Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Cabillete, Greg S.

FI113 1:30 3:00

Isang araw na naman ang lumipas, sa buhay kong parang gulong, paikot-ikot, paulit-ulit. Naalala ko, nanaginip ako sa aking pag-iglip. Nasa loob raw kami ng LRT na parang sardinas kaming nagsisiksikan nang makita ko ang isang babaeng buod ng ganda. Ang kanyang kagandahan ay langit na di kayang abutin nino man. Sa tuwing ang aking mata ay napapasulyap sa kanya, ang mga dahon ay sumasayaw sa hangin na parang nasa paraiso ako. Tapos biglang, umulan ng malakas. Tiyempo pang lalabas ako na tren.

Siksikan. Tulakan. Napalingon ako at nagulat ako ng makita ko siya sa aking tabi. Dahil nga sa ulan, hindi agad ako nakaalis sa istasyon. Nagkaroon ako ng pagkakataon para kausapin siya at tanungin kung anu ang pangalan niya. Ang lakas ng ulan noh, sabi ko. Oo nga e, sagot nya. Oh ulan, lubayan mo kami, banggit ko at siya ay napatingin sakin at napangiti. At nagpatuloy kaming nagusap.

Bigla na lang nagbago ang lugar naming kinatatayuan. Nasa isang pagkilos daw kami at kaharap naming ang mga pulis na armado. Pilit nila kaming itinataboy palayo na. Animoy kamiy batong nagkalat sa lansangan na sinisipa at tinatapakan lang. Bumaha ang dugo sa awayan naming raliyista at mga pulis. Sa isang iglap, may nakatutok na sa aking ulo, isang baril! Mabuti na lang bigla akong nagising.

Nakakatakot. Nagsimula sa magandang babae, natapos sa madugo rally. Pero ang mas nakakatakot, may quiz kami ngaun. Hindi ako nagreview. Magdudugo na naman ang ilong ko kakahanap ng sagot sa tanong na hindi ko alam kung may sagot talaga. :D

You might also like