silanganan. Alab ng puso, sa dibdib mo'y buhay. Lupang hinirang, duyan ka ng magiting Sa manlulupig, di ka pasisiil.
Sa dagat at bundok, sa simoy at sa langit mong bughaw, may dilag ang tula at awit sa paglayang minamahal.
Ang kislap ng watawat mo'y tagumpay na nagniningning. Ang bituin at araw niya kailan pa may di magdidilim.
Lupa ng araw, ng lualhati't pagsinta, buhay ay langit sa piling mo. Aming ligaya na pag may mang-aapi, ang mamatay ng dahil sa iyo
PANUNUMPA SA WATAWAT NG PILIPINAS
Ako ay Pilipino, Buong katapatang nanunumpa sa watawat ng Pilipinas, At sa bansang kanyang sinasagisag, Na may dangal, katarungan at kalayaan, Na pinakikilos ng sambayanang maka-Diyos, Maka-kalikasan, maka tao at maka bansa.
PANATANG MAKABAYAN
Iniibig ko ang Pilipinas, Aking lupang sinilangan, Tahanan ng aking lahi, Kinukupkop ako at tinutulungan Maging malakas, masipag at marangal. Dahil mahal ko ang Pilipinas, Diringgin ko ang payo ng aking magulang, Susundin ko ang tuntunin ng paaralan, Tutuparin ko ang tungkulin ng mamamayang makabayan: Naglilingkod, nag-aaral at nagdarasal ng buong katapatan Iaalay ko ang aking buhay, pangarap, pagsisikap Sa bansang Pilipinas
PANATA NG BATANG LAS PINAS
Mahal ko ang Las Pias Isang lungsod ng pagmamahalan at kaunlaran Dito ko natutunan ang pagiging maka Diyos, Makakalikasan, makatao at makabansa. Dahil ditto, isa sa buhay ko ang aking relihiyon Magiging masunurin akong anak, Mag aaral akong mabuti Upang maging marangal, kapakipakinabang at kapuripuri. Di lamang bilang isang Las Piero, Lalo`t higit, isang Pilipino.