Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

KATAMARAN

(NI: JERICHO CHARMAINE G. REYES)

I. Panimula at Layunin Kaibigan, ikaw ba si Juan Tamad? Sino nga ba sa atin ang walang bahid ng katamaran sa ating mga katawan? Ngunit naiintindihan ba talaga natin kung anu ang katamaran? Tama bang sabihing maling maging tamad kung hindi natin ito naintindihan? Puno masama ba ang idinudulot nito? At anu ba ang mga positibong resulta nito kung mayroon man? Isinulat ko ang papel na ito upang makilatis kung ano nga ba ang katamaran. Ang sanhi at ang epekto nito sa buhay natin. Nakikita kong mahalagang malaman natin kung anu nga ba ang katamaran, ito ba ay sakit ng lipunang kayang magamot? II. Depinisyon Sa aking nabasa mula sa internet, ang katamaran daw ay ang pag-ayaw kumilos o gumawa ng isang bagay kahit na may kakayahang gawin ito. Ito ay pagtakas sa gawain at hirap; paglapit o paghahanap ng libreng oras. Ito ay resulta ng pagbibigay tuon sa pansamantalang ginhawa ngayon kaysa sa masamang epekto nito sa kinabukasan. Ngunit kahit may ganito itong depinisyon, mayroon pa ring ibat-ibang pananaw sa katamaran. Ayon kay Leonard Carmichael "laziness is not a word that appears in the table of contents of most technical books on psychology. Hindi makikita ang salitang katamaran sa karamihan ng libro sa sikolohiya. Mapapansin rin nating mas maraming psychologist ang nakakaintindi sa motibasyon kaysa katamaran. Sa bibliya, ang katamaran ay kabilang sa pitong pangunahing kasalanan o seven capital sins. Kapantay nito ang iba pang pangunahing kasalanan na: pride o kapalaluan, lust o kahalayan, gluttony o katakawan, anger o kapootan, greed o kasakiman, at envy o kainggitan. Ang kadahilanang nasama rito ang katamaran ay dahil sa ang katamaran ang nagdudulot ng kahirapan. Sa mga hayop naman, normal lang daw na ituon nila ang oras nila sa pagpapahinga pagkatapos nilang mapunan ang kinakailangan nila sa bawat oras. Kailangan nilang maging tamad upang makapagipon ng lakas sa iba pa nilang kailangang gawin para mabuhay. Marami sa kanila ang naghahangad din sa kaginhawahang binibigay ng katamaran tulad natin. Ang

katamaran ay bahagi at kailangan nila para mabuhay. Tila ba ipinapakita nitong normal lang ang paghahangad ng ginhawang binibigay ng katamaran. III. Kasaysayan ng Tamad na Pilipino Ang mga dayuhan, partikular ang mga kastila, ang unang nagbansag ng pagiging tamad ng mga pilipino. Likas raw na tamad ang mga pilipino at ayaw nilang magtrabaho. Ngunit dalidali ay pinagtanggol tayo ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal. Pinabulaanan niya sa artikulo ng La Solidaridad na The Indolence of the Filipinos. Ayon kay Rizal, ang siyesta at iba pang sinasabing senyal ng katamaran ay dumedepende lamang sa sitwasyon. Giit niya: hindi kalikasan ng mga Pinoy ang pagiging tamad. Paliwanag ni Rizal, bago pa man dumaong ng mga Espanyol sa Pilipinas ay laging abala ang mga Pilipino para sa kanilang pagkakabuhayan. Bigay-diin ng martir ng Bagumbayan: ang tunay na dahilan kung bakit naging tamad ang mga Pilipino ay dahil na rin sa pang-aabuso, diskriminasyon, at korapsyon ng mga pinuno ng Simbahan at ng Pamahalaan. Ngayon, sa sitwasyon nga ba kung bakit nagiging tamad ang mga pilipino? O sadyang tamad nga lang si Juan. IV. Sanhi ng Katamaran Sabi nga ni Rizal, ang katamaran ay dumedepende sa sitwasyon. Ngunit kung susuriin ng maigi, makikita nating may tatlong pangunahing sanhi ng katamaran. Ang mga ito ay: ang kawalan ng lakas o enerhiya, kawalan ng motibasyon at ang pakiramdam na wala rin namang patutunguhan ang bagay na iyong ginagawa. Natural lang naman na kapag pagod tayo o pakiramdam natin ay wala tayong lakas ay tamarin tayo. Natural lang naman na maubusan ng lakas ang isang tao. Hindi naman isang makena ang tao na hindi napapagod. Kung ang kalabaw nga napapagod, ang tao pa kaya. Kapag nasasaisip ng isang tao na pagod siya, hindi na niya ninanais na kumilos at ito ay nagdudulot ng katamaran. Kawalan ng motibasyon ang isa pang sanhi ng katamaran. Katulad ng aming natutunan sa aming kursong edukasyon, kapag ang isang bata ay kulang sa motibasyon, hindi niya nanaising

mag-aral. Ganito din ang kahit anu pa mang gawain, kung walang motibasyong gawin ang isang bagay, ito ay nakakatamad gawin. Ayon nga sa kasabihan, madadala mo ang isang kabayo sa lawa ngunit hindi mo ito mapipilit na uminom. At ang huli, ang pakiramdam o pag-iisip na walang patutunguhan ang ginagawang bagay. Ito ay kadikit din ng motibasyon. Kung hindi mo makita ang halaga ng isang bagay, hindi mo ito nanaisin. Parang sa trabaho, kung hindi mo nakikita ang halaga ng isang gawain, nakakatamad itong gawin. Marami pang maaring sanhi ang katamaran at ang tatlo lamang na ito ang ilalahad ko sa inyo. Dahil sa mga ito, kitang-kita ang resulta ng mga sanhing ito; katamaran. V. Masasamang Epekto ng Katamaran Matapos ang sanhi, upang mas maintindihan natin ng mas malalim ang katamaran, marapat lang na alamin nating ang mga epekto nito. Uunahin ko na ang mga masasamang epekto sapagkat mas marami tayong alam sa masamang epekto nito at mas nauunawan natin ito, na ang katamaran ay kasamaan. Ang isa sa pinakaunang epekto ay ang dahilan ng pagkakalagay ng katamaran sa pangunahing kasalanan na; kapag inayawan nating gumawa, mamamatay tayo. Kapag hindi tayo gumalaw, hindi tayo magkakatrabaho, hindi tayo kakain. Katamaran ang dahilan ng kahirapan. Ang mga taong tamad ay nangungutang imbis na mag trabaho. Sila ay nagiging alipin hindi tulad ng mga masipag na tao. Ang tamad ay hindi nais mag-aral. Kung hindi ka mag-aral, walang kinabukasan, walang pagkaing mailalagay sa hapag. Ang kamangmangan ang isang resulta ng katamaran. Madaming syentipikong pag-aaral na masama sa kalusugan ang katamaran. Ang hindi pagkilos at paggalaw ay nagdudulot ng ibat ibang sakit. Ilan lang sa mga nakamamatay na sakit na idinulot nito ayon sa ilang pag-aaral ay anxiety, depression, diabetes, colon cancer, obesity at kidney stines. Kakulangan sa ehersisyo ay isang resulta ng katamaran na nagdudulot ng mga sakit na ito.

Pinipigil ng katamaran ang kakayahang ilabas ang pinaka-best natin. Nagiging wala tayong silbi sa sarili at ibang tao habang pinapatay natin ang sarili na tin ng dahan-dahan. Isinasawalam bahala natin ang mahahalagang bagay para sa pahinga. VI. Mabuting Epekto ng Katamaran Pagkatapos naman ng masasama ay sa mabuti naman ako magtutuon ng pansin. Sa dami at lupit ng mga masasamang epekto, nangunguna na dyan ang kamatayan, may mabuti nga bang matutulong sa atin ang katamaran? Sa depinisyon ng katamaran, pagtakas sa gawain at hirap. Hindi bat ito naman ang nais nating marating, ang kaginhawahan. Maaring maging senyales ng tagumpay ang pagiging tamad. At kung iisipin din naman natin, anu ba ang pinakamasarap na trabaho? Iyon yung trabahong halos walang ginagawa, di ba? Nabasa ko sa isang blog, sa obserbasyon ng nagsulat, karamihan daw sa matatalinong tao ay tamad. Dahil sa pag-iwas nila sa trabaho ay nagagamit nila ang kanilang malikhaing utak. Ilan sa patunay nito ay ang pagsulpot ng mga teknolohiya upang mas mapadali ang ating mga buhay, upang maging tamad. Ang isa sa pinakamahalagang punto ng positibong katamaran ay ang paggawa ng kaunti ng may malaking balik. Kung sa ingles nga ay efficiency. Mas mabilis magawa at mas magaan sa pakiramdam kung may ibang gagawa nito para sa atin tulad ng ginagawa ng mga manager o ang pagsandal natin sa makabagong teknolohiya. Katulad din naman ng katamaran ay may masamang epekto rin ang kasipagan sa kalusugan. Ang sobrang kasipagan ay nagdudulot ng stress. Maari ka ring mawalan ng panahon sa iba pang mas importanteng mga bagay. Ang pahinga na binibigay ng katamaran ay maaaring masolusyonan ang mga sakit na ito. Kapag napapagod at nahihirapan na ang tao, dapat lang silang maging tamad. Ang taong walang ginagawa ay mas kayang makapag-isip ng maigi. Kapag tayo rin ay nag-iisap at walang gingawa, mas napapalago natin ang intrapersonal nating talino at mas nakikilala natin ang ating sarili. Una sa lahat, ang kalagayan ng sarili ang pinakamahalaga.

VII. Paglalagom Tunay naman ngang masarap maging tamad. Ninanais ko ring wala nang gawin o mabuhay ng matiwasay ng may galak at hindi punu hirap. Sa aking palagay, wala naman masama rito kung ito ay para lamang sa pahinga at hindi nito nasisira ang kilos at pagpapagalaw ko sa buhay ko. Ibat-iba man ang pananaw, alam kong magkakasundo tayo na ang lahat ng sobra ay bawal. Tulad ng sobrang trabaho kaya kailangan nating maging tamad paminsanminsan. Ngunit sa lahat ng katamaran, sana sa katamaran na lang nang paggawa ng kasamaan ang ating pagibayuhin. Nainiwala rin ako na ang katamaran ay isang kasalanan. Kasalanan sa diyos, sa kapwa at sa sarili. Dapat pa ring pagtuonan ang paglago ng sarili at pagkilos sa ikabubuti ng lahat. Tayo lang naman ang makakakilos para sa sarili natin, kaya dapat huwag nating bigyan ng puwang ang katamaran sa buhay natin.

You might also like