Senator TG Guingona - Opening - Poll Fraud

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

SENATOR

TG GUINGONA Opening Statement Poll Fraud Probe Tuesday, October 18 Magandang umaga sa inyong lahat. Technically, ito ang unang araw ng ating imbestigasyon sa bintang na nagkaroon ng malawak na dayaan sa eleksiyon sa pagka-pangulo ng bansa nuong taong 2004. Ito ay resulta ng pagbubunyag ng isang naging pasahero ng second-hand helicopters ng PNP sa katauhan ng dating Sharia court judge Nagamura Moner. At sa araw na ito, kahit na malayo pa ang araw ng todos los santos, parang gusto ko nang sabihin na kailangang maniwala tayo sa mga ghosts o multo. Ang tinutukoy ko, ang ghosts of the past o ang mga multo ng nakalipas. Totoo pala: ang isang pagkakamali ay laging nagbubunga ng mga multo. Laging babalik ang mga ito mula sa libingan. Hindi matatahimik kahit kalian. Ito po ang goal o layunin ng imbestigasyon ng ating Blue Ribbon Committee sa akusasyon ng dayaan sa 2004 elections. Una, tukuyin ang mga pamamaraang ginamit sa sinasabing dayaan. Pangalawa, kilalanin ang mga taong may pananagutan sa dayaang iyon. Pangatlo, tingnan kung kailangang gumawa ng dagdag na batas o kung dapat ayusin ang mga umiiral nang batas para hindi na mangyari ang ganuong dayaan. Layunin din nating papanagutin ang mga taong sangkot sa panloloko sa bayan. At sana, pagkatapos nating gawin ang lahat ng ito, tuluyan na nating mailibing ang mga multo ng 2004 elections. Makipagtulungan po tayong lahat sa imbestigasyong ito. Ilabas natin ang katotohanan. Huwag nating takpan. Huwag nating pigilan. Kung hindi tayo magtatagumpay dito, siguradong patuloy tayong mumultuhin ng dayaan sa 2004 elections sa darating pang mga panahon. Kasama natin sa umagang ito ang mga sumusunod [enumerate guests and resource persons.] -o0o-

You might also like