Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Ang Alfabeto at Ortograpiyang Filipino Mga Batayang Prinsipyo ng 2001 Alfabeto Tungo sa Istandardisasyon ng Sistema ng Pagsulat sa Filipino: Mga

Tuntunin at Patnubay sa Paggamit ng Walong Bagong Letra ng Alfabetong Filipino Ang proyektong ito ay bahagi ng programa sa pagpaplano ng pambansang wika ng Komisyon sa Wikang Filipino na sadyang may kinalaman sa istandardisasyon ng sistema ng pagsulat sa Filipino, ang pambansang wika. Inaasahang ang final na awtput ng proyektong ito ay isang set ng mga rekomendasyon at mga tuntunin sa ispeling na gagabay sa panghihiram ng mga salita at pagsasalin sa nakasulat na wika. Nag-aambag ito, kung gayon, sa istandardisasyon at intelektuwalisasyon ng ating pambansang wika sa pamamagitan ng pagpapayaman ng vokabularyo. Kinikilalang mahalaga ang patuloy na pagreporma sa ispeling para paunlarin ang sistema ng pagsulat upang matamo ang malawakang layunin ng istandardisasyon at intelektuwalisasyon ng Filipino. Ito ay dahil sa may makapangyarihang impluwensia ang paglilipat ng oral na wika patungo sa anyong nakasulat sa pagkakaroon ng uniformidad ng wika. Sa mga panimulang yugto ng development at istandardisasyon ng wika, kailangangkailangan ang uniformidad o kodifikasyon. Sa yugtong ito, dinidevelop and mga norm o pamantayan sa ibat ibang lingguwistikong komponent, kaya napatatatag ang pagbigkas, vokabularyo at panggramatikang estruktura ng wika. PANGKALAHATANG TUNTUNIN I Pinaluluwag ang paggamit ng bagong karagdagang walong letrang C, F, J, N, Q, V, X, Z sa pagsulat ng Filipino para isama, hindi lamang ang mga salitang nakapailalim sa tatlong uri na orihinal na binabanggit sa Kautusang Pangkagawaran, gaya ng: A. pangngalang pantangi tulad ng pangalan ng tao, lugar, insitusyon, at iba pa;

B. teknikal na mga terminong hindi madaling maasimileyt sa sistema ng ispeling sa Filipino o hindi madaling baguhin ang ispeling nang hindi nawawala ang kahulugan; at C. mga salita mula sa mga etnikong minoryang wika sa Pilipinas na may dala-dalang natatanging pangkulturang kahulugan, kundi maging ang lahat ng mga hiram na salita anuman ang varayti nito kasama ang pang-araw-araw na wika na nabibilang sa informal o kumbersasyonal na varayti, na naglalaman ng mga salitang gumagamit ng alinman sa walong letra. Ang hiram na salita ay maaaring bahagi ng nakasulat na diskurso na nasasaklaw ng varayting informal, akademikong formal o teknikal, at varayting frozen, literari o rituwalistiko. Ang 2001 Mga Tiyak na Tuntunin sa Gamit ng Walong Dagdag na Letra ay revisyon ng tuntunin sa paggamit ng walong dagdag na letraC, F, J, , Q, V, X, Zna nakapaloob sa 1987 Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino na binuo ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas. Ang ibang mga tuntunin sa ispeling sa Patnubay ay hindi binago nang ganap. Kinikilalang ang mga tuntunin sa paggamit ng walong dagdag na letra sa 1987 Patnubay sa Ispeling ay napakahigpit para tumugon sa mga pangangailangan ng mga Pilipinong may kakayahan kapwa sa katutubo at banyagang wika, at palit-palit na gumagamit ng mga wikang ito. Sa 1987 Patnubay sa Ispeling, ang paggamit ng walong dagdag na letra sa mga salita at ekspresyong hinihiram ay nababatay lamang sa mga sumusunod na kondisyon: Pantanging ngalan Salitang katutubo mula sa ibang wika sa Pilipinas Salitang hindi konsistent ang ispeling o malayo ang ispeling sa bigkas, na kapag binaybay ayon sa alfabetong Filipino ay hindi mabakas ang orihinal na ispeling nito

Salitang pang-agham at teknikal Simbolong pang-agham Mapapansing nililimita ng mga kondisyong nabanggit ang paggamit na walong dagdag na letra sa mga salitang bahagi ng formal o teknikal na varayti o ang tinatawag na karaniwang salita, binabaybay ang mga salitang ito gamit ang 20-letrang abakada. Isang linggwistikong realidad ang malawakang panghihiram nga salita, lalo sa Ingles. Ang mga Pilipino ay naglilipat-wika at malawakang nanghihiram anuman ang antas ng formalidad sa paggamit ng wika, pasalita man o pasulat. Kalikasan ng Leksikal na korpus sa Filipino Aytem Leksikal-maaring dalawa o tatlong magkakaibang salit,maaring may ibatibang anyo at maaari ring dalawang hiwalay na aytem. 1.Tatlong magkakaibang gamit ng salita. Halimbawa: Sarado na ang isip- ayaw ng tumnggap ng paliwanag Sarado na ang isip- literal na hindi nakabukas ang pinto. 2.May ibat-ibang anyo Hal.nangingisda (nagaganap pa lamang) 3.dalawang hiwaly na aytem Hal. Langisan ang makina- lagyan ng langis ang makina(literal) nangisda mangingisda

(naganap na) (magaganap pa)

Maglangis sa amo magpalakas sa amo( konotatib na kahulugan) Istrukturang Leksikal- ito ay ukol sa homonym at antonym.Ang relasyon ng kakulangan na aytem na napapaloob sa kahulugan ng iba ay tinatawag na homonym. Hal. Ale, mama, bata Antonym ay magkasalungat ang relasyon ng mga leksikal na aytem. Hal.matanda- bata
Mga Tuntunin sa Panghihiram/Pagtutumbas Ang mga hiram na salitang naglalaman ng alinman sa walong karagdagang letra na nabago na ang ispeling ayon sa orihinal na sistema ng pagsulat sa Filipino at umangkop na sa wika ay dapat na manatili ayon sa pagkakabaybay sa orihinal na alfabetong Filipino at dapat na ituring na lehitimong mga varyant ng ispeling. Tinatanaw na sa mahigpit na pagtupad sa mga bagong tuntunin sa paglipas ng mga taon, higit na pipiliin ang mga tuntunin sa paggamit ng walong karagdagang hiram na letra at ang mga naunang varyant ng ispeling ay ituturing na makaluma, bibihira, diyalekto, o vulgar. 1.Gamitin ang kasalukuyang leksikon ng Filipino bilang panumbas sa mga salitang banyaga: Hal. Hiram na salita Attitude Filipino Saloobin

*Kumuha ng mga salita mula sa ibat ibang katutubong wika ng bansa. Hal. Hiram na salita Hegemony Filipino Gahum(Cebuano)

*Bigkasin sa orihinal na anyo ang hiniram na salita mula sa ibat ibang banyaga. Hal. Kastila Cheque Liquid Filipino Tseke likido

2.Gamitin ang letrang C, , Q,X, F,J ,V,Z kapag ang salita ay hiram ng buo. Hal. Tao Quirino Lugar Canada Gusali Ceneza Blg. Pangyayari El Nino Sasakyan Qantas airlines

*Salitang Teknikal o Siyentifiko Hal: cortex X-ray

*Salitang may natatanging kabuluhang cultural Hal. Canao(Ifugao) pagdiriwang Senora(kastila) ale

*Salitang may irregular na ispeling ns hindi katumbas ng tunog. Hal: bouquet Plateau

*Salitang may internasyunal na anyong kinikilala at ginagamit Hal: taxi Exit

3.Gamitin ang mga letrang F,J, V, Z para katawanin ang mga tunog /f/,/j/,/v/ at /z/ kapag sa Filipino ang mga salitang hiram. Hal. Fixer Subject Fikser Sabjek

4.Gamitin ang mga letrang C, , Q,X sa mga salitang hiram nang buo. Hal. Cornice cell

Mga Tuntunin sa Pagbaybay Ang Alfabetong Filipino

A /ey/ M

B /bi/ N

C /si/ ,

D /di/ G

/i/ /ef/ /ji/ /eych/ /ay/ /jey/ /key/ /el/ O P Q R S T U V

/em/ /en/ /enye/ /enji/ /o/ /pi/ /kyu/ /ar/ /es/ /ti/ /yu/ /vi/ W X Y /way/ Z /zi/

/dobolyu/ /eks/

II. Mga Tuntuning Panlahat sa Ispeling o Pagbaybay A. Ang pasalitang Pagbaybay Pasulat Salita Pantig Akronim boto it MERALCO Pagbigkas /bi-ti-o/ /ay-ti/ /em-i-ar-ey-el-si-o|/

(Manila Electric Company) Daglat Inisyal ng Tao Inisyal na samahan Simbolong Pang-agham B.Pagsulat na pagbaybay- manatili ang isa isang tunog at letra sa pagsulat na pagbaybay ng mga salita sa wikang Filipino.Ito ay Bb. (Binibini) MLQ (Manuel L.Quezon) KWF(komisyon sa Wikang Filipino) Fe(Iron) /ef-i/ /kapital bi-bi/ /em-el-kyu/ /key-dobolyu-ef/

may tiyak na tuntunin sa pagpapaluwag ng gamit ng walong (8) dagdag na letra. Mga Tiyak na Tuntunin sa Gamit ng walong (8) Letra 1.Letrang C. panatilihin ang letrang C kung salita ay hiniram sa orihinal na anyo. Hal. Calculus Carbohydrates

Ang letrang C ay nakakatulad ng letrang S sa pagkatawan nito sa fonemang /s/ at nakakatulad ng letrang K sa pagkatawan ng fonemang /k/ depende sa mga tunog na nakapaligid dito. Halimbawa: Hal. centralsentral; cabinetkabinet. 2.Letrang Q - panatilihin ang letrang Q kung salita ay hiniram sa orihinal na anyo. Hal. Quo vadis quad

Ang letrang Q ay kumakatawan naman sa tunog /k/ o sunuran ng mga tunog /kw/. Halimbawa: quesokeso; quintupletkwintuplet. 3. Ang Kastilang letrang ay hindi kumakatawan sa isang tunog, kundi sa sunuran ng mga tunog na /ny/. Halimbawa: baobanyo. 4. Panghuli, ang letrang X ay kumakatawan sa sunuran ng mga tunog /ks/. Halimbawa: extraekstra. 5. Letrang F- pananatili ang letrang f sa mga hiniram na salitang
naglalaman ng letrang f kung ang salita ay hiniram nang buo ayon sa orihinal nitong anyo gaya ng

Hal. fax, Finland

affix - afiks

F. Paggamit ng Letrang J 1. Pinananatili ang letrang J sa mga salitang naglalaman ng letrang J kung ang salita ay hiniram nang buo ayon sa orihinal nitong anyo sa: John Joseph 2. Ginagamit ang letrang /j/ upang katawanin ang tunog /j/ sa mga salitang binago ang baybay sa Filipino tulad sa: jacket - jaket G. Paggamit ng Letrang V 1. Pinananatili ang letrang v sa mga salitang naglalaman ng tunog V kung ang salita ay hiniram nang buo ayon sa orihinal nitong anyo: valium - valium 2. Ginagamit ang letrang v upang katawanin ang tunog /v/ kung ang salita ay binago ang baybay sa Filipino: vacation - vekeyshun H. Paggamit ng Letrang Z 1. Pinananatili ang letrang Z sa mga hiniram na salita upang katawanin ang tunog /z/ kung ang salita ay hiniram nang buo ayon sa orihinal nitong anyo gaya sa: zebra Zamboanga

2. Pinananatili ang letrang z upang katawanin ang tunog na /z/ sa mga salitang binago ang baybay sa Filipino gaya sa: zone - zon 3. Ginagamit ang letrang Z upang katawanin ang tunog /z/ sa mga salitang binago ang baybay sa Filipino gaya sa: xylophone zaylofon

Mga Diptonggo-ay alin man patinig na sinusundan ng malapatinig na w at y.


Halimbawa :

aw, iw, ay, ey, iy, oy at uy


buhay, bahay, palitaw,sayaw at iba pa Mga Digrapo- ay kombinasyon ng dalawang letrang pinagsama para katawanin ang isa o dalawang tunog. 1.Digrapong Ch Hal. Chopsuey chips

2.Digrapong Sh
A.Pinananatili sa mga salita kung ang salita ay hiniram nang buo ayon sa orihinal nitong anyo

Hal. Sharon b. Sh- SY

Shampoo

Hal. Workshop- worksyap C.Ang NG- panatilihin ang NG para sa tunog ng /ng/. Hal. Ngayon Panginoon

D. Ang Pantig at Palapantigan 1.Ang Pantig ay isang saltik ng dila o walang anatlang bugso ng tinig sa pagbigkas . Hal.a-ko 2. Kayarian ng Pantig sam-bot

Kayarian P KP PK KPK KKP PKK KKPK KKPKK KKPKKK

Halimbawa u-pa ma-li is-da han-da pri-to eks-perto plan-tsa trans-portasyon shorts

3.Pagpapantig ay paraan ng pagbaha-bahagi ng salita sa mga pantig. Hal. A. Salita Aalis Mga pantig a-a-lis

b.kapag dalawa ang magkaibang katinig: Buksan Buk-san

C.Kapag may tatlo o higit pang magkakaibang katinig: Eksperimento D.magkasunod na m o n Asambleya a-sam-ble-ya eks-pe-ri-men-to

E.kapag may apat magkasunog na katinig:

Ekstradisyon 4.Ang pag-uulit ng Pantig Hal a-lis Mag-alis a-a-lis

eks-tra-di-syon

mag-a-a-lis

Inuulit lamang ang unang katinig Hal. Plantsa pa-plantsahin mag-pa-plantsa

PAGGAMIT NG GITLING(-)
Ginagamit ang gitling (-) sa loob ng salita sa mga sumusunod na pagkakataon: A. Sa pag-ulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang-ugat. Hal. araw-araw isa-isa apat-apat dala-dalawa sari-sarili kabi-kabila masayang-masaya

B. Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa patinig na kapag hindi ginitlingan ay magkakaroon ng ibang kahulugan Hal: mag-alis nag-isa nag-ulat pang-ako mang-uto pag-alis may-ari tag-init pag-asa C. Kapag may katagang kinaltas sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama. Hal: pamatay ng insekto - pamatay-insekto kahoy sa gubat - kahoy-gubat humgit at kumulang - humigit-kumulang lakad at takbo - lakad-takbo

bahay na aliwan - bahay-aliwan dalagang taga bukid - dalagang-bukid Subalit, kung sa pagsasama ng dalawang salita ay magbago ang kahulugan, hindi na gagamitan ng gitling ang pagitan nito. Hal. dalagangbukid (isda) buntunghininga D. Kapag may unlapi ang tanging ngalan ng tao, lugar, brand o tatak ng isang bagay o kagamitan, sagisag o simbolo. Ang tanging ngalan ay walang pagbabago sa ispeling Hal: maka-Diyos maka-Rizal maka-Pilipino E. Sa pag-uulit ng unang pantig ng tanging ngalang may unlapi, ang gitling ay nalilipat sa pagitan ng inulit na unang pantig ng tanging ngalan at ng buong tanging ngalan Hal. mag-Johnson magjo-Johnson F. Kapag ang panlaping ika- ay iniunlapi sa numero o pamilang. Hal: ika-3 n.h. ika-10 ng umaga ika-20 pahina G. Kapag isinulat nang patitik ang mga yunit ng fraction. Hal: isang-kapat (1/4) tatlong-kanim (3/6) H. Kapag pinagkakabit o pinagsasama ang apelyido ng babae at ng kanyang bana o asawa. Hal. Gloria Macapagal-Arroyo Perlita Orosa-Banzon
I. Kapag hinati ang isang salita sa dulo ng isang linya. Hal.Patuloy na nililinang at pinalalawak ang pag-gamit ng Filipino.

You might also like