Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Kabanata XVII

Ang mga Kadayaan

Buod

Sinalubong ni Mr. Leeds ang mga panauhin sa kanyang perya. Bago nagsimula
ang palabas, nagsiyasat si Ben Zayk upang Makita ang salamin sa kanyang
inaasahang matagpuan, ngunit wala siyang nakita.

Pumasok si Mr. Leeds sa isang pinto at may dalang kahong kahoy sa kanyang
pagbabalik. Ipinaliwanag niya na ito ay natagpuan naiya sa isang libingang nasa-
piramid ni Khufu, isang Paraon ng Ehipto. Ang kahon ay may lamang abo at
kapirasong papiro na kinasusulatan ng dalawang salita. Sa pamamagitan
ngpagbigkas ngunang salita ang abo ay nabubuhay at nakakausapang isang ulo
at pagbanggit ng ikalawang salita ito ay babalik sa dating kinalalagyan nito.

Bumigkas ng isang salita si Mr. Leeds, lumabas ang isang ulo at sinsbi nitong
siya si Imuthis. Siya ay umuwi sa sariling bayan pagkatapos ng pag-aaral at
mahabang paglalakbay. Sa kanyang pagdaraan sa Babilonia ay nabati niya ang
isang lihim na hindi ang tunay na Sumerdis ang namamahala doon kundi si
Gautama, isang magnanakaw ng kapangyarihan at namamahala sa tulong ng
pandaraya. Sa katakutang isumbong siya kay Cambises ay binalak ang
ikakasawi ni Imuthus sa tulong ng mga saserdoteng Taga-Ehipto na siyang
nakapangyayari noon sa kanilang bayan. Siya ayumibig sa isang anak ng pari at
naging kaagaw niya rito ang pari sa Abidos. Nagpanukala ang pari ng kaguluhan
at siya ang sinangkalan. Isinakdal siya at napiit, tumakas at napatay. Ayon sa ulo
siya ay nabuhay muli upang ihayag ang gayong kataksilan. Titig na titig kay
Padre Salvi ang espinghe habang nagsasalita ito. Dahil sa takot hinimatay ang
prayle.

Kinabukasan nagpalabas ng utos ang gobernador na nagbabawal sa palabas


ngunit wala na si Mr. Leeds, nagtungo ito sa Hongkong dala ang kanyang lihim.

You might also like