Ikatlong Kritikal Na Pagsusulit - Relasyong Mag-Ama

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Marvin T.

Lagonera FIL14 D

Agosto 31, 2011 Ikatlong Kritikal na Pagsusulit

Paulit-ulit, saanman sa proto-nobela, na ipinakita ang halaga ng papel ng pagkamasunurin sa pagpapanatili at pagpapatibay ng relasyong mag-ama nina Josaphat at Haring Abenir. Sa pinakadiwa, ang pagsunod sa mga utos ng hari ang tanging dagtat puwersang nagpapanatili kay Josaphat mula sa pagkakapatupad ng propesiyang magiging Kristiyano siya, kayat gayundin, ang pagsunod ang natatanging gumagapos at bumibigkis sa kanila bilang mag-ama. Kaya naman, masasabing ang propesiyay transisyunal at mahalaga sa takbo ng relasyon ni Haring Abenir at Josaphat sa dimensiyong mag-ama. Halimbawa, sa kilos na pagsuway o, sa hindi pagsunod sisirain ni Josaphat ang relasyon niya sa ama. Ipinahayag ito ni Abenir sa Kapitulo 24, [Sa isip ko, ikaw ang] hahalili sa aking kahariang ikaw nga siyang dapat magtangan . . . Di kaya lalong tapat na ikaw ay sumunod sa iyong ama? Ano nga ba ang katapatang tinutukoy ni Abenir, na siyang nagbibigkis sa kanila bilang mag-ama? Pansin ko, ang ugnayang inaasahan ni Abenir mula kay Josaphat ay na tularan siya na gustong makita ni Abenir si Josaphat bilang repleksiyon niya. Ganito naman lagi na naipapamalas ang tindi ng pagiging mag-ama sa kung paanong nagkakaisa ang dalawa sa prinsipyo at sa paniniwala. Kaya naman, mula pagkasilang, mapag-ingat na si Abenir sa kaniyang anak, sabi pa niya, wala nang ama dito sa mundo na gayon ang pagkatuwa na para ng pagkatuwa ko sa araw ng panganganak sa iyo. Tulad na rin nang tanungin ni Josaphat ang hari sa kung bakit nga ba hindi na lamang hinayaan ni Abenir na maging Kristiyano kung sa ikasasaya ito ng kaniyang anak. Sa esensiya, ipinapakita ng argumentong ito ang pananaw ni Abenir tungkol sa inaasahan mula sa anak na ang sukat ng kasiyahan para sa hari ay ang makita ang anak bilang kaisa niya. Sa ganitong pag-unawa, umuusbong ang isa sa pinakamabigat na talinghaga sa proto-nobela, sa kung kaninong ama ibibigay ni Josaphat ang kaniyang katapatan kay Haring Abenir ba o sa

Diyos [guro ring Barlaan] at mula sa pagpiling ito, kung paano babaguhin ni Josaphat ang pakahulugan niya ng ama. Sinuyo ng hari si Josaphat sa bai-baitang na paraan, mula sa pinakamaingat na paraan patungo sa pinakamapeligro ayon sa kung paano makukumpirma ng hari ang pagtakwil o pagbabalikloob ng anak sa ibang salita, gumagalaw ang mga pangyayarit pangungumbinsi sa kung paanong nagiging mas lehitimo ang pagtugon ni Josaphat sa mga alok ng hari. Sa bawat bigong pagkumbinsi, direktang sangkot man si Josaphat o hindi, sinisira ng anak ang relasyon nilang mag-ama. Nagsimula ang pagsuyo ng hari sa pamamagitan ng pagkumbinsi at pagbanta sa mga monghe sa kasagsagan ng paghahanap nila kay Barlaan. Mapapansing sinimulan ng hari ang pagsuyo sa pamamagitan ng pagbawi ng pahayag ni Barlaan sa halip na kausapin na lang si Josaphat. Hindi man direkta, isa ito sa mga inisyal na pagkakataong sinuway ni Josaphat ang hari. Sinubok wasakin ng hari ang prinsipyot paniniwalang naghihiwalay sa kanila ng anak ngunit hindi niya naalog ang paniniwala ng mga monghe. Kung sana, ang piniling paniwalaan ni Josaphat ay iyong puwedeng maalog at masira, may pagkakataon pa sanang masalba ang relasyon nila bilang mag-ama, ngunit ang pinili niyang paniwalaan ay iyong hindi madaling maalog at masira. Dahil nga sa hindi matagumpay, personal na binisita at kinausap ng hari ang anak sa palasyo ng huli. Dito, gumamit ang hari ng dalawang lapit upang hikayatan ang anak na magbalik-loob. Hindi nag-iiba ang mensahe ngunit magkaiba ang lapit ang una ay sa paraang agresibo at ang ikalawa ay sa paraang malambing. Sa unang pagkakataon, agresibong sinermonan ng hari ang anak. Inilarawan niya kung paanong bastos at suwail ang anak gayong naging tapat siyang ama. Higit roon, pinagbantaan ng hari na magiging magkaaway silang mag-ama kung hindi pa rin magbalik-loob si Josaphat. Sa pagbabantang tatanggihan ng hari ang kaniyang anak, tinaggihan rin ni Josaphat ang hari sa pamamagitan ng lantarang pagpapakilala sa hari ng kaniyang bagong ama ang Diyos Ama. Gamit ang mga paglalarawan sa Bibliya, kinumpara ni Josaphat ang Diyos Ama at si Haring Abenir, at 2

binigyang-diin niya sa kung paanong mas magaling at nakaaangat ang maluwalhati at dakilang Diyos Ama. Sa kaniyang matamis na paglalarawan sa Diyos Ama, binigyan ni Josaphat ng bagong pakahulugan ang pagiging ama. Sabi pa sa teksto, nasaktan si Haring Abenir hindi lamang dahil sa natamong karunungan ng anak kundi dahil kinutya rin ng prinsipe ang pagiging ama niya sa buong buhay niya. Sa ikalawang pagkakataon, naging mas malambing at banayad na ang hari, ayon na rin sa suwestiyon ni Araquez. Mas personal na ang lapit ng hari hindi na bilang mapamilit na hari kundi bilang amang nagbubukas-kamay sa isang nawawalang anak. Gayumpaman, hindi pa rin niya nakumbinsi ang anak. Mismong Bibliya ang ginamit ng anak sa pagsalungat at pangangatuwiran sa hari na bagaman may kautusang sundin ang mga magulang, kung ilalayo nila ang anak mula sa Diyos ay lehitimo naman raw na suwayin sila. Muli, pumapasok ang diwa ng pagsunod, ang pagsunod na tanging nagbibigkis sa mag-ama ay sinalungat ni Josaphat sa pamamagitan ng pagsangguni sa Bibliya mismo. Dito, tuluyang tinatanggi ni Josaphat ang kaniyang katapatan sa ama. Sa lahat ng nasabi, laging may elemento ng pagbabakasakali (risk). At patagal nang patagal, nagiging mas personal, lehitimo at malalim ang panganib na katapat ng mga pagbabakasakaling ito panganib na hindi na nga magbalik-loob si Josaphat. Gayumpaman, sa paggalaw pa ng libro, makikita pa kung paanong dumulog ang hari sa isang hindi lehitimong paraan upang makapagtatag ng lehitimong epasyo upang magbalik-loob si Josaphat sa pamamagitan ng kasunduan sa debate. Kahit sa desperadong pagtatangkang ito, natalo ang harit hindi niya nakumbinsi ang anak na magbalik-loob. Bagkos, tinagka pang hikayatin nina Nacor at Josaphat ang hari patungong Kristiyanismo. Sa pangwakas, sa isang lehitimong paraan na ito naging lehitimo ang pagtanggi ni Josaphat sa ama. Sa lahat ng oportunidad na ginamit ng hari, walang tinanggap si Josaphat kundi ang kaniyang bagong ama ang Diyos Ama.

You might also like