Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

DAPAT BANG IPATUPAD ANG K12 O HINDI?

Lakandiwa: Magandang umaga mga kamag-aral! Ako po'y nagagalak makaharap kayo Isang makabuluhang pagtatalo ating matutunghayan Pagtatalong pwedeng magbigay liwanag sa ating bayan Noong umupo bilang bagong pinuno, bilang isang pangulo Ang napakasikat at napakadilaw na Noynoy Aquino Sari-saring batikos binato sa kanya Batikos na sadyang minulat ang ating isip at mga mata Ang K12 policy ating paksa Paksang ukol sa edukasyon ng ating bansa Ang high school raw ay dadagdagan ng dalawang taon Ang K naman ay para sa Kinder Institutionalization Mambibigkas 1: Isa munang paglilinaw bago po magkagulo ang lahat Ang K12 project ay

plataporma na tungo sa pagbabago Pagbabago para sa ating bansang nangangailangan Upang edukasyon ng Pilipinas ay malinang Mambibigkas 2: Sa usapan ng K12, tutol ako Sapagkat ang programang ito'y sadyang Hindi ang tanging solusyon Para sa edukasyon Mambibigkas 1: Ang edukasyon ay para sa lahat Ito'y kanilang tutuparin ng tapat Bibigyan pangarap ang bawat Pilipinong bata Para sa kinabukasang walang problema Mambibigkas 2: Ako po'y lumaki ng hindi mayaman at hindi rin mahirap Tatay ko lamang ang may trabaho at kita niya'y sapat! Pagdadagdagan pa ng dalawang taon Naku! Tuition fee ko! Paghihirap nila madadagdagan pa! Ang K12 ay magastos sa parte ng gobyerno at mas

lalo na sa parte ng pamilya ko! Mambibigkas 1: Ang proyektong ito'y para sa ikabubuti ng bansa Batay sa pag-aaral, lagpak ang 'Pinas sa Matematika at Siyensya Dahil kulang sa pagsasanay at aplikasyon mga guro Kailangan iangat ang Pilipinas! Oo! Iangat natin 'to! Mambibigkas 2: Ang K12 mo ba ang kayang rumesolba sa problema sa kakulangan ng libro, silid, upuan at eskwelahan? Ano nga ba ang problema, kung bakit sistema ng edukasyon natin sabogsabog na? Korupsyon ang dahilan wala ng iba! Korupsyon dahilan sa kasakiman at sa katakawan sa kapangyarihan! Lakandiwa: At dito ko na po pinuputol ang pagtatalong ito Kayo na lamang po ang humusga Kung dapat bang ipatupad ang K12 policy o hindi? Iyon lamang po at maraming salamat!!

You might also like