Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 61

Scribd Upload a Document

Search Documents

Explore

Jamille Yap

/ 14

Download this Document for Free

Marcelo: Dati poy tatlong kabanngayon poy lima ng kaban, at makalima po sa isang araw.Samakatwid ay

limang beses 25, at makalimang 125, ay Huston 625 (binibilang sa daliri). Kakaunti pa!(bibigyan ni Kura 2.0 si Marcelo ng kuwalta at tabako). Kura 1.0: Kahapon ilan ang namatay? Marcelo:

Walo po sana, subalit nang mag-uumaga po ay pito lamang. Kura 1.0: Aba e, bakit ganoon? (gulat). Marcelo: Si Kapitang Inggo ay pinagsaulan ng hininga. Kura 1.0:

Si Kapitan Inggo pinagsaulan ng hininga! Narito si Kapitana Putin, at ibig daw makita si KapitanInggo na asawa niya. Kung ganoon ay hindi na mamamatay si Kapitan Inggo? Marcelo:

Mamamatay pong walang pagsala: wala na pong laman ang dalawang pigi sa kapapalo, at angdalawang braso poy litaw na ang mga buto, nagigit sa pagkakagapos. Kura 1.0:

May buhay-pusa si Kapitan Inggo! Saan naroroon ngayon? Marcelo: Nariyan po sa kabilang silid, at tinutuluyan uli ng limang kaban. Kura 1.0: Mabuti, mabuti, Marcelo huwag mong kalilimutan, na si

Kapitan Inggo ay arawaraw papaluin atibibilad at bubusan nang tubig ang ilong, at huwag bibigyan ng mabuting tulugan, ha? Marcelo: Opo, Among Kura 1.0: (Sa mga kasama niya) Compaeros, habeis

traido el dinero para el Gobernador? Kura 2, 3, 4: Si, si, hemos traido. Kura 1.0: Marcelo, dalhin dito si Kapitan Inggo. Marcelo: Hindi po makalakad, eh! Kura 1.0:

Dalhin dito pati ang papag. Kura 1.0: Kapitana Putin, mga dalaw, parito kayo.(Magsisilabas ang mga dalaw). Tagpo 6.a(Mga Relihiyoso, Putin, Juana, Julia, Tenyong at mga dalaw, babae at lalaki.)

Kura 1.0: Kapitana Putin, ngayon makikita mo na ang tao mo, dadalhin dito, at sinabi ko sa Alkalde nahuwag nang papaluin, huwag nang ibibilad at ipinagbilin ko na bibigyan na ng mabuting tuluganKami

ayaakyat muna sandali sa Gobernador, at sasabihin namin na pakawalan na lahat ang mga bilanggo, kaawaawa naman sila.

3
Putin: Opo, among, mano na nga po. Salamat po,

among. (Mangagsisihalik ng kamay, si Tenyong ayhindi at ang mga ibang lalaki.)


Kura 1.0: (Sa mga kasama) Despues de ver el Gobernador..a Manila, cogemeros el tren en la Estacion de Guiguinto, es necesariodeciral General que empiece ya a fusilar a los

ricos e ilustrados de la provincia, porque esto va mal. Kura 2.0: Ya lo creo que va mal. Los 3: Si, si a fuislar, a fusilar.

(Papasok ang mga pare.) Tagpo 7.a Putin: Tenyong, kay sama mong bata, bakit

ka hindi humalik ng kamay sa among? Tenyong: Inang, ang mga kamay pong nanatay ng kapwa ay hindi dapat hagkan. Huwag po kayongmaniniwalang sasabihin niya sa Gobernador na si tatang ay pakawalan! Bagkus

pa ngang ipagbibilingpatayin na ngang tuluyan. (Sarili) Kung nababatid lamang ng mga ito ang pinagusapan ng apat na lilo!Nakalulunos ang kamangmangan!(Ipapas ok si Kapitang Inggo na nakadapa sa isang papag na makitid.)

Putin: Inggo ko! Tenyong: Tatang! Julia: Kaawa-awa naman! Tenyong: Mahabaging Langit! Tenyong: Ang dalawang brasoy gitgit na ang laman, naglabas

ang buto sa mga tinalian, lipos na angsugat ang buong katawan, nakahahambal! Ay! Ang anyo ni amang! Ang lahat ng itoy gawa ng pari na saPilipinas siyang naghahari lalang ni Lusiper sa demonyong lahi kay

Satang malupit nakikiugaliAh, kapagka namatay oh, ama kong ibig, asahan mo po at igaganting pilit kahit na ano ang aking masapit, sa ulo ng prayle isa sa kikitil. Tenyong:

Tatang, ikaw poy ititihaya ko nang hindi mangalay Inggo: Huwag na.anak ko.hindi na maaariluray luray na ang katawanTayoy maghihiwalay nawalang pagsala! Bunso ko, huwag mong pabayaan

ang inang mo! Putin, ay PutinJuanaJuliakayo nalamang ang inaasahan kong kakalinga sa kanila.Ang kaluluwa koy inihain ko na kay Bathala. Tenyong: Diyos na may kapangyarihan! Anot

inyong ipinagkaloob ang ganitong hirap? Tenyong: Taya ng loob ko at binabanta-banta mga taong iyay tadtarin man yata lahat niyang laman,buto sampung taba, di makababayad sa utang na madla.OOt di ko matingnan, puso

koy sinusubhan saginawa kay amang ng mga taong hunghang ang away nilimot sa kalupitan. Julia: Tenong koy huwag ng isipin mo pa ang ipaghiganti buhay ng iyong ama. May diyos na tanto

nanakakakakita, lahat ng gawa ng frayleng khul.a

4
( Mga babaet lalaki): Di na kinahabagan kahit kaunti man, pariseos ay daig sa magpahirap. Lalakit babae:

Wari mukha nang bangkay. Tenyong: Inang, masdan mo po.at masama ang lagay ni tatang,,,Inang, tingnan motnaghihingalo.Ta tang, tatang. Putin : Inggo ko..Inggo

Tenyong : Patay na!(Mangagsisihagulgo l ng iyak)---bababa ang tabing. Tagpo 8.a Putin: Tenong, hindi na yata ako makasasapit sa atin! Julia, nangangatal ang buong katwan ko;

nagsisikipang aking dibdib, ang sakit ay tagos hanggang likod! Ay Tenong, hindi ako makahinga. Ang puso koyparang pinipitpit sa palihang bakal! Tenong: Langit na mataas! Tagpo 9.a (Tenyong at mga

kasamang lalaki, mamayay si Julia.) Tenyong: Mga kasama, magsikuha ng gulok, at ang may rebolber ay dalhin. Isa: Akoy merong iniingatan. Isa pa

: Mayroon din ako. Tenyong: Tayo na sa estasyon ng Guiguinto. Isa: Nalalaman mo bang silay mangagsisilulan? Tenyong: Oo, narinig ko ang salitaan nila, at nabatid ko tuloy nasasabihin

daw nila sa Heneral na tayoypagbabarilin na. Isa: Mga tampalasan. Isa pa: Walang patawad!(Nang mangagsiayon, si Tenyong ay nakahuli sa paglakad, sa lalabas si Julia) Julia:

Tenyong, Tenyong! Tenyong: Julia! Julia: Matitiis mo bang lisanin ang ina mo, gayot ganito ang kaniyang anyo? Hindi mo ba alam na ikawlamang ang tanging makapagaaliw

sa kaniya? Bakit mo siya iiwan? Tenyong: Julia, tunay ang sinabi mo; datapwat sa sarili mong loob, di ba si inang ay kakalingain mongparang tunay na ina; alang-alang sa paglingap mo sa akin?

Sa bagay na ito, ano ang ipag-aalaala ko?

5
Julia: Oo nga, Tenyong, ngunit hindi kaila sa iyo na ang maililingap ng isang lalaking kamukha mo ay dikatumbas ng isang

babaing gaya ko. Tenyong, huwag kang umalis! Tenyong: Julia, hindi maaari ang ako ay di pasa-parang; ako ay hinihintay ng mga kapatid. Tumugtog naang oras ng pananawagan ng naaaping ina, sa pinto

ng nagpaubayang anak; ang ina natin aynangangailangan ng tunay nating pagdamay; dito sa dibdib koy tumitimo ang nakalulunos niyanghimutok, ang nakapanlulumo niyang daing: Mga anak ko, anya, ngayoy

kapanahunang akoy ibangonna ninyo sa pagkalugami. Oras na, Julia ko, ng paglagot ng matibay na tanikalang mahigpit sa tatlongdaang taong sinasangayad; hindi dapat tulutangmga iaanak natin ay

magising pa sa kalagimlagim nakaalipin. Julia: Wala akong maitututol, tanggapin na lamang ang huling tagubilin! (Huhubarin ang gargantilyangmay medalyita; tangnan at isusuot kay Tenyong ang gargantilya;) Ang

larawang itoy aking isasabit satapat ng pusoy huwag iwawaglit at sa mga digma, kung siyay masambit ipagtanggol ka sa mgapanganib. /Kung saka-sakaling irog koy masaktan, pahatid kang agad sa aking kandungan. Ang

mga sugatmoy aking huhugasan ng masaganang luhang sa matay nunukal. Tenyong: Sa Diyos nananalig. Julia: Puso koy dinadalaw ng malaking hapis. Tenyong:

Huwag mamanglaw. Huwag ipagdusa ang aking pagpanaw. Julia: Mangungulimlim na ang sa matang ilaw. Tenyong: Ang ulap Julia koy di mananatili. Darating na ibig, ang pagluluwalhati.

Julia: Tenyong na poon koy kahimanawari. Magliwayway ulit dilim ay mapawi. Tenyong: Huwag nang matakot, huwag nang mangamba. Akoy tutupad lang ng aking panata sapakikianib sa

mga kasama. Aming tutubusin, naaliping ina. Ikaw irog koy aking itatago sa loob ng dibdib,sa tabi ng puso. Nang hindi malubos ang pagkasiphayo sa mga sakuna, ikawy kalaguyo. (Titigil) Yayao naako! Julia:

Akoy lilisanin? Balot yaring puso ng matinding lumbay, bumalik ka agad nang di ikamatay. Tenyong: Juling aking sinta! Julia: Oh, Tenyong ng buhay! Tenyong:

(Anyong aalis) (Sarili) Kaawa-awa! (Tuluyang aalis.) Julia: (Biglang lilingon) Te! Yumao na! (Papasok) Tagpo 10.a(Tugtuging nagpapakilala ng damdamin. Pagdating ng bahaging masaya ay

maririnig ang sigawan sa loob.Mga prayle at mga kasama ni Tenyong at si Tenyong.) Isa: Ah, lahi ni Lucifer! Magsisi kat oras mo na! Tenong: Ikaw ang natay sa ama ko, taksil!

6
Kura 1.0: Perdon, patawarin ninyo! Kura 2.0: Desgraciadas! Tenong: Walang utang na hindi pinagbayaran!

Wakas ng Unang Bahagi Ikalawang BahagiI TAGPO (Bahay ni Julia)(Julia at Juana)Salitain Juana: Julia, igayak ang loob mo; Papunta na si Miugel at ang kanyang ama, silay pagpapakitaan

nangmainam. Julia: Kung pumarito po sila, ay di kausapin mo po! Juana: Bakit ba ganiyan ka makasagot, Julia? Hindi naman siya pangit Kung tutuusin ngay siyay lipi ngmabubuting tao, bugtong na anak at nakaririwasaano pa

kulang? Julia: Ako po, inang ko, ay hindi naghahangad ng mga kabutihang tinuran mo, ang hinahangad ko po ay. Juana: Ay ano? Duluhan mo, sabihin mo at nang maintindihan ko. Julia: Ang tanggapin pong mahinusay ng puso

ko. Juana: (Natatawa) Julia, akoy natatawa lamang sa iyo, ikaw ay bata pa nga anong pusu-puso angsinasabi mo? Totoo ngat noong unay kapag may lalaking nangingibig ay tinatatanggap ng mga mata atitinutuloy sa

puso, at kung ano ang kaniyang tibok ay siyang sinusunod. Subalit ngayoy iba na, nagbagonang lahat ang lakad ng panahon ngayoy kung may lalaking nangingibig ay tinatanggap ng mga mataat itinutuloy dito

(hihipuin ang noo) dito sa isip at di na sa puso; at kung ano ang pasya ng isip ay siyangpaiiralin: ang puso sa panahong ito ay hindi na gumaganap ng maganda niyang katungkulan, siyaynagpapahingalay na Julia:

Nakasisindak, inang ko, ang mga pangungusap mo! Ako poy hindi makasunod sa masamangkalakaran ng panahon, dito po ako makatatakwil sa tapat na udyok ng aking puso. Juana: Julia, tila wari . . . . may kinalulugdan ka na

bang iba? Julia: Wala po! Juana: Kung wala ay bakit ka sumusuway sa aking iniaalok? Nalaman mo na, ang kagalingan mong sariliang aking ninananais. Ang wika ko baga, ay bukasmakalaway magaasawa ka rin lamang

ay kungmapapasa-moro, ay mapasa-Kristiyano na!(Papasok)

7
Julia: (Sarili) Moro yata si Tenyong! II TAGPO (Julia at Monica)Salitain Julia: Monicaaaaaaaaaa,

MonicaaaaaaaaaaMonic a: (Sa loob) Pooo! Julia: Halika!(Lalabas si Monica) Pumaroon ka kay Lukas, sabihin mong hinihintay ko siya; madali ka..Monica: Opo (Papasok) III TAGPO

(Julia-mamayay Miguel, Tadeo, Pari Teban, at Juana)Musika Dalit ni Julia Oh, Tenyong niyaring dibdib,diyata' akoy iyong natiisna hindi mo na sinilipsa ganitong pagkahapis. A y! Magdumali kat daluhan,tubusin sa

kapanganiban,huwag mo akong bayaangmapasa ibang kandungan.Halika, Tenyong, halika,at baka di na abutinsi Juliay humihinga pa papanaw, walang pagsala! At kung patay na abutinitong iyong nalimutan

8
WALANG SUGAT Ni Severino Reyes
Download this Document for FreePrintMobileCollectionsReport Document
Info and Rating
Jenivie Roxas

Share & Embed Related Documents

PreviousNext
1.
p.

p.

p.

2.
p.

p.

p.

3.
p.

p.

p.

4.
p.

p.

p.

More from this user

PreviousNext
1.
14 p.

Recent Readcasters

Add a Comment

Upload a Document
Search Documents

Follow Us!
scribd.com/scribd twitter.com/scribd facebook.com/scribd

About Press Blog Partners Scribd 101 Web Stuff Support FAQ Developers / API Jobs Terms Copyright Privacy
Copyright 2011 Scribd Inc. Language: English

You might also like