Professional Documents
Culture Documents
Kabanata XXVIII
Kabanata XXVIII
Pagkatakot
Buod
Naging takot ang lahat mula sa Heneral hanggang sa mga intsik. Ang mga prayle
ay di nakasipot sa basar ni Quiroga. Ang intsik man ay nag-ayos ng tindahan na
madaling maisara kung sakali. Inisip ni Quiroga na magtungo kay Simoun at
isangguni kung panahon na upang gamitin ang mga baril at pulbura’t bala na
ipinatago nito sa kanya. Ayon sa himatong ni Simoun iyon ay palihim na ilalagay
sa mga bahay-bahay at saka magpapahalughog ang pamahalaan. Daami ang
madarakip at mabibilanggo. Maami, lalo sa mayayaman, ang patutulong sa
kanila ni Simoun at iyon ay mangangahulugan ng malaking salapi. Nguni’t di niya
nakausap si Simoun. Ipinasabi lamang na huwag galawin ni Quiroga ang
anuman sa kinalalagyan.
Nagtungo si Quiroga kay Don Custodio upang isangguni kung dapat sandatahan
ng intsik ang sariling tahanan. Ayaw ring tumanggap si Don Custodio ng
sinuman. Kay Ben Zayb nagtungo ang intsik. Nang makita niya na nakapatong
sa mga papeles ng manunulat ang dalawang rebolber, kaagad nagpaalam ang
intsik. Umuwi ,nahiga at nagdahilang maysakit.
Sa tirahan nina Placido Penitente, hindi naniniwala ang platero sa mga paskil.
Gawa lang daw iyon ni Padre Salvi. Ayon naman sa isa’y si Quiroga ang may
gawa. May ibig daw ipasok na kontrabando si Quiroga at nasa look na sandaang
libong pisong mehikano. Nagkaroon daw ng kaguluhan. Pinadulasan ang mga
kawani sa adwana at nakalusot ang salapi.
May narinig silang mga yabag. Natigil ang usapan kay Quiroga. Kunwa’y
binanggit ng isa si San Pascual Bailon. Ang dumating ay si Placido . Kasama ang
manggagawa ng kuwitis o pulbura si Simoun.
Nang gabing iyon ay pinalitan ang mga tanod sa pinto ng siyudad. Ipinalit ay mga
artilyerong Kastila. Kinabukasan ay nakatagpo sa Luneta, malapit sa pinto, ng
bangkay ng isang dalagitang kayumanggi. Halos hubad. Ngunit nakita man iyon
ni Ben Zayb ay di na nabalita.