Professional Documents
Culture Documents
Kabanata IX
Kabanata IX
Buod
Pinag-usapan sa bayan ang nangyari kay Tandang Selo at kung sino ang may
kasalanan sa ipinagkagayon ng matanda.
Ang alperes o tenyente ng guardia sibil? Ano raw ang kasalanan niya? Kaya
lamang daw niya sinamsam ang mga sandata ay utos sa kanya iyon, hindi upang
bigyan ng pagkakataon ang mga tulisan upang madukot si Kabesang Tales. At di
raw niya kasalanan kung di man matagpuan si Kabesang Tales.
Ang asenderong bagong gumagawa ng lupa ni Kabesang Tales? Paano raw niya
isusuplong ang pagdadala ni Kabesang Tales ng armas e kung tingnan siya’y
parang pinipili ang pinakamabuting patamaan sa kanya. Kung namalagi raw si
Kabesang Tales sa bahay ay di sana nadukot ng mga tulisan.