Pagdedebate

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Gng.

Grace Lama-lama

Proyekto sa Fil-1
Erwin j. Baac BS EEIII

9/29/2011

Balagtasan-ay isang pagtatalo sa pamamagitan ng pagtutula. Inimbento ito noong panahon na ang Pilipinas ay nasa ilalim ng Amerika, base sa mga lumang tradisyon ng makatang pagtatalo gaya ng karagatan, huwego de prenda at duplo. Ang pinagmulan ng pangalan na balagtasan ay ang orihinal na apelyido ni Francisco Baltazar, Balagtas, dahil ginawa ito para sa okasyon ng pagdiwang ng anibersaryo ng kanyang kaarawan. Talumpati ay isang buos ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsalita sa entablado. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Ito ay isang uri ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. Pagdedebate-ay binubuo ng pagtatalo ng dalawang koponan o pangkat na nagkakatuwiran sa isang proposisyon na napagkasunduan nilang pagtalunan. Pakikipanayam-pakikipag-usap o pakikipulong ng isa o higit pang(Pangkatang Pakikipanayam) taong kumakalap ng impormasyon sa isang tao na makukunan ng impormasyon na iyon. Ito paraang madalas gamitin ng mga reporter sa pangangalap nila ng susulating balita. Pagkukuwento-ay isang uri ng salaysay na nagsasaad ng mga pangyayari na maaaring totoo o kaya ay haka-haka lamang. Pag-uulat-ay isang uri ng paglalahad tungkol sa mga bagay na namasid, nabasa, sinaliksik, napakinggan o nagawa. Pagbabalita-anumang pangyayari na kagaganap lamang, naiiba sa karaniwan, makatotohanan at kawili-wili at inaakalang pananabikan mambabasa o makikinig. Pagtatalakayan-isang pangkatang pagpapahayag ng matatalinong palapalagay o haka-haka tungkol sa isang bagay o ng mag pinag-aaralang paksa o pinagkadalubhasaang larangan; o kayay mga makabuluhang pagsisiyasat sa isang suliraning nangangailangan ng maagap subalit maingat na kalutasan. Sabayang Pagbigkas-isang masining na pagpakahulugan sa anumang anyong pampanitikan na binibigkas ng magkatugma at sabay sabay ng isang koro o pangkat. Mga halimbawa ng Idyoma o matalinhagang pananalita a) Kabagang ko si Jefferson sa pag-aaral.---kasundo b) Di-mahulugang karayom ang naging huling konsyerto ni Michael Jackson.---maraming tao c) Maluwag na ang turnilyo ng aming kapitbahay.---baliw d) Itaga mo sa bato, yayaman ako.---sumusumpa e) Nagkita kami ng dati kong katapikang balikat sa mall.---kaibigan o kakilala

Kahulugan at halimbawa ng mga Tayutay a) Pagtutulad-paghahambing ito ng dalawang bagay na magkaiba. Gumagamit ito ng mga salitang; tulad, tulad ng, para, para ng, animoy, kawangis atbp. b) Pagwawangis-tiyakang paghahambing ng dalawang bagay na magkaiba kaya di gumagamit ng mga salitang ginagamit sa pagtutulad. Hal; Naging matalik ko na kaibigan si Monalie kaya naging bukas na aklat yung buhay ko sa kanya. c) Pagbibigay katauhan-ditoy isinasalin sa mga karaniwang bagay ang mga katangian, talino, gawi ng tao. Hal; Mahirap masisid ang pusod ng dagat. d) Pagpapalit diwa o metonimya-ditoy nagpapalit ng ngalan o katawagan ng bagay na tinutukoy sa pamamagitan ng sagisag na sinasagisag. Hal; Ikaw ang aking tala. e) Pagmamalabis-ditoy sadyang pinalalabis o pinakukulang ang kalagayan o katayuan ng tao o bagay na tinutukoy. Hal; Gabundok na labahin. f) Paglilipat-lipat-inililipat sa karaniwang mga bagay ang mga pang-uri na sadyang pantao. Hal; tinanaw niya ang palalong buwan. g) Pagtawag-itoy ang pakikipag-usap sa mga karaniwang bagay na parang isang tao o isang tao na gayon ay wala naman ay parang naroon at kaharap. Hal; Pag-ibig, masdan mo ang ginawa mo. h) Pagsalungat-maikli at pinag-ugnay na mga salitang magkasalungat ang kahulugan. Hal; Sa ngayon, sa akin ay putit itim lang ang kulay ng buhay. i) Pag-uyam-pananalita itong nangungutya kapag kukunin ng tiyakan ngunit tila kapuripuri ang pangungusap. Hal; Napakabuti mong kaibigan, pagkatapos kitang tulungan ang pa ngayon ang lalabas na masama. j) Pagpapalit-saklaw o sinekdoke-nagpapalit din ito ng ngalan o katawagan ngunit sa pamamagitan ng pagbanggit sa bahagi sa halip na kabuuan o ng pangalan ng isang tao na kumakatawan sa isang pangkat ng mga tao. Hal; Hudas ang taong iyan. Pananaliksik-isang masusing pagsisiyasat at pagsusuri sa mga ideya, konsepto, bagay, tao, isyu atbp. ibig bigyang linaw, patunayan o pasubalian. Bahagi ng Pananaliksik a) b) c) d) Introduksyon Katawan ng pananaliksik Konklusyon Paggamit ng epektibong mga pamagat at headings

Katangian ng Pananaliksik a) b) c) d) e) Obhetibo Marami at ibat iba ang mga ginagamit na datos May pamamaraan o angkop na metodolohiya Masuri o kritikal Dokumentado

Tungkulin ng mga Mananaliksik a) Matiyaga b) Sistematiko c) Maingat i. Katotohanan ii. Kredibilidad iii. Lahat ng panig ay sinisiyasat iv. Konklusyon, interpretasyon, puna at rekomendasyon d) Analitikal e) Kritikal f) Matapat g) Responsible Responsibilidad ng mga Mananaliksik a) b) c) d) e) Kilalanin mo ang mga ginagamit mong mga ideya. Huwag kang kumuha ng datos kung hindi ka pinapayagan o walang permiso. Iwasan mong gumawa ng mga personal na obserbasyon. Huwag kang magshortcut. Huwag kang mandaya

You might also like