Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Project in Filipino

'Mga Tula at Pananaw








Submitted by: Submitted to:
Jeana Maeve Yandog Mr. Gaspard
II-Pasteur Date: Aug. 11,2011
Sa Aking Mga Kababata
ni Jose Rizal

Kapagka ang baya'y sadyang umiibig
Sa kanyang salitang kaloob ng langit,
Sanglang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.

Pagka't ang salita'y isang kahatulan
Sa bayan, sa nayo't mga kaharian,
At ang isang tao'y katulad, kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaan.

Ang hindi magmahal sa kanyang salita
Mahigit sa hayop at malansang isda,
Kaya ang marapat pagyamaning kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala.

Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin
Sa Ingles, Kastila at salitang anghel,
Sapagka't ang Poong maalam tumingin
Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.

Ang salita nati'y huwad din sa iba
Na may alIabeto at sariling letra,
Na kaya nawala'y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.

Paliwanag o Pananaw:
Ipinapahiwatig ng tulang ito na dapat tayo ay magpakita ng pagmamahal sa
ating bayan. Maipapakita natin na mahal natin ang ating bayan kung tinatangkilik
natin ang sariling atin, pagbigkas ng ating sariling wika at pagsunod sa ating
kultura habang tayo ay nabubuhay.

Ang Manok Kong Bulik


Jose Corazon de Jesus

Linggo ng umaga. Ang nayo'y tahimik,
ang maraming dampa'y naro't nakapinid
liban na sa ibong maagang umawit
ay wala ka man lang marinig sa bukid...
Di-kaginsaginsa'y aking naulinig
ang pagtitilaok ng manok kong bulik,
ako'y napabangon at aking naisip:
Pintakasi ngayon! May sabong sa Pasig!
Gadali pa halos ang taas ng Araw
sa likod ng gintong bundok ng Silangan
ay kinuha ko na sa kanyang kulungan
ang manok kong bulik na sadyang
panlaban...
Kay-kisig na bulik! At aking hinusay
bawa't balahibong nasira ang hanay,
ang palong ay aking hinimas ng laway,
binughan ng aso nang upang tumapang!

Muling nagtilaok nang napakahaba
at saka gumiri nang lalong magara,
kumkukutok-kutok pa't kumahig sa lupa,
napalatak ako nang hindi kawasa...
Ang aking puhunang sampung piso
yata'y
nabilang ko tuloy sa malaking tuwa!
"Sampung pisong husto" ang aking
nawika!
"kapagka nanalo'y doble na mamaya!"

Nang aalis ako't handa nang talaga,
siyang pagkagising ng aking asawa;
sinabi sa aking iwanan ko siya
ng maipamaryang dalawang piseta,
ang sagot ko nama'y mangutang ka

muna't
sa pagbabalik ko ay babayaran ta...
Nguni, di pumayag, ako'y lumayas na't
baka ang baon ko ay makulangan pa!

Sumakay sa tram'ya na patungong Pasig,
na taglay ang tuwang walang kahulilip!
Hinhimas-himas ang manok kong bulik
at inaantig ko ang lakas ng bagwis!
Nang ako'y dumating sa Pasig kong nais
di naman nalaon ay aking sinapit
ang lumang sabungan; tao'y nagsisikip!

Nakiupo ako't nakikiumpuk-umpok
sa hanay ng mga taong tanga'y manok,
ang aking katabi'y agad kong hinimok
na kami'y nagkahig upang magkasubok;
nagkayari kaming sa labang susunod,
mga manok nami'y siyang magsasalpok,
kaya ako noon sa tuwa ng loob
ang panalo'y tila salat ko na halos!

Nang kami'y naron na sa sadyang
bitawan,
ang sigawa'y halos hindi magkamayaw!
Ang dala kong kuwalta, todo sa pustaha't
pati kusing yata'y ipinag-ubusan...
"Sa pula! Sa pula!" ang doo'y hiyawan;
"Sa bulik! Sa bulik!" ang dito'y tawagin,
may logro ang diyes sa aking kalaban
at may doblado pa akong napakinggan.

Ang tari ay aming hinubdan ng katad
at ang talim nito'y kumisap na kagyat;
iniaro ko na ang manok kong hawak
saka ibinaba nang lubhang banayad...
nagpandali na po sa gitna ng galak
ang bulik at pulang kapwa malakas,
nang magkasalpok na sa dakong itaas
ang pula'y natari't bituka'y lumabas!

"Panalo na ako!" ang aking nasambit,
ang kagalakan ko'y walang kahulilip
nguni't sa hindi ko malaman kung bakit
ay biglang tumakbo ang manok kong
bulik
at hagad bg pula'y sa sulok sumiksik
na nangungupeteng sa karuwaga'y labis...
Kaya, sa nangyari ako ay nanlamig
at pinagpusan pa ng gamunggong
pawis...

Nang aking kunin na ang manok kong
duwag,
ngalingali ko nang sa lupa'y ihampas,
biro baga itong wala namang sugat
ay siyang tumakbo nang wala sa oras!
Ang sambalilo ko'y nalabnot ko't sukat
at ako'y nanggigil sa sariling palad,
hiyawan ng tao'y hindi magkamulat
at parang tiyupe ang manok kong hawak!

At ako'y umuwing malatang-malata,
malamig ang tulo ng pawis sa mukha,
nang aking sapitin ang sira kong dampa
sa aming palayok tutong man ay wala...
Mainit ang ulo't walang patumangga
sa aking asawa'y nasabi kong bigla;
"O! anak ang tupa! ako ay sinama,
dahil sa kanina'y namuwisit kang lubha!"

Sa nangyayaring ito'y isang bagay
lamang
ang sa pagkatalo'y aking natutuhan,
bawa't pagkabigo ay aral sa buhay
at tinandaan kong sabong ay ilagan,
iyang mga taong lagi sa sabungan
todo kung pumusta't todo kung humapay,
alin sa dalawa ang kahihinatnan:
Mamatay sa gutom o kaya'y magnakaw


Paliwanag o Pananaw
Ang tulang ito ay tungkol sa pagtataya o pagsasabong. Pinapakita ditto sa
tulang ito na ang mga bagay na akala nating mangyayari ay hindi pala itinakdang
mangyari. Ang mga ganitong pagkakataon ang magbibigay sa atin ng aral at
matuto tayong pumili kung ano ang tama at maling gagawin.

Ang Bato
Ni Jose Corazon de Jesus
Tapakan ng tao, sa gitna ng daan;
Kung matisad mo`y iila-ilandang
Ngunit pagkatapos, pag ika`y namatay,
Bato ang tatapak sa bangkay mo naman

Batong tuntungan mo sa pagkadakila,
Batong tungtungan ko sa pamamayapa;
Talagang ganito sa lapad ng lupa
Ay hali-halili lamang ang kawawa

Balot ng putik, marumi`t maitim
Tinapyas at, aba! Brilyanteng maningning!
Sa putik din pala ay may bituin din
Na hinahangaan ng matang titingin

Maralitang tao`y batong itinatapon,
Sa lusak ng palad ay palabuy-laboy;
Nag-aral at, aba! Noong makaahon,
Sa mahirap pala nar`on ang marunong

Ang batong malaki`y kay daling mabungkal,
Ang batong brilyante`y hirap matagpuan,
Ubod laking tipak, mura nang matimbang.
Ga-mata ng isda`y pagkamahal-mahal.

Talagang ganito, madalas mamalas
Sa alimasag man ang malaki`y payat;
May malaking kahoy sy sukal sa gubat,
May mumunting damo, ang ugat ay lunas.

Ang bato sa ilog, ayun! Tingnan mo ba!
Batong nasa agos, makinis, maganda,
Batong nasa gilid, bahay ng talaba,
Sadlakan ng dumi at nilulumot pa.

O, batas ng buhay! Ang ayaw kumilos,
Habang tumatanda`y lalong nilulumot.
Kapag agos ng palad, ang takot sa agos.
Malayong matutong lumangoy sa ilog

Tatlong tungkong bato, nagtutuwang-
tuwang
Nang makaluto ka ng kanin sa kalan
Mapurol mang gulok at kampit na batingaw,
Mapapatalim din ng batong hasaan.

Sa tao, ang bato, aklat ang kagaya,
Ang talim ng isip, tabak ang kapara;
Hasa ka nang hasang sumulat-bumasa,
Bukas-makalawa`y magiging pantas ka.

Kapag, nagkapingki bato mang malamig,
May talsk na apoy na sumasagitsit;
Ang noo ng tao, kapag nagkiskis,
Apoy ng katwiran ang tumitilamsik!

At saka ang bato ay may katarungan,
Taong nilulunod na bato ang pataw,
Kung taong masama`y di na lumulutang,
Ngunit kung dakila`y pumapaibabaw

Paliwanag o Pananaw:
Ang bato na isang hamak na bagay ay maaaring kapupulutan ng maraming
aral. Marami tayong makukuhang aral dito tulad ng ito ay mananatiling matigas at
hindi madaling matupok o masira. Dapat tayo ay parang baton a hindi madaling
maloko para tayo ay manatiling ligtas at magpatuloy na masaya.

Pag-ibig
Ni Jose Corazon de Jesus
Isang aklat na maputi, ang isinulat:
Luha!
Kaya wala kang mabasa kahit isa mang
talata;
Kinabisa at inisip mulang ating
pagkabata;
Tumanda ka't nagkauban, hindi mo pa
maunawa.

Ang Pag-ibig, isipin mo, pag inisip,
nasa-puso!
Pag pinuso, nasa-isip, kaya't hindi mo
makuro.
Lapitan mo nang matagal ang pagsuyo'y
naglalaho;
Layuan mo at kay-lungkot, nananaghoy
ang pagsuyo!

Ang Pag-ibig na dakila'y aayaw nang
matagalan,
Parang lintik kung gumuhit sa pisngi ng
kadiliman.
Ang halik na ubos-tindi, minsan lamang
nahalikan,
At ang ilog kung bumaha, tandaan mo't
minsan lamang.
Ang Pag-ibig kapag duwag ay payapa't
walang agos,
Walang talon, walang baha, walang luha,
walang lunos!
Ang Pag-ibig na matapang ay puso ang
inaanod,
Pati dangal, yama't dunong nalulunod sa
pag-irog!
Ang Pag-ibig na buko pa'y nakikinig pa
sa aral,
Tandang di pa umiibig, nakikita pa ang
ilaw, Ngunit kapag nag-alab na pati
mundo'y nalimutan Iyan, ganyan ang
Pag-ibig, damdamin mo't puso lamang!
Kapag ikaw'y umuurong sa sakuna't sa
panganib
Ay talagang maliwanag at buo ang iyong
isip:
Takot pa ang pag-ibig mo, hindi ka pa
umiibig:
Pag umibig, pati hukay aariin mong
langit!

Ang Pag-ibig ay may mata, ang Pag-
ibig ay di bulag;
Ang marunong umibig, bawat sugat ay
bulaklak:
Ang pag-ibig ay masakim at aayaw ng
kabiyak;
O wala na kahit ano, o ibigay mo ang
lahat!

"Ako'y hindi makasulat at ang Nanay
ay nakabantay!"
Asahan mo, katoto ko, hindi ka pa
minamahal!
Ngunit kapag sumulat na sa ibabaw man
ng hukay,
Minamahal ka na niya nang higit sa
kanyang buhay!

Kayong mga kabataang pag-ibig ang
ninanais,
Kayong mga paruparong sa ilawan
lumiligid,
Kapag kayo'y umiibig na, hahanapin ang
panganib,
At pakpak ninyo'y masusunog sa pag-
ibig!
Paliwanag o Pananaw:

Ang halik ng pagibig ay hinalintulad sa ilog, minsan lamang ito
maramdaman at tulad sa ilog, minsan din bumaha. Sa ikatlong apat na saknong ang
pag ibig na duwag ay payapa`t wlaang agos sapagkat ang tunay na damdamin ay
hindi maamin at masabi sa taong ating mahal. Ngunit ang pag ibig na matapang,
puso, damdamin, at dangal ay ibubuhos para lamang ating maiparating ang totoo
nating nararamdaman para sa atong mahal natin. Sa matapang na pag ibig din natin
maaaring malimutan ang ibang bagay, kahit na ang mundong ating ginagalawan.
Ang pag ibig ay may mata at di bulag dahil kung alam natin na ang taong nasa tabi
lang natin ay maaring ang taong makakasama natin habang buhay.

Ang mga taong marunong umibig, bawat sugat na kanilang mararamdaman
ay bulaklak sa kanila. Ito ay bulaklak sapagkat kahit sila ay nasaktan na ng kahit
sobra, hindi sila susuko at kanilang ibibigay ang mga makapagpapasaya sa taong
mahal nila. Sa mga sugat na ating nararamdaman, dito rin tayo makakakuha ng aral
at tayo ay magiging matatag para sa ating minamahal. Sa huling saknong, sinasabi
dito na tayo ay masasaktan ng higit ng dahil sa pag ibig kung hindi natin pipiliin
ang tama at basta-basta na lamang gagawa ng hakbang na hindi pinag-iisipan.

You might also like