Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 26

UST Education High School Pang-unawa sa Pamamagitan ng Disenyo Sa Araling Panlipunan

Paksa: Europe at ang pagsisimula ng Modernong Panahon Malawakang Kaisipan: Pagbabago at Pagunlad Larangan: Araling Panlipunan Taon/ Antas: Ikatlong Taon Respect/Patriotism Mga Nagdisensyo: Franz Josef Buendia Diana Loren Cabanatan Anna Dominique Calalang Leonard Catubay Martin Rean Santos Eloiza Faye Sarmiento Laurence Soriao Ivan Luigi Tuazon

Nakalaang Oras: 7-12 na araw

Stado 1.0 Daluyan ng Kaisipan


Mga Tunguhin

Nasusuri ang mga dahilan at bunga ng paglakas ng Simbahang Katoliko bilang isang institusyon sa Gitnang Panahon Nasusuri ang mga dahilan at bunga ng mga krusada sa Gitnang Panahon Nasusuri ang paglaganap ng piyudalismo at manoryalismo sa Europe Nasisiyasat ng mapanuri ang mga kaganapan tungo sa paglinang ng Kabihasnang Europe Nasusuri ang pasimula at paglaganap ng mga bayan at lungsod

Sanggunian : Araling Panlipunan PSLC, Department of Education

Mga Katanungang Basiko


Mayroon pa bang kahalintulad ang sistemang piyudalismo sa modernong panahon? Ano ang kahalagahan ng Sistemang Piyudal noong gitnang panahon? Sa iyong palagay, makatarungan ba ang paggamit ng simbahan ng excommunication at interdict? Sangayon ka ba sa mga kaparusahan na ipinapataw ng Inquisition sa mga heretic? Bakit? Sa iyong palagay, naging makabuluhan ba ang mga krusada? Kung ikaw ay nabuhay noong panahon ng Krusada, sasama ka ba at ipagtatanggol mo rin ang banal na lupain?

Matagalang Pang-unawa Maunawaan ng mga mag-aaral na


Maunawaan ang uri ng pamumuhay mula sa pangangaso hanggang piyudalismo Mula sa sistemang piyudalismo, makikita ang ibang mga kalagayan ng karapatang pantao sa kasalukuyan. Ang Simbahang Katolika ay isang institusyon kung saan pinagiisa ang mga mamamayan at iniimpluwensiyahan ang mga ito Malaki ang nagagawa ng pananampalataya sa aksyon ng bawat tao Maliban sa pagunlad ng kalakalan at

Kung ikaw ay isang serf, pipiliin mo bang manirahan sa manor o ikaw ay tutungo sa bayan? Sa iyong palagay, sapat na ba ang pagunlad ng kalakalan at pamumuhay o kailangan ding yumabong ang kaalaman ng tao? Anu ang kahalagahan ng pagkakaisa para sa pag-unlad ng isang bansa? Bakit mahalagang maunawaan ang pag-unlad ng France at England? Paano naka-apekto ang pag-unlad ng mga bansang ito sa buong mundo? Ano ang pagkakaiba pag hari ang namuno kaysa sa Pope? Sa iyong palagay paano nakatutulong sa pagpapalawak ng kaisipan ang pagbalik-tanaw sa mahahalagang kontribusyon ng Renaissance sa kasalukuyan nating panahon?

pamumuhay, dapat din na yumabong ang kaalaman ng tao. Maraming epekto ang pamumuno ng isang hari at isang Papa Ang kultura ay apektado sa pag-lawak ng isang teritoryo ng isang nasyon

Mga Katanungang Pampaksa


Ano ang naging dahilan ng pagbagsak ng Imperyong Roman? Anu-ano ang mga Germanic Tribe (Barbarian) ang namuno sa mga sumusunod na bansa? o Britanya o Frank o Spain o Italy Ano ang pinakamalakas at pinakamaimpluwensiyang kaharian na pinamumunuan ng mga Barbarian? Sino ang nagtatag ng kahariang ito? Sino ang itinuturing pinakamakapangyarihang pinuno sa Italy noong panahong ito? Anu-ano ang mga bagay na ginawa ni Pope Gregory I? Sino ang haring nagtagumpay pagisahin ang lahat ng mga lupaing frank sa kanyang pamamahala? Sino ang anak ni Pepin ng Heristal na lumupig sa mga mananakop na Muslim? Sino ang pinuno ng mga frank na tinaguriang Charlemagne? Ano ang pinakamahalagang ambag ni Charlemagne? Anu-ano ang mga iba pang naiambag ni Charlemagne sa mga sumusunod? o Pamahalaan o Teritoryo o Edukasyon

Relihiyon

Sinong anak ni Charlemagne ang namuno sa kanyang kaharian pagkatapos nyang pumanaw? Bakit hindi naging matagumpay ang kaharian ito? Mula sa mga mananakop noong panahong ito, sino ang pinakamalupit? Paano umusbong ang sistemang Piyudalismo? Ano ang Piyudalismo? Ano ang Fief? Ano ang Vassal? Anu-ano ang mga ginagampanan ng isang Vassal? Anu-ano ang mga uri ng tao sa lipunang Piyudal? Ano ang Manor? Ano ang batayan ng Kayaman ng mga Panginoong May-lupa noong panahong ito? Sa paanong paraan napapanatili ng isang Panginoong may-lupa ang kanyang kapangyarihan? Ano ang tawag sa kalipunan ng mga tungkulin at nararapat na maging katangian ng bawat Knight? Anu-ano ang mga pagsasanay na dinadaanan bago matawag ang isang tao na Knight? Saan tungkol ang epikong Song of Roland? Ano ang excommunication? Ano ang interdict? Paano tumatag ang Holy Roman Empire? Ano ang ginawa ni Pope Leo III nagpakita ng pagiging isa ng relihiyon at pulitika? Ano ang seremonya kung saan hinihirang ng hari o maharlika ang mga opisyal ng simbahan? Sino ang tumuligsa sa system, ng lay investiture? Sinong emperador ang nagalit noong tanggalin ni Pope Gregory VII ang lay investiture? Ano ang ginawa ni Henry IV upang patawarin siya ni Pope Gregory VII? Paano nagwakas ang isyu ng lay investiture? Ano ang concordat of worms?

Ano ang Lombard League? Sino ang nagtatag ng Inquisition? Ano ang tawag sa paniniwala na laban sa tinuturo ng simbahan? Ano ang tawag sa taong nagpapahayag ng maling turo ng simbahan? Anu-ano ang mga kaparusahan na ibinibigay sa mga heretic? Ano ang tawag sa samahan ng mga pari na may layuning ipalaganap ang mabuting balita at gawing kristiyano ang mga tao? Anu-ano ang mga naging orden? Ano ang krusada? Ano ang banal na paglalakbay tungo sa mga lugar ng Palestine? Anu-ano an g mga nangyari sa mga krusada? Anu-ano ang mga naging epekto ng krusada? Paano umunlad ang mga bayan sa Europa, partikular sa agrikultura? Ano ang naimbento na ikinakabit sa kabayo? Ano ang ipinalit sa two-field system? Paano numunlad ang kalakalan sa mga bayan ng Europa? Anu ano ang mga lungsod sa Italy na naging sentro ng kalakalan? Ano ang naging pangunahing produkto ng Flander? Ano ang Guild? Anong institusyon ang nagpapahiram ng salapi na kailangan sa pagnenegosyo? Ano ang salitang nangangahulugan na pangkat ng mga iskolar na binubuo ng mga magaaral at guro na nagkikitakita sa labas ng monastery at katedral? Ano ang karaniwang itinuturo sa unibersidad sa hilagang bahagi ng Europe? Ano ang karaniwang itinuturo sa katimugang Europe? Sino ang karaniwang mga miyembro ng unibersidad? Paano umunlad ang panitikan sa Europe? Ano ang The Divine Comedy? Sino si Dante Alighieri? Anong wika ang ginamit ng may akda

sa pagsulat ng The Divine Comedy? Ano ang The Canterbury Tales? Sino ang sumulat ng The Canterbury Tales? Anong lumang wika ang ginamit ng mayakda sa pagsulat ng The Canterbury Tales? Ano ang tawag sa pagaaral tungkol sa kalikasan ng Diyos at ng kanyang kaugnayan sa tao at mundo? Ano ang tawag sa pagaaral kung saan iniugnay ang klasikal na kaalaman sa katuruan ng Simbahan? Sino ang pinakadakilang Scholastic sa kasaysayan? Saang lugar nakasentro ang kursong Abogasya at Medisina? Saang lugar nakasentro ang kursong Liberal Arts at Theology? Sino ang huling hari ng Anglo-Saxon na hindi nag-iwan ng tagapagmana sa kanyang trono? Sino ang nagdeklara ng kanynang sarili para pamunuan ang England? Ano ang tawag sa talaan ng sensus? Ano ang exchequer? Sino ang hari na nagpalawak ng teritoryo ng mga Ingles? Sino ang circuit judge? Sino si Haring John? Ito ang mga dokumentong naglalaman ng karapatan ng mga maharlika? Ano ang Parliament Sino si Hugh Capet? Sino ang nagtangka na ipasailalim ang kapangyarihan sa Papacy? Ano ang Papal Bull? Ano ang College of Cardinals? Sino si John Wycliffe? Sino si John Hus? Ang salot na sakit na pumatay sa 20 milyong katao ng kontinenteng Europe? Ano ang Hundred Years War? Sino ang babaeng magbubukid na nanguna sa hukbo ng Pranses? Teritoryo Huling hari ng mga Anglo-Saxons Duke ng Normandy Nakipaglaban para sa trono ng England

Kilala rin sa tawag na William the Conqueror Pagpapalakas sa posisiyon ng Hari Hinadlangan ang mga rebelyon Pag-angkin sa mga lupain san g England Pagbibigay sa mga sundalo ng fief Pagtala ng Dooms Day Book Pag-aasawa ng Hari ng ibang lugar Binubuo ng 12 katao na nakikipagpulong sa mga circuit judge Nagpalit ng pamamahalaan ng England Kilala din sa tawag na John the Softsword Nagkaroon din ng hidwaan kay Pope Innocent III Sapilitang pinalagda sa isang dokumento na naglalaman sa mga karapatan ng mamamayan Tinaguriang kauna-unahang Kalipunan ng Karapatan sa buong daigidg Naglimita sa saklaw na kapangyarihan ng mga hari ng England Pag-aalsa ng mga maharlika laban kay Haring Henry III Binubuo ang mga ito ng ibat ibang pangkat ng lipunan sa England House of Lords at House of Commons Unang namahala ng maliit na lupain sa France Philip II Louis IX Philip IV Isinasaad na dapat kilalanin ng lahat ng tao ang Pope Pangkat ng mga Kardinal Malubhang paghihiwalay ng simbahan Nagwakas sa Great Schism at nagbigay daan sa panibagong pope ng Rome Nagturo at nagsaad na si Hesus ang tunay na pinuno ng simbahan at hindi ang Pope Sinabi din na bibilya ang dapat sundin at hindi ang mga Pope Iminungkahi na isalin sa English ang wika ng bibliya mula French o Latin Naimpluwensyahan ng mga aral ni John Wycliffe Tinuring na heretic

Pagkasawi ng 20 milyong katao sa buong mundo Pinagpalagay na nagmula ang mga ito sa mga daga at pulgas na galing naman sa China Pagkakaroon ng mataas na lagnat, pamamga ng balat, panginiginig ng katawan Pag-aagawan sa pagkontrol sa Guyenne na sakop ng England Pag-aangkin ng England sa trono ng France Pagharang ng mga Pranses sa England sa kalakalan ng tela ng lana sa belgium Labanan sa lupa ng mga Pranses na tumagal mula 1337 hanggang 1453 Ano ang Renaissance? Sa anong wika nagmula ang salitang Renaissance? Anong lugar sa Europa ang nagbigay daan upang muling manumbalik ang kadakilaang klasikal na kultura ng Greece at Rome? Sa ano-anong mga bansa lumaganap ang Renaissance? Ano ang naging palagay ng mga historyador ukol sa Renaissance? Anu- anong mga dahilan upang ang Italy ay maging lugar na kapanganakan ng Renaissance? Anong dalawang lungsod-estado sa Italy and nanguna sa Renaissance Anong Lungsod-estado sa Italy ang pinakamayaman at naging isa sa mga sentro ng Renaissance? Anong pamilya ang nagkontrol sa lungsod ng Florence? Sino ang tinaguriang The Magnificent ng Florence? Anong lungsod ang sentro ng komersiyo noong panahon ng Renaissance? Malapit sa anong dagat ang Venice? Ano ang isa pang katawagan sa katutubong wika ng rehiyon kung saan sila kabilang? Sino ang itinututring na pinakadakilang manunulat sa kasaysayan na nanirahan sa Florence, Italy at ang may akda ng Divine Comedy? Tungkol saan ang epikong Divine Comedy?

Sino ang ipinanganak noong 1304 at nagsulat ng kanyang mga salaysay sa wikang Italian at mahusay na sumulat na sonnet na may 14 na taludtod? Sino ang sumulat ng The Prince? Sino ang may akda ng the Decameron? Sino ang sumulat ng the Book of Courtier? Sino ang tanyag sa pinta na naglalarawan ng mga pangyayaring naganap sa bibliya at matatagpuan sa Scrovegni Chapel sa Padua, Italy? Sino ang iskupltor umukit sa estatwa ni haring David ng mga hebreo at nag Gattamelata? Sino ang umukit ng mga pintuan ng baptistery ng San Giovanni? Sino ang puminta ng The Last Supper at ng Mona Lisa? Ano ang ginawa ni Leonardo da Vinci upang mas maunawaan niya ang pag aaral niya sa anatomy? Sino ang arkitekto ng St. peters Basilica at siya ring gumawa ng rebuilt ni Bacchus, David, Moses at ang tanyag na Pieta? Sino ang nag-atas kay Michaelangelo na pinaturahan ang kisame ng Sistine Chapel? Sino ang nagpinta ng School of Athens? Saang parte ng Europa mastradisyunal ang kalikasan ng Renaissance dahil mas binigyang tuon ng mga Europeo ang akda ng mga unang Kristiyano kaysa mga Greek at Romano? Sino ang mahusay na pintor na nagpaunlad ng sistemang perspective Kung saan ipinapakita niya ang maliliit na bagay sa guhit ay mas malayo kumpara sa mas malaking bagay? Sino ang pintor na nakatuon ang mga pinta sa pang araw araw na pamumuhay ng mga Tao sa Europa partikular sa mga magbubukid at karaniwang mga mamamayan? Sino ang pangunahing manunulat ng Spain na naglingkod sa hukbo at isinulat ang tanyag na nobelang Don Quixote? Sino ang mahusay na manunulat ang may akda ng The Canterbury Tales? Sa anong wika niya Ito sinulat? Sino ang tinaguriang pinakadakilang playwright sa lahat ng panahon na ipinanganak sa England noon 1564 at sumulat ng mga Tula at dula?

Sino ang iskolar at paring Dutch na simulate ng akdang The Praise of Folly na inilathala noon 1509? Sino ang isang pinunong Ingles na tagapag payo ni Haring Henry VIII ng England na sumulat ng librong Utopia? Sino ang naging tanyag sa larangan ng siyensya na isang manggagamot sa Flanders at nabuhay mula taong 1514 hanggang taong 1564 at gumawa ng aklat tungkol sa estraktura ng katawan ng Tao Kung saan ang mga ilustrasyong nakapaloob dito ay ginamit ng mga Europeo noong mga panahong yon? Sino nag nagsabing ang araw at Hindi ang mundo nag senator ng sandaigdigan? Sino ang higit na nagpaunlad sa sistema ng palimbagan noon 1450?

Malalaman ng mga mag-aaral Ang pagbagsak ng imperyong Roman at ang pamamayani ng mga Barbarian Mga namunong Barbarian sa Europa o Angle at Saxon sa Britanya o Frank sa Gaul o Visigoth sa Spain o Ostrogoth sa Italy Simbahang Kristiyano sa Gitnang panahon o Gregory I Ang mga Frank o Clovis o Pepin ng Heristal o Charles Martel o Pepin the Short o Charles the Great (Charlemagne) Kaharian ni Charlemagne o Pamahalaan o Teritoryo o Edukasyon o Relihiyon Pagbagsak ng Kahariang Frank o Pamumuno ni Louis the Pious Ang pagusbong ng Sistemang Piyudalismo o Fief o Vassal o Serf o Manor Chivalry o Page o Squire Epikong Song of Roland Canon law Dahilan ng pagpataw ng

Magagawa ng mga mag-aaral ang


Sumagot ng mga gabay na tanong ng mga guro. Magbahagi ang opinion sa klase tuwing diskursyon Mag-ayos ng kaalaman gamit ang graphic organizer Magbigay ng mga mala-analitikong kasagutan sa sitwasyon at isyung tatalakayin.

excommunication at interdict Otto I o Otto the Great Konsepto ng lay investiture Henry IV Pope Gregory VII Concordat of Worms Frederik I Lombard League Pope Gregory IX Inquisition Kaparusahan ng Inquisition Mga orden St. Dominic St. Francis of Assisi Ang krusada Banal na Lupain Pilgrimage Kaganapan noong unang krusada Kaganapan noong ikalawang krusada Kaganapan noong ikatlong krusada Kaganapan noong ikaapat na krusada Kaganapan sa mga iba pang krusada Mga pagunlad sa Ekonomya ng Europa: sa agrikultura, sa kalakalan, sa pababangko at sa bayan Mga pagyabong ng kaalaman: ang unibersidad, ang panitikan, at ang scholasticism Guwarnasyon (harness) Two-field system Three-field system Mga lugar kung saan naging sentro ng kalakalan Guild Sistemang barter Sistemang pananalapi Bangko Burgher Unibersidad The Divine Comedy Dante Alighieri The Canterbury Tales Geoffrey Chaucer The City Of Ladies Christine De Pisan Scholasticism Thomas Aquinas Peter Abelard Sin et Non Summa Theologica Renaissance o Kahulugan o Pinagkaiba ng Renaissance sa Medieval Ages o Renaissance sa Italy Ekonomiya

Pulitika Kultura Heograpiya Florence o Cosimo de Medici o Lorenzo the Magnificent Venice o Venetian o Panitikan Dante Alighieri Petrarch Niccolo Machiavelli Giovanni Boccaccio Baldassare Castiglione Sining at Arkitektura o Giotto de Bondone o Donatello o Lorenzo Ghiberti o Leonardo the Vinci o Michelangelo Buonarroti o Raphael Hilagang Europe o Jan van Eyck o Pieter Bruegel o Miguel de Cervantes o Geoffrey Chaucer o William Shakespeare o Desiderius Erasmus o Sir Thomas More Siyensiya at Teknolohiya o Vesalius o Nicolaus Copernicus o Johann Gutenberg

Stado 2.0 Mga Patunay sa Pagtataya


Panukat na Gawain (Tingnan ang Rubrik A) Panukat na Gawain 2: Imbentong Barbero Kung ikaw ay nabuhay noong panahon ng Renaissance, anung bagay, ideya, pagiisip o pilosopiya ang nais mong maimbento, maipalaganap? Ito ay maairing isulat sa pamamagitan ng essay, o pagguguhit. Ang iyong gawa ay huhusgahan base sa ideyang nakalakip sa paggawa ng bagay na ito a kung bakit ito ang iyong napili (individual work) (Tingnan ang Rubrik B)

Mga Iba Pang Patunay: 1. Maikling pagsusulit 2. Gawaing pangupuan 3. Oral recitation 4. Concept Mapping Stado 3: Mga Gawaing Pagkatuto Mga Kabanata ng Pagtuturo 1. Bago magsimula ang klase, magkakaroon ng activity/game ang klase na kung saan mahahati sa dalawang pangkat. Magtutungali ang bawat pangkat sa pagsagot sa mga tanong na ibibigay ng guro. Ang bawat tanong ay mangagaling sa naturang aralin na tatalakayin at itoy masasagutan sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga letrang ibibigay sa kanila. (Jumbled letters activity) 2. Matapos ng laro, ang mga terminong ginamit sa laro ay muling gagamitin upang makita ang persepsyon o kaalaman ng mga mag-aaral, upang ang mga ito ay mabigyan ng linaw, magkakaroon ng talakayan tungkol sa Europe noong gitnang panahon. (Associative thinking, Discussion Method) 3. Matapos ng talakayan magkakaroon ng resitasyon bilang rebyu at magkakaroon ng talaan ng datos ukol sa mga mahahalagang kaganapan sa Europe sa gitnang panahon at ito ay masusundan ng maikling gawaing pangupuan. (Response techniques, Concept Mapping)
Gitnang Panahon

Ang kahariang Frank

Simbahang Katoliko

Pyudalismo

4. Magkakaroon ng pagsusulit tungkol sa Europe noong gitnang panahon (Apendiks 1). 5. Sisimulan ang susunod na talakayan tungkol sa Imluwensiya ng Simbahan, pagkatapos nito ay tatalakayin din ang pagtatag ng Holy Roman Empire at Tunggaliang Pope at Emperador. (Response Technique, Oral Recitation) 6. Magkakaroon ng talakayan ukol sa mga pangyayari na nagpalakas sa simbahan nilang isang intituston, ang isyu ng lay investiture at kung paano ito nagwakas at

ang naging problema ng Pope at Emperador. Magkakaroon ng maliit ng tanungan ukol sa mga mahahalagang termino at pangyayari sa paksa. (Discussion Method, Associative Thinking, Oral Recitation). 7. Pagkatapos nito magkakaroon ng talakayan sa pagiging makapangyarihan ng Simbahan. (Discussion Method) 8. Tatalakayin din ang mga krusada, ang mga naging sanhi kung bakit naglunsad ng krusada, mga naging pangyayari dito, ang mga taong nagbigay daan sa krusada, at iba pang mga kaganapan na nangyari noong krusada. Magkakaroon din ng tanungan ukol sa mga natalakay. (Response Technique, Discussion Method, Associative Thinking, Oral Recitation) 9. Magkakaroon ng Maikling pagsusulit tungkol sa Simbahang Katoliko at ang mga Krusada. (Apendiks 2) 10. Magkakaroon ng talakayan ukol sa mga pangyayari na nagbigay daan sa pagunlad ng mga bayan sa Europa partikular na sa pagunlad ng ekonomiya (sa agrikultura, sa kalakalan, sa bangko, at sa bayan) at pagyabong ng kaalaman (ang unibersidad, ang panitikan, at ang scholasticism). Magkakaroon ng maliit ng tanungan ukol sa mga mahahalagang termino at pangyayari sa paksa. (Discussion Method, Associative Thinking, Oral Recitation, Response Technique). 11. Magkakaroon ng pagsusulit ng mahabang aralin tungkol sa Pagunlad ng Europe (Apendiks 3). 12. Pasisimulan ang talakayan tungkol sa susunod na aralin sa pamamagitan ng pagpapakita sa mga mag-aaral ng mga larawan ng mga kilalang tao, kagamitan atbp., na galing England at France. (Visual Prompting) 13. Matapos ang nasabing Gawain, tatalakayin ang pagbabago na naganap sa England at France. 14. Matapos ang talakayan, magkakaroon ng Oral Recitation sa pamamagitan ng pagbuo ng isang concept map ukol sa pag-unlad ng England at France (Concept mapping, response techniques) 15. Magkaroon ng maikling pagsusulit tungkol sa pag-unlad ng England at France. (Apendiks 4) 16. Sa susunod na aralin, ipapangkat ang mga mag-aaral sa maliliit na grupo at tatanungin ang mga mag-aaral ukol sa mga dahilan ng pagkakaroon ng krisis o problema sa loob ng isang organisasyon (maaring sa klase, atbp.). Sa bahaging din na ito, kailangan makapag-lahad ang mga mag-aaral ng mga solusyon upang maiwasan ang mga dahilan na kanilang inilahad. (Brainstorming, Think, Pair, Share) 17. Matapos ang Gawain, tatalakayin ang mga krisis na kinaharap ng Europe noong gitnang panahon at kasama na dito ang mga kaganapan sa Hundred years War(Discussion Method, Timeline)

18. Matapos ang talakayan, magkakaroon ang mag mag-aaral ng isang maikling pagsusulit tungol sa pagbagsak ng ginintuang panahon. (Apendiks 5) 19. Magkakaroon ng pormal na talayan tungkol Italy sa panahong ng Renaissance. Magtatanong ng ilang pampaksang katanungan ang guro na sasagutin naman ng mag-aaral. Iuugnay ng guro ang mga sagot ng mag-aaral sa talakayan tungkol sa panahon ng Renaissance. (Associative thinking) 20. Ipapalahad sa mga mag-aaral ang mga ideya o konseptong natutunan sa talakayan tungkol sa Italy sa pisara. Ilalagay ng mag-aaral ang kanilang mga natutunan ayon sa aspetong kinabibilangan nito. (Recall) Ekonomikal Pulitikal Kultural Heograpiya

21. Magkakaroon ng talakayan sa naging kontribusyon ng mga tanyag na tao sa panahon ng Renaissance. 22. Matapos ang talakayan ay magkakaroon ang mag-aaral ng maikling pagsusulit. (Apendiks 6) 23. Magsisimula ang talakayan sa pagbibigay ng mga mag-aaral ng kanilang pananaw ukol sa mga maling gawain ng simbahan at mula sa kanilang mga pananaw, sila ay mamimili ng isa sa mga sumusunod na kategoryakung ano ang kanilang gagawin at ipapaliwanag nila kung bakit nila ito napili: a. Hahayaan na lamang sapagkat ang mga kaparian ang nakakaalam ng tama at mali. b. Mag-aalala sapagkat maaaring magalit ang mga hari at debotong Katoliko sa pagmamalabis sa kapangyarihan ng Pope sa Rome. c. Tutuligsain ang mga opisyal ng Simbahan at hihingi ng reporma upang mabago ang mga maling pamamaraan sa pamamahala ng institusyon. 24. Mula sa mga sagot na ibibigay ng mag-aaral, ito ay iuugnay sa aralin at pasisimulan ang talakayan tungkol sa Repormasyon at Kontra-repormasyon. (Response techniques, Discussion Method) 25. Magkakaroon rin ng oral recitation habang tinatalakay ang aralin. Kung sapat pa ang oras , manunuod ang mga mag-aaral ng isang dokumentaryo tungkol sa Repormasyon at Kontra-repormasyon. (Visual Prompting, Recall) 26. Matapos ng takdang aralin, magkakaroon ng maikling pagsusulit (Apendiks 7) 27. Performance Task 2

Imbentong Barbero Kung ikaw ay nabuhay noong panahon ng Renaissance, anung bagay, ideya, pagiisip o pilosopiya ang nais mong maimbento, maipalaganap? Ito ay maairing isulat sa pamamagitan ng essay, o pagguguhit. Ang iyong gawa ay huhusgahan base sa ideyang nakalakip sa paggawa ng bagay na ito a kung bakit ito ang iyong napili (individual work)
Mga espisipikong panuto:

Ang mga gawa ay maaring ideya, pilosopiya, o imbensyong nais mong maipamahagi sa Pilipinong lipunan. Kung ito ay pag-guhit, ito ay dapat ilagay sa 1/8 illustration board, kalakip ang paliwanag sa likod. Para sa ideya o pilosopiya, ito ay dapat ilahad sa pamamagitan ng sanaysay.

Apendiks at Rubriks Apendiks 1 Maikling Pagsusulit


University of Santo Tomas Education High School School Year 2010-2011 ARALING PANLIPUNAN III

Pangalan: _________________________ Petsa:_______________ Taon at Seksyon: ___________________ Iskor: ______________

I. Modified True or False Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap sa ilalim ay nagsasaad ng katotohanan, kung ito ay mali, palitan ang salitang may salungguhit ng tamang sagot at ilagay ito sa patlang (R X 2). _____1. Naglaho noong gitnang panahon ang edukasyon, panitikan at sining na naitaguyod ng Rax Pomana. _____2. Noong mamatay si Charles Martel sya ay pinalitan ng kanyang anak na si Pepin the short. _____3. Napalawak ni Gregory I ang kahariang Frank noong gitnang panahon.

_____4. Ang Hacienda ayon sa sistemang piyudalismo noong gitnang panahon, ay tumutukoy sa kabuoang lupain na pagmamay-ari ng panginoong maylupa. _____5. Noong gitnang panahon sa Europa, ang pamantayan ng pagiging isang Knight ay tinatawag na Bushido Code. _____6. Ang Epikong Song of Roland ay isang epikong tungkol sa mga mandirigmang Magyar noong panahon ni Charlemagne. _____7. Upang maprotektahan ang kanilang mga kabuhayan, ang proteksyon ay nakukuha ng panginoong maylupa mula sa mga ibang maharlika sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng Fief. _____8. Ang Vassal ay ang maharlika o opisyal ng simbahan na nanganalaga ng lupain ng panginoong maylupa. _____9. Si Charlemagne ay pinatungan ng korona ni Pope Leo V bilang emperador ng mga roman at ibinigay sa kanya ang titulong Augustus _____10. Ang mga Viking ay nagmula sa kanlurang Europe na kasalukuyan ay ang mga bansang Sweden, Norway, at Denmark. II. Essay Panuto: Ipaliwanag ang mga hakbang o pagsasanay na dinadaan bago magawaran ang isang tao bilang isang Knight. (R x 5) Test Conversion Key Score 25 24 23 22 21 20 19 18 17 16 15 14 13 Apendiks 2
University of Santo Tomas Education High School School Year 2010-2011 ARALING PANLIPUNAN III

Transmutation 94 92 91 89 88 86 85 83 81 80 78 77 75

Score 12 11 10 9 8 7 6 5 4 3 2 1 0

Transmutation 74 74 73 73 72 72 71 71 70 70 69 69 68

Pangalan: _________________________ Petsa:_______________ Taon at Seksyon: ___________________ Iskor: ______________

I. Pagtukoy Panuto:Ilagay sa patlang ang tamang sagot. (R X 1)

_____1. Pagpapaliban na isagawa ang mga sakramento at mahahalagang seremonya ng simbahan sa nagkasalang hari. _____2. Hinirang na emperador noong taong 962 ng pinagsanib na kaharian ng Germany at Italy _____3. Seremonya kung saan hinihirang ng hari o maharlika ang mga opisyal ng simbahan. _____4. Tinuligsa niya ang sistemang lay investiture na nauwi sa pagsasantabi nito noong 1075. _____5. Ikinagalit ng emperador na ito ang pagtanggal ni Pope Gregory VII ng lay investiture. _____6. Ito ang pagpupulong kung saan nagwakas ang isyu sa lay investiture. _____7. Alyansa ng mga mangangalakal na lumaban kay Frederick I. _____8. Tumutukoy sa paniniwala na laban sa itinuturo ng simbahan. _____9. Taong nagpapahayag ng maling turo ng Simbahan. _____10. Samahan ng mga pari na may layuning ipalaganap ang mabuting salita at gawing kristiyano ang mga tao. II. Graphic Organizer Panuto: Kumpletuhin ang tsart sa pagpili ng tamang sagot sa ibaba nito. (R x 1)
Mga Krusada

Unang Krusada

Ikalawang Krusada

Ikatlong Krusada

Ika-apat Krusada

Iba pang mga Krusada

1. Pinakamatagumpay na krusada na tumagal mula 1095 hanggang 1099 2. Sinakop ni Saladin ang Jerusalem 3. Mga kabataan ang nagsagawa ng krusada 4. Nanawagan si Pope Innocent III ng panibagong krusada 5. Nanawagan si Pope Eugeniua IV ng panibagong krusada 6. Tinaguriang Krusada ng mga Hari 7. Sinalakay ng mga crusader ang Constantinople 8.Bumagsak ang Acre noong 1291 9. Nanawagan si Pope Urban II na itaboy ang mga muslim sa Palestine 10. Pinangunahan ni Haring Louis VII at Emperador Conrad III Score 20 19 18 17 16 15 14 13 12 11 Transmutation 94 92 90 88 86 85 83 81 79 77 Score 10 9 8 7 6 5 4 3 2 1 0 Transmutation 75 74 74 73 72 72 71 70 69 69 68

Apendiks 3 Maikling Pagsusulit


University of Santo Tomas Education High School School Year 2010-2011 ARALING PANLIPUNAN III

Pangalan: _________________________ Petsa:_______________ Taon at Seksyon: ___________________ Iskor: ______________

I. Graphic Organizer Panuto: Kumpletuhin ang tsart sa pagpili ng tamang sagot sa ibaba nito. (rx1)
Muling Pagunlad sa Ekonomiya

Sa Agrikultura

Sa Kalakalan

Sa Pagbabangko

Sa Bayan

1. Two-field system 2. guwarnasyon 3. sistemang barter 4. bangko 5. burgher 6. Three-field system 7. guild 8. Flander 9. sistema ng pananalapi 10. Venice, Pisa at Genoa II. Pagtukoy Panuto: Ilagay sa patlang ang tamang sagot. (rx1) _____1. Sa lugar na ito nakasentro ang kursong Abogasya at Medisina. _____2. Sa lugar na ito nakasentro ang kursong Liberal Arts at Theology. _____3. Pagaaral kung saan iniuugnay ang klasikal na kaalaman sa katuruan ng simbahan. _____4. Pagaaral tungkol sa kalikasan ng Diyos at ang kanyang kaugnayan sa tao at mundo. _____5. Pinakadakilang scholastic sa kasaysayan. _____6. Samahan ng mga iskolar na guro at magaaral. _____7. Nagsulat ng Divine Comedy.

_____8. Nagsulat ng Canterbury Tales _____9. Nagsulat ng Summa Theologica _____10. Mayakda ng Sin et Non Score 20 19 18 17 16 15 14 13 12 11 Transmutation 94 92 90 88 86 85 83 81 79 77 Score 10 9 8 7 6 5 4 3 2 1 0 Transmutation 75 74 74 73 72 72 71 70 69 69 68

Apendiks 4
University of Santo Tomas Education High School School Year 2010-2011 ARALING PANLIPUNAN III

Pangalan: _________________________ Petsa:_______________ Taon at Seksyon: ___________________ Iskor: ______________ Pagtukoy Panuto: Isulat ang tamang sagot sa patlang (R x 1) ________ 1. Taon ng kamatayan ni Edward the Confessor ________ 2. Taon ng pamamahala ni Louis IX kung naitatag ang Appeals Court ________ 3. Tagal ng pamamahala ni Haring Henry sa England ________ 4. Ito ang araw na kung saan nagkaisa ang mga maharlika laban kay Haring John at naitatag ang ang Magna Carta ________ 5. Taon kung saan nasakop ni Philip II ang Normandy at iba pang bahagi ng France ________ 6. Araw ng labanan ni Haring Harold Goldwinson at William the ng Normandy na kilala din sa tawag na labanan ng Hastings ________ 7. Taon ng pamamahala ng tinaguriang Philip Augustus ________ 8. Taon na kung saan nagkaroong ng pulong na binubuo ng ibat ibang tao sa England kabilang ang mga opisyal ng simbahan, Knight at burgesses. ________ 9 .Tagal ng pamamahala ni Haring John sa England ________ 10. Taon kung saan iniutos ni Haring William na magsagawa ng census sa buong kaharian ng England Test Conversion Key Score 10 9 Transmutation 94 90 Score 5 4 Transmutation 75 74

8 7 6

86 83 79

3 2 1 0

72 71 69 68

Apendiks 5
University of Santo Tomas Education High School School Year 2010-2011 ARALING PANLIPUNAN III

Pangalan: _________________________ Petsa:_______________ Taon at Seksyon: ___________________ Iskor: ______________ Pagtukoy Panuto: Isulat ang tamang sagot sa patlang (R x 1) ________ 1. Siya ang nagtangkang magsailalim sa mga hari ng ibat ibang kaharian sa ilalaim ng papacy noong 1300 ________ 2. Itinuro niya na si Hesus ang tunay na pinuno ng simbahan at hindi ang pope at binigyan-diin niya na ang Bibliya ang dapat sundin at hindi ang Pope. ________ 3. Pinagpalagay na nanggaling ito sa mga daga at pulgas na makikita sa mga imbakan ng pagkain na patungong China. ________ 4. Labanan na tumagal mula 1337 hanggang 1453 at naganap sa lupain ng mga Pranses ________ 5. Sumakop sa daungan ng Calais, France noong 1347 ________ 6. Pinangunahan niya ang hukbong Pranses upang iligtas ang Orleans mula sa mga Ingles noong 1429 ________ 7. Inisasaad nito na dapat lamang kilalanin ng lahat ng tao kabilang na ang hari sa kapangyarihan ng Pope. ________ 8. Dalawang Pope na namuno ng sabay na kung saan pinatawan nila ang isat isa ng excommunication nagging dahilan ng pagkasira ng simbahan ________ 9. ________ 10. Ninais nito na wakasan ang Great Schism sa pamamagitan ng paghirang ng panibagong Pope. Test Conversion Key Score 10 9 8 7 6 Transmutation 94 90 86 83 79 Score 5 4 3 2 1 0 Transmutation 75 74 72 71 69 68

Apendiks 6
University of Santo Tomas Education High School School Year 2010-2011 ARALING PANLIPUNAN III

Pangalan: _________________________ Petsa:_______________ Taon at Seksyon: ___________________ Iskor: ______________ I. Paghahanay Panuto: Paghanayin ang letrang A sa letrang B. Isulat sa patlang ang tamang sagot. (R X 2) A. _______1. Dante Alighieri _______2. Michelangelo Buonarrati _______3. Sir Thomas More _______4. Desiderius Erasmus _______5. Niccolo Machiavelli _______6. William Shakespeare _______7. Giovanni Boccaccio _______8. Geoffrey Chaucer _______9. Leonardo da Vinci _______10. Miguel de Cervantes B. a Decameron b.Utopia c.Last Supper d.The Praise of Folly e.Divine Comedy f.The Prince g.The Book of Courtier h.School of Athens i.Don Quixote j.Pieta k.School of Greece l.The Canterbury Tales m.Midsummer Nights Dream

II. Sanaysay Panuto:Ilarawan ang kalagayan ng Italy sa panahon ng Renaissance base sa mga sumusunod na aspeto sa 5-8 pangungusap. (Rx5) A. Ekonomiya B. Pulitika C. Kultura
Batayan 3 2 1 Bigat Kabuuang Marka

Paglalarawan ng kalagayan ng Italy sa panahon ng Renaissance

Naisulat ang kalagayan ng Italy sa ekonomikal, pulitikal at kultural na aspeto sa panahon ng Renaissance

Naisulat ang kalagayan ng Italy sa alin man sa 1-2 aspeto sa panahon ng Renaissance

Walang naisulat sa nagawang kalagayan ng Italy sa alin man sa 1-2 aspeto sa panahon ng Renaissance

3x5

15

Test Conversion Key Score 35 34 33 32 31 30 29 28 27 26 25 24 23 22 Transmutation 96 95 94 92 91 90 89 87 86 85 84 82 81 80 Score 21 20 19 18 17 16 15 14 13 12 11 10 9 8 Transmutation 79 77 76 75 75 74 74 73 73 72 72 71 71 71 Score 7 6 5 4 3 2 1 0 Transmutation 70 70 69 69 68 68 67 67

Apendiks 7

University of Santo Tomas Education High School School Year 2010-2011 ARALING PANLIPUNAN III

Pangalan: _________________________ Petsa:_______________ Taon at Seksyon: ___________________ Iskor: ______________

I. Pagtutukoy Panuto: Ibigay ang hinihingi ng mga sumusunod. (R x 2) _______1. Ito ay isang paraan upang mawala o mabawasan ang parusang nakalaan sa isang tao dahil sa paggawa nito ng kasalanan sa pamamagitan ng pagbabayad sa simbahan. _______2. Ang St. Peters Basilica ay matatagpuan sa anong lugar?

_______3. Ang mongheng German na kumalaban sa katolikong Simbahan. _______4. Ang naglathala ng Institutes of the Christian Religion. _______5. Ang tagapagtanggol ng pananampalataya. _______6. Ito ang simbahan na naitatag ng Parliament ng Inglatera sa pamamagitan ng Act of Supremacy sa ilalim ng pamumuno ni Henry VIII _______7. Ang grupong itinatag ni Ignatius Loyola

II. Enumeration Panuto: Punan organizer ng mga paniniwala ng simbahan Pinalitan at pinatili ng simbahan sa Konseho ng Trent. (R x 2)
Mga Paniniwala

Pinanatili

Pinalitan

1. 2. 3. 4.

1. 2. 3. 4.

Test Conversion Key


Score 30 29 28 27 26 25 24 23 22 21 20 19 Transmutation 94 93 91 90 89 88 86 85 84 83 81 80 Score 18 17 16 15 14 13 12 11 10 9 8 7 Transmutation 79 78 76 75 75 74 74 73 73 72 72 71 Score 6 5 4 3 2 1 0 Transmutation 71 70 70 69 69 68 68

RUBRIKS A

Batayan Pagpapakita ng pagiging humanist

Eksperto (5)

Bihasa (3)

Baguhan (1)

Bigat

Kabuuang Marka

Mahusay na nailarawan at naipakita ang


pagiging humanist

May kakaunting detalyeng may hindi

Hindi naipakita ang pagiging humanist sa gawa.

3x5

15

sa gawa.

kalinawan sa pagiging humanist ng gawa.


May kahusayan sa pagsusulat ng mga kwento at talent sa pagguhit ngunit may mga ilang detalye ang mayroong pagkukulang sa organisasyon Ang pagdadahilan ay hindi gaanong naipaliwanag ang layunin sa likod ng gawa

Paggawa, pagguhit, at ideya

Mahusay na napatunayan ang husay sa pagsusulat ng mga kwento at natatanging talento sa pagguhit.

Hindi malinaw ang organisasyon ng gawa at may kaunting kahusayan sa paggawa at pagguhit

3x5

15

Pagpapaliwanag ng ideya

Ang pagpapaliwanag sa likod ng layunin ay may lohika at tamang pagsasadahilan

Ang pagdadahilan ay hindi naging sapat sa pagpapaliwanag ng gawa

2x5

10

Kabuuang Marka

40

RUBRIKS B

Batayan

Eksperto (5)

Bihasa (3) Ang ideya ay hindi masyadong kinakailangan ngunit ito ay makaktulong rin kung sakali Ang ginawa ay makikitang may mga detalyeng napabayaan bagamat mayroon parin itong kabuluhan May kakaunting detalyeng hindi napaliwanag

Baguhan (1)

Bigat

Kabuuang Marka

Ideya sa likod ng likha

Ang ideya ay kinakailangan at nararapat sa kasalukuyang panahon

Ang ideya ay hindi kinakailangan ng kasalukyang panahon

3x5

15

Pag-gawa at kabuluhan ng gawa

Ang ginawa ay makikitang pinaghirapan at mayroong seryosong kabuluhan

Ang ginawa ay maraming pinabayaang detalye na nagpapakita ng kawalan ng organisasyon Walang linaw kung ano ang layunin sa likod ng

3 x5

15

Pagpapaliwanag sa likod ng gawa

Maayos at malinaw na napaliwanag ang layunin sa likod

3 x5

15

ng gawa

ngunit naiintindihan paran ang paliwanag sa likod ng gawa.

gawa.

Kabuuang Marka

45

You might also like