Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Juan Luna

Si Juan Luna y Novicio ang nagpinta ng pamosong larawan Spolarium. Siya ay nakilala sa buong mundo sa pamamagitan ng kanyang pinsel gaya ng pagkakilala sa kanyang mga kaibigan sa pamamagitan ng pluma at espada. Siya ay ipinanganak noong Oktubre 23, 1857 sa Badoc, Ilocos Norte kina Joaquin Luna at Laureena Novicio sa Badoc, Ilocos Norte. Nag-aaral siya sa Ateneo de Manila. Ang pangarap niyang maging isang mandaragat ay natupad matapos siyang mag-aral at magtrabaho sa brako sa murang gulang na 16. Marami siyang napuntahang magandang lugar at iba't ibang tao ang kanyang nakasama. Bagamat napagtala siya bilang mandaragat huminto para lamang maipagpatuloy niya ang pag-aaral sa pagpinta.

Jose Rizal
Si Rizal ang pambansang bayani ng Pilipinas. Dalawang kilalang nobela ang sinulat niya - ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Inilarawan niya sa dalawang nobelang ito ang kawalang-katarungan at pagmamalupit ng mga Kastila sa mga Pilipino. Binigyang-diin din niya ang pag-ibig sa bayan at ang kinakailangang kalayaan ng ating bansa. Hindi naibigan ng mga Kastila ang isinulat niya kaya't ikinulong siya at binaril sa Bagumbayan. Rizal Park o Luneta na ang tawag ngayon sa Bagumbayan. Bata pa lamang si Rizal ay kinakitaan na siya ng katalinuhan. Tatlong taong gilang pa lamang siya nang matutong bumasa. Kartilya ang kanyang unang aklat na may mga alpabeto at dasal. Kinagigiliwan niyang makinig sa kanyang ina habang tinuturuan nito ang kanyang mga kapatid.

Si Graciano Lpez Jaena ay isang Pilipinong manunulat na higit na kilala sa kaniyang akdang Fray Butod. Butod ang salitang Hiligaynon para sa kabag at katumbas din ito ng balbal na tabatsoy. Dukha ang mga magulang nang isilang si Graciano Lopez Jaena sa Jaro, Iloilo, noong Disyembre 17, 1856. Ang ina niya, si Mara Jacoba Jaena, ay isang mananahi lamang habang ang ama, si Plcido Lpez, ay hamak na tagakumpuni ng kahit ano na lamang. Subalit nagkapag-aral nang kaunti si Placido samantalang lubhang matimtiman si Jacoba kaya tatag sa pag-aaral at sa pagsamba ang tinubuan ni Graciano. Sa gulang na anim na taon, nang ipadala ng mga magulang kay Fray Francisco Jayme, na noon ay nagtuturo sa Colegio Provincial de Jaro, upang maturuan. Personal na tinuruan ni Padre Francisco Jayme si Graciano. Agad napansin ng frayle ang dunong ni Graciano at ang galing niyang magsalita. Noong 1870, nag-aral siya ng Teyolohiya at Pilosopya sa seminaryo ng San Vicente. Labag sa nais ng ina, hangad ni Graciano na maging manggagamot (medico, physician). Nang sa wakas ay pumayag ang mga magulang, tinangka niyang pumasok sa Universidad de Santo Tomas sa Manila subalit tinanggihan siya. Hindi kasi siya nakatapos ng Bachiller en Artes na hindi itinuro sa seminario sa Jaro. Sa halip, ayon sa payo sa kanya, sa ospital ng San Juan de Dios siya nagsilbi bilang turuan (apprentice) ng mga manggagamot duon. Hindi pa tapos ang pag-aaral ni Graciano nang naubos ang tustos ng dukhang mga magulang, at napilitan siyang bumalik sa Iloilo. Ginamit niya kung ano na lamang ang natutunan, nanggamot sa mga barrio at baranggay sa pali-paligid. Sa kanyang mga namasdan, lalong sumidhi ang puot niya sa lupit ng pag-api ng mga frayle sa mga tao. Nuong 1874, nang 18 taon gulang lamang, nakainitan na siya ng mga frayle dahil sa sinulat niyang Fray Botod, prayleng bundat na matakaw at mahilig sa babae. Sabi niya na "Lagi nang banggit ang Dios at Mahal na Birhen samantalang panay ang daya at pagsamantala sa mga tao. Hindi ito nalathala kailanman subalit maraming sipi (copias, copies) ang umikot-ikot sa Visayas. Lalong napuot ang mga frayle kay Graciano nang patuloy siyang kumalampag (campaa, campaign) ng katarungan para sa mga tao. Talagang nagpahamak siya nang patayin ng Espaol na alcalde ng Pototan ang ilang bilanggong katutubo. Pinilit, tumanggi si Graciano na ipahayag na natural ang pagkamatay ng mga bilanggo. Nagsimula siyang tumanggap ng babala na papatayin siya ng mga frayle. Nuon siya tumakas sa Espaa. Noong Pebrero 15, 1889, inilunsad nila sa Barcelona ang pahayagang "La Solidaridad". Ang pahayagan niyang ito ay sumikat nang husto. Marami sa kanyang mga artikulo ay nailathala sa iba't ibang pahayagan. Ginamit na sandata ni Lopez-Jaena ang kanyang panulat upang ipaglaban ang makatao at makatarungang karapatan ng mga Pilipino sa ilalim ng pamahalaang Kastila.

Si Antonio Luna (Oktubre 29, 1866 - Hunyo 5, 1899) ay nakakabatang kapatid ni Juan Luna. Siya ay nakilala bilang isa sa mga mahuhusay na manunulat, sundalo, makabayan, at martir para sa Pilipinas. Ipinanganak siya sa Maynila noong ika-29 ng Oktubre, 1866 sa Binondo, Maynila. Siya ang bunsong anak nina Joacquin Luna at Laureana Novicio. Nagtapos siya ng Bachiller en Artes sa Ateneo de Manila noong 1883 sa murang edad na 15. Kumuha rin siya ng kursong parmasyutika sa Unibersidad ng Santo Tomas at nakamit niya ang kanyang lisensya sa kursong ito sa Unibersidad de Barcelona. Natapos din siya sa pagkakadalubhasa sa parmasyutika sa Ghent, Belhika. Sa propesyon ay isa siyang parmasyotiko. Ang pagsusulat ang kanyang libangan. Iniakda niya ang El Nomatozario del Paerdismo na nalathala sa Madrid noong 1893. Ito ang kanyang pinakamalaking naiambag niya sa literaturang pang-medisina. Siya ang nagtatag ng La Independencia at nagpapadala rin siya ng mga lathalain sa ibang pahayagan. Sa simula pa'y isa siyang tagpagtaguyod ng paghingi ng reporma sa mapayapang pamamaraan. Dahil sa hinalang siya ay isa sa mga teroristang laban sa pamahalaan, dinakip siya ng mga maykapangyarihang Kastila, nilitis at ikinulong ng mga Kastila. Nang siya ay makalaya, nag-aral siya ng iba't ibang paraan ng pakikipaglaban sa Ghent. Pagbalik niya sa Pilipinas, sumapi siya sa rebolusyonaryong pamahalaan ni Emilio Aguinaldo. Hinirang siyang direktor ng digmaan at tagapamahalang heneral ng Hukbong Rebolusyonaryo. Siya ay ginawang kabahagi ng sandatahang lakas laban sa mga Amerikano. Bilang isang sundalo, si Antonio'y mahigpit magparusa. Sa panahon ng pakikipagdigmaan, pinagsumikapan niyang maipailalim sa isang disiplina ang mga tauhan sa Batalyon ng Kabite. Isa sa kanyang madugong pakikipaglaban ay naganap sa La Loma na kung saan ay napatay si Major Jose Torres Bugallon. Marami pang ibang pinuno ng kalaban ang nagapi ni Heneral Luna ngunit dumating ang isang pagkakataon na sila ay natalo at ito ay naganap sa Caloocan. Natagpuan ni Heneral Luna ang kanyang kamatayan noong ika-8 ng Hunyo, 1899 sa Cabanatuan sa lalawigan ng Nueva Ecija. Nagtungo siya roon sa pagtupad sa isang ipinalalagay na pagtawag ni Heneral Aguinaldo upang dumalo sa isang pulong.Habang nasa loob ng simbahan ng Cabanatuan, binaril siya ng mga sundalo ni Aguinaldo na inihingi niyang bigyan ng disiplina. Sa pagkamatay ni Antonio Luna nawalan ng isang dakilang kawal at pinuno ng rebolusyon ang Unang Republika ng Pilipinas.

Si MarceloH. del Pilar ay isinilang sa Kupang , San Nicolas, Bulacan noong Agosto 30, 1850,. Siya ang pinabata o bunso sa mayaman na pamilya. Ang kanyang mga magulang ay sina Julian H. Marcelo na isang gobernadorcillo" at Blasa Gatmaitan. Siya ay nag-aral ng kolehiyosa paaralan ni Gng. Herminigilda Flores, pagkaraa'y lumipat siya sa San Jose College at kalaunan ay lumipat din siya sa Unibersidad ng Santo Tomas. Nagtapos siya ng abogasya noong 1890. Lumaki siyang isa sa mga dakilang propagandista kung saan inilaban niya ang kalayaan ng mga Pilipinas sa pamamagitan ng kanyang pluma o pagsusulat. Noong 1882, si del Pilar ay naging editor ng pahayagang "Diaryong Tagalog" kung saan kinontra niya ang ang pagpapalakad ng mga Kastila sa ating gobyerno at ang di magandang pagtrato sa mga mamamayang Pilipino. Gamit ang pangalan PLARIDEL, ang kanyang alyas sa panunulat, binatikos niya ang mga paring Espanyol sa pamamagitan ng kanyang articulong "Dasalan at Tuksuhan" at "Kalingat kayo." Ito ay palihim na dinadala sa Pilipinas sa lenguaheng Tagalog at binabasa ng mga rebolusyunista. Sa Espaa, pinalitan niya si Graciano Lopez Jaena bilang editor ng diyaryong "La Solidaridad," ang pinabibig ng mga propagandistang nagtatrabaho para sa reporma ng mga Pilipino. Naputol ang matagal niyang paglilingkod noong siya ay nagkaroon ng mabigaty na karandaman. Siya ay dinapuan ng tuberkulosis at namatay noong Hunyo 4, 1896 sa Barcelona, Espaa na malayo sa kanyang mga pamilya.

You might also like