Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Tutubi, Tutubi, Wag Kang Papahuli sa Mamang Salbahe

Isang Suring-Basa na Bahagi ng Pangangailagan sa Filipino IV

Ipinasa kay: Ginang Carla Paz Nicolas Guro sa Filipino IV

Patricia Louise V. Navarro IV Mere Marie Micheau

Ika-25 ng Oktubre, 2011

Buod Ang nobelang Tutubi, Tutubi, Wag Kang Papahuli Sa Mamang Salbahe ay umiikot sa buhay, pananaw sa buhay at lahat ng nangyayari sa buhay ng bida na si Jojo, noong panahon ng pagsisimula ng pagdidikta ni Dating Pangulong Ferdinand Marcos. Si Jojo ay isang estudyane sa kolehiyo na napatigil sa pag-aaral dahil sa biglaang pagsasara ng kaniyang paaralan, ang Philippine School for Science and Technology dahil sa kabababa lamang na batas militar. Kinuwento ni Jojo ang kanyang karanasan nang subukan niyang bumisita sa kanyang paaralan. Inilarawan ni Jojo ang kanyang mga nakita tulad ng mga papel na naka poste sa ding-ding na nagsasabing: Sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan na may kasama pang ibon na walang paa, hanggang sa kanyang personal na karanasan nang siya na ang iinspeksyunin ng mala-robot na guwardiyang nagbabantay upang makapasok sa paaralan. Nang si Jojo na ang

iniinspeksyunan, lahat ng maaaring makwestiyon sa kanya ay kinuwestiyon ng nagbabantay tulad ng kanyang suot, - Bakit raw hindi siya naka uniporme, kanyang ID - Kung siya raw ba ito, kanyang libro, ang awtor nito at kung sino siya kung siya ay isang komunista. At dahil dito, siya ay dinala sa isang kuwarto kung saan siya ay tinanong nang tinanong at sa bawat sagot na hindi nagustuhan, ay binabatukan siya ng lalaking nagngangalang Gardonet. Si Gardonet ay nilarawan ng awtor sa pamamagitan ng kanyang pagsasalita: nagIingles ngunit barok, pero nalaman rin na ito ay Pilipino dahil nag wikang Pilipino sa dulo. Pagtapos siyang tanungin at batuk-batukan, siya ay tinanong kung may mga kilala siyang iba pang komunista. Dahil wala naman siyang kilala, siya ay nag-imbento na lamang. Natawa si Jojo rito dahil nauto niya si Gardonet. Ngunit bago pa siya lalo pinahirapan sa paglilinis ng sasakyan, si Jojo ay ginupitan ng buhok para raw hindi n siya magmukhang komunista. Biglang dumating ang kaniyang kaibigan na si Kulas at tila mayroong sinasabi ngunit hindi niya maintindihan sapagkat naroroon pa sina Gardonet. Paalis na si Jojo nang marinig niya ang isang sigaw na inasahan na lamang niya na hindi ang kaniyang

kaibigan na si Kulas. Tahimik na umasa na lang si Jojo na hindi ang kaibigan niya ang narinig at nagpatuloy na sa paglalakad. Pagkatapos paglinisin si Jojo ay napilitan siyang maglakad pauwi sapagkat lahat ng pera niya ay ipinangbayad niya sa naggupit ng kaniyang buhok. Nang naglalakad na pauwi si Jojo, mayroong isang Amerikanong pastor na nag-abot ng isang papel kay Jojo at siningil siya para rito. Nang pinilit siyang magbayad at nagbayad na si Jojo, lumayo na ang pastor at pumunta sa Tambunting habang pinag-iisipan ang relos na ibinigay ng kanyang ama na isasangla niya. Naisangla ni Jojo ang relos at bumili siya ng sigarilyo at kumain sa isang restawran. Narinig na ni Jojo ang kampana at nagmadali na siyang umuwi pero bago siya umuwi ay dumaan muna siya sa Simbahan at pumila sa milagrosang imahen ni Maria. Naisipan na rin ni Jojo na magsimba ngunit nainis lamang siya sa sermon ng pari na paulit-ulit lamang. Pagkaalis ng simbahan naalala niya ang mga unang araw sa eskwela at pagbabago ng paniniwala sa talino. Kapareho nito ang mga kabarkada niya na sina Kulas, Minyong, Joey, Herbi, Lib at si Mr. Kabayan na mga aktibista. Nagkuwento siya tungkol sa mga kuwentu-kuwento tungkol kay Maam Spermatozoa.

I.

Mga Karakter at Diyalogo

1. Jojo Tigilan mo ako, hangal. Ke init-init ng panahon, pagsusuotin mo ako ng polo. Tapos kamisetang mumurahin na lang, ipapa-tuck in pa?

Nagustuhan ko si Jojo sapagkat siya ay isang totoong tao. Hindi siya natatakot gawin ang gusto niya. Nailalabas din ni Jojo ang kanyang nararamdaman. Nagustuhan ko si Jojo sapagkat malinaw ang kanyang paglalarawan sa mga nangyayari sa panahon ni Marcos, na hindi nababaliwala ang kanyang sariling buhay. Nakikita ko ang sarili ko okay Jojo, kung ako lamang ay mas malaya kumilos at mas matapang.

2. Maam Spermatozoa Wala akong panahon sa polemics mo. Just do as I say. Unless you pin it, Ill be forced to send you out of the room. Now, will you wear it, or will you step out? Stand up, get out of my room I said. Look, naririto kayo para mag-aral, hindi kayo sinusuweldahan ng pamahalaan para magmatigas ng ulo. Katungkulan ninyong sumunod at katungkulan kong magbagsak. Nagustuhan ko ang guro ni Jojo na si Maam Spermatozoa sapagkat nakikita ko ang iba kong guro sa kanya ngunit hindi sa kanyang hilig sa pagsabi ng sex kung hindi dahil sa kanyang kilos at pag trato sa mga estudyante niya.

3. Gardonet U. Ki. We ar raning in sirkols. Ip istil yo do nat koo-perit, I wil batok yu mor.

Nagustuhan ko ang karakter ni Gardonet sapagkat sa kanyang karakter ko napatunayan na mayroon talagang mga Pilipinong nagpapanggap na di Pilipino para lamang makakuha ng kapangyarihan. Nagustuhan ko rin si Gardonet sapagkat nakatatawa kanyang mga sinasabi.

4. Matandang babae na nagbebenta sa labas ng Simbahan. Miss pa po ako.

Sa matandang babae na nagbebenta sa Simbahan ko nakita ang kagustuhan at kadesperaduhan ng mga tao na makahanap ng makakasama sa buhay sa kahit anong sitwasyon. Hindi maiiwasang matawa at maawa sa mga katulad niya.

5. Herbie Kung hindi pwede sa pinto, saan pa? Di over the bakod. Natawa ako sa diyalogong ito ni Herbie at naawa sapagkat alam na niya na talagang wala na silang mapupuntahan na hindi sila mahuhuli kaya sila ay tumawid na lamang sa bakod.

II.

Kabanatang Nakatawag-Pansin

Kabanata 1 Ang kabanata 1 ang nakatawag ng aking pansin sapagkat dito nailarawan ang buhay ng mga kabataan, partikular ng mga estudyante, noong panahon ng pamumuno ni Marcos, o ang batas militar: sobrang hirap. Nailarawan ng mabuti rito ang mga kamaltratuhan ng mga Pilipino sa kapwa niya Pilipino dahil siya ay nakakampi kay Marcos. Naipakita rin kung gaano kahigpit ang mga tao, at kung paano sila sakalin sa mga batas na wala namang kaugnayan sa pagpapaunlad ng bansa.

III.

Bisa

A. Bisa sa Kaisipan Sa librong Tutubi, Tutubi, Wag Kang Papahuli sa Mamang Salbahe ko nakita ang tatag at lakas ng loob ng mga kabataan na lumaban para sa kanilang karapatan mabuhay ng malaya habang ang iba ay sumusunod na lamang sa batas militar upang hindi masaktan. Humahanga ako sa mga kabataan na handing ipahamak ang kanilang buhay para lamang maipaglaban ang kanilang karapatan. Ang awtor ay gumamit ng satire at komedya upang patamaan ang mga masasamang tao na mayroong awtoridad sa panahon ng batas militar.

B. Bisa sa Damdamin Habang binabasa ko ang librong Tutubi, Tutubi, Wag Kang Papahuli sa Mamang Salbahe ako ay nadala sa mga emosyon ng bida na si Jojo dahil sa bawat pangyayari ay mayroon siyang katapat na reaksyon at nararamdaman katulad ko. Lagi akong mayroong masasabi sa mga bagay-bagay katulad ni Jojo. Nadala rin ako sapagkat ako ay naawa sa mga kaibigan ni Jojo at kay Jojo noong isa isa na silang hinahanap ng mga awtoridad. Hindi ako makapaniwala na dumaraing talaga sa punto na sila na ay tinutugis ng mga pulis dahil lamang sila ay lumalaban para sa sarlili nilang karapatan. Isa pa ay dahil sila ay mga kabataan lamang. C. Bisang Sosyolohikal Naipakita ng libro ang natural na ugali ng mga Pilipino matatapang, at hindi sumusuko sa kahit anong pagsubok. Naipakita rin dito na handa lumaban ang mga Pilipino para sa kanilang karapatan at sa pantay-pantay na pagtrato. Ang mga Pilipino ay likas na masiyahin rin sapagkat sa karakter ni Jojo, naipakita ang ugali ng mga Pilipino na kaya nating ngumiti kahit mayroong mga problema.

IV.

Pangkalahatang Rekomendasyon

Nirerekomenda ko ang Tutubi, Tutubi, Wag Kang Papahuli Sa Mamang Salbahe sa lahat sapagkat hindi lamang pinapakita ng librong ito ang mga mali ngunit pati ang mga katawa-tawa sa panahon ni Marcos. Sinamahan pa ng awtor ang libro ng mga aral na hindi mo makakalimutan kaya sigurado ay hindi ka manghihinayang na basahin ang libro. Binibigyan din tayo nito ng ideya ng awtor kung ano talaga ang buhay noong panahon ni Marcos. Dahil sa estilo ng pagsusulat ng awtor, talagang naramdaman ko na ako ay nasa panahon ng pamumuno ni Marcos. Sa sarili kong opinion, ang bida na si Jojo ay nakapagpasaya sa akin dahil hindi lamang siya nakakatawa at nakakatuwa, makahulugan rin siya bilang bida sa nobelang Tutubi, Tutubi, Wag Kang Papahuli Sa Mamang Salbahe. Naipakita niya sa atin ang mga mali sa ating lipunan, sa ating simbahan, sa mga paniniwala ng pamilyang Pilipino na alam natin ay maselan magbabago sa pagdating ng oras, at ang pinakaimportante: ang mali sa ating mga sarili. Naipakita ni Jojo ang lahat ng ito sa isang paraan na tayo ay hindi nainis, samakatuwid, ito ay naging isang nakakatawang rebelasyon sa atin. Sa kabuuuan, magandang basahin ang librong Tutubi, Tutubi, Wag Kang Papahuli Sa Mamang Salbahe sapagkat marami ka talagang matututunan mula sa paraan ng pamumuhay sa panahon ng pagdidikta ni Marcos sa mata ng isang estudyanteng napatigil sa pag-aaral hanggang sa mga mali natin sa ating komunidad, Simbahan at sarili.

You might also like