Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

Kahalagahan ng Manual na Drawing 1 Kahalagahan ng Pagkakaroon ng Manual na Drawing sa Kabila ng Pagkakaroon ng AutoCAD Sa modernong panahon natin ngayon, laganap

na ang paggamit ng mga tao sa mga makabagong teknolohiya. Halos lahat ng mga kagamitan natin ngayon ay di-kuryente na. Ang mga teknolohiyang ito ang tinatangkilik ng karamihang tao at kung minsan ay pinababayaan na lang natin ang mga lumang teknolohiya. Sa pag-usbong ng teknolohiya, kasabay nito ang mga pagbabago ng mga paraan natin sa pagsagawa ng mga bagay-bagay. Naaapektuhan na rin ang mga paraan ng pag-aaral ng mga mag-aaral. Isang partikular na halimbawa nito ay ang pagkakaroon ng AutoCAD na madalas gamitin ng mga mag-aaral ng Kursong Arkitektura at Inhenyera/Inhenyero sa kanilang mga proyekto na siya namang katapat ng sinasabing manual na drawing o ang teknikal na pagguhit. Ngunit ano nga ba ang AutoCAD at ang manual na drawing? Ano ang kaugnayan nila sa isat isa? Ayon kay Hamad, M.M. sa kanyang aklat na AutoCAD 2009 Essentials, ang tinatawag na AutoCAD ay isa sa mga CAD (Computer Aided Design/Drafting) software applications na lumabas sa global market. Ang unang bersiyon nito ay lumabas noong 1982 at ginawa ito upang magamit sa mga PCs (Personal Computers). Simula noon, naging laganap ang paggamit ng AutoCAD. Ang AutoCAD ay ginagamit ng mga tao na karamihan ay mga inhenyero at arkitekto para gumawa ng mga disenyo para sa mga gagawin nilang mga konstraksiyon o para sa mga gagawin nilang landscape designs. Sa pamamagitan ng AutoCAD, maari kang gumuhit sa kompyuter. Maari kang gumawa dito ng mga blueprints, floorplans, at mga 3dimensional drawings. Ginagamit ito ng mga arkitekto at inhenyero upang makabuo sila ng isang plano ng mga gusaling kanilang itatayo. Ang pagguhit gamit ito ay tiyak na eksakto ang pagkakaguhit ng bawat ginamit na linya at bawat anggulo. Ang AutoCAD ang unti-unting pumapalit sa tinatawag na manual na drawing.

Kahalagahan ng Manual na Drawing 2 Ayon naman kina Goetcsh, Chalk at Nelson sa kanilang aklat na Technical Drawing: Fourth Edition, ang manual na drawing ay tinatawag na teknikal na pagguhit. Ito ay isang kurso ng pag-aaral na sakop ng Industrial Arts Education. Sa manual na drawing, kinakailangan ng maraming mga kagamitan. Ang manual na drawing ay pareho lang sa AutoCAD, ang kaibahan lang nila ay sa manual na drawing, gumagamit ng kamay sa pagguhit. Hindi lang lapis ang ginagamit sa pagguhit dito. Gumagamit din ng mga instrumento gaya ng ruler, T-square, compass, triangles at iba pang mga kagamitan na ginagamit sa pagguhit. Ang mga iginiguhit dito ay pareho lamang sa AutoCAD. Ang mga ito ay mga plano ng gusali, mga disenyo ng mga gusali at iba pang ginagawa ng mga arkitekto at inhenyero. Sa paggamit ng kamay sa pagguhit ng mga ito, hindi sigurado kung eksakto ang mga linyang nagawa kasama ang mga nagamit na anggulo. Ibig sabihin nito, dapat maingat sa pagguhit para makasigurado ang tagaguhit na eksakto ang mga ginawa. Sa larangan ng Arkitektura at Engineering, ang kunting pagkakamali sa ginamit na sukat ay nangangahulugan ng pagkabagsak ng iyong gawain kaya kailangang maging eksakto sa mga guhit. Ayon kay David Byrnes sa aklat na How to do Book: AutoCAD for Dummies, ang pagkilala sa AutoCAD ay isa sa mga naaayon na karanasan sa pagiging inhenyero sa makabagong panahon dahil sa pagsama ng mga basic skills para sa kaswal at propesyunal na paggamit ng kompyuter. Sa kanya ring karanasan, makaluma na ang manual na drawing o blueprinting para sa mga nagtatrabahong mga arkitekto at inhenyero dahil sa mas accurate na pagtala ng mga sukat gamit ang AutoCAD. Ngunit nakakatulong din ang manual na drawing sa pagtantiya sa mga gagawing guhit. Sa modernong panahon ngayon, mas tinatangkilik ang mga makabagong teknolohiya na nakapagpapabilis na ating mga gawain. Sa kasalukuyang asignatura ng mga mag-aaral ng

Kahalagahan ng Manual na Drawing 3 Kursong Arkitektura at Inhenyero/Inheyera, kasama doon ang manual na drawing at ang AutoCAD. Ngayon, nahuhumaling na ang mga kabataan sa mga bagong teknolohiya. Ang mga ito na ang gusto nilang gamitin at binabalewala na lang nila ang mga dating nakasanayan kaya hindi nakapagtataka kung makakarinig tayo ng mga reklamo mula sa mga mag-aaral ng Kursong Arkitektura at Inhenyero/Inhenyera tungkol sa mga asignatura nilang manual na drawing at ang paggamit ng makabagong AutoCAD. Sa mga naririnig natin sa mga mag-aaral ng Paaralan ng Inhenyera at Arkitektura dito sa Pamantasang San Luis, lagi silang nagtatanong kung bakit pa may manual na drawing eh may AutoCAD na. Lagi nilang pinag-uusapan kung bakit kinukuha nila ang dalawang asignatura gayong pareho lang naman ang konsepto ng mga ito. Sa panahon ngayon, tumatamad na ang mga mag-aaral. Lagi nilang kinukwestiyon ang kanilang mga asignatura na sa tingin nila ay hindi na dapat pang pag-aralan pa. Hindi nila nakikita ang mga kahalagahan ng bawat asignatura na kanilang pinag-aaralan. Para sa hinuha ng mga

mananaliksik, mahalagang makita ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng kanilang mga asignatura. Sa problemang ito na nauugnay sa pananaliksik na ito, mahalagang pag-aralan pa rin ng mga mag-aaral ng pag-iinhenyero ang manual na drawing kahit mayroon nang AutoCAD dahil may mga benepisyo pa rin ito na maaaring wala sa modernong AutoCAD. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang nakakatipid ka sa pagkonsumo ng elektrisidad at maaari itong gawin kahit walang elektrisidad basta may liwanag na magsisilbing tanglaw sa iyong pagguhit. Maaaring moderno nga ang AutoCAD pero mahalaga pa ring pag-aralan ang manual na drawing dahil maaari itong makatulong upang mas maintindihan ang konsepto ng AutoCAD. Mahalaga ring pag-aaralan ito upang may magamit kang alternatibo kung sakaling magkaroon problema sa paggamit ng Autocad.

Kahalagahan ng Manual na Drawing 4 Ang pag-aaral na ito ay naglalayong sagutin ang mga katanungang namumuo sa mga kaisipan ng mga mag-aaral sa asignaturang manual na drawing at AuotoCAD. Ginagawa ito upang maipakita o maipakilala ang mga kahalagahan ng mga asignaturang kinukuha ng mga mag-aaral. Isinasagawa ang pag-aaaral na ito upang makatulong sa paglilinaw sa mga gumugulo sa mga kaisipan ng mga nagtatanong tungkol sa suliraning sinusubukang lutasin ng mga mananaliksik. Layunin din nitong makatulong upang mailahad ang mga kahalagahan ng mga bagay-bagay sa ating kapaligiran. Para sa mga mag-aaral, partikular sa mga mag-aaral ng Paaralan ng Inhenyera at Arkitektura, ay upang makita nila ang mga kahalagahan ng kanilang asignaturang manual na drawing sa kabila ng AutoCAD. Sa gayon, hindi nila laging

kinukwestiyon o binabalewala ito. Metodo Kasangkot sa Pag-aaral Sa pananaliksik na ito, ang mga kasangkot o ang mga participants ay napili ayon sa kanilang kurso at taon sa pag-aaral. Ang mga kasangkot ay binubuo ng 100 katao o mag-aaral mula sa unang taon ng Kursong Civil Engineering sa Ikalawang Semestre ng taong 2010-2011. Napili ang mga mag-aaral ng Civil Engineering bilang mga kasangkot sa pag-aaral sapagkat sila ang mas madalas gumamit ng AutoCAD at manual na drawing sa kanilang mga proyekto kumpara sa iba pang mga sangay ng Kursong Engineering. Sila ang mas matutulungan ng pagaaral na ito. Disenyo ng Pananaliksik Ginamit ang palarawang pananaliksik sa pag-aaral na ito. Ginamit ito sapagkat ang nagawang suliranin ng mga mananaliksik ay nangyayari sa kasalukuyan. Ang mga katanungang

Kahalagahan ng Manual na Drawing 5 inihanda ng mga mananaliksik ay masasagot ng mga kasalukuyang pangyayari. Sa paggamit ng palarawang pananaliksik, maaaring masagot ang kasalukuyang suliranin na hinahangad nilang lutasin. Sa pamamagitan ng palarawang pananaliksik, makakatulong ang resulta ng pag-aaral para mas lalong luminaw o mas lalong maintindihan ang kahalagahan ng manual na drawing sa kabila ng pagkakaroon ng AutoCAD. Pamamaraan ng Pananaliksik Sa pangungulekta ng mga mananaliksik ng mga datos at iba pang detalyeng kinakailangan, gumawa sila ng isang survey. Nagpasagot sila ng mga talatanungan sa mga magaaral ng Kursong Civil Engineering sa unang taon na naglalaman ng mga tanong tungkol sa mga mabubuti at di-mabubuting dulot ng manual na drawing at AutoCAD. Layunin nito na hingin ang mga opinyon ng mga mag-aaral sa paglutas sa mga suliranin. Layunin din nitong malaman kung anong mas pinapaburang gamitin ng mga mag-aaral ng pag-iinhenyero, kung ang manual na drawing ba o ang AutoCAD. Ang mga datos at mga detalye na nakalap ay nakuha rin mula sa pagbabasa ng mga aklat ng AutoCAD at teknikal na pagguhit. Nakatulong din ang ibang detalye na nakuha sa internet tungkol sa AutoCAD at teknikal na pagguhit. Pinagkunan din ng mga datos at detalye ang mga aklat na may kaugnayan sa topiko. Sa karagdagan, ang ibang mga detalye ay nakuha mula sa mga sariling karanasan at mga naoobserbahan ng mga mananaliksik sa kanilang paligid. Pinagbasehan ang mga nakikita at mga naririnig nila mula sa mga mag-aaral na kumukuha ng asignaturang manual na drawing at AutoCAD. Paglalahad ng Resulta Mula sa isinagawang sarbey ng mga mananaliksik sa mga mag-aaral ng Kursong Civil Engineering sa Pamantasang San Luis sa Unang Taon ng Ikalawang Semestre ng Taong 2010-

Kahalagahan ng Manual na Drawing 6 2011 ay nakalap ang mga sumusunod na resulta na nakapahayag sa pamamagitan ng mga talahanayan: Talahanayan 1. Mabubuting dulot ng Manual na Drawing

a. Magiging masipag at matiyaga b. Hindi nangangailangan ng elektrisidad c. Mas nahahasa ang kaalaman sa pagguhit d. Wala

Bilang ng sumagot 68 48 77 1

Porsyento Rango 35.1% 2 24.7% 3 39.7% 1 0.5% 4

Batay sa unang talahanayan, ang nangungunang mabuting dulot ng Manual na Drawing ay ang mas nahahasa ang kaalaman sa pagguhit ng mga estudyante na nakakuha ng 39.7 % o may 77 mag-aaral na sumagot. Kasunod nito ang pagiging masipag at matiyaga na may 35.1% at ang panghuli ay ang hindi nangangailangan ng elektrisidad na may 24.7%. Mula sa 100 na kasangkot, 4 o 0.5% ang nagsabing wala itong magandang dulot.

Talahanayan 2. Di-mabubuting dulot ng Manual na Drawing

a. Magastos b. Kinakailangang maglaan ng oras c. Hindi accurate ang mga kalalabasan d. Wala

Bilng ng sumagot 63 55 46 2

Porsyento 38% 33.1% 27.7% 1.2%

Rango 1 2 3 4

Sa pangalawang talahanayan, nangunguna sa di-mabubuting dulot ng Manual na Drawing ay ang magastos na nakakalap ng 63 puntos o 38%. Sumunod dito ang kinakailangang maglaan ng oras na may 55 puntos o 33.1% at ang panghuli ay ang hindi accurate ang mga kalalabasan na nakuha ng 46 puntos o 27.7%. Dalawa naman o 1.2% ang nasasabing wala itong di-mabuting dulot.

Kahalagahan ng Manual na Drawing 7 Talahanayan3. Mabubuting dulot ng AutoCAD

Bilang ng sumagot a. Mabilis at moderno b. Accurate ang kalalabasan c. Nahahasa ang kaalaman sa teknolohiya d. Wala 87 59 42 0

Porsyento 46% 31% 22% 0

Rango 1 2 3 4

Batay sa talahanayan 3, nakakuha ng pinakamataas na porsyento ang mabilis at moderno sa mabubuting dulot ng Autocad na may 46%, sumunod naman ang accurate ang kalalabasan na nakakuha ng 31%. Ang nahahasa ang kaalaman sa teknolohiya naman ang pinakahuli na nakakuha ng 22%.

T alahanayan 4. Di-mabubuting dulot ng AutoCAD

a. Nakakasira sa kalusugan gaya ng pagkasira ng mata b. Maaaring ma-corrupt ang ginawa c. Magastos sa kuryente d. Wala

Bilang Porsyento Rango ng sumagot 57 34.8% 1 54 32.9% 2 52 31.7% 3 1 0.6% 4

Sa di-mabubuting dulot ng AutoCAD sa talahanayan 4, magkakalapit lang ang mga nakalap na resulta. Ngunit nanguna ang nakakasira sa kalusugan na may 34.8% kasunod nito ang maaaring ma-corrupt ang ginawa na may 32.9% at panghuli ang magastos sa kuryente na may 31.7%. Isa o 0.6% ang nagsasabing wala itong masamang dulot.

Kahalagahan ng Manual na Drawing 8 Talahanayan 5. Mas gustong gamitin

a. Manual na Drawing b. Autocad c. Pareho

Bilang ng sumagot 26 56 4

Porsyento Rango 30.2% 2 65.1% 1 4.7% 3

Sa ika-limang talahanayan, nangungunang nais gamitin ng mga mag-aaral ng Kursong Civil Engineering ng Pamantasang San Luis sa Unang Taon ng Ikalawang Semestre ng Taong:2010-2011 ang AutoCAD na may 65.1% kaysa sa Manual na Drawing na may .

Sa pananaliksik na ito, bumuo ang mga mananaliksik ng mga katanungan na magiging gabay sa pagsagawa ng pananaliksik. Ang mga katanungang ito ay ang mga sumusunod: a. Anu-ano ang mga kahalagahan ng pagkakaroon ng manual na drawing sa kabila ng pagkakaroon ng AutoCAD na mas moderno? b. Anu-ano ang mga mabubuti at di-mabubuting dulot ng paggamit ng manual na drawing at AutoCAD sa mga mag-aaral ng kursong Civil Engineering sa unang taon? c. Paano masosolusyunan ang mga di-mabubuting dulot ng paggamit ng manual na drawing at AutoCAD? Sa pagkuha ng mga mananaliksik ng mga datos at mga detalye tungkol sa paksa, nakahanap sila ng mga kasagutan sa mga katanungang ito. Sa unang tanong, maraming mga kahalagahan ng paggamit ng manual na drawing sa kabila ng pagyabong ng paggamit ng modernong AutoCAD. Maaaring marami ang nagsasabing dapat nang balewalain ang paggamit ng manual na drawing sapagkat makaluma na ito ngunit marami pa rin ang mga kahalagahan

Kahalagahan ng Manual na Drawing 9 nitong magagamit ng mga tao sa modernong panahon ngayon kaya hindi ito basta basta maaalis. Una sa mga kahalagahan nito ay ang hindi nito pangangailangan ng elektrisidaad upang makagawa ang isang inhenyero ng isang guhit o proyekto. Basta may liwanag ng araw na magsisilbing tanglaw sa gagawin ay maaari nang gumuhit ang tagaguhit. Kahit saang may patag gaya ng mesa basta maliwanag ay makakagawa pa rin ang tagaguhit ng isang proyekto. Mahalaga ito sapagkat hindi lahat ng oras ay magagamit mo ang AutoCAD. Mahalaga ito sapagkat may pagkakataon ding kailangan ng isang tagaguhit ang kasanayan sa manual na drawing. Ayon kay Thomas French sa kanyang aklat na Mechanical Drawing: CAD-

Communications, Most CAD programs offer a method of freehand sketches. Ibig sabihin nito, mahalagang malaman ng isang mag-aaral ng Kursong Civil Engineering ang konsepto ng pagsagawa ng manual na drawing sapagkat kinakailangan ito sa mga nakakataas nilang asignatura. Dahil kailangan sa AutoCAD ang konsepto ng manual na drawing, mahalagang malaman ng mga mag-aaral ang mga dapat gawin sa manual na drawing upang magamit ito sa pagsagawa ng AutoCAD. Kinakailangan din ng tiyaga at sipag sa pagsagawa ng manual na drawing. Mahalagang matututo ang mga mag-aaral na magtiyaga upang maging mas makabuluhan ang kanilang mga gawain. Mahalaga ring masanay ang mga mag-aaral partikular na sa mga mag-aaral ng Paaralan ng Inhenyera at Arkitektura sa hinay-hinay na paggawa ng mga guhit na hindi maituturo sa AutoCAD sapagkat dito sa AutoCAD, ilalagay lamang ang mga dapat gawin o ang mga tinatawag na commands at bahala na ang kompyuter na gumawa sa mga commands na ito. Sa kahalagahang ito, matututo ang mga mag-aaral na pahalagahan ang kanilang mga gawain na pinaghirapan nilang gawin. Mahalaga ring pag-aralan ang manual na drawing upang may magagamit na alternatibo kung magkaroon man ng problema sa paggamit ng

Kahalagahan ng Manual na Drawing 10 makabagong AutoCAD gaya ng pagkakaroon ng brownout. At dahil ang paggamit nito ay deriktang sa papel nakasulat, hindi kailangan pang iprinta gamit ang isang Electronic Printer. Sa paggamit ng manual na drawing at AutoCAD, maraming mga mabubuting dulot ang mga ito. Sa paggamit ng manual na drawing, unang magandang dulot nito ay ang hindi pangangailangan nito ng elektrisidad upang makabuo ang isang tagaguhit ng isang proyekto. Sapat na sa kanya ang liwanag ng araw upang matagumpay niyang magawa ang ginagawang guhit o proyekto. Sa paggamit ng manual na drawing, dito makikita ang mga eksaktong biswal na diskripsiyon ng isang bagay. Gamit ang manual na drawing, mas malinaw na maintindihan o makita ang kalalabasan ng isang proyekto. Ayon nga kay Thomas French, Technical drawing, properly made, gives a clearer, more accurate description of an object than a photograph or written description. Technical drawings made according to standard principle (rules) result in views that give an exact visual description of an object. Sa paggamit din ng manual na drawing, mas nahahasa ang kaalaman ng bawat mag-aaral ng kursong Civil Engineering sa pagguhit ng manual na lagi nilang gagamitin sa mga proyekyo nila. Sa relasyon naman ng isang guro at ang kanyang mga mag-aaral, nakakasigurado ang guro na sariling gawa ng kanyang mag-aaral ang guhit o proyekto. Hindi gaya ng AutoCAD na maaaring gawin lamang ng isa ang guhit o proyekto at saka na lamang kokopyahin ng kanyang mga kamag-aral ang kanyang gawa gamit ang tinatawag na USB. Maaaring makapasa ang isang mag-aral sa asignaturang ito ngunit wala siyang natutunan sapagkat lagi siyang umaasa na may gagawa para sa kanya. Sa manual na drawing, mayroon silang matututunan sapagkat mapipilitan silang gumawa sa sarili nilang paraan dahil wala silang aasahan mula sa kamag-aral nilang abala sa kani-kanilang mga gawain. Sa AutoCAD naman, marami rin itong mabubuting dulot. Bukod sa pagiging moderno nito, mabilis pa ang paggawa ng mga guhit dito kung naintindihan ng husto ang paraan ng

Kahalagahan ng Manual na Drawing 11 pagsagawa nito. Sa paggamit din dito, nakakasigurado ang isang tagaguhit na eksakto (accurate) ang mga nagamit na guhit kasama ang mga anggulo. Isa ring kabutihang dulot nito ay ang positive impact nito sa mga kabataan dala ng pagiging moderno ng mga ito. Dahil makabago ito, mas nahuhumaling ang mga mag-aaral na gamitin ito sa kanilang mga asignatura. Para naman sa mga mag-aaral, isang kabutihang dulot nito ay makatipid sa mga gamit tulad ng tinta ng technical pen at drawing plates. Dahil sa kompyuter gumuguhit ang tagaguhit, hindi na kailangan pang palitan lahat ang mga nagawa na. Burahin na lamang ang mga pagkakamali at saka ipagpatuloy ang nasimulang gawain. Kung sa paggamit ng manual na drawing at AutoCAD ay may mga mabubuting dulot, mayroon din silang di-mabubuting dulot. Sa manual na drawing, isa sa mga hindi magandang dulot nito ay ang paggugol ng maraming oras sa paggawa ng isang proyekto sapagkat kailangang maging maingat ang tagaguhit upang maging eksakto at malinis ang kalalabasan nito. Matatagalan ang paggawa ng mga proyekto gamit ang manual na drawing ngunit ay ayon kay Spencer, H.C. sa kanyang aklat na Basic Technical Drawing, Drawing must be made with speed, for time is money. Sa kanyang sinabing ito, magagamit lamang ito ng isang propesyunal na. Sa pagguhit gamit ang manual na paraan, maaaring hindi eksakto ang mga guhit at anggulo na nagamit. Para rin sa mga mag-aaral ng Kursong Civil Engineering sa Pamantasang San Luis, ang di-mabuting dulot nito ay ang pagiging magastos nito sa mga kagamitan tulad ng tinta ng technical pen na karaniwang gamit sa pagguhit at ng mga drawing plates. Kinakailangan ring magsimula ulit sa pinakaumpisa kung nagkamali sa pagguhit. Dahil madaling masira ang mga ginagamit na drawing plates, papalitan ang mga ito at magsisimula na naman sa pinaka-umpisa ang pagguhit. Isa rin itong dahilan kung bakit matagal ang pagguhit gamit ang manual na paraan.

Kahalagahan ng Manual na Drawing 12 Sa kabila ng dulot ng AutoCAD na kabutihan, marami pa rin itong hindi mabubuting dulot. Una na dito ang pagkabura ng isang nagawang proyekto o guhit sanhi ng mga viruses ng ginamit na kompyuter. Ang sitwasyong ito ay tinatawag na pagka-corrupt ng mga files sa kompyuter. Kung nabura ang isang proyekto, kailangan ding magsimula mula sa pinaka-umpisa. Isa ring pinakapartikular na hindi magandang dulot nito ay ang pangangailangan nito ng elektrisidad upang mapagana ang kompyuter kung saan nakaimbak ang AutoCAD software na gagamitin. Hindi makakagawa ng isang proyekto ang tagaguhit kung walang elektrisidad. Ito ang isang dahilan kung bakit mahalaga pa ring pag-aralan ang manual na drawing kahit mayroon nang AutoCAD. Para rin sa mga mga mag-aaral, mayroon pang hindi marunong gumamit ng kompyuter kung kayat nahihirapan din silang gumawa ng proyekto gamit ito. Bunga nito, matagal nilang matapos ang isang proyekto kung ito ang kanilang gagamitin. Gugugulin din nila ang maraming oras upang makatapos ng isang proyekto. Sa paggamit din ng AutoCAD, maaaring magkaroon ng mga problema habang ginagamit ito gaya ng pagkawala ng ilaw at ang tinatawag na paghang ng kompyuter. Isa ring partikular na masamang dulot nito ay ang pagkasira ng mata dulot ng tuloy tuloy na paggamit ng kompyuter at walang tigil na pagharap dito. Upang masolusyunan ang mga di-mabubuting dulot ng paggamit ng manual na drawing, dapat maging maingat at matiyaga sa pagguhit. Sa ganoong paraan, maiiwasang magkamali sa pagguhit. Maiiwasan ding magkamali sa pagguhit ng mga linya at sa paggawa ng mga anggulo. Sa ganoon, mas malaki ang posibilidad na maging eksakto ang mga guhit. Ayon kay Spencer, Not accurate drawings may be completely worthless. Kaya dapat maging sensitibo sa pagbuo ng mga guhit at mga anggulo sa proyektong ginagawa. Kinakailangan din ng tinatawag na time

Kahalagahan ng Manual na Drawing 13 management sa pagguhit nang sa ganoon, maiiwasan ang pagmamadali sa pagtapos ng gawain na magiging dahilan ng pagkakamali. Upang masolusyunan naman ang mga di-mabubuting dulot ng AutoCAD, siguraduhing isave ang mga ginawa sa ibat ibang storage ng kompyuter. Siguraduhin ding gumawa ng back-up o sekundaryang kopya ang bawat gawain. Nang sa ganoon, kahit mabura ang isang kopya, maari paring magamit ang ibang kopya na nasa ibang storage. Habang ginagamit din ito, ugaliing isave ang mga gawain pagkatapos ng isang oras para hindi lahat ng nagawa ay mawawala kung sakaling mawala ng ilaw o maghang ang kompyuter. Upang maiwasan naman ang pagkasira ng mata, iwasang magpa-overexpose sa harapan ng kompyuter o kayay maglagay ng eye protector sa ginagamit na kompyuter upang makatulong sa pangangalaga ng mata. At upang masolusyunan ang pagliban ng paggawa ng mga proyekto dulot ng brownout, sanaying gumamit ng manual na drawing. Ang mga kasagutang nakalap na ito ay nakuha mula sa mga aklat nina Kirkpatrick, J.M., Spencer, H.C., at French, T.E.. Nakuha rin ang mga kasagutan mula sa resulta ng ginawang sarbey at mula sa mga naoobserbahan ng mga mananaliksik sa paligid. Diskusyon Ang teknikal drawing o Manual na drawing ay tinatawag ding "drafting". Isa itong akademikong disiplina na ginagamit ng mga arkitekto, mga designers at inhenyero. Ito ay karaniwang ginagamitan ng lapis, papel, T-squares, triangles, ruler, technical pens at iba pang mga kagamitan sa pagguhit ng mga ibat ibang pigura. Sinasabi ng ilan na mahirap ang pagguhit gamit ito kung kaya naman, may mga taong magagaling sa teknolohiya ang gumawa ng tinatawag na AutoCAD na ngayon ay unti-unting pinapalitan ang manual na drawing. Ang

Kahalagahan ng Manual na Drawing 14 AutoCAD o Automatic Computer Aided Design ay isang software application na ginagamit upang makabuo ng 2D or 3D drawing designs na siya ding ginagawa sa teknikal na pagguhit. Mas simple ito kaysa sa manual drawing. Kapag ihahambing ang proyektong ginamit ang manual na drawing sa proyektong ginamit ang AutoCAD, mas maganda at eksakto ang kalalabasan sa AutoCAD. Kaya naman mas gustong gamitin ito ng mga mag-aaral. Sa panahon ngayon mas pinipili ng mga mag-aaral ang AutoCAD. Ngunit dapat rin nilang pahalagahan ang paggamit ng manual na drawing Sa pagguhit kasi gamit ang manual na drawing, mas natututo ang mga mag-aaral na mas maging masipag at matiyaga. Sa karagdagan, mahalaga ito upang maisagawa ng maayos ang AutoCAD. Sa pag-aaral na ito, layunin lamang ng mga mananaliksik na alamin ang mga kahalagahan ng paggamit ng manual na drawing kahit ngayong may mas madaling paraan ng paggawa nito. Ang pag-aaral ay may layunin ring alamin kung ano ba ang mas gustong gamitin ng mga mag-aaral ng Kursong Civil Engineering sa Pamantasang San Luis sa Unang Taon ng Ikalawang Semestre ng Taong 2010-2011, kung ang teknikal na pagguhit ba o ang AutoCAD. Sa pananaliksik na ito, pinagtuunan lamang ng mga mananaliksik ang kahalagahan ng paggamit ng mga mag-aaral ng manual na drawing sa kabila ng laganap na pagtangkilik ng mga tao partikular na sa mga mag-aaral sa AutoCAD. Sinagot sa pananaliksik na ito ang tanong na, Bakit kailangan pang pag-aralan ng mga mag-aaral ng Kursong Civil Engineering ang manual na drawing o ang teknikal na pagguhit kung may mas madali at mas mabilis namang gagamitin upang makagawa ng isang guhit o proyekto?. Sa mga nakalap na mga kasagutan sa tanong na ito, may nagtugma sa naging palagay ng mga mananaliksik na magiging kasagutan ito. Bago pa nagsimula ang mga mananaliksik sa pag-aaral na ito, may palagay na silang dapat ngang pag-aralan ng mga

Kahalagahan ng Manual na Drawing 15 kasangkot ang manual na drawing sapagkat kakailanganin nila ito sa kanilang mga nakakataas na asignatura. Sa naging resulta ng pananaliksik, kailangang malaman ng isang mag-aaral ang paggawa ng teknikal na guhit dahil ang AutoCAD na mas gusto nilang gamitin ay nangangailangan din ng mga konsepto ng teknikal na pagguhit.

Konklusyon Sa kabuuan ng pananaliksik, mahalagang pag-aralan ng mga mag-aaral ng Kursong ng Civil Engineering sa unang taon ang paggawa ng guhit at proyekto gamit ang manual na paraan kahit may makabago nang pamamaraan ng pagguhit na tinatawag na AutoCAD. Mahalagang malaman ng isang mag-aaral ang konsepto ng pagsagawa ng manual na drawing dahil magagamit ang konseptong ito upang magawa nang maayos at mabilis ang AutoCAD. May mga konsepto kasi ang AutoCAD na kinakailangan ang simpleng konsepto ng manual na drawing. Masasabing moderno ang panahon ngayon at laganap na ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya ngunit hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng mga problema dulot ng mga teknolohiyang ito. Isa sa mga problemang ito ay ang pagkawala ng ilaw o brownout na siya namang nagpapagana sa mga ginagamit na kompyuter kung saan naman nakapaloob ang AutoCAD software na gagamitin sa pagguhit. Sa puntong ito, hindi makakagawa ang isang magaaral o ang isang tagaguhit ng proyekto gamit ang AutoCAD. Kung natapos man ang isang proyekto at maaaring inilagay ito sa isang storage device gaya ng USB, hindi rin ito maipiprinta agad sapagkat nangangailangan din ng elektrisidad ang Electronic Printer na gagamitin sa pagpiprinta nito. Isa itong dahilan kaya mahalagang pag-aralan ng mga mag-aaral ng Kursong Civil Engineering ang manual na drawing. Magkaroon man ng problema sa elektrisidad, hindi

Kahalagahan ng Manual na Drawing 16 maaaksaya ang oras sa paghihintay sa pagbabalik nito. Maaari nang gawin ang proyekto sa manual na paraan. Gawing alternatibo ang manual na drawing upang kahit papaano ay may matatapos. Ito ang dahilan kung bakit nararapat na pag-aralan ng mga nasa unang taon ng pagiinhenyera ang manual na drawing. Kaya, hindi dapat balewalain ng isang mag-aaral ang manual na drawing porket may bagong teknolohiya na. Karapatdapat pa ring pahalagahan ng bawat mag-aaral ang kanilang mga asignatura dahil lahat ng mga ito ay magagamit at mapapakinabangan nila kapag silay maging mga propesyunal na. Dapat ring matutunan nila ang bawat kahalagahan ng kanilang mga asignatura upang hindi nila binabalewala ang iba sa mga ito sa pag-aakalang hindi na ito mahalaga.

Rekomendasyon: 1. Mas makakabuti sa pag-aaral ng mga mag-aaral ng kursong Civil Engineering sa unang taon ang matutunan ang pangunahing kaalaman at kasanayan sa manual na drawing. 2. Dapat nating iwasan ang pagiging tamad sa kabila ng modernisasyon ng ating mundo. Tulad ng AutoCAD na mas moderno, mas komportable at mas tumpak gamitin kaysa sa manual na drawing, hindi dapat ito maging dahilan upang tayo'y maging tamad. 3. Sa manual na drawing naman, kailangang pagtiyagahan at maging maingat sa pagguhit nang sa gayon ay magiging tumpak at malinis ang mga gawain at mababawasan ang gastos sa mga drawing plates.

Kahalagahan ng Manual na Drawing 17 4. Mainam na ang AutoCAD at manual na drawing ay parehong kabisaduhin ng isang magaaral upang may magamit na alternatibo kung magkaproblema sa paggamit ng isa sa kanila..

Kahalagahan ng Manual na Drawing 18 Mga Sanggunian Byrnes, D. (2009). AutoCAD 2010 For Dummies. Kirk, Arizona, USA: Kindle Publishings. French, T. E., Svensen, C. L., Helsel, J. D., & Urbanick, B. (Eds.). (1997). Mechanical Drawing: CAD-Communications (12th Edition). United States: Glencoe/ McGraw-Hill. Giesecke, F.E. (Ed.). (2009). Technical Drawing (13th Edition). New Jersey: Pearson Education, Inc. Goetsch, D.L.,Chalk, W.S., & Nelson, J.A. (Eds.). (2000). Technical Drawing Fourth Edition. United States: Delmar Publishers. Hamad, M.M. (Ed.). (2009). AutoCAD 2009 Essentials. Massachusetts: Jones and Bartlett Publishers. Kirkpatrick, J.M. (Ed.). (2002). Architectural Drawing Using Sketches and AutoCAD. Ohio: Pearson Educational, Inc. Kirkpatrick, J.M. (Ed.). (2000). The AutoCAD Book: Drawing, Modeling and Applications Using AutoCAD 2000. New Jersey: Prentice-Hall, Inc. Spencer, H.C. (Ed.). (1956). Basic Technical Drawing. Canada: The Macmillan Company. http://www.jtbworld.com/autocad.htm http://www.mos.org/etf/tech.html http://www.schools.nsw.edu.au/learning/yr07_10/tas/techdrawing/index.php

Kahalagahan ng Manual na Drawing 19

You might also like