty of input”, natututo ang mga bata ng
mga balarilang kagulat-gulat sa pagkakapareho
at ang mga hakbang at bilis ng pagkakatuto ay
pare-pareho.
 Ang pagtamo ng wika ay kusa at hindi
namamalayan “subconscious”, at halos walang
patnubay. Hindi tayo natututo ng ating likas
na wika (in the sense na natututo tayong
magsalita ng ibang wika o maglaro ng chess).
67
Tungo sa Katutubong Haka … 2
 Ang tao, kahit hindi marunong, ay nakakabuo
ng likas na wika. Ang isang moron ay may wika
na hindi mapaparisan ng matsing na maaring
mas may alam kaysa sa moron tungkol sa
paglutas ng problema, mamuhay o makisama.
Kapasiyahan:
 Ang kakayahang magtamo ng likas na wika ay
bahagi ng ating genetic endowment. Ito ay
isang kakayahan species-specific at pag-aari
lang ng tao.
 Note: “Deep and restrictive principles that determine the nature of
human language and rooted in the specific character of the human
mind.” … “Inherited genetic blueprint”

68
Implikasiyon ng Katutubong
Haka
 Pahayag:
Ang UG ay bahagi ng ating genetic endowment.
 Implikasyon:
Hindi natin kailangan ang karanasan sa L para
magkaroon ng UG. Hindi natin natutuhan ang
UG. Ari na natin ito mula pa sa bahay-bata.

69
Implikasiyon ng Katutubong Haka
…2
 Obserbasiyon:
Ang isang ulilang sanggol na Tagalog na
pinalaki ng isang pamilyang ang salitaan ay
Ilokano ay matututo ng Ilokano, hindi ng
Tagalog.

 Implikasyon:
Ang kapangyarihang pangwika ay may tipon ng
mga prinsipiyo na ginagamit para magtamo ng
kahit alinmang wika ng tao. Pangkamunduhan
ang tipon ng mga prinsipiyo; lapat sa alin mang
wika ng tao.

70
 Kaya: Ang mga theoretical grammarians ay
humahanap ng mga pangkamunduhang
prinsipiyo ng wika, mga prinsipiyong
nagtatakda kung anong operasiyong pangwika
ang pinapayagan at hindi pinapayagan sa mga
wika ng tao.

71
Ang Pagtuklas ng mga
Panglahatang Prinsipiyo
 Pahayag
Ang mga prinsipiyong ito ang humihigpit sa
operasiyong pangbalarila ng bawa at lahat ng
wika.
 Implikasyon
Kaya, isang masusing pagsusuri ng mga
operasiyong pangwika sa isang wika ay sapat
para ipakita ang operasiyon ng mga prinsipiyo
ng UG.
Kung hindi uubra sa Tagalog o Ilokano o
Kapampangan o ..., ang prinsipiyo ay hindi
tama.

72
Using data from our own native language,
some of which may provide cleaner, direct, or
uniquely incontrovertible evidence, we have the
opportunity to contribute to this endeavor to
discover principles of universal grammar!

73
Isang Panlahatang Prinsipiyo:
Prinsipiyong Sandigan ang Balangkas “Structure
Dependence Principle”
(Note: This example is too trivial. Need to find a better example.)
 Paano bumubuo ng tanong na sinasagot ng oo
o hindi? Pansinin:
(a) Bumili si Ben ng bangos.
(b) Bumili ba si Ben ng bangos?
 Tuntunin:
Para bumuo ng tanong na sinasagot ng oo o
hindi, isilit ang salitang “ba” pagkatapos ng
unang salita ng pangungusap.
 Hindi sapat ang tuntunin. Bakit?

74
Isang Panlahatang Prinsipiyo:
Prinsipiyong Sandigan ang Balangkas “Structure
Dependence Principle” … 2

Pansinin:
Bumili nga ba si Ben ng bangos? (Ayon sa
tuntunin, mali ito)
*Bumili ba nga si Ben ng bangos? (Ayon sa
tuntunin, tama ito)
Si Ben ba ang bumili ng bangos? (Ayon sa
tuntunin, mali ito)
*Si ba Ben ang bumili ng bangos? (Ayon sa
tuntunin, tama ito)
 Ano ang mali sa tuntunin? Ang kondisiyong “unang
salita” ay hindi nakasandig sa balangkas at sa mga
kaariang pangbalarila.

75
Isang Panlahatang Prinsipiyo:
Prinsipiyong Sandigan ang Balangkas “Structure
Dependence Principle” … 2

 Prinsipiyong Sandigan ang Balangkas ng


UG “Structure dependence principle”
Lahat ng operasyong pangbalarila ay
nakasandig sa balangkas.
 Ibig sabihin:
 Ang SDP ay prinsipiyo ng UG
 Ang SDP ay isang prinsipiyo na nakatali
“wired” sa kapangyarihang pangbalarila
 Ang SDP ay bahagi ng “genetic blueprint” ng
bata; hindi niya kailangang matutuhan ito!

76
 Pansinin:
 Talaga ngang malakas uminom si Ben.
 [[Talaga ngang] malakas] uminom si Ben.
 [[Talaga ngang] malakas bang] uminom si Ben?
 [[Talaga nga bang] malakas] uminom si Ben?
 *[[Talaga ba ngang] malakas] uminom si Ben?

 Talagang malakas ngang uminom si Ben.


 [Talagang [malakas ngang]] uminom si Ben?
 [Talagang [malakas nga bang]] uminom si Ben?
 [Talaga bang [malakas ngang]] uminom si Ben?

Tuntunin sa pagbuo ng tanong na oo-o-hindi:

77
Isang Panlahatang Prinsipiyo:
Prinsipiyong Lokal
“Locality Principle”
 Bakit tama ang (b) at mga mali ang (c-d-e)?
(a) He had said who would do what? (echo question)
(b) Who had he said would do what? (cf. He had said
who would do what?)
(c) *Who would he had said do what? (cf. He had
said who would do what?)
(d) *What had he said who would do? (cf. He had
said who would do what?)
(e) *What would he had said who do? (cf. He had said
who would do what?)

78
 Locality Principle
Intervention: in … X … Z … Y … a local relation
cannot hold between X and Y across an intervener
Z, an element bearing some structural similarity to
the elements involved in the local relation.
 Prinsipiyong Lokal
Ang mga operasiyong pangbalarila ay lokal.
 Auxilliary Inversion in English
Invert the first auxiliary.
 Wh-movement in English
Move the first wh-question.
79
 Pansinin na dalawang magkalayong operasiyon
– auxilliary inversion at wh-movement sa
English – ay kapuwa sumusunod sa Locality
Principle.
 Ang locality principle ay bahagi ng UG.

80
Kainaman ng Pagiging Likas “Innate”
ng mga Prinsipiyo ng UG
 Kung ang mga prinsipiyo na nagtatakda ng
balangkas ay likas “innate”
 Pinagagaan ang pasanin ng bata sa pag-aaral
ng balarila
 Isinusukdol ang pagkamatutuhin ng mga
balarila
 Ipinaliliwanag nito ang pagkakapare-pareho at
ang bilis ng pagtamo ng balangkas.

81
Ano talaga ang natututuhan
ng isang bata na nag-aaral magsalita?
 Hindi lahat ng aspektong pangbalarila ay galing
o itinatakda ng innateness hypothesis.
 Dalawang uri ng natututuhan:
3. leksika: pagtuto ng mga kauriang idiosyncratic
ng mga salita, halimbawa., ang salitang-ugat
na baril ay tumatanggap ng panlaping um,
hindi ng mag: bumaril, *magbaril.
4. balangkas: laan lang sa mga aspekto ng
balangkas na parameterized , na ang
kahalagahan “value” ay nagkakaiba-iba
depende sa wika

82
Halimbawa ng Parametrong Pangbalarila:
Parametro ng Hungkag na Simuno
“Null Subject Parameter “

 Obserbasiyon:
 Sa Italiyano, ang mga pandiwang may-
panahon “finite verbs” ay maaaring may
hungkag ang simuno, pero hindi ang mga
pandiwang may-panahon sa Inglis.
 Italian English
 1. Maria parla francese 1. Maria speaks
French
 2. Parla francese 2. *Speaks French

83
 Ang hungkag na simuno (simunong hindi
sinasabi pero naiintindihan) ay isang aspekto
ng balarila na parameterized. Ang mga batang
Italiyano ay natutuo na ang halaga nito ay
“Yes”. Ang mga batang ang wika ay Inglis ay
natututo na hindi ito pinapayagan sa kanilang
wika.
 Tanong:
 Mayroon bang wikang Pilipino na pinapayagan
ang hungkag na simuno?

84
Halimbawa ng Parametrong Pangbalarila:
Parametrong WH
 Sa Ingles, inililipat ang wh-salita sa unahan ng
pangungusap. Sa wikang Intsik, nananatili ito
sa lugar “in situ”.
English
What do you think he will say?
Chinese
Ni xiangxin ta hui shuo shenne
you think he will say what

 Ang ayos ng mga salita ay isang aspekto ng


balangkas na parameterized
85
 Sa Tagalog, lumilipat ba ang wh-salita o
hindi? Suriing mabuti ang mga halimbawa.
(a) Uminom si Ben ng basi.
(a)(1) Sino ang uminom ng basi.
(a)(2) *Ano ang uminom si Ben?
(b) Ininom ni Ben ang basi
(b)(1) Ano ang ininom ni Ben?
(b)(2) *Sino ang ininom ang basi?

86
(c) Uminom kahapon si ben ng basi.
(c) (c1) Kailan uminom si Ben ng basi.
(d) Uminom sa binyagan si Ben ng basi.
(d)(1) Saan uminom si Ben ng basi?

 Lumilipat din ba sa unahan ang wh-salita sa


Filipino?
 (Ipaliwanag ang hindi pagtanggap sa (a)(2) at
(b)(2))

87
Tanong
 Bakit hindi tinatanggap ang (a)(2) na tanong
na hinugot mula sa (a) at ang (b)(2) na
tanong mula sa (b)?

(a) Uminom si Ben ng basi.


(a)(1) Sino ang uminom ng basi.
(a)(2) *Ano ang uminom si Ben?

(b) Ininom ni Ben ang basi


(b)(1) Ano ang ininom ni Ben?
(b)(2) *Sino ang ininom ang basi?

88
Tanong
 Sagot 1
Dahil sa head position parameter.

(c) Binilihan ng sundalo ng basi ang pulis.


(c)(1) Sino ang binilihan ng sundalo ng basi?
(c)(2) *Sino ang binilihan ng basi ang pulis?
(c)(3) *Ano ang binilihan ng sundalo ang pulis?

89
Tanong
 Sagot 2
Ang source ng tanong sa simuno (si Ben) at
(inner) complement phrases (ng basi) ay
identificational sentence.
(a) Uminom si Ben ng basi.
(b) Si Ben ang uminom ng basi.
(c) Sino ang uminom ng basi?
(d) Ininom ni Ben ang basi.
(e) Basi ang ininom ni Ben.
(f) Ano ang ininom ni Ben?
90
Tanong
 Kung ang pinagmulan ng tanong sa simuno at
sa inner complements ay ang identificational
sentence, ano ang masasabi sa:
Parametrong wh: Halaga: Lumipat (sa
unahan) o manatili
Pansinin
(a)(1) Uminom si Ben ng basi kahapon.
(a)(2) Kailan uminom si Ben ng basi?
(b)(1) Si Ben ang uminom ng basi.
(b)(2) Sino ang uminom ng basi?
91
Halimbawa ng Parametrong Pangbalarila:
Parametrong Posisiyon ng Ulo
 Ang ulo ng parirala sa Inglis ay nauuna sa
kaganapan “complement”. Sa Koriyano,
nauuna ang kaganapan. English is a head-first
language, Korean is head-last.
English
Ulo Complement
students of linguistics
in the kitchen
stay with me
fond of watermelon
92
Korean
Complement Head
Moonul dadala
door close
'Close the door'
byunhwa-edaehan kalmang
change-for desire
'desire for change‘
 Sa isang wika, una o huli ang ulo

93
 Tanong:
Nauuna o nahuhuli ba ang ulo ng parirala sa
mga wikang Pilipino?

Nolasco (p.c.)
Hindi binili ng sundalo ang basi.
Hindi *ng sundalo binili ang basi.
Hindi niya binili ang basi.
Hindi binili ?niya ang basi.

94
 Kontra-halimbawa ba ang (b) sa “wh-island
constraint”?
(a)(1) [Aling putahe na niluto ni Ben sa pugon]
ang gusto mo?
(a)(2) *Sa pugon [aling putahe na niluto ni
Ben] ang gusto mo?
(b)(1) [Aling putahe sa niluto ni Ben sa pugon]
ang gusto mo? (M. Santiago)
(b)(2) Sa niluto ni Ben sa pugon [aling putahe]
ang gusto mo?

95
(b)(3) *Sa niluto ni Ben [aling putahe sa
pugon] ang gusto mo?
(b)(4) *Sa pugon [aling putahe sa niluto ni
Ben] ang gusto mo?

96
Dalawahang-halaga “binary-valued”
ang mga parametro?
 Parametrong Hungkag na Simuno: Halaga: Oo o
hindi
 Parametrong wh: Halaga: Lumipat (sa unahan) o
manatili
 Parametrong Ulo: Halaga: Una o huli

 Dalawahan “binarity” ay isang likas na kaangkinan


ng parametro. Isang paraan ito para
(a) hanggahan ang pagkakaiba-iba ng mga wika, at
(b) pinadadali ang pag-aaral ng wika sa
pamamagitan ng paglaan ng mga simpling pilian sa
mga bata.

97
Isang Pananaw sa Tiyoriya ng
Pagtamo ng Wika
 Ang gawain ng bata ay bumuo ng balarila ng
wika.
 Bahagi ng isip-kapangyarihang pangwika
“language faculty” ng bata ang isang tiyoriya
ng balarilang panglahatan “universal
grammar” na binubuo ng
3. Isang bugkos ng mga panlahatang prinsipiyo
ng balangkas na pangwika
4. Isang bugkos ng mga parametrong
pangbalangkas na naghihigpit sa uri at lawak
ng pagkakaiba-iba ng mga balangkas sa wika
ng tao.

98
 Ang pag-aaral ng balangkas ng isang wika ay
nakatuon lang sa pagbibigay-halaga sa mga
parametrong pangbalangkas!
 Ang modelong ito ay tinatawag na prinsipiyo at
parametrong tiyoriya ng wika.

99
Isang Modelo ng Wika

lexicon/syntax
/ \
=> LF => PF

<=> Semantic Repr <=> Phonetic Repr

= Thought Systems Speech Systems

100
Bakit Minimalismo?
Obserbasiyon:
2. Magkakamukha ang padrino “pattern” ng pagtamo ng
mga bata ng kanilang wika within language and
across languages. Masasabing may panglahatang
mekanismo ng pag-iisip na ginagamit sa pagtamo ng
kahit anong wika ng tao.
3. Ang pang-araw-araw na karanasan sa wika ng bata
ay hindi ulirang “ideal” situwasiyon ng pag-aaral
(maraming sira o mali o hindi tapos ang mga
pangungusap, ang “paraan ng pagtuturo” ay
napakapayak: imitasiyon), gayunman, ang bilis ng
pagtuto ng bata ng kaniyang wika.

101
 Tao lang ang nakakapagtamo at gumagamit
ng isang sistema ng pag-uusap na kasing-
salimuot ng wika. Masasabing ang pangwikang
isip-kapangyarihan ay katutubo sa tao.

102
 Palatuntunang Minimalismo lang ang may
kasiya-siyang paliwanag sa mga observasiyon
sa itaas:
 Ang PM ay naniniwala sa Katutubong Haka
“innateness hypothesis”, na nagsasabi na ang
isip-kapangyarihang pangwika ay katutubo sa
tao, na ang isip ng tao ay may “programa”
para matuklasan ng bata kung alin sa mga
posibling balarila ng wika ang angkop sa
kanyang karanasang pangwika.
 Ang Tiyoriya ng Prinsipiyo at Parametro
“Principles and Parameters Theory”, na bahagi
ng PM, ay nagsasaad na

103
 (a) ang katutubong isip-kapangyarihan ng tao
ay binubuo ng mga panlahatang prinsipiyo na
nagtatakda ng balangkas ng wika ng tao, at
 (b) ang mga wika ay nagkakaiba-iba sa halaga
“value” ng isang bugkos ng mga parametrong
pangbalangkas.
 Implikasiyon ng PPT: napapadali ang pagtamo
ng wika. Dahil sa may katutubong prinsipiyo na
nagtatakda ng (posible at hindi posibling)
balangkas na hindi na kailangang pag-aralan,
ang pagtamo ng balarila ng wika ay nakatuon
na lang sa pagbibigay-halaga sa mga
parametro (at sa pag-aaral ng leksikon).

104
Bakit Minimalismo?
Gabay sa Paglalarawan ng Balarila
“minimally complex” set of descriptive apparatus
 Ang Palatuntunang Minimalismo ay naglalayon ng
Matipid na sagisag “representation” ng mga balangkas
“economy of representation”
Matipid na palit-anyo “derivation” ng mga balangkas
“economy of derivation”

Paunti nang paunti at paikli nang paikli ang sagisag at


pagpapalit-anyo na pinapayagan ng PM, pero palawak
nang palawak ang sakop.

105
Notes on Exercise 1
 Wh-Parameter has been set if wh-questions are
preposed to sentence initial position
 Head-Position Parameter has been set if comp
of verb positioned after the verb, if comp of
prep positioned after the prep
 Null-Subject Parameter has been set if finite
(tensed) sentences always have subjects.
*Speak Spanish, cf, I speak Spanish.

106
Notes …
Null-subject parameter data complicated by:
 Nina Hymans conclcuded that English children go
through a null-subject stage.
 Children show null subject sentences, then later re-set
the value.
 Challenge to theory of a simple parameter setting in
language acquisition.

Hymans, N. 1986. Language Acquisition and the Theory of


Parameters. Reidel.
Hymans, N. 1992. ‘A re-analysis of null subjects in child language’,
in J. weissenborn, et al., Theoretical Issues in Language
Acquisition.

107
Notes …
 Null-subject data also complicated by existence of true
null-subjects in English.
2. Imperative null subject
Shut up! Don’t say anything!
4. Non-finite (untensed) null subject (PRO)
I want [to go home].
I want [to play tennis]
Why worry?
8. Truncated null subject
Are you doing all right?
You doing all right?
Doing all right?

108

You might also like