Ang Alamat NG Palay

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

Ang Alamat ng Palay

Noong unang panahon ang mga tao ay walang palay. Ang kanilang kinakain ay gulay, bungangkahoy, isda, at mga hayop. Sila ay nangangaso sa gubat at nangunguha ng bungang-kahoy sa parang. Sila ay maligaya roon. Nawala na ang mga hayop sa gubat at iilan na lamang ang mga bungang-kahoy. Ang mga tao ay nalungkot. Ang mga lalaki ay nangaso sa bundok. Sila'y pagod na pagod at gutom na gutom. Sila'y nagpapahinga ng dumating ang magagandang dalaga. Ang mga ito ay engkantada pala. Sila ay makapangyarihan subalit magagalang. Ang mga mngangaso ay kinumbida ng mga engkantada. Sila'y nagpunta sa yungib. Dito ay napakarami pala ang engkantada. Sila'y may reyna. Sila'y nagsaya noon, nag-awitan, at nagsayaw. Nagkaroon ng kainan. Nakita ng mga mangangaso ang malalaking tagayan. Ang mga ito ay punong-puno ng pagkain na puting-puti. Noon lamang sila nakakita ng putting pagkain. Matapos ang kainan at ang mga lalaki ay nagging bata. Sila ay kumakas. Sila'y pinainom ng puting alak at sila'y at nagging matalino. Gusto ng umuwi ng mangangaso. Ang reyna ay nagsalita, " Kayo'y bibigyan ko ng butil. Ito'y itanim ninyo sa tag-ulan. Alam kong kayo ay mabubuti kaya iyan ay sisibol. Iyan ay mamumunga. Aanihin ninyo ang bunga." "Ang mga butil na inani ay bayuhin at linisin. Ang butil ay magiging bigas. Ito ay lutuin. Iyan ang inyong pagkain. Iyan ang kaloob ko sa mga tao. Hala, umuwi na kayo." Sumunod sa bilin ang mga tao. Ang bigas na niluto ang kauna-unahang kanin sa daigdig.

Ang Alamat ng Dalagang-Bukid

Noong unang panahon ay may tatlong dalagang magkakapatid na pawang nag-gagandahan. Ang kanilang mga kanayon ay lubhang nagtataka kung bakit mamula-mula ang kutis nga magkakapatid at manilaw-nilaw naman ang mahahaba nilang buhok, gayong mula pagkabata ay katulong na sila sa mga gawaing bukid ng kanilang ama na si Ramon.

ANG DASALAN NI BELEN


ni Lamberto B. Cabual

NAKATAWAG ng pansin ko ang isang babaeng palakad-lakad at pabalik-balik na para bang may hinahanap sa ikalawang palapag ng SM sa Pallocan West, Batangas City. Nilapitan ko siya. Alright ka ba? Hindi e, nalaglag ang wallet ko. Sa lugar bang ito nalaglag? tanong ko. Patuloy siya ng paglakad-lakad, Oo, kasi, hawak-hawak ko pa kanina nang nasa escalator ako. Tiyak kong dito lang.

Tumulong ako sa paghahanap. Sumulyap siya sa akin. Sa isang sulok na malapit sa escalator, natagpuan ko ang wallet. Pinulot ko iyon, Ito ba ang hinahanap mo? Bigla ang pagbadha ng tuwa sa kanyang mukha. Yan nga! San mo nakita? Dyan sa malapit sa escalator. O, heto, ingatan mo at hawakan mong mabuti, baka malaglag na naman. Napayakap siya sa akin, Naku, maraming salamat! Wala yon. Sige, ingat ka lang. Papaalis na ako ngunit hinawakan nya ako sa braso. Teka muna. Nakita kong kumuha siya sa wallet ng pera. Tanggapin mo ito. Hwag na lang, itago mo na yan. Hindi niya ako napilit na kunin ang pera. Talagang matindi ang pagtanggi ko. Kung ayaw mong tanggapin ito, baka naman puedeng samahan mo akong kumain. Mag-aalauna na rin e. Magtatanghalian ako. Sige na, please! Sa pakiusap niyay napahinuhod ako at natagpuan ko ang aking sariling kasama niya sa Max Restaurant ng Mall. Siya ang umorder ng pananghalian. Butit tinulungan mo ako at ikaw ang nakatagpo ng aking wallet. Kung hindi, baka nakita ng iba at hindi na napabalik sa akin. Importante ba ang laman? Napakahalaga, nandito kasi lahat ang aking mga access at credit card. Narito rin ang mga resident at email address ng karamihan sa mga kaibigan ko. Nang maidulot na ng waiter ang pagkain patuloy kami ng pag-uusap habang kumakain. Napansin nya ang madalas kong pagbulos ng kaldereta. Mukhang paborito mo yan. Order pa ako ng isa.

A, tama na ito. Inuubos ko nga lang e. Ang totoo, talagang gutom na ako noon. Marami ang kinain ko at nang makatapos kaming kumain, busug na busog ako, at nagliwanag ang isip kopati ang aking mga mata. Noon ko napagwaring maganda pala ang tinulungan ko na nag-anyaya sa akin ng pananghalian. Noon ko nakitang may nangungusap siyang mga mata kung nagsasalita, may hugis-pusong mukha na tila masasalamin ang isang anghel, may matangos na ilong na bumagay sa maninipis na labiat may ngiting nakahahalinapagkatamis-tamis. Naramdaman ko ang paghangang nagpapitlag sa aking puso at nagkainteres tuloy akong makilala siya. Ako muna ang nagpakilala. Matapos kong sabihin ang ngalan ko at ang iba pang bagay tungkol sa akin, nagpakilala naman siya. Si Belen akoBelen Ledesma. Singer ka siguro. Bat mo nasabi iyan? Kaapilyedo mo si Kuh Ledesma e, kamag-anak mo ba siya? A, hindi, wala akong relasyon doon, saka hindi ako singer. Kumakanta rin ako, pero kung nasa banyo lang. Sintonado pa nga e. Napangiti ako at iniba ko ang usapan. Gusto ko kasing alamin kung may boy friend na siya. Baka makita tayo rito ng boy friend mo at magselos siya. A, wala ako nyan, nakangiti siya, walang magkamali e. Lumawig pa ang aming usapan, at napagkasunduan naming maging magkaibigan. May ibibigay ako sa yo. Ano yon? tanong ko. May kinuha siya sa kanyang shoulder bag, Itohuwag mong tatanggihan, dahil pag tumanggi ka, babawiin ko ang pakikipagkaibigan sa yo. Okay, tatanggapin ko, takot akong mawalan ng kaibigan.

Iniabot niya sa akin ang isang dasalan. Gagamitin mo yan, ha? Pag ginamit mo yan maaalaala mo ako. Mapitagan kong tinanggap ang munting aklat, Thank you, umasa kang gagamiting ko ito. Sabi ko, dadalawin ko siya sa kanila. Pumayag siya. Ibinigay rin niya sa akin ang kanyang address. Kinamayan ko siya at hinagkan sa pisngi bago kami naghiwalay. NANG nasa bahay na ako, sanhi ng pananabik, binuklat ko ang bigay na dasalan ni Belen. Binasa ko ang mga pahina at kinagiliwan ang nilalaman niyon. Nasa dasalang ito ang mahahalagang bagay na dapat malaman ng isang Kristiyano. Noong una pa man ay may ideya na ako sa mga simpleng bagay at kaisipang dapat malaman ng tao tungkol sa Diyos. Relihiyoso ang mga magulang ko at pinalaki nila akong isang mabuting Katoliko. Lay minister si Daddy sa Parokya ng Santisima Trinidad, ang bagong gusaling simbahan na hindi kalayuan sa aming tahanan. Ngunit sa dasalang bigay ni Belen, higit na naging malinaw sa akin ang kahalagahan ng sakripisyo ng misa. Na ang misa ay isang binalangkas na pagdiriwang. Na ang bawat bahagi nito ay bumubuo ng magkakaugnay na pagpupuri at pag-aalay sa Diyos. Umantig sa akin ang malalim nitong kahulugan, mula sa pambungad na pagsisising humihingi ng awa ng Panginoon, sa pakikinig ng mga Salita ng Diyos, sa Liturhiya ng Eukaristiya, sa paghahandog ng ating sarili at ng pagtanggap sa Panginoon, hanggang sa katapusan na nagsusugo sa ating isabuhay ang ating pagiging Kristiyano. Nabasa ko rin sa dasalan ang tungkol sa pangungumpisal sa Pari. Tila bugtong itong umukilkil sa aking isipan. Sa isip-isip ko, bakit ba kailangang mangumpisal sa Pari, at hindi tuwirang mangumpisal sa Diyos? Dahil sa si Daddy ay makatigil-tigil na sa simbahan, nagba-Bible Study at sumasama sa mga Ispiritwal na mga pagpupulong, kinausap ko siya. Baka ka ko siya ang makasasagot sa bugtong na nasa isip ko. Ikuwento ko muna sa kanya ang pagtatagpo namin ni Belen Ledesma at ang pagbibigay nito sa akin ng isang dasalan na tila ba may hiwagang nagtutulak sa akin upang mag-usisa. Mukhang tinamaan ka yata sa dalagang yon a. kumindat siya, baka naman hindi ang laman ng dasalan ang bumabalisa sa iyo, kung hindi siya. Dad, pareho pong bumabalisa sa akin, pagtatapat ko, si Belen at ang bigay niyang dasalan. A, palagay koy in-love ka na nga, may tonong birong wika niya, gusto mo bang magtanong ng

epektibong paraan ng panliligaw? Hindi po, Dad, sagot ko, nasa edad na po ako para magkaroon ng sariling diskarte. O, eanong gusto mong malaman? Tungkol po sa Sakramento ng Pagkukumpisal. Sige, magtanong ka, anak. Bakit po kailangang mangumpisal sa Pari, nakatingin ako sa isang pahina ng dasalan, gayong pwede namang mangumpisal nang direkta sa Diyos? Ang pagpapatawad sa mga kasalanan ay hindi isang simpleng proseso, sumeryoso ang mukha ni Dad. Ang pagpapatawad ay dumaraan sa dalawang mahahalagang hakbang. Ano pong mga hakbang yon? Una, ang kapatawaran sa lupa na ipinagkakaloob ng mga apostol batay sa iniwang tungkulin ng Panginoong Hesukristo sa mga ito. Mataman akong nakikinig. At ikalawa, ang kapatawaran sa langit na makakamit lamang kung nakamtan na ang kapatawarang ipinagkaloob ng mga apostol, huminga siya nang malalim. Sa simpleng pag-aanalisa, ang kapatawaran ay kinakailangan munang matanggap dito sa lupa bago makatanggap ng kapatawaran sa langit. Sino po ba ang mga apostol? nakatingin ako kay Dad. At bakit tayo lamang pong mga Katoliko ang nangungumpisal sa Pari, na tao ring katulad natin? Ang tinutukoy kong mga apostol ay ang Papa, mga Obispo at mga Pari. Bakit po naman natin sila itinuturing na mga apostol ni Kristo? Romana Iglesia Katolika lamang ang tanging relihiyon sa buong mundo na may pamunuan na nagmula sa mga unang apostol ng Panginoong Hesukristo, paliwanag ni Dad. Mula kay San Pedro na itinuturing na unang Papa ng Simbahan, malinaw na matutunton mula sa mga aklat ng kasaysayan ng Iglesia ang mga sumunod pang mga Papa. Gayundin naman ang mga Obispo at mga Pari ay kasama sa pamunuang nabanggit. Gayon po ba, Dad, pahiwatig kong nagsisikap na maunawaan siya. Oo, anak , ipinatong niya ang kamay niya sa balikat ko. Samakatuwid, kung ang mga gawain at

awtoridad ng mga apostol ay naisalin sa mga sumunod pang mga pinuno ng Simbahang Katoliko, malinaw na masasabing kasama sa mga tungkuling ito ang tagubilin ni Kristong magpatawad ng kasalanan. Dad, salamat po sa paliwanag nyo. Halata marahil ng aking ama na may mga tanong pa ring nagtitining sa aking isipan. Ang lubusang pagkaunawa ng mga bagay ng Diyos ay nagmumula sa puso at sa tibay ng pananalig, aniya. Ipauunawa sa iyo ng Panginoon sa takdang panahon ang mga banal na kaisipang hindi mo pa gaanong maunawaan ngayon! ARAW ng Sabado. Aywan ko kung bakit may kung anong kapangyarihang nag-uutos na magsimba ako nang araw na iyon. Nagbihis ako at nagpasiyang sumimba. Taglay ko ang lumang dasalang galing kay Belen at ginamit ko ito sa pakikiisa sa sakripisyo ng misa. Taimtim akong nanalangin. Nang dumating na sa bahagi ng Bidding Prayer, at sabihin ng namumunong manalangin ng pansariling kahilingan, naalala ko si Belen. Pangalagaan mo po, Diyos ko, si Belen. Mula po nang magkakilala kamiy hindi na siya nawalay sa isipan ko. Pagindapatin mo po sana ako sa kanyang pakikipagkaibigan sa akin. Aywan ko po, Panginoon, ngunit dama ko pong umiibig ako sa kanya. Kung magkatugon po ang aming mga damdamin, makaaasa po kayong magkasama kaming maglilingkod sa inyo. Sa pagkukumonyon, hindi ako makapaniwala nang makita kong kasama sa mga nakapila roon ang dalagang di mapawi sa puso kosi Belen. Nagsimba rin pala siya. Nang makapangumunyon, marahan akong bumalik sa luhuran. Naramdaman kong lumapit siya at doon din lumuhod. Nang matapos ang misa, nag-usap kami. Nandito ka na ba nang magsimula ang misa? tanong ko. Oo, nasa pangatlong upuan ako sa gawing likuran mo. Magkasama kaming lumabas ng simbahan. Belen, di ba sabi ko sa iyo noon, papasyal ako sa inyo? Alam ko. Pwede bang mamayang gabi kita pasyalan?

Sige, kung gusto mo. Bukas ang tahanan namin para sa lahat. Mamayang gabi darating ako, ha? Hihintayin kita. Kinagabihan dinalaw ko si Belen sa kanilang tahanan. Ipinakilala niya sa akin ang kanyang mga magulang at mga kapatid. Kay babait nila at kay huhusay tumanggap ng panauhin. Yong pangako mo sa aking lagi mong gagamitin ang dasalang bigay ko sa yo, aasahan ko, ha? may lambing na wika ni Belen nang kami na lamang ang nag-uusap. Pangako, Belen, lagi kong gagamitin iyon. Namayani ang katahimikan sa aming dalawa. May sasabihin ka ba? binasag niya ang katahikang iyon. Alam kong magkaibigan tayo kaya gusto mo akong pasyalan. May mahalagang bagay ka bang sadya sa akin? Sa loob-loob ko, tila nababasa ni Belen ang damdamin ko. Hindi muna ako nakapagsalita. Subalit makalipas ang ilang saglit ay binuo ko sa aking sarili ang pasiyang ipagtapat ang damdaming nararamdaman ko para sa kanya. Belen, hwag mo sanang ikagagalit, mahina datapwat matatag ang tinig ko, mula nang magkakilala tayoy hindi ka na nawaglit sa isip ko. Bakit naman? Mahal na mahal kitapinakaiibigat nais kong ikaw ang maging katuwang ko sa buhay sa habang panahon. Tiyak mo ba ang damdamin mo? Oo, handa akong ibigin ka habang buhay, minasdan ko ang kanyang mga mata, at kung katugon ng damdamin mo ang damdaming kong itohanda kitang pakasalan. Maraming salamat sa pagtatapat mo at sa pag-uukol mo sa akin ng ganyang damdamin ngunit Ngunit ano? Mayroon na akong kompromiso sa PanginoonNakatakda na akong maging alagad niyanakatakda

na akong maging isang madre. Natigilan ako sa kanyang sinabi, humulagpos sa dibdib ko ang isang malalim na buntunghiningaat gumilid ang luha sa aking mga mata. Hwag mong ipagdamdam ang sinabi ko, hinawakan ni Belen ang aking kamay. Ayaw kong makitang nalulungkot ka! Nang magpaalam akoy inihatid niya ako sa tarangkahan ng kanilang tahanan. Bye, Belen, may panglaw sa boses ko. Hangad ko ang tagumpay mo sa tungkuling nais mong gawin. Hindi siya sumagot. Nakatungo siya. Inihakbang ko ang aking paa na patungo sa kotse ko. Subalit pinigil niya akobiglang niyakapat sa dibdib koy umiyak siya nang umiyak. Niyapos ko rin siya nang mahigpit. Yanig ang balikat niya at dinig ko ang mahina niyang paghikbi, Alam mo bamahal na mahal din kita! Hindi ko napigilang hagkan siyasa noosa pisngiat sa huli naghinang ang aming mga labi. Luhaan ang aming mga matahumihingal kami kapuwa. Nang magbalik sa katinuan, nagulumihanan kamihindi makakibolitung-litoat hindi malaman ang gagawin. Naisip ko ang bigay na dasalan ni Belen. At nanariwa sa diwa ko ang huling sinabi ni Dad nang mag-usap kami. Ipauunawa sa iyo ng Panginoon sa takdang panahon ang mga banal na kaisipang hindi mo pa gaanong maunawaan ngayon!

MAYO AT DISYEMBRE
ni Lamberto B. Cabual

MAHUSAY ang pagkasulat mo nitong iyong essay tungkol sa pag-ibig, Bheng, may paghangang puna ni Leo sa matalino at maganda niyang estudyante. Journalism o creative writing ang naghihintay sa iyong kinabukasan." Pumalakpak sa papuri ang buong klase. Tumunog ang bell at nagmamadaling nagsilabas ang mga magaaral na nasa silid-aralan, liban kay Bheng. Sir, salamat sa papuri mo. Pinagbuti ko iyan para sa iyo. Ikaw, Sir, ang inspirasyon ko sa pagsulat. Talaga, tila wala na akong ituturo sa iyo tungkol sa pagsusulat sa tema ng Pag-ibig.

Theory lamang iyan, Sir, gusto kong ituro mo sa akin ang application.

Miminsan ko lang naranasan iyon sa aking misis. Wala akong maraming karanasan tungkol doon. Titser ka, maaaring turuan mong muli ang iyong puso. Natuturuan ba ang puso? Siyempre naman, ngiti ni Bheng habang nakatitig ang malamlam na mata kay Leo. Mas alam mo yan, Sir, dahil guro ka. Sa parteng iyan e tila magaling ka kaysa akin. Kung gusto mo, Sir, e, ituturo kong lahat sa iyo ang nalalaman ko sa paksang iyan. Sige nga, bigyan mo ako ng lecture sa ganyang topic. Doon tayo sa Plaza Mabini, Sir. Sasabihin ko sa iyo ang lahat. Okey.

MAGKASAMANG nagtungo sa liwasan ang matalisik na guro at ang brain and beauty na estudyante. Sa unay masayang-masaya ang pag-uusap nila. Pinag-usapan nila ang ibat ibang kahulugan ng pagibig. Ang pakahulugan ni Balagtas sa temang ito sa walang kamatayang Florante at Laura, O, pagsintalng labis ang kapangyarihan, sampung mag-aamay iyong nasasaklaw Ang pananaludtod ni Huseng Batute, Ang Pag-ibig ay may mata, ang Pag-ibig ay di bulag, ang marunong na umibig, bawat sugat ay bulaklak! at ang sinabi ni Apostol Pablo sa kanyang sulat sa mga taga-Conrinto, Matiyaga ang pag-ibig at may kagandahang-loob, hindi ito naninibugho, nagmamapuri o nagmamataas Anupat masiglang-masigla ang kanilang makabuluhang pag-uusap. Ang bawat isa sa kanilay naghanay ng magagandang opinion tungkol sa paksang matamang pinag-uusapan. Ngunit sa dakong huliy may sinabi ang dalagang labis na ikinagulat ng guro. What? tarantang napatingin si Leo kay Bheng, anong pinagsasabi mo? Nasisiraan ka na ba ng ulo? marahan subalit may tatag na bulalas ni Leo habang minamalas ang tila hugis-pusong mukha ng dalaga. Inaaninaw niya sa kislap ng mga mata ni Bheng ang katotohanan ng ipinagtapat nito.

Matipid at may bahagyang pait ang ngiting sumilay sa maninipis na labi ng binibining estudyante bago nagsilita. "Kung pagkasira ng ulo ang pakahulugan mo roon, ay Oonasisiraan ako ng bait nang dahil sa iyo," may katiyakang sagot ni Bheng habang minamalas ang maamong mukha ng kausap na guro. Tumanaw sa malayo, nakakunot ang noo at seryosong-seryoso ang mukha, ipinakita ni Leo sa dalaga ang tibay ng kalooban sa kanyang mga pahayag. Sorry, Sir, nangilid ang luha ng dalagang estudyante. Yon talaga ang aking nararamdaman. Naiintidihan mo ba ang sinasabi mo? mabalasik na tanong ng guro. Sir, alam ko ang aking ginagawa at sinasabi. Isang malaking kahibangan! Hindi, Sir, nakatungo si Bheng, basta ang alam koy mahal kita! Tumigil ka sa kabaliwan mo! pinandilatan ng guro ang magandang mag-aaral niya. Sir, hwag mo akong kagalitan, hilam na sa luha ang mga mata ni Bheng. Umiibig ako, at nagkataong ikaw ang itinitibok ng puso ko.

MALAKI ang agwat ng edad nina Leo at Bheng. Mag-aapatnapung taon na ang guro samantalang ang mag-aaral niya ay labing-anim na taon pa lamang. Kumbaga sa santaon, ang dalagay buwan pa lamang ng Mayo, buwan ng pamumukadkad ng bulaklak, at ng paglulunti ng paligid sa pagpatak ng ulan. Subalit kahimat buko pa lamang kumbaga sa bulaklak si Bheng, dahil sa di pangkaraniwang ganda at talino ay di kataka-takang magkaroon ng hukbo ng mga tagahanga at manliligaw. Katunayay nagkaroon na siya ng boy friend, subalit sa napakaikling panahon lamang. Kinalasan niya agad ang unang kasintahan sa isang malalim na dahilang hindi niya maarok. At nangyari ang pakikipagkalas na yaon nang makilala ang iniidolo niyang guro. Kung ihahambing ang guro sa bata pang binibini, siyay nagsisimula nang tumapak sa buwan ng Disyembre, na bagamat malamig ang dapyo ng hangin dahil sa nalalapit na kapaskuhan at sa pagpapahimakas ng lumang taon, siyay dumanas na ng pag-uulayaw ng init at lamig, ng dilim at liwanag. Hinog na siya sa karanasan at bantad na sa kaway ng mahiwagang pagsinta. Kabilang si Bheng sa Advising Section ni Leo at sa simula pa lamang nang pasukan nila ng taong iyon ay naging malapit na sila sa isat isa. Pinakamahusay palibhasa ang dalaga sa mga tinuturuan ni Leo kaya palagay ang loob ng gurong ang paglapit-lapit nito ay bahagi lamang ng pamimitagan. Datapwat ngayoy nagulumihanan siya sa narinig sa pinakamatalino at pinakamagandang mag-aaral. Hindi siya

makapaniwala! Please, Bheng, huwag naman ako, nagsusumamong tinig ni Leo. Guro mo ako at eskuwela kita. Ito ang aking nararamdaman, Sir. Supilin mo na ang damdaming, iyan, giit ng guro, nakikiusap ako. A, bastat mahal kita, biglang niyapos ni Bheng si Leo at sa pagkakaupo ng guroy inihinang ng dalaga ang kanyang mga labi sa mga labi nito. May daluyong na nag-alimpuyo sa dibdib ng guro na hindi napigilan. Sinalubong niya ng nag-aapoy ring halik ang mga labi ng magandang mag-aaral. Pagkatapos ng simbuyong yaon ay pinagala ng guro ang paningin sa paligid. Salamat at walang ibang tao, nasabi niya sa sarili.

ANG totoo, sa kabila ng mga pagbabawal ng guro sa iginigiit ni Bheng, ang pagtutol na iyon ay may bahid ng pagsisimpi. May hiwagang namumugad sa kanyang dibdib. May bugtong sa puso niyang di maihanap ng sagot. Dapat niyang aminin sa sariling mahal din niya ang maganda at masigla niyang eskuwela. Noon pa mang una niya itong makita at makilala ay ibig na niya itong suubin ng papuri, ibig niyang bumigkas ng isang malamyos na tula para sa binibini, palibhasay isa siyang makata at guro ng panitikang Ingles at Filipino. Ibig kong ibukas yaring abang puso Na bihag ng isang lihim na pagsuyo; Mag-aaral ka mat akoy iyong guro, Naway marinig mo ang piping pagsamo! Hindi niya magawa ang pagtulang iyon, baka pagtawanan siya, dahil sa agwat ng kanilang edad. Si Bheng ay Mayo, siya ay Disyembre. Nag-aalang-alang siya sa batambatang mag-aaral na itinitibok ng puso. Ang mga taludtod at rimang iyon ay nanatili na lamang na naglalatak sa kanyang kaibuturan. Ang lalo pang malaking dahilan kaya ayaw niyang patulan ang dalaga ay may pananagutan na siya sa buhay, bagamat hindi sila nagkakaanak ng kabiyak sa loob ng dalawampung taong pagsasama.

NANG binata pa si Leo ay ipinagkasundo siya ng kanyang mga magulang na ipakasal sa babaeng anak ng kumpare ng kanyang ama, si Helen. Halos magsing-edad sila nito. Hindi na siya tumutol sa mga magulang dahil nang makita niya ang babaeng gusto ng mga magulang ay hinangaan na rin niya ito. Ang

isa pay ayaw niyang bigyan ng sama ng loob ang mga magulang. Laki siya sa tradisyon ng pamilya na ang anak ay walang tanung-tanong na sumusunod sa ginugusto ng amat ina. Gusto rin ni Helen si Leo, kaya naganap ang kasalan. Magkaiba sila ng propesyon ni Helen. Ang babaey tagapagbalita sa radyo sa lokal na himpilan sa Lungsod ng Batangas, samantalang si Leo ay isang guro sa mataas na paaralan. Gayunmay magkasundo sila sa mga unang taon ng kanilang pagsasama. Ang hindi pagkakasupling ng mag-asaway naging sanhi ng unti-unting panlalamig ng kanilang buhaymay-asawa. Gustung-gusto ni Leo na magkaanak datapwat ang babaey hindi mandin interesado sa gayon. Magandang babae si Helen, matangkad, at ang lalong makatatawag ng pansin ay ang magandang hubog ng katawan nito. Sa loob ng unang pitong taong pagsasamay ayaw pang mag-anak, hindi niya nais na masira ang anyo ng balingkinitang katawan. Sa pakiusap ni Leo ay pumayag na rin si Helen na mag-anak sa ikawalong taon ng kanilang pagiging mag-asawa. Subalit ang kasunduang yaoy biniro ng tadhana. Sinabi ng doktor ng pamilya na si Helen ay hindi na maaaring magkaanak. May kapansanan siya sa matris at hindi maaaring magdalantao. Ang mga pangyayaring itoy lubhang ikinalungkot ni Leo. Pumanaw ang pag-asa niyang magkaroon ng mga anak. Nalungkot din si Helen. Mula nooy mag-usap-dili ang mag-asawa, bagamat hindi naman sila nag-aaway.

SIR, mahal mo rin ako, hindi ba? nakatingin ni Bheng sa guro. Nakatungo si Leo, animoy aliping natutop sa pang-uumit ng mahalagang bagay na pag-aari ng kanyang panginoon, animoy bilanggong nadakip ng kanyang tanod sa tangkang pagtakas. Huwag mong linlangin ang iyong sarili, Sir, pagpapatuloy ng dalaga, sabihin mo ang katotohanan. Magtigil ka, pagmamatigas pa rin ni Leo. Di mo ba alam na kung papatulan kitay masisira ang buhay mo? Anong halaga ng buhay kung wala ka? Dala ka lamang ng simbuyo ng damdamin, Bheng. Aminin mong mahal mo ako, yumakap ang dalaga sa guro. Ang yakap na yaoy ginanti ni Leo ng kapuwa yakap, at sa kanyang mga matay gumilid ang luha. Oo, mahal din kita, tuluyan nang naglandas ang luha sa pisngi ng guro. Napaiyak din si Bheng, Sir, mahal na mahal kita!

Magtungo tayo sa upuan sa tabi ng punong-akasya, kumalas sa pagkakayakap si Leo. Kubli ang lugar na iyon, at walang makapapansin sa atin. Kumalas din sa pagkakayakap ang dalagang mag-aaral, Sige, tayo na. At sa upuang yaon, sa may punong-akasya, sa pagkukubli ng araw sa kanluran, sa pagtugtog ng orasyon, ay ganap na sumanib ang Mayo sa Disyembre. Ang nagbabalang dagim ng ulan sa tigang na bukirin ng Mayo ay tuluyang ibinuhos ng balumbon ng mga ulap. Pinaram ng Mayo ang lamig at hinahong taglay ng Disyembre. At pinagsaluhan nila ang di karaniwang timyas ng bagong luwal na pagsuyo. Bago sila maghiwalay ay muling naghinang ang kanilang mga labi. Nasa gayon silang akto nang biglang humantad ang asawa ni Leo, si Helen. Aha, ang magaling kong asawa, malakas ang tinig ng maybahay ni Leo, at kaya pala ginagabi sa pag-uwi ng bahay ay may batang-batang kerida! Helen! mangha ni Leo. Sayang, guro ka pa naman na dapat maging huwaran ng iyong mga mag-aaral, galit na galit ang ginang. At ikaw, batang babae, na eskuwela yata niya, di mo ba alam na mawawasak ang kinabukasan mo sa lalaking iyan! Walang kibong napatungo si Bheng. Matalim na tingin ang itinudla ni Helen kay Leo, Sa bahay, Leonardo, pagkikita natin magtutuos tayo! Magsasalita pa sana si Leo, ngunit biglang tumalilis si Helen. Sumakay ng kotse at pinaharurot iyon. Sa pangingipuspos, napaupong nanlulumo si Leo, samantalang si Bheng ay umiyak nang umiyak sa dibdib ng itinatanging guro. Sa kanilang mga pusoy gustung-gustong papaghugpungin nina Leo at Bheng ang malaking puwang ng kanilang panahon. Bakit hindi sila naging magkapanahon?bakit kailangang si Bheng ay maging Mayo at si Leo ay maging Disyembre? Bakit? Hindi batid ng Mayo at Disyembre kung sa takipsilim ng kanilang lunting suyuan ay may umaga pang naghihintay!

LOBO AT ANG KAMBING Isang lobo ang nahulog sa balon na

GLOSSARY
lobo -- fox nahulog -- fell (fr. hulog = fall) balon -- well (noun) walang tubig -- no water, empty sinikap tumalon -- tried to jump maka-ahon palabas -- to get out of lubhang malalim -- very deep kinahulugan -- that's where it fell into dumating -- came (fr. dating = come) uhaw na uhaw -- very thirsty kambing -- goat lumapit -- to approach narinig -- heard tinig -- voice pagsisinungaling -- lying, deceiving sagot -- answer, response nagdalawang-isip -- to have second thoughts agad -- immediately tumalon -- to jump nalaman -- to know, to realize niloko -- (past) was deceived bilanggo -- prisoner mamamatay -- will die uhaw -- thirst gutom -- hunger makaalis -- to get out magtulungan -- to help each other naisip -- to think of something paraaan -- means or way of doing something (fr. daan = way) papaano -- how gagawin -- to do something ipinatong -- to put something on top of a surface paa -- feet katawan -- body muna -- adv. first (before something follows) kapag -- if saka -- then hahatakin -- to pull

walang tubig. Sinikap niya ang tumalon upang maka-ahong palabas, ngunit lubhang malalim ang balon na kanyang kinahulugan. Noon dumating ang isang uhaw na uhaw na kambing. Lumapit ito sa balon at narining ang tinig ng lobo. "Marami bang tubig sa loob ng balon?" tanong nito sa lobo. "Oo, napakarami!" ang pagsisinungaling na sagot naman ng lobo. Hindi na nagdalawang-isip pa ang kambing. Agad itong tumalon sa balon. At nalaman ngang siya'y niloko lamang ng lobo. "Ngayo'y pareho na tayong bilanggo ng balon na ito," ang sabi ng lobo. "Mamamatay tayo sa uhaw at gutom dito," ang sabi ng kambing. "Kung gusto mong makaalis dito, magtulungan tayo. Mayroon akong naisip na paraan kung papaano nating gagawin iyon." "Papaano?" Noon ipinatong ng lobo ang mga paa sa katawan ng kambing. "Ako muna ang lalabas. At kapag nakalabas na ako, at saka kita hahatakin palabas," pangako nito. "Sige," ang sabi naman ng kambing.

Nakalabas nga ng balon ang lobo sa tulong ng kambing. Ngunit noong pagkakataon na ng kambing para tulungan nito'y agad iyong tumawa ng malakas. Pagkuwa'y sinabing, "Walang lobong manloloko kung walang kambing na magpapaloko." Malungkot na naiwanan ang kambing sa malalim na balon.

pangako -- to promise something sige -- expression of agreement, "okay!" pagkakataon -- turn, opportunity, chance pagkuwa'y -- then... sinabi -- said (fr. rw sabi = say) manloloko -- one who deceives magpapaloko - one who allows himself to be deceived malungkot -- sad naiwan -- left alone

KAMBING

Back to Top Word Drag and Drop Quiz Back to Tagalog Homepage

ANG UWAK NA NAGPANGGAP


Isang uwak ang nakakita ng mga lagas na balahibo ng pabo sa lupa. Pinagmasdan niya iyon at nasiyahan sa iba't ibang kulay na taglay niyon. At dahil sawa na siya sa pagiging isang itim na ibon, iyon ay kanyang pinulot isa-isa at saka idinikit sa kanyang katawan. Iyon lang at dali-dali siyang lumipad patungo sa grupo ng mga pabo at nagpakilala bilang kauri ng mga ito. Ngunit sadyang kilala ng mga pabo ang kanilang kauri, kaya naman hindi rin nagtagal ay nabisto ng mga ito

GLOSSARY
uwak -- crow nakakita -- saw (fr. rw kita = see) lagas -- fallen object balahibo -- feather pabo -- peacock lupa -- earth, ground pinagmasdan -- paid attention to, observed nasiyahan -- became glad kulay -- color iba't ibang kulay -- various colors taglay -- inherent quality sawa -- fed up, bored, tired of something itim -- black ibon -- bird pinulot -- to pick up something idinikit -- to paste onto something katawan -- body

ang nagkukunwaring uwak. Dahil dito, inalis ng mga pabo ang iba't ibang kulay na balahibong nakadikit sa katawan ng uwak. Pagkuwa'y pinagtutuka nila ito hanggang sa takot na lumisan. Nang magbalik ang uwak sa kanyang mga kauri, hindi na rin siya tinanggap ng mga ito. At sinabing, "Hindi namin kailangan ang isang tulad mong walang pagmamahal sa sariling anyo!"
iyon lang -- only that dali-dali -- hurriedly, in a hurry lumipad -- to fly patungo -- towards grupo -- group, flock nagpakilala -- introduced one's self bilang -- as kauri -- of the same nature, belonging to the same species kilala -- to know someone/something nabisto -- to find out nagkukunwari -- pretending to be something other than who he is inalis -- to remove something pinagtutuka -- to peck on something collectively or in unison takot -- (adj) in fear lumisan -- to go away, to leave magbalik -- to return, go back to tinanggap -- to accept someone/something kailangan -- need, to be accepted tulad -- like something/someone pagmamahal -- love for someone/something sariling anyo -- one's self

UWAK

ANG ASO AT ANG KANYANG ANINO


Isang aso ang nakahukay ng buto sa lupa. Tuwang-tuwa siya at dali-daling hinawakan ang buto sa pamamagitan ng kanyang bibig. Dinala niya ang buto upang iuwi sa kanyang tirahan, ngunit nang siya ay malapit na, napadaan siya sa isang ilog. Pinagmasdan niya ang ilog at doo'y nakita niya ang sariling anino. Sa pag-aakalang ibang aso iyon na may hawak-hawak ring buto sa bibig, tinahulan niya iyon nang tinahulan upang maangkin din ang butong pag-aari nito. Dahil dito, humulagpos mula sa kanyang bibig ang butong hawak-hawak at nahulog sa ilog. Tinangay ng agos ang buto at hindi na uli nakuha pa ng sakim na aso.

GLOSSARY
aso -- dog nakahukay -- was able to dig out buto -- bone lupa -- earth tuwang-tuwa -- very happy dali-daling -- hurriedly hinawakan -- to grasp something pamamagitan -- by means of bibig -- mouth dinala -- to carry something iuwi -- to bring home tirahan -- house malapit -- close to something napadaan -- to pass by ilog -- river pinagmasdan -- to observe something sariling anino -- one's own shadow, reflection pag-aakala -- to assume something hawak-hawak -- to hold something tinahulan -- to bark at something maangkin -- to be able to get something pag-aari -- owned by someone humulagpos -- to set itself free, to fall nahulog -- fell into something tinangay -- to get carried away agos -- flow (of water) nakuha -- to be able to get something sakim -- selfish, greedy

ASO
Back to Top Back to Tagalog Homepage

ANG INAHING MANOK AT ANG KANYANG MGA SISIW

Isang inahing manok na may anak na tatlong sisiw ang naninirahan sa gitna ng taniman ng mais. Isang araw, lumabas ng bahay ang magsasakang may-ari ng taniman at sinabing, "Panahon na upang anihin ko ang aking maisan! Kailangan tawagin ko ang aking mga kapit-bahay upang tulungan ako sa

aking pag-ani bukas!"

Narinig ito ng mga sisiw at agad iminungkahi sa kanilang ina, "Kailangang lumikas na tayo rito at humanap ng ibang matitirahan inang! Kung hindi, matatagpuan tayo rito ng mga magsisipag-ani bukas at huhulihin upang patayin!"

"Huwag kayong mabahala mga anak," ang wika ng inahing manok. "Kung mga kapit-bahay lamang ang aasahan niya, hindi agad magsisipag-kilos ang mga iyon! May panahon pa tayo upang manirahan dito." Tama nga ang sinabi ng inahing manok. Sapagkat kinabukasan nga'y walang mga kapit-bahay na dumating upang tumulong sa pag-ani ng magsasaka. "Kung hindi ko maasahan ang aking mga kapit-bahay, sa aking mga kamag-anak ako lalapit upang humingi ng tulong sa isasagawa kong pag-ani bukas!" "Narinig ng mga sisiw ang sinabi ng magsasaka at dali-daling iminungkahi sa kanilang ina. Ngunit muli, hindi nabahala ang inahing manok at sinabing, "Kung sa mga kamag-anak lamang siya aasa hindi magsisipagsunod ang mga iyon! May mga trabaho ring dapat asikasuhin ang mga iyon at tiyak na hindi maasahan. May panahon pa tayo para manirahan dito mga anak!" Kinabukasan nga'y tama uli ang sinabi ni inahing manok. Walang kamag-anak na dumating ang magsasaka upang tulungan siya sa pag-ani sa maisan. Dahil dito, napilitan ang magsasakang tawagin ang kanyang anak at sinabing, "Bukas na bukas din, tayong dalawa na lamang ang aani sa ating pananim. Wala tayong ibang maaasahan kundi ang ating mga sarili!" Nang marinig iyon ng mga sisiw, dali-dali silang nagtungo sa kanilang ina at iminungkahi rito ang sinabi ng magsasaka. Noon nagdesisyon ang inahing manok na lumisan sila sa lugar na iyon, at sinabing, "Kung sinabi ng magsasaka na siya na ang gagawa ng pag-ani, dapat tayong maniwala! Sapagkat totoong walang sinuman siyang maaasahan kundi ang kanyang sarili!"

Ano ang pabula? Ang pabula (fable) ay isang maiksing kuwentong kathang-isip na kinatha nuong unang panahon. Eto ay ginagampanan ng mga hayop na nagsasalita at kumikilos na tulad ng tao. Ang pabula ay tumatalakay sa mga kilos at pag-uugali na nangangailangang ituwid o baguhin dahil sa pagiging hindi mabuti o makatarungan. Itinuturo sa atin ng pabula ang tama, patas, makatarungan, at makataong ugali at pakikitungo sa ating kapwa. Ang mga pabula ay lumaganap dahil sa mga magagandang aral sa buhay na ibinibigay nito.

Bakit mga hayop, at hindi tao, ang pangunahing gumaganap sa pabula? Ang isang dahilan ay ang mga hayop (animals) ay may kanya-kanyang likas na katangian na madaling isalarawan upang mas maging malinaw ang paglalahad ng kuwento. Mga katangian na tulad ng pagiging maamo (tupa), mabagsik (lobo), masipag (langgam), mapanlinlang, at marami pang iba. Ang isa pang dahilan ay nuong unang panahon ay magkakasama ang mga tao bagamat sila ay mula sa iba't-ibang lipi at antas ng lipunan. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga hayop bilang pangunahing tauhan sa pabula ay naiiwasan ang pagkakagalit at pagtatalu-talo ng mga tao sa maaaring maging maling pag-aakala na ang kanilang lipi, o antas sa lipunan, ang tinatalakay at pinupuna pabula,

Ang Lobo a ang Ubas

Ang katagang "sour grape" o "maasim na ubas" ay hinango sa isa sa mga pabula ni Aesop ukol sa isang lobo at puno ng ubas. Heto ang kabuuan ng nasabing pabula sa pagsasalin sa tagalog ng Katig.Com:

Minsan ay inabot ng gutom sa kagubatan ang isang lobo (wolf). Nakakita siya ng isang puno ng ubas na hitik ng hinog na bunga. "Swerte ko naman. Hinog na at tila matatamis ang bunga ng ubas," ang sabi ng lobo sa sarili. Lumundag ang lobo upang sakmalin ang isang bungkos ng hinog na ubas subalit hindi niya maabot ang bunga. Lumundag siyang muli, at muli, at muli pa subalit hindi pa rin niya maabot ang ubas. Nang mapagod na ay sumuko rin sa wakas ang lobo at malungkot na umalis palayo sa puno. "Hindi na bale, tiyak na maasim naman ang bunga ng ubas na iyon," ang sabi niya sa sarili.

Mga Salawikain patungkol sa pakikisama, pakikipag-kaibigan at pakikipagkapwa tao.

1. Puri sa harap, sa likod paglibak 2. Kaibigan kung meron, Kung wala'y sitsaron 3. Ang tunay mong kaibigan, nasusubok sa gipitan 4. Matabang man ang paninda, matamis naman ang anyaya 5. Kapag tunay ang anyaya, sinasamahan ng hila 6. Walang paku-pakundangan, sa tunay na kaibigan 7. Hindi sasama ang pare, kundi sa kapwa pare 8. Matapang sa kapwa Pilipino, susukot-sukot sa harap ng dayo 9. Ang taong tamad, kadalasa'y salat 10. Mag-aral kang mamaluktot habang maigsi ang kumot 11. May pakpak ang balita, may tainga ang lupa 12. Sagana sa puri, dukha sa sarili

Mga Salawikain patungkol sa kabutihan, kabaitan, kagandahang asal, pagpapakumbaba at pag-ingat.


1. Ang ibinabait ng bata, sa matanda nagmula 2. Ang magandang asal ay kaban ng yaman 3. Pagsasama ng tapat, pagsasama ng maluwat 4. Ang may malinis na kalooban ay walang kinatatakutan 5. Ang mabuting halimbawa, ay higit na mabisa kaysa pahayag na dakila 6. Ang katotohana'y kahit na ibaon, lilitaw pagdating ng takdang panahon 7. Ang ibinabait ng bata, sa matanda nagmula 8. Magbiro ka sa lasing, huwag sa bagong gising 9. Bago mo sikaping gumawa ng mabuti, kailangan mo munang igayak ang sarili 10. Ang lumalakad ng marahan, matinin man ay mababaw. Ang lumalakad ng matulin, kung matinik ay malalim

Maikling landasin, di maubos lakarin. ANINO (SHADOW) 2. Hindi hayop, hindi tao, pumupulupot sa tiyan mo. sinturon (belt) 3. Dala mo dala ka, dala ka ng iyong dala. sapatos (shoes)

4. Maliit pa si Kumpare, nakakaakyat na sa tore. langgam (ant) 5. Kung gusto mong tumagal pa ang aking buhay, kailangang ako ay mamatay. kandila (candle) . Karagdagang Mga Bugtong Mula sa Isang User Kyle: 1. Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay. Sagot: kandila 2. Baboy ko sa pulo, ang balahiboy pako. Sagot: langka 3. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat. Sagot: ampalaya 4. Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay. Sagot: ilaw 5. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan. Sagot: anino 6. Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon. Sagot: banig 7. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari. Sagot: siper 8. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas. Sagot: gamu-gamo 9. Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo. Sagot: gumamela

10. Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay. Sagot: kubyertos 11. Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob. Sagot: kulambo 12. Maliit pa si kumare, marunong ng humuni. Sagot: kuliglig 13. Baka ko sa palupandan, ungay nakakarating kahit saan. Sagot: kulog 14. May bintana ngunit walang bubungan, may pinto ngunit walang hagdanan. Sagot: kumpisalan 15. Heto na si Kaka, bubuka-bukaka. Sagot: palaka

You might also like