Noli Me Tangere

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

Republic of the Philippines Nueva Ecija University of Science and Technology College of Nursing Cabanatuan City

Pagsasadula ng

Noli Me Tangere
Kabanata I Isang Pagtitipon Kabanata III Ang Hapunan Kabanata VI Si Kapitan Tiyago Kabanata XV Mga Sakristan Kabanata XVI Si Basilio BSN III- C GROUP I Branzuela, Anne (Leader) Abalos, Khatrine Bagaybagayan, Herson Amiel Caber, Charmaine Abigail Castillo, Mary Grace Coleto, Arvin John Collado, Marfela Dayao, Raymart Fajardo, Gellie Imperial, Alizza Claire Ison, Feeledgei Ladignon, Joe Marce Llewellyn Pio, Janine

Torres, Paul John Ms.Lea Acosta Dela Cruz

Professor MGA TAUHAN

Crisostomo Ibarra Basilio Crispin Sisa Don Tiburcio de Espadaa Donya Victorina Kapitan Tiyago Padre Damaso Padre Sibyla Sakristan Mayor Senyor Laruja Tenyente Tiya Isabel

KABANATA I ISANG PAGTITIPON Salaysay: Magtatapos ang Oktubre nang mapaghapunan si Don Santiago de los Santos, kilala sa palayaw na Kapitan Tiyago at kahit ipinahayag lamang sa hapong iyon, na hindi niya ugali, naging paksa ito ng lahat ng usapan sa Binondo, sa ibang karatig- pook at hanggang sa Intramuros. Nag- iisang tumatanggap sa mga ginang ang matanda nang pinsangg babae ni Kapitan Tiyago. Ipinapahayag niya ang pag-aasikasot kagandahang asal sa pamamagitan ng pag- aalok ng isang bandeha ng tabakot buyo sa mga Espanyola at ng pagpapahalik ng kamay sa mga Filipina, sa paraang gayanggaya ang mga fraile. Nang lumaon, nayamot din ang kawawang matanda at sinamantala ang ingay na nabasag na pinggan, matuling lumabas habang bumubulong Tiya Isabel: Susmaryosep! Makikita ninyo, mga tanga! Salaysay: Sa kabilang dako, nagbubuhat ang lahat ng interes at sigla sa isang pangkat na binubuo ng dalawang alagad ng simbahan, dalawang mamamayan, at isang militar na nakangaupong magkakaharap sa isang mesita na may mga botelya ng alak at biskotsong Ingles. Makikita mo, ilang buwan lang sa bansang ito at maniniwala ka sa sinasabi ko. Iba nang namamahala doon sa Madrid kaysa tumigil dito sa Flipina Pero

Ibarra:

Tenyente:

Padre Damaso: Ako, por ehemplo, ako na dalawamput tatlong taon nang kumakain ng saging at kanin, ako ang puwedeng magsalita nang may awtoridad tungkol sa bagay na iyan. Huwag ninyo akong gamitan ng teorya at retorika, kilala ko ang Indio. Dapat na malaman na mula ng dumating ako ditoy nadestino na ako sa isang bayan, na totoong maliit ngunit nakaukol ang buhay ng lahat sa agrikultura. Kahit hindi ko pa naiintindihang mabuti ang Tagalog, kinukumpisal ko na ang mga babae, at nagkakaintindihan kami, at nagustuhan nila ako, kaya makaraan ang tres anyos, nang ilipat ako sa isang malaking bayan, na nabakante dahil namatay ang kurang Indio, nag-iyakan ang lahat ng babae, binigyan ako ng napakaraming handog, inihatid ako ng banda Ibarra: Pero ipinakikita nga niyan

Padre Damaso: Hintay ka, hintay! Huwag kang pakabilis! Iyong kahalili ko, tumigil lang doon

sa napakaikling panahon, pero nung umalis ay maraming naghatid, mas maraming luha, mas malaking banda gayong mas mabigat siyang magparusa at halos dinoble ang mga deretsos ng parokya. Ibarra: Pero ipahintulot niyo sa akin Padre Damaso: Dagdag pa, Beinte anyos ako tumigil sa bayan ng San Diego at may ilang buwan ko pa lamang iniwan. (Waring sumama ang loob) Ang beinte anyos, hindi maikakait sa akin ninuman, ay supisyente para makilala ang isang bayan. May seis mil kaluluwa ang Sang Diego, at kilala ko sila lahat na para bang ako ang nagsilang at nagpasuso. Alam ko kung ano ang masamang hilig ni ganito, kung ano ang sanhi ng paghihikahos ni ganoon, kung sino ang umiibig sa dalagang iyon, kung ano ang ikinasira ni ganito at kung sino, kung sino ang tunay na ama ng bata, at iba pa, dahil sa akin nagkukumpisal ang lahat. Nag- iingat silang huwag magkulang sa kanilang tungkulin. Si Santiago, ang may- ari ng bahay na ito, ang magsasabi sa iyo. Marami siyang lupain doon at doon kami naging magkaibigan. Makikita rin ninyo ang Indio. Nang umalis ako, walang naghatid sa akin kundi ilang matandang babae at ilang hermanos terceros, gayong tumigil ako doon nang beinte anyos! (Tutungga ng kopita) Ibarra: Pero hindi ko makita kung ano ang kinalaman niyan sa monopolyo sa tabako!

Padre Damaso: (Muntik mabitiwan ang kopita) Ano? Ano? Diyatat hindi niyo makita iyang maliwanag pa kaysa sinag ng araw? Hindi ba ninyo nakikita, anak ka ng Diyos, na malinaw na pruweba ang lahat na ito na hindi rasyonal ang mga repormang ginagawa ng mga ministro? Ibarra: Naniniwala ba kayo (habang nakatitig kay Padre Damaso)

Padre Damaso: Kung naniniwala ako? Gaya ng paniniwala ko sa ebanghelyo! Napakatamad na Indio! Ibarra: A, ipagpatawad ninyo ang paggambala ko sa inyo. (Hihinaan ang tinig at ilalapit ang silya) Bumigkas kayo ng pahayag na pumukaw sa aking kalooban. Tunay nga bang likas ang katamaran sa mga katutubo o ang nangyayari, gaya ng sabi ng isang banyagang manlalakbay, ginagamit lamang nating katwiran ang katamarag iyon para pagtakpan ang sa atin, ang ating pagkukulang at ang ating sistemang kolonyal? Binanggit niya ang ibang kolonya na may mga mamamayang katulad ng mga tagarito ang lipi

Padre Damaso: Ba! Mga inggit lang iyan! Itanong mo kay Senyor Laruja na nakakikilala rin sa bayang ito. Itanong ninyo kung may kapantay sa kamangmangan at katamaran ang Indio! Senyor Laruja: Totoo, saanmang parte ng mundo, hindi kayo makakikita ng mas tamad pa sa Indio, saanmang parte ng mundo!

Padre Damaso: Kahit ng mas mabisyo at mas inggrato! Senyor Laruja: Kahit ng mas mal- edukado! Ibarra: Mga ginoo, sa akala koy nasa bahay tayo ng isang Indio. Iyong mga binibini

Padre Damaso: Ba! Huwag kayong mag-alala! Hindi ikinokonsidera ni Santiago na isa siyang Indio, at saka, wala siya at kahit naririto siya! Mga katontohan yan ng mga bagong dating. Bayaan mong makaraan ang ilang buwan at magbabago ang palagay mo kapag nakadalo na sa maraming pista at bailuhan, kapag nakatulog na sa mga katre at kapag nakakain na ng maraming tinola. Ibarra: Iyan bang tinatawag ninyong tinola ang bunga ng isang uri ng loto na nagdudulot sa mga tao para maging malilimutin?

Padre Damaso: Hindi loto ni loterya! Lumilitaw tuloy ang inyong katangahan. Ang tinola ay gulay na manok at upo. Gaano katagal na ba kayo dumating? Ibarra: Apat na araw na.

Padre Damaso: Pumarito ba kayo para maging empleyado? Ibarra: Hindi senyor, naparito ako sa sariling gugol upang makilala ang bayang ito.

Padre Damaso: Aba, pambihira kang ibon! Naparito sa sariling gugol at para sa bagay na walang kabuluhan! Napakalaking kababalaghan! Napakarami ng libro kahit makitid ang noo mo marami ng sumulat diyan ng makakapal na libro! Kahit makitid ang noo mo Padre Sibyla: Sinabi ng Inyong Reberensya, Padre Damaso. Na dalawampung taon kayo sa bayan ng San Diego at iniwan niyo ito hindi ba nasiyahan ang Inyong Reberensiya sa bayan? Padre Damaso: Hindi! Padre Sibyla: Talagang lubhang masakit iwan ang isang bayang tinigilan ng dalawampung taon na tulad ng dami na suot. Ako, kahit paano, nalungkot din ako pag- alis sa Camiling, at ilang buwan lamang ako doon. Pero iniutos iyon ng mga nakatataas para sa kabutihan ng Komunidad at para sa kabutihan ko rin. Padre Damaso: (Nababalisa) May Relihiyon o wala. Sa tahas na sabi, may laya ang mga kura o wala! Napapahamak ang bayan, napahamak na! Nagulat ang lahat sa sala at napatingin sa pangkat. Senyor Laruja: (Bumulong kay Ibarra) Sumama ang loob dahil hindi ninyo tinawag ang

Inyong Reberensya! Padre Sibyla: Ano ang ibig sabihin ng Inyong Reberensya? Ano ang nagyayari sa inyo? Padre Damaso: Kaya dumarating ang napakaraming kalamidad! Tinatangkilik ng mga nasa gobyerno ang mga erehe laban sa mga ministro ng Diyos! Tenyente: Ano ang ibig ninyong sabihin?

Padre Damaso: Ano ang ibig kong sabihin? Sinasabi ko ang ibig kong sabihin! Ako, ibig kong sabihin na kapag ipinaalis ng isang kura sa kaniyang sementeryo ang bangkay ng isang erehe ay wala, kahit ang hariy walang karapatang makialam at lalo nang walang karapatang magparusa. Gasino pa ang isang heneralito, si Heneralito Kalamidad Tenyente: Padre, ang Kaniyang Kamahalan ang Vice Real Patrono!

Padre Damaso: Ano bang kamahalan, ano bang Vice Royal Patrono! Kung nangyari ito noon, kinaladkad na sana siya pababa ng hagdan gaya ng ginawa minsan ng mga Korporasyon sa lapastangang si Gobernador Bustamante. Yaon ang tunay na panahon ng Pananampalataya! Tenyente: Binabalaan ko kayo na hindi ko ipahihintulot kinakatawan ang Kaniyang Kataas- taasan ng Kaniyang Kamahal- mahalan, ang Hari!

Padre Damaso: Ano bang hari- hari! Para sa amin, walang ibang hari kundi ang lehitimo Tenyente: Tigil! Bawiin ninyo ang lahat ng inyong sinabi o bukas na bukas din ay ipagbibigay alam ko sa Kaniyang Kataas- taasan.

Padre Damaso: Sulong kayo, ngayon din, sulong kayo! Akala ba ninyo, dahil nakaabito akoy kulang ako? Sulong kayo, ipapahiram ko pa sa inyo ang karwahe ko! Padre Sibyla: Mga ginoo! Huwag ninyong gusutin ang ayos ng bagay- bagay at hanapan ng ikagagalit ang wala. Dapat nating pagbukurin sa mga salita ni Padre Damaso ang pangungusap ng isang tao at pangungusap ng isang pari. Iyong sa huli, samakatuwid per se ay hindi kailanman makakasakit dahil nagbubuhat sa ganap na katotohanan. Iyong sa taoy dapat lagyan pa ng isang pagbubukod: ab irato, ang sinasabi ex ore, ngunit hindi in corde. Itong panghuli lamang ang maaring makasakit at alinsunod pa sa mga pangyayari: kung in mente nat sadyang may motibo dili kayay naganap lamang per accidens dahil sa sigabo ng pagtatal, kung may Tenyente: Puwes, sa aking tingin, por accidens y por mi, batid ko ang mga motibo, Padre Sibyla! Batid ko ang mga motibo at pakilinaw nga ng Inyong Reberensiya kung ano sa mga iyon. Noong wala si Padre Damaso sa San Diego, ipinalibing ng

koadyutor ang bankay ng isang napakarangal na ginoo opo, napakarangal niya, maraming ulit ko siyang nakadaupang- palad at nagiging panauhin ako sa kanyang tahanan. Totoo nga, hindi siya nangumpisal kahit kalian, ngunit ano kung hindi? Hindi rin ako nangungumpisal. Ngunit ang sabihing nagpakamatay siya ay isang kasinungalingan, isang paninirang- puri. Ang isang taong tulad niya, na may isang anak na pinagbubuhusan ng pagmamahal at pag- asa, isang tao na may sampalataya sa Diyos, na nakakaunawa ng mga tungkulin niya sa lipunan, isang taong marangal at makatarungan, ay hindi magpapakamatay. Ito ang sinasabi ko, at hindi ko na sasabihin ang iba ko pang iniisip, at dapat ninyong ipagpasalamat sa akin Inyong Reberensiya (Nagpatuloy pagkatalikod kay Padre Damaso). Aba, ang kurang ito, nang bumalik sa bayang iyon, pagkatapos bugbugin ang pobreng koadyutor, ipinahukay ang bangkay at ipinalabas ng sementeryo para ilibing kung saan. Dahil sa pagkaduwag, hindi tumutol ang bayan ng San Diego. Kung sa bagay, totoo na iilan lamang ang nakakaalam, wala ni isang kamag- anak ang yumao, at nasa Europa ang bugtong niyang anak. Ngunit nakarating sa kaniyang Kataas- taasan ang lahat at dahil isang taong may pusong makatwiran ay humingi ng parusa at inilipat si Padre Damaso sa ibang mas mabuting bayan. Ito ang buong pangyayari.Ngayon, gawin ng Inyong Reberensya ang inyong mga pagbubukod (At pagkasabi nito, lumayo siya sa pangkat). Padre Sibyla: Ikinalulungkot kong masalang, nang di sinasadya, ang isang bagay na napakaselan. Pero kung sa duloy may nagiging pakinabang sa pagpapalit ng bayan Padre Damaso: Ano ang magiging pakinabang! At paano ang mga nawala dahil sa paglilipat ang mga papeles at ang mga at ang lahat ng mga nawaglit? Dumating ang ilan pang tao, kabilang sa kanila ang isang matandang Espanyol, pilay, may mukhang maamo at hindi nakaiinis, nakaalalay sa bisig ng isang matandang Filipina na kulot na kulot at makapal ang kolorete at nakabestidang Europeo. Malugod silang binati ng pangkat. Ibarra: Pero maari ba ninyong sabihin sa akin, Senyor Laruja, kung ano ang ugali ng may bahay? Hindi pa ako naipapakilala sa kanila.

Senyor Laruja: Ang sabiy umalis daw. Hindi ko pa rin sila nakikita. Padre Damaso: Ditoy hindi kinakailangan ng pagpapakila! Isang masunuring tao si Santiago. Senyor Laruja: Isang tao na hindi nakaimbento ng pulbura. Donya Victorina: Kayo naman, Senyor de Laruja! Paanong maiimbento ng pobre ang pulbura samantalang sinasabi na naimbento ito ng mga Tsino daan daang taon na ang nakalipas? Padre Damaso: Mga Tsino? Baliw ba kayo? Magtigil kayo! Inimbento iyon ng isang

Pransiskano, isa sa aking orden, si Padre Savalls yata ang ngalan noong siglo siyete!

Donya Victorina: Isang Pransiskano! Buweno, isang misyonero marahil sa Tsina ang Padre Savalls na iyon. Padre Sibyla: Baka Scwartz ang ibig ninyong sabihin, senyora. Donya Victorina: Ewan ko. Savalls ang sabi ni Padre Damaso. Inulit ko lamang ang sinabi niya. Padre Damaso: Siya na! Savalls o Chevas, ano ang pagkakaiba? Dahil sa isang letray hindi siya magiging Tsino! Padre Sibyla: At sa siglo katorse, hindi sa siyete. Padre Damaso: Buweno, isang siglong labis o isang siglong kulang, hindi pa rin magiging Dominiko. Padre Sibyla: Kayo naman, huwag kayong magalit Inyong Reberensya! Mainam na ngang inimbento niya. Sa gayon, nailigtas sa gawaing iyon ang kanyang mga kapatid. Donya Victorina: At sabi ninyo, padre Sibyla, na sa siglo katorse iyon? Bago o pagkaraan ni Kristo? Sa malaking tuwa ng tinanong, pumasok ang dalawang tao sa sala.

KABANATA III ANG HAPUNAN Salaysay: Halatang siyang- siya ang kalooban ni Padre Sibyla. Panatag na panatag siyang palakad- lakad at hindi lumilitaw ang panghahamak sa kaniyang timpi at manipis na mga labi. Nakikitungo siya kahit sa pilay na si Doktor de Espadaa, na paisaisang kataga kung sumagot dahil may pagkautal. Nakatatakot ang init ng ulo ng Pransiskano, sinisipa ang mga silyang nakahalang sa kaniyang pagdaan at nasiko tuloy ang isang kadete. Taimtim ang Tenyente; masiglang- masiglang nag- uusap ang iba at nagpupuri sa kasaganaan ng mesa. Umingos, tulad ng dapat asahan, si Donya Victorina, Ngunit biglang lumingong galit nag alit tulad ng isang natapakang ahas. At iyon nga ang nangyari, natuntungan ng tenyente ang kola ng kaniyang saya.

Donya Victorina: Pero, wala ba kayong mata? Tenyente: Mayroon, senyora, dalawang mas mabuti kaysa sa inyo; pero minamalas ko ang inyong kulot.

Wala sa loob na tinungo ng dalawang relihiyoso ang kabesera ng mesa. Padre Sibyla: Sa inyo nararapat, Padre Damaso! Padre Damaso: Sa inyo Padre Sibyla! Padre Sibyla: Kayo ang mas matagal nang kilala sa bahay na ito ang kumpesor ng yumaong maybahay may mas gulang, dangal at tungkulin Padre Damaso: Kung napakatanda gaya ng sabi mo, hindi! Sa kabilang dako, kayo ang kura ng karatig pook! Padre Sybila: Kung siya ninyong utos, siyang masusunod (Aakmang uupo). Padre Damaso: Hindi ko iniuutos, hindi ko iniuutos! Padre Sibyla: (Mauupo na sana si Padre Sibyla) Senyor Tenyente, nasa mundo tayo dito at wala sa simbahan. Para sa inyo ang upuang ito. Hindi naalala ang may- ari ng bahay ng sinuman sa nagkaagaw. Nakita ito ni Ibarra habang malugod at nakangiting minamasdan ang mga pangyayari. Ibarra: Bakit po, Don Santiago! Hindi ba ninyo kami sasaluhan?

Kapitan Tiago: (Pipigilan si Ibarra sa pagkakatayo sa upuan) Hintay kayo! Huwag kayong tumindig! Talagang iniukol ko ang piging na ito bilang pasalamat sa Mahal na Birhen dahil sa inyong pagdating. Hoy, dalhin dito ang tinola. Nagpaluto ako ukol sa inyo ng tinola, dahil matagal na marahil ninyong hindi natitikman. Isang malaking lalagyang umaaso ang ipinasok. Sinimulang ipamahagi ang nilalaman. Ngunit bunga marahil ng pagkalingat o ng ibang dahilan, napunta kay Padre Damaso ang pinggang sagana sa upo at sabaw at may nakalutang na isang hubad na leeg at isang makunat na pakpak ng inahin, samantalang mga hitat pitso ang kinakain ng iba, lalo na ni Ibarra na pinalad mapuntahan ng mga lamang- loob. Nakitang lahat iyon ng Pransiskano, dinurog ang mga piraso ng upo, hinigop ang kaunting sabaw, maingay na binitiwan ang kutsara, at padabog na itinulak ang pinggan. Nalilibang naman ang Dominiko sa pakikipag- usap kay Ibarra. Padre Sibyla: Ibarra: Padre Sibyla: Ibarra: Gaano kayo katagal sa bayang ito? Halos pitong taon. Kung gayon, baka nalimot na ninyo ito? Hindi po. Bagaman waring nalimot ako ng aking bayan, palagi itong nasa isip ko. Ano ang ibig ninyong sabihin? Ang ibig kong sabihin, may isang taon na akong hindi tumatanggap ng balita buhat dito, kaya pakiramdam koy isa akong dayuhan na hindi alam kung kalian at kung paanong namatay ang aking ama! Aha! At nasaan kayot hindi nakatelegrama? Noong ikakasal kami, tumelegrama kami sa Peinsula. Senyora, nitong huling dalawang taon ay nasa Hilagang Europa ako sa Alemanyat sa Polonyang Ruso. Nakinakilala ko sa Espanya ang isang Polako na taga VaVarsovia, nagngangalang Stadtnitzki, kung tama ang tanda ko, nagkapalad ba kayong makadaupang- palad siya? Marahil po, ngunit hindi ko na maalala sa sandaling ito.

Senyor Laruja: Ibarra:

Tenyente: Donya Victorina:

Ibarra:

Don Tiburcio:

Ibarra:

Don Tiburcio:

Puwes hindi siya maaring ipagipagkamali sa iba! Makinang na parang giginto ang kanyang buhok at napakasamang mag- Espanyol.

Ibarra:

Mabuting mga palatandaan, ngunit sa kasawiang palad, hindi ako nakapagsalita doon ng kahit isang salitang Espanyol maliban sa ilang konsulado.

Donya Victorina: (Humahanga) At paano kayo nakikipag- usap? Ibarra: Ginagamit ko ang wika ng bansa, Senyora.

Padre Sibyla: Nagsasalita rin ba kayo ng Ingles? Santaon ako sa Inglatera sa piling ng mga tao na Ingles lamang ang sinasalita. Ibarra: At aling bansa ang mas naibigan ninyo sa Europa?

Padre Sibyla: Kasunod ng Espanya, ang aking pangalawang Inang Bayan, alinmang bansa sa malayang Europa. Senyor Laruja: At kayo na tila lubhang nakapaglakbay ano ang nakita ninyong lalong katangi- tangi? Ibarra: Katangi- tangi, sa anong paraan?

Senyor Laruja: Halimbawa, tungkol sa buhay- buhay sa mga bayang iyon. Ang buhay panlipunan, panrelihiyon, sa lahat na, sa pinakadiwa, sa kabuuan Ibarra: Ipagtatapat ko, ang kahanga- hanga sa mga bayang iyon, pagkatapos iwaksi ang pambansang pagpapahalaga sa sarili ng bawat isa bago dumalaw sa isang bansa, sinisikap kong pag- aralan ang kasaysayan nito, ang Exodo nito kung masasabi ko ito, at pagkatapos itinuturing kong natural ang iba palagi kong nakikita na umaalinsunod ang kasaganaan o kahirapan ng mga bayan sang- ayon sa kanilang kalayaan o mga kaabalahan at kaagapay niyon sang- ayon sa pagpapakasakit o pagkamakasarili ng kanilang mga ninuno.

Padre Damaso: (Nangungutya) At wala ka nang mas nakita diyan? Sayang ang ginugol mong yaman para ganiyan lamang ang matutuhan. Alam iyan ng kahit sinong bata sa eskuwelahan! Napatingin sa kaniya si Ibarra at hindi maapuhap ang sasabihin. Gulilat ang iba, nagkatinginan at nangangambang magkagulo. Ibarra: Mga ginoo, huwag ninyong ipagtaka ang palagay na trato sa akin ng aming dating kura. Ganyan din ang trato niya sa akin noong musmos pa ako, sapagkat sa tingin ng Kanyang Reberensya ay walang saysay ang mga nagdaang taon. Ngunit nagpapasalamat ako sa kanila sapagkat tumingkad ngayon sa aking alaala ang

mga araw na malimit dumalaw ang Kaniyang Reberensya sa aming bahay at binibigyang dangal ang mesa ng aking ama. Panakaw na sumulyap si Padre Sibyla kay Padre Damaso na nagsimulang manginig. Nagpatuloy si Ibarra Ibarra: Ipaghintulot ninyo ang aking paglisan, ngunit kararating ko lamang at kailangan kong umalis bukas. Marami akong bagay na kailangang asikasuhin. Natapos na ang pinakamahalagang bahagi ng hapunan at hindi ako gaanong umiinom ng alak at halos hindi tumitikim ng likor. Mga ginoo, alang- alang sa ikabubuti ng Espanya at Filipinas! (Tinungga ang kopita at tahimik na sinundan siya ng Tenyente)

Kapitan Tiyago: Huwag kayong umalis! Darating na si Maria Clara; sinundo na siya ni Isabel. Paparito ang bagong kura ng inyong bayan, na isang santo. Ibarra: Paparito ako bukas bago umalis. May isang napakahalagang dalaw ngayon na dapat kong gawin. (At umalis)

Padre Damaso: Nakita na ninyo? Bunga iyan ng kapalaluan! Hindi makatiis na masabihan sila ng kura. Akala na nila mga dakilang tao na sila! Ito ang masamang bunga ng pagpapadala ng mga kabataan sa Europa. Kailangang ipagbawal ito ng gobyerno! Donya Victorina: At ang tenyente? Buong gabing nakakunot ang noo.Mabuti ngang iniwan tayo. Ang tanda tanda na, tenyente pa lang! Salaysay: Sa gabing iyon, isinulat ng binatang mapula ang buhok bukod sa ibang bagay ang sumusunod na kabanata sa kanyang Estudio Coloniales Kung paano nakasira sa kasayahan ng isang piging ang isang leeg at isang pakpak ng manok sa samplatong tinola ng isang prayle. Sa Filipinas, pinakawalang kabuluhan sa isang hapunan o pista ang may handa. Mangyayaring palayasin ang may bahay at matiwasay na magpatuloy ang lahat. Sa kasalukuyang kalagayan ng bagay- bagay sa Filipinas, halos ikabubuti ng mga Filipino na pagbawalan silang umalis ng kanilang bayan at huwag silang turuang bumasa

Ibarra:

KABANATA VI SI KAPITAN TIAGO Salaysay: Itinuturing siyang isa sa mga ulo ng yamang propyetaryo sa Binondo at isa sa mga tinitingalang asendero dahil sa kaniyang mga lupain sa Pampanga at Laguna de Bay, lalo na sa bayan ng San Diego, na tumataas taun- taon ang buwis o upa. Paborito niyang bayan ang San Diego dahil sa mga nakalulugod na paliguan, bantog na sabungan, at dahil sa mga iniingatang alaala. Maraming ari- arian si Kapitan Tiyago. Siya at isang Tsino ang mayhawak ng kontrata sa opyo, at hindi na kailangang sabihin na napakalaki ng nakukuha nilang pakinabang. Hindi mapag- aalinlanganan, halos tiyak na kasundo niya ang Diyos. Hindi kailanman dumulog si Kapitan Tiyago sa Kaniya sa kanyang mga dalanginan, kahit panahon ng kanyang malalaking kagipitan. Mariwasa siya at ginto niya ang nagdarasal para sa kaniya. Wala ring alinlangan bagamat mahirap paniwalaan na kasundo siya ng pamahalaan. May nakahanda siyang orchestra sa lahat ng sandali upang bumati o manapatan sa lahat ng gobernador, alkalde, piskal at iba pa. Kayat inaari siyang mabuting tao ng mga Maykapangyarihan, isang taong biniyayaan ng pinakamabuting loob, mapayapa, mapagkumbaba, masunurin, mapagbigay at hindi nagbabasa ng anumang libro o peryodiko mula sa Espanya gayong mahusay magsalita ng Espanyol. Ganoon si Kapitan Tiago sa panahong iyon. Tungkol naman sa kanyang nakaraan Bugtong na anak siya ng isang mag- aasukal sa Malabon, na may sapat na yaman ngunit napakakuripot kaya ayaw gumugol kahit sangkusing ukol sa pag- aaral ng anak. Dahil dito, naging utusan si Santiaguillo ng isang mabuting Dominiko, napakabuting tao na nagsikap ituro sa kanya ang lahat ng kaya at alam na kabutihan. Natapos ang kaniyang pag- aaral. Ikinasal siya sa isang magandang dalagang taga- Sta. Cruz na tumulong sa kaniya sa pagpapayaman at nagtaas sa kanyang katayuang panlipunan. Walang naging tagapagmana ang unang anim na taon ng kanilang pagsasama sa kabila ng pangyayaring balingkinitan si Donya Pia, malusog at mainam ang kiyas. Walang bisa ang ginawang nobena. Walang bisa ang lahat, hanggat ipayo ni Padre Damaso na magtungo sa Obando, doon sumayaw sa pista ni San Pascual Bailon at humingi ng isang anak na lalaki.

Salaysay:

Salaysay:

Salaysay:

Salaysay:

Salaysay:

Salaysay:

Salaysay:

Salaysay:

Salamat sa matalinong payo ni Padre Damaso. Naglaho kay Donya Pia ang saya, naging napakamalungkutin at hindi na siya nakita pang ngumiti. Isang lagnat ng kapapanganak ang tumapos sa kaniyang mga kalungkutan; naiwang ulila ang isang magandang sanggol na kinarga ni Padre Damaso habang binibinyagan. Sapagkat hindi ibinigay ni San Pascual ang hinihinging batang lalaki, pinangalanan itong Maria Clara alang- alang sa Birhen ng Salambaw na si Santa Clara. Lumaki ang bata sa pangangalaga ni Tiya Isabel. Pinakagiliw ng lahat, lumaki si Maria Clara sa layaw ng mga ngitit pagmamahal. Sa mga bayang mainit ang panahon, naging dalaga si Maria Clara. Sa panahong iyon ng pagbabanyuhay, tigib sa hiwagat pangarap, ipinasok siya, sa payo ng kura sa Binondo, sa Beaterio de Sta. Catalina upang tumanggap sa mga mongha ng mahigpit na edukasyong pampapanampalataya. Luhaan siyang nagpaalam kay Padre Damaso at sa tanging kaibigan at kalaro sa kaniyang kabataan, kay Crisostomo Ibarra, na kasunod niyang lumisan patungong Europa. Ang pangyayaring ito na naganap ilang taon pagkaalis ng binatang si Crisostomo Ibarra ay magkasinlugod na tinanggap ng dalawang pusong nasa magkabilang dulo ng daigdig at nasa lubhang magkaibang kalagayan.

Salaysay: Salaysay: Salaysay:

Salaysay:

KABANATA XV MGA SAKRISTAN Salaysay: Maikli ang patlang ng dumadagundong na mga kulog, nagkakasapin- sapin at pinangungunahan ang bawat pagkulog ng nakahihindik na zigzag ng kidlat. Bumubuhos ang ulan at sa hagupit ng hanging kalunos- lunos na humuhuni.

Nakaupo ang magkapatid sa isang putol ng kahoy, kapwa may tangang lubid na nakasabit ang mga dulo sa ikatlong palapag sa ituktok sa piling ng mga anino. Basilio: Crispin: Batakin mo ang lubid mo, Crispin! Ay! Kung nasa bahay sana tayo ngayon, kapiling ni ina! Doon hindi ako matatakot. Doon, walang magsasabing magnanakaw ako. Hindi iyon papayagan ni ina. Kung alam lang niyang pinapalo ako Lagi bang ganito ang buhay natin, Kuya? Sana magkasakit ako bukas sa bahay. Gusto kong magkasakit nang matagal upang alagaan ako ni ina at hindi pabalikin sa kumbento. Upang hindi na ako tatawaging magnanakaw, hindi na papaluin! At ikaw naman, Kuya, dapat kang magkasakit kasabay ko. Basilio: Hindi maari. Mamatay tayong lahat. Mamamatay si ina sa lungkot at tayo sa gutom. Magkanong kikitain mo sa buwang ito? Dalawang piso. Pinatawan ako ng tatlong multa. Bayaran mo ang sinabi nilang ninakaw ko. Upang hindi tayo tawaging magnanakaw. Bayaran mo, Kuya! Loko ka ba, Crispin? Walang makakain si ina. Ang sabi ng sakristan mayor ay dalawang onsa ang ninakaw mo, at tatlumput dalawang piso ang halaga ng dalawang onsa. Anim na kamay at dalawang daliri! At piso bawat daliri at sa bawat piso ilang kuwarto? Isang daan at animnapu. Isang daan at animnapung kuwarto? Isang daan at animnapung ulit ang isang kuwarto? Naku po! Ilang daan ba ang isang daan at animnapu?

Crispin: Basilio: Crispin:

Basilio:

Crispin:

Basilio: Crispin:

Basilio:

Tatlumput dalawang kamay. Tatlumput dalawang kamay! Anim na kamay at dalawang daliri, at bawat daliriy tatlumput dalawang kamay at bawat daliriy isang kuwarto Naku po, napakaraming kuwarto! Hindi ko iyon mabibilang sa tatlong araw at mabibili ng tsinelas at sombrero kung mainit ang araw at isang malaking payong pag umuulan, at mga damit ukol sa iyot kay ina, at (Nagmuni- muni) Ngayon, nagsisisi akot hindi ko ninakaw! Crispin! Huwag kang magagalit. Sabi ng kura, papatayin nila ako sa palo pag hindi lumitaw ang salapi. Kung ninakaw ko iyon, malilitaw ko at kung mamamatay ako, magkaroon man lang kayo ng damit, ikaw at si ina. Sana ninakaw ko na! (Bumuntong hininga) Natatakot akong baka magalit si ina sa iyo pag nalaman niya. Iyon ba ang akala mo? Sabihin mong pinalo na ako nang katakot- takot. Ipapakita ko ang aking mga pasa at ang punit kong bulsikot. Wala ako kahit ano bukod sa isang kuwarto na bigay sa akin noong Pasko ng Pagkabuhay. At kinuha ng kura kahapon. Hindi pa ako nakakakita ng isang kuwarto na ganoon kaganda. Hindi maniniwala si ina! Hindi maniniwala si ina! Kung sabihin ng kura (Umiiyak) Kung ganoon, umuwi kang mag- isa. Ayokong umuwi. Sabihin mo kay ina na may sakit ako. Ayokong umuwi. Huwag kang umiyak, Crispin. Hindi maniniwala si ina. Huwag kang umiyak. Sabi ni Tandang Tasyo, may naghihintay sa ating masarap na hapunan. (Itinaas ang ulo at tumingin kay Basilio) Masarap na hapunan! Hindi pa ako nanananghali. Ayaw nila akong pakainin hanggat di lumilitaw ang dalawang onsa ngunit kung maniwala si ina? Sabihin mong nagsisinungaling ang sakristan mayor. At gayundin ang kura na naniwala sa kaniya. Lahat sila, nagsisinungaling. Sinasabi lang nila na magnanakaw tayo dahil mabisyo si ama

Crispin:

Basilio: Crispin:

Basilio:

Crispin:

Basilio: Crispin:

Basilio:

Crispin:

Subalit biglang lumitaw ang isang ulo mula sa puno ng maliit na hagdan pababa. Isang ulong pahaba, payat, mahaba ang maitim na buhok, mays alaming asul na ikukubli ang isang matang pisak. Iyon ang sakristan mayor na laging gayon lumitaw, walang ingay, walang babala. Sakristan Mayor: Ikaw, Basilio, minumultahan kita ng dalawang real dahil wala sa kumpas ang tugtog mo! At ikaw, Crispin, dito ka sa gabing ito hanggat di lumilitaw ang iyong ninakaw.

Tumingin si Crispin sa kapatid, mistulang nagpapaampon. Basilio: May pahintulot po kami hinihintay po kami ni ina sa alas- otso.

Sakristan Mayor: Hindi ka makakauwi ng alas- otso. Hanggang alas- diyes ka! Basilio: Ngunit bawal na pong lumabas sa alas- nuwebe at malayo po ang aming bahay.

Sakristan Mayor: At ibig mo yata akong utusan? Basilio: Huwag po! May sanlinggo na po kaming hindi nakikita ang aming ina!

Tinabig ng sakristan mayor ang kamay ni Basilio at hinatak si Crispin na nag-iiyak at naglupasay habang isinasamo sa kapatid Crispin: Huwag mo akong iwan, papatayin nila ako!

Ngunit hindi siya pinansin ng sakristan. Kinaladkad siya nitong pababa ng hagdan at naglaho sila sa karimlan. Nang sumapit siya sa koro, matamang nakinig, mabilis na lumalayo ang tinig ng kaniyang bunsong kapatid, ang sigaw: Ina! Kuya! At ganap na naglaho nang puminid ang pinto. Pinagdugtong ni Basilio ang mga lubid, ibinuhol ang isang dulo sa isang tukod ng barandilya at nakalimutang patayin ang ilaw nang magpadausdos sa gitna ng karimlan. Salaysay: Paglipas ng ilang sandali, sa isang lansangan ng bayan, may narinig na mga tinig at umalingawngaw ang dalawang putok. Gayunman, walang sinumang nabagabag at nanumbalik ang katahimikan.

KABANATA XVII BASILIO Bahagya lamang nakapasok si Basilio at sumuray itong pabagsak sa bisig ng ina. Subalit napasigaw ang ina nang makita ang dugong dumadaloy sa noo ng bata. Sisa: Basilio: Sisa: Mga anak ko! Wala kang sukat ikatakot, Ina! Naiwan sa kumbento si Crispin. Sa kumbento? Naiwan sa kumbento? Buhay? (Niyakap si Basilio at umiyak) Aaa! Buhay si Crispin! Iniwan mo siya sa kumbento at bakit ka may sugat, anak? Nadapa ka ba? Nang dalhin ng sakristan mayor si Crispin, alas- diyes sabi niya ako makaaalis. Dahil gabi na, tumakas ako. Sa bayan, sinigawan ako ng mga sundalo na quien vive, kaya tumakbo ako. Pinaputukan ako at dumaplis ang isang bala sa aking noo. Natakot akong hulihin at paglinisin sa kuwartel habang pinapalo, gaya ng ginawa kay Pablo, na may sakit pa hanggang ngayon. (Nanginginig) Diyos ko, Diyos ko, iniligtas mo po siya! (Habang umaapuhap ng panyo, tubig, suka at isang malaking balahibo ng tagak) Isang dali na lang at napatay ka nila! Napatay sana nila ang anak ko! Hindi iniisip ng mga guwardiya sibil ang mga ina! Sabihin ninyong nahulog ako sa isang puno. Walang dapat makaalam na hinabol ako. Bakit naiwan si Crispin? (Tumitig sa ina) Hindi siya pinayagang makauwi ngayong gabi dahil napagbintangan siyang nagnakaw ng dalawang onsa at hindi makakauwi hanggat hindi naibabalik ang ninakaw na dalawang onsa. Ang mabait kong anak na si Crispin! Binintangan ang aking mabait na Crispin! Dahil mahirap kami at kailangang tiisin naming mga mahihirap ang lahat! (Panandaliang katahimikan) Naghapunan ka na ba? Hindi? May kanin at tuyo. Wala po akong gana. Tubig, tubig lang po ang ibig ko. Oo! Alam kong ayaw mo ng tuyo. Ipinaghanda kita ng iba, ngunit umuwi ang iyong ama. Kawawang anak ko!

Basilio:

Sisa:

Basilio:

Sisa: Basilio:

Sisa:

Basilio: Sisa:

Basilio: Sisa:

Umuwi po si ama? Umuwi at maraming itinanong tungkol sa inyo. Nais sana niyang makita kayo. Saka gutom na gutom. Sinabing kung patuloy kayong magbabait ay babalik siyang muli sa atin. Aaa! (Sumimangot) Anak! Patawad po, Ina! Hindi po ba higit na mabuting tayong tatlo lamang, kayo, si Crispin, at ako? Ngunit umiiyak kayo. Kalimutan ninyo ang aking sinabi. (Bumuntong hininga) Ayaw mo bang maghapunan? Kung gayon, matulog na tayo dahil gabi na.

Basilio: Sisa: Basilio:

Sisa:

Nagsara ng kubo si Sisa at tinabunan ng abo ang ilang buhay pang baga at nanalangin si Basilio at nahiga sa tabi ng inang nagdarasal nang nakaluhod. Nakita niya ang isang silid na may dalawang nakasinding kandila. Hawak ang pamalong yantok, matamang nakikinig ang kura sa sakristan mayor, na nagpapaliwanag sa isang wikang banyaga kasabay ang katakut- takot na kumpas. Nanginginig si Crispin at umiiyak na palingalinga sa lahat ng dako, waring may hinahanap na kung sino o isang mapagtataguan. Binalingan ito ng kura at yamot na tinanong. At humaginit ng yantok. Tumakbo ang bata upang magkanlong sa likuran ng sakristan ngunit sinunggaban siya nito, pinigilan at iniharap sa galit ng kura. Nagpumiglas ang kulang- palad, nagtatadyak, nagsisigaw, naglupasay. At gumulong, bumangon, tumakbo; nadulas, nalugmok at sinalag ang mga palo sa pamamagitan ng mga kamay na sugatan na maliksing itinatago kapag tinamaan, pumapalaw. Nakita ni Basilio na namimilipit ang kapatid, iniuuntog ang ulo sa sahig. Nakita niyat narinig na humaginit ang yantok! Walang pag- asang bumangon ang kaniyang bunsong kapatid. Saka baliw sa sakit na dinadaluhong ang kaniyang mga berdugot kinagat ang kura sa kamay. Napahiyaw ito, nabitiwan ang yantok. Ngunit kumuha ng baston ang sakristan mayor at pinalo sa ulo ang bata na bumagsak na walang- malay. Nang makita ng kura ang sariling sugat, tinadyakan ang bata. Subalit hindi na ito nagtanggol, hindi na sumigaw; sa halip, gumulong ito sa sahig na parang tiniban at nag- iwan ng mamasa- masang bakas. Ibinalik si Basilio ng tinig ni Sisa sa ating daigdig Sisa: Basilio: Ano ang dinaramdam mo? Bakit ka umiiyak? Nanaginip ako! Diyos ko! Isang panaginip lamang iyon. Sabihin ninyo, ina, isa lamang iyong panaginip. Isa lamang panaginip! Anong napanaginipan mo?

Sisa:

Basilio: Sisa: Basilio:

Isang panaginip, isang panaginip! Ikuwento mo sa akin ang napanaginip mo. Hindi ako makakatulog! Opo, napanaginip ko pong namumulot tayo ng uhay sa isang bukid na maraming bulaklak. May bakol ang mga babae na tigib sa uhay. May bakol din ang mga lalaki na tigib sa uhay at ang mga bata rin hindi ko na po maalala, ina. Hindi ko na maalala ang iba Ina may naisip po akong balak ngayong gabi. Anong balak? Ayoko na pong magsakristan. Bakit naman? Pakinggan po ninyo, Ina, ang naisip ko. Dumating po ngayon buhat sa Espanya ang anak ng yumaong Don Rafael na marahil kasimbuti rin ng kanyang ama. Kung kaya, Ina, kunin po ninyo si Crispin bukas,hingin ninyo ang sahod ko, at sabihin ninyong hindi na ako magsasakristan. Paggaling na paggaling ko, pupuntahan ko po si Don Crisostomo. Makikiusap ako na tanggapin nila ako bilang pastol ng mga baka o kalabaw. Malaki na po ako. Mag- aaral si Crispin sa bahay ni Tandang Tasyo, na hindi namamalo at mabait kahit na hindi naniniwala sa kaniya ang kura. Ano nga ba ang dapat nating ikatakot sa Padre? Maari pa ba nila tayong gawing higit na mahirap kaysa kalagayan natin ngayon? Maniwala kayo, Ina, mabait ang matanda. Madalas ko siyang Makita sa simbahan kapag walang tao, lumuluhod, nananalangin. Maniwala kayo. Kaya, Ina, iiwan ko na po ang pagsasakristan. Kaunti lang ang kita at nauubos lang sa mga multa. Idinadaing ito ng lahat. Magpapastol ako. Pag inalagaan kong mabuti ang ipinagkatiwala sa akin, mapapamahal ako sa may- ari. Baka payagan tayong gatasan ang isang baka para makainom tayo ng gatas. Gustong- gusto ni Crispin ang gatas! Sino ang makapagsasabi? Baka bigyan tayo ng isang guya pag nakitang mabait ako.Aalagaan natin at patatabain tulad ng ating inahin. Mangunguha ako sa bundok ng mga prutas at ipagbibili ko sa bayan kasama ng mga gulay sa ating taniman. At sa gayon, magkasalapi tayo, maghahanda ako ng pansilot pambitag ng mga ibon at alamid. Mangingisda ako sa ilog, at paglaki ko pa, mangangaso ako. Maari din akong mamutol ng kahoy upang ipagbili o ibigay sa may- ari ng mga baka at sa gayon masisiyahan siya sa atin. Pag makapagaararo na ako, makikiusap ako sa kanilang ipagkatiwala sa akin ang isang putol ng lupa upang tamnan ng tubo o mais at hindi na ninyo kailangang manahi hanggang hatinggabi. Magkakaroon tayo ng bagong damit tuwing pista, kakain tayo ng karnet malalaking isda.Samantala, mabubuhay akong malaya, magkikita tayo araw- araw at kakaing magkakasama. At dahil sabi ni Tandang Tasyo, matalino si Crispin, pag- aaralin natin siya sa Maynila. Magtatrabaho ako upang tustusan siya.Ang ganda po, Ina? At magiging doktor siya. Ano po sa palagay ninyo? Ano ang masasabi ko kundi oo! (Niyakap ang anak)

Sisa: Basilio: Sisa: Basilio:

Sisa:

-WAKAS-

You might also like