Katayuan Bago Maging Kolonya

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Katayuan bago maging kolonya

Ang kayariang panlipunan ng Pilipinas bago maging kolonya ay nagbibigay ng pantay na pagpapahalaga
sa kahanayang maka-ina at maka-ama. Dahil sa pamamaraang ito, napagkalooban ang mga
kababaihang Pilipino ng higit na kapangyarihan sa loob ng isang angkan. Mayroon silang karapatang
magkaroon ng ari-arian, makilahok sa kalakalan at maaaring hiwalayan o dibosiyuhin ang asawang lalaki.
Maaari rin silang maging pinuno ng nayon kung walang tagapagmanang lalaki sa katungkulan. Bago
dumating ang mga Kastila, maaari ring makamit ng mga Pilipinong babae ang katayuang babaylan, mga
babaeng manggagamot o mataas na babaeng pari at astrologa.
[4][5][6][7]

[baguhin]Hispanikong Pilipinas


Mga kababaihang locana.
Noong kapanahunan ng pagkakolonya ng Pilipinas, inilagak ng mga Kastila ang mga Pilipinas sa isang
pampangalawang katayuan sa lipunan, habang niluluwalhati at itinatakda ang Birheng Mariabilang
huwaran ng mga Pilipinong babae. Ang pagsapit ng mga Kastila at Katolisismo ang siya ring nagtakda ng
tungkulin ng mga katutubong kababaihang Pilipino sa simbahan, sa kumbento, at sa tahanan.
[4][5][6]

[baguhin]mpluhong Amerikano
Nang matalo ang Espanya sa Digmaang Kastila-Amerikano noong 1898, ipinaubaya ang Pilipinas sa
Estados Unidos ng Amerika. pinakilala ng Amerika ang pamamaraan ng edukasyong pampubliko, na
naging sanhi ng pagbabago sa mga gampanin ng mga kababaihan sa lipunan. Naging mga impluwensiya
rin sa kaisipan ng Pilipinong kababaihan ang mga demokratikong diwa ng halalan at mga partidong
politikal. Sa pamamagitan ng mga sistemang kahalintulad ng sa mga paaralang Amerikano, naging mga
propesyunal ang mga babaeng Pilipino.
[6][8]

[baguhin]Pangkasalukuyang mga gampanin
May gampanin sa pagpapasiyang pangmag-anak ang mga pangmakabagong-panahong mga
kababaihan Pilipino. Sila ang nangangasiwa ng pananalapi, gumaganap bilang mga tagapangaral na
pampananampalataya, at maaari ring maghanda at makipagkasundo hinggil sa mga pagpapakasal ng
mga anak na lalaki at babae, na may pagpupunyagi upang mapainam ang mga ugnayang dinastiko ng
mag-anak. pinapakita ng pag-angat nina Corazon Aquino, melda Marcos at Gloria Macapagal-
Arroyo bilang mga mamamayan ng politika na may paggalang sa mga kababaihan ang lipunang Pilipino,

sa kabila ng pangingibabaw ng mga kalalakihan, at bagaman kalimitang nilalarawan ang mga babae
bilang mga tagapag-alaga ng kanilang mga asawang lalaki.
[5][6]

[baguhin]Sa tagpuang urbano
Sa nasasakupan ng hanapbuhayan sa kalakhang kalunsuran, pangkalahatang binibigyan ng trabaho ng
mga kumpanya at negosyo ang mga kababaihan para sa mas murang bayad at mababang mga
tungkulin. Karaniwan, kinukuha ang mga lalaki para ilagay sa puwestong propesyunal at ang mga
kababaihan para sa mga posisyong pangsekretarya, bagaman magkapantay sa antas ng pinag-aralan.
Hindi lamang tatanggap ng mababang sahod ang Pilipina, kundi may dagdag na mga gampaning
pangkalihim. Nagsisimula sa pagkabata ang ganitong "kaisipang pangkatulong." Sa paaralan, kalimitang
nahahalal sa mga posisyong pangsamahan ang mga batang lalak katulad ng pangulo at pangalawang
pangulo, habang bilang mga kasapi naman o mga ingat-yaman ang mga batang kababaihan.
Sinusubukan ng mga batang babae ang kanilang kahalagahan sa pamamagitan ng pagtitiyaga sa mga
gawain at sa pagiging responsableng mga mag-aaral. Kung ihahambing sa lalaking Pilipino, dinadala ng
mga kababaihan ng Pilipinas ang kanilang obligasyon sa pagbibigay ng suportang pampananalapi sa
mag-anak pagkaraan ng kanilang mga panahon sa pag-aaral at maging pagkalipas ng kasal. Sa kabilang
panig naman, naitatabi ng lalaki ang kaniyang suweldo at walang hinahawakang obligasyon sa mag-
anak.
[1][8]

Subalit, ang mga pangkasalukuyang gawi sa pamamahala ng mga tauhan sa kumpanya at negosyo ang
nagbigaydaan sa pagkakaroon ng pagkakapantay-pantay. Matutunghayan na ito ngayon sa pagkakaroon
ng maraming mga babaeng humahawak ng mga matataas na mga puwesto sa malalaki at maliliit na mga
samahan. Marami na ring mga kababaihang may mga katungkulang pangtagapamahala at
tagapangasiwa sa mga bangko, pamahalaan, at maging sa mga kumpanyang multinasyonal.
[baguhin]Tagpuang ruraI at pangkaangkanan
Sa mga areang rural, pag-aari ng tahanan ang babaeng Pilipino. Lumalapit sa kaniya ang mga bata para
humingi ng salapi at tulong. Siya ang ingat-yaman ng mag-anak. Pinangangalagaan niya ang mga
pangangailangang pangkaaralan ng mga bata. Para sa mga hindi kasapi ng mag-anak na
nangangailangan ng kalinga, ang asawang babae ang taong dapat lapitan. Ngunit hindi siya ang taong
magsasagawa ng huling pagpapasya o ang taong magaabot ng salapi.
[1][9]

Subalit, taliwas sa mga nabanggit sa itaas, nilarawan ni Juan Flavier - isang manggamot, isang awtoridad
sa kaunlarang pampamayan, at dating senador ng Pilipinas - sa kaniyang aklat na Doctor to the
Barrios (Manggagamot sa mga Baryo) na "aminin man ng ilang mga (Pilipinong) kalalakihan"... "may
angking malaking kapangyarihan ang mga kababaihan ng mga kanayunan sa Pilipinas,"
[10]
partikular na
ang babaeng may-bahay. Natatangi na nga kung ang babaeng may-bahay, na kalimitang
tinataguriang Reyna ng Tahanan, ay naniniwala sa mga biyayang matatanggap mula sa isang partikular
na gawain katulad ng diwa ng pagpaplano ng pamilya sa mga baryo. Binanggit din ni Flavier na "Sa
baryong Pilipino, ang taong may responsibilidad sa tahanan" at sa pamamahala nito "ay ang babaeng
asawa... siya ang may tangan ng susi... sa kaunlaran... ng tahanan."
[11]

[baguhin]asaI at pakikipagkasintahan
Sa mga pook na rural, bihira para sa isang babaeng Pilipino ang manatiling wala pang asawa. Hindi
palagiang posible ang permanente o mahabang panahon ng katayuang pagkadalaga. Sa pamayanang
etniko, kamakailan lamang naganap ang paghahanda ng sariling mga kasal ng mga mismong kalalakihan
at kababaihan. Sa kinaugalian, ang konsehong pangtribo na binubuo ng mga katandaan at ng mag-anak

ng batang lalaki ang nagaayos ng pagtatambal. Kakaunti ang masasabi ng mag-anak ng babae, at hindi
talaga maaaring magsalita ang mismong babae. Halimbawa, batay sa tradisyong pangtribo ng mga
Subanen, maaaring mag-asawa ng higit sa isang babae ang lalaki, at itinuturing na mga pag-aari ng lalaki
ang mga babae. Subalit napapasailalim na ngayon ang ganitong uri ng prosesong interpersonal.
[1]

Sa pakikipag-isang-dibdib, hindi ipinapakita ng mga kababaihan sa kanayunan ang kanilang mga
damdamin sa kanilang mga asawang lalaki, partikular an ang nasa pamayanang may tribo, tiyak na ang
mga paksang may kaugnayan sa pag-ibig at pakikipagtalik. Ganito ito dahil nakaugaliang itinuturing na
pagaari ng asawang lalaki ang kaniyang asawang babae at ang lalaki ang nagpapasya hinggil sa
katawan ng babae. Hindi siya maaaring humiling o hadlangan ang mga kagustuhan ng asawang lalaki.
Dahil sa ganitong pananaw na pangkalinangan, nakadaranas ng mataas na antas ng pangaabuso sa
loob ng tahanan ang mga kababaihang nasa mga pook na rural sa Pilipinas, kapag ihahambing sa mga
nasa lugar ng kalunsuran. Walang kapangyarihan ang mga babae hinggil sa bilang ng kanilang mga
anak. Bilang kinalabasan, hinaharap ng mga pamayanang rural ang labis na populasyon, na isang
lumalaking katotohanang pandaigdig. Kaugnay ng lipunan at pangkabuhayan, walang sapat na lupain o
kapalit na paraan ng pamumuhay.
[1]

Alinsunod sa kalinangan, tinatanaw ang paghihiwalay ng mag-asawa sa pamamagitan ng diborsyo bilang
isang hindi mainam at nakasisirang gawain sa Pilipinas, dahil sa isang kaugalian na nagbabanggit at
nagbibigay diin na ang mag-anak ang pinakagitnang antas ng lipunan, natatangi na para sa asawang
babaeng Pilipino. Hindi tinatanggap na solusyon ang diborsyo para sa anumang suliraning kaugnay sa
pagkakaisangdibdib dahil inuudlot nito ang kaunlaran at pag-usad ng payak na bahagi na lipunan.
Samakatuwid, obligado ang mag-asawang ayusin ang mga gusot sa kanilang buhay sa loob ng
hangganan ng kasal.
[1]

Subalit dapat na laging tandaan, na nagtatamasa ang mga kababaihan sa Pilipinas bago pa naging
kolonya ng mga dayuhan ng katayuang kapantay ng sa mga kalalakihan. Bago sumapit ang pananakop
ng mga banyaga, kapwa nakakakuha ng diborsyo ang mga lalaki at babae para sa ganitong mga
sumusunod na kadahilanan: pagkabigo sa pagsasakatuparan ng mga obligasyong pampamilya, kawalan
ng anak, at pakikiapid. Hahatiin ng patas ang mga anak na sasama sa mag-asawa anuman ang kasarian
ng mga ito, maging ang mga ari-arian. Dahil kinailangang magbayad ng handog pangkasal ng lalaki sa
mag-anak ng babae, inaatasang ibalik ng babae ang handog kapag siya ang napag-alamang may
kamalian. Kapag ang lalaki ang may kasalanan, nawala na ang kaniyang karapatan para maibalik sa
kaniya ang kaniyang handog na halaga.
Pinahahalagahan ng lipunan noong bago sumapit ang kolonyalismo, na walang kinikilingang kasarian.
Kasinghalaga ng mga lalaking anak ang mga babaeng anak, maaring dahil ito sa kalalabasang kaugnay
ng pangkabuhayan, na makakatanggap ng handog na halaga mula sa mga manliligaw o maaaring
maging asawang lalaki at sa kanilang kakayahang makatulong sa mga gawaing pangkabuhayan,
panlipunan, at pampulitika ng mag-anak.
[baguhin]!agbabago, impIuho, at mga pamamagitan
Bagaman binago ng Simbahang Romano Katoliko ang kaniyang posisyon hinggil sa mga gampanin ng
mga kababaihan sa kasal, nananatiling pangalawa pa rin lamang sa lalaking asawa ang babaeng asawa.
Siya ang tagapaglingkod at katulong sa buhay ng asawang lalaki.
Sa mga lugar na urbano, naging mga liberal o mas malaya ang isang Pilipinang wala pang asawa dahil
sa impluwensiya ng Kanlurang kalinangan. Bagaman hindi pa rin katanggap-tanggap sa kultura ang

gawain ng pag-imbita ng isang babaeng walang asawa sa isang lalaki upang ipakita ang damdamin o
pag-aya sa pamamasyal o pagkain sa labas, natutunan ng mga Pilipinang gamitin ang "wika ng katawan"
o pagpapahiwatig sa pamamagitan ng mga kilos ng katawan o mga bahagi nito para ipadama ang
kanilang kagustuhan at kahandaan sa pagkakaroon ng pakikipag-ugnayan sa isang lalaki.
Sa mga pamayanang rural, hindi pa rin pinapahintulutan ang mga Pilipina na maging masyadong liberal.
Kailangan pa rin nilang impitin at itago ang kanilang mga katangian at seksuwalidad, at dapat na
magpakita ng buong kawalan ng kagustuhan sa pakikisalamuha sa mga lalaki upang mapanatili ang
reputasyon at paggalang sa sarili.

You might also like