Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Filipino

Pagsunod sa maikling panuto Isang mahalagang kasanayan at katangian na dapat mong matutuhan. Mahalaga upang maiwasa ang anumang pagkakamali at maging madali ang paggawa ng mga bagay-bagay. Mga paraan sa pagsunod sa panuto: Ihanda ang tainga, mata at isip sa pakikinig o pagbasa ng panuto. Isa-isang intindihin at unawain ang mga panutong napakinggan o nabasa. Gawin nang maingat ang mga panutong nabasa o narinig.

Gamit ng Malaking Titik Ginagamit ang malaking titik sa sumusunod: Sa simula ng pangungusap o panuto Halimbawa: Ang mundo ay bilog Gumuhit ka ng isang bilog Sa tiyak na pangalan ng tao, lugar at gamit Halimbawa: Jose (tiyak na ngalan ng tao) Pilipinas (tiyak na ngalan ng lugar) Adidas (tiyak na ngalan ng sapatos) Sa pamagat ng aklat o kuwento. Halimbawa: Pluma: Wika at Pagbasa (pamagat ng aklat) Isang Pangyayari sa Buhay ng Batang si Jose

Tamang Paraan ng Pagpapakilala ng Matanda sa Bata: Unang banggitin ang pangalan ng mas matanda at ipakilala sa kanya ang mas bata. Ang ganito ay nagpapakita ng respeto sa mas naktatanda Gumamit ng magagalang na salita sa pagpapakilala/ Ipakita ang tuwa o saya sa pagpapakilala.

Ang at Ang Mga Ito ay mga pananda sa pangngalan

o Ang ang ay ginagamit kapag ang pinag-uusapan ay isang pangngalan lamang. Halimbawa: Ang tatay Ang Pilipinas o Ang ang mga ay ginagamit kapag ang pinag-uusapan ay dalawa o mahigit pang pangngalan. Halimbawa: Ang mga kaibigan Ang mga bansa

Si at Sina Ang si ay ginagamit kapag ang pinag-uusapan ay isang tiyak na ngalan ng tao o Halimbawa: o Si Kapitan o Si Dinagat Ang sina ay ginagamit kapag ang pinag-uusapan ay dalawa o higit pang tiyak na ngalan ng tao. o Halimbawa: o Sina Kaulap at Lidagat o Sina Kalibutan, Kiaraw, Kibuwan at Kitao

Paraan ng Pagtulong at Pakikiramay sa Kapwa: Pananalangin para sa mga taong may problema o nabiktima Pagbibigay ng anumang makakayanang tulong Pakikinig sa problema ng kapwa Pagbibigay ng mga payo o mga salitang nakapagpapagaan ng kalooban

Panghalip Panao Ay mga salitang ginagamit pamalit sa isang ngalan ng taong ayaw nang ulit-ulitin pa upang maging kanais-nais pakinggan or basahin ang isang pahayag. Ang mga ito ay Ako, Ikaw, Siya, Kami, Tayo, Kayo at Sila Ginagamit ang ako bilang pamalit sa pangalan ng isang taong nagsasalita. o Halimbawa: Ako ay mabait Ginagamit ang ikaw bilang pamalit sa pangalan ng isang taong kinakausap o Halimbawa: Ikaw ba ay matulungin din? Ginagamit ang siya bilang pamalit sa pangalang ng isang taong pinag-uusapan o Halimbawa: Siya ay matulungin kagaya natin. Ginagamit ang kami bilang pamalit sa pangalan ng taong nagsasalita at ng kanyan mga kasama

o Halimbawa: Kami ay masayang magkakaibigan Ginagamit ang tayo bilang pamalit sa pangalang ng nagsasalita at ng kanyang mga kasama at kausap o Halimbawa: Tayo ay maging palabati sa ating kapwa. Ginagamit ang kayo bilang pamalit sa pangalan ng dalawang tao o higit pa na kinakausap o Halimbawa: Lahat kayo ay magandang ngumiti Ginagamit ang sila bilang pamalit sa pangalan ng dalawa o higit pang tao na pinag-uusapan o Halimbawa: Sila ang mga bago kong kaibigan.

SAMPLE TEST: I. Basahin ang kwento at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

Umuwi ng Aguinaldo, Batangas ang mag-anak nila Varic. Sila ay pumunta doon upang makiramay at makilibing sa kanilang lola Aurora. Tatlong oras ang biyahe papunta roon. Nang sila ay makarating sa bahay ng kanilang lola Aurora, sila ay saglit na nagdasal, nagmano sa mga tiyahin, tiyuhin, lolo at lola. Pagkatapos noon ay nakipaglaro na sila sa kanilang mga pinsan. 1. Saan nagpunta ang mag-anak nila Twic? __________ a. Pampanga b. Batangas c. Bulacan 2. Ano ang ginawa nila doon? _____________ a. Nakiramay at nakilibing b. nagbakasyon 3. Ilang oras ang biyahe papunta doon? __________ a. Pito b. dalawa c. tatlo d. lima 4. Ano ang ginawa nilang una pagdating nila sa bahay ng kanilang lola Aurora? _______ a. Naglaro b. kumain c. nagmano d. nagdasal saglit 5. Kanino sila nakipaglaro? _______ a. Tiyuhin b. pinsan c. lolo d. Bohol

c. nagbenta

d. tiyahin

II. 1. 2. 3. 4. 5.

Gawin ang mga sumusunod na panuto: Gumawa ng malaking parihaba. Gumawa ng bilog sa bandang kaliwa ng parihaba. Gumawa ng puso sa bandang kanan ng parihaba. Gumawa ng parisukat sa gitna ng parihaba. Isulat ang buong pangalan sa taas na bahagi ng parihaba.

III.

Isulat ng tama ang mga salita sa pamamagitan ng paggamit ng malaking titik 1. anika tierney encarnacion - __________________________________ 2. isaac newton 3. lakbay ng lahing pilipino 4. melissa encarnacion 5. cebu 6. japan 7. mercury drug 8. nike 9. elijah varic encarnacion 10. enero - __________________________________ - __________________________________ - __________________________________ - __________________________________ - __________________________________ - __________________________________ - __________________________________ - __________________________________ - __________________________________

IV.

Kumpletuhin ang mga pangungusap sa pamamagitan ng paglalagay ng tamang panandang ang o ang mga sa patlang. 1. _____________ tatay ay masipag at matiyaga. 2. Sumakay ng eroplano ___________________ pasahero. 3. _______________ batang nawawala ay umiiyak. 4. Pinapakain ni Nanay ___________________ anak. 5. Ipinadala ni tita Xenchie ________________ isang balikbayan box. 6. ___________________ laruan ay padala ng kanyang tatay. 7. __________________ bahay naming ay maliit lamang 8. Tatlo ang cell phone sa bahay. ______________________ ito ay ginagamit pantawag naming sa isat isa. 9. _____________________ pinsan ko ay sina Johann, Vera, Kimi at Kit.

10. Si Kimi ay maraming alagan pusa. _____________________ ito ay malalambing at mababait.

V.

Lagyan ng masayang mukha kung tama ang gamit ng Si at Sina at malungkot na mukha kung hindi: ________ 1. Sina Nanay Gina at Tatay Leo ay mabubuting magulang. ________ 2. Tinanong ko si Patricia tungkol sa kanila. ________ 3. Sina Josephine ay matalinong anak. ________ 4. Tinanong ko rin sina Vince at Harvey tungkol sa pokemon. ________ 5. Binigyan si Richard at Lance ng medalya para sa kanilang magandang ugali. ________ 6. Tuwang-tuwa si Lolo Senyong at Lola Nora sa kanila. ________ 7. Si Lolo Ogie ay Masaya para sa kanila. ________ 8. Sina Nanay Maring ay magaling mag-alaga ng mga anak. ________ 9. Si Lola Mila ay tuwang-tuwa sa katalinuhan ng mga apo. ________10. Mahusay magdisiplina sina Tatay Tonyo sa lahat. ________11. Masayahin si Fely. ________12. Lagi nyang kausap sina Melba at Maria. ________13. Malimit ban yang sinusulatan sina Bea? ________14. Tinatawag niya sa teleponmo sina Naty. ________15. Natutuwa sa kanya si Ginoo at Ginang Alba.

VI.

Isulat ang si o sina sa patlang upang mabuo ang pangungusap. 1. ____________ Lolo Senyong at Lola Leonora ay may tatlong apo. 2. Magagalang at matutulunging bata ____________ Yani, Sec at Thirdy. 3. Responsible sa kanyang trabaho _____________ Tatay Ruben.

4. ____________ Nanay Lhynn nman ay magaling mag-alaga ng mga anak. 5. Mababait at malulusog ang mga alaga nilang ______________ Milky, Pocket at Kukoo. . Lagyan ng tsek ang wastong pamalit sa salita o mga salitang may salungguhit 1. Anika ang pangalan ko. (Ako, Ikaw, Siya) ay nasa Nursery. 2. Halika rito, Tanya. (Ako, Ikaw, Siya) ang tumabi sa akin. 3. Kilala ko si Alvin. (Ako, Ikaw, Siya) ay masunuring bata. 4. Mara, (ako, ikaw, siya) pala ang bago kong kamag-aral. Kamusta ka? 5. Ang nanay ay may sakit. (Ako, Ikaw, Siya) ay aalagaan ko. 6. (Ako, Ikaw) ba ay maraming kaibigan? 7. (Ako, Ikaw, Siya) ay tutulad sa aking magulang. 8. (Ako, Ikaw, Siya) na lang ang tumulong sa aking gumawa ng takdangaralin. 9. Halika, Emily. Oo, (ako, ikaw, siya) ang tinatawag ko. 10. Bata pa lamang ay matulungin na (ako, ikaw, siya).

VII.

VIII.

Palitang ng Ako, Ikaw at Siya ang salit o mga salitang may salungguhit. Isulat ang sagot sa patlang. __________1. Marcel, sasama ka bas a kanya? __________2. Masarap magluto si Aling Carla. __________3. Ang pangalan ko ay si Marian. __________4. Si Dr. Jose Rizal an gating pambansang bayani. __________5. Aba, Sean! Kamusta ka na?

IX.

Bilugan ang pamalit sa ngalan ng taong ginamit sa pangungusap. 1. Pumunta tayo sa parke. 2. Kami ay pupunta rin. 3. Nakisama na rin silang pumunta. 4. Sasama rin ba tayo? 5. May nakilala kaming bagong kaibigan. 6. Sila ay bagong lipat dito. 7. May gagawin pa ba kayo? 8. Kayo naman ang dumalaw rito. 9. Mabilis tayong magiging magkaibigan niyan. 10. Nagkakaisa kami para sa isang masayang samahan.

X.

Isulat sa patlang kung ako, ikaw, siya, kami, tayo, kayo, at sila ang angkop na pamalit upang makompleto ang mga pahayag sa ibaba. 1. __________ pala ay masipag na bata, Rey. 2. Marami na akong nagawa. __________ nina Arnel at Kevin ang tatapos nito. 3. Ako at ang aking mga kaibigan ay gumawa ng kard para kay Yaya. __________ ay buong pusong nagpapasalamat sa kanya. 4. Walang dapat maiwan kahit ako. Lahat _____________ ay dapat sumunod kay Nanay. 5. May bago akong kaibigan. Grace ang pangalan nya. ________________ ay mabuting tao. 6. Sina Judy at Ryan ay laging magkasama. ___________ ay nagging matlik na magkaibigan.

7. __________, Jose, may kasama ka bang kaibigan? 8. Tama ang Ate at Kuya. __________ ang susundin ko. 9. Rayne ang pangalan ko. ____________ ay isang mabuting anak. 10. Sina Rose Anne at Gina ay mapagbigay. Kaya ______________ ay maraming kaibigan.

You might also like