Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Konklusyon: Ang panitikan ay isang paraan upang makita ang realidad ng buhay dahil ito mismo ay sumasalamin sa buhay

ng tao. Naririto lahat ng kanilang iniisip at nararamdaman sa mga nakalipas na panahon. Ito ay nakamamangha sapagkat ang panitikan ay kayang magpatuloy sa pag agos ng oras at panahon. Hindi ito kumukupas kaya naman kung ano ang mga nailimbag dati ay siya parin nating nakikita at nababasa ngayon. Nakalulungkot isipin na sa pagiging matatag ng panitikan sa pagtayo habang umaandar ang panahon ay ang iba sa mga uri nito ay nawawala ng paunti-unti. Hindi na napigilan pa ang pagkawala ng ibang mga panitikan na sa pagsasalita lamang nabubuhay dahil sa ito ay sa pasalitang paraan isinasalin upang mapanatili. Mas makabubuti na ang mga tao mismo ang umagap sa patuloy n pagkawala ng ibang uri ng lumang panitikan upang sa gayon ay makita pa ng mga susunod na henerasyon ang kasaysayan ng kanilang lugar na kinalalagyan. Bilang isang magiging guro sa hinaharap, mainam na malaman natin kung anu-ano ba ang mga katangian ng isangpanitikan at kung papaano natin ito malikhain na maituturo sa mga estudyante upang sa gayon ay matutunan nilang mahalin ang panitikan dahil kung aminin man o sa hindi, ang mga estudyante ng makabagong panahon ay hindi interesado sa panitikan sa simpleng kadahilanang mahaba ito at nakakaantok basahin. Nararapat lamang na alam ng magiging guro sa hinaharap ang mga pangyayari na kaakibat ng panitikan at kung papaanong istratehiya ang kanyang gagamitin sapagkat hindi lahat ng seleksyon ay maaaring ituro sa iisang paraan lamang. At dahil guro ang naghuhulma sa personalidad ng estudyante, kahusayan sa panitikan ang siyang dapat pairalin dahil isa sa mga panahong lilipas, ang dating estudyante ay maaring nagsusulat na ng ibat ibang uri ng tala ng buhay ng pag iisip at pakiramdam ng mga tao.

You might also like